Chapter 10

1118 Words
Nagising akong lutang at pakiramdam ko may nakalimutan akong nangyari. Pilit kong inalala pero kahit anong isip ko hindi ko maalala. Matagal akong nakatitig sa kawalan at nagmuni-muni hangang tumunog na ang aking alarm clock. Ang alam ko lamang lumabas kami ni Pablo kagabi pero bukod doon wala na akong maalala pa sa nangyari. Namulat na lamang ako kaninang madaling araw na nakahiga na ako sa kama at maayos na naka-kumot. Kung tanungin ko kaya si Pablo? Pero paano ko naman siya tatanungin? Napakamot ako sa ulo ko dahil talagang may kung anong gumugulo sa akin. Para akong nanaginip pero hindi ko maalala. Napakamot na lamang ako sa ulo ko at nagpatuloy sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako na nakatuwalya at namili ng damit na isusuot. Hindi pa naman kami obligadong mag-uniform kaya freestyle lang muna ang sinusuot ko. Isang pares ng pantalon at blouse na kulay puti. Pagkatapos kong magbihis ay nagsuklay naman ako aty naglagay ng manipis na liptint at pulbos. Kinuha ko ang isang pares ng doll shoes pati na rin ang bag ko bago ako lumabas ng kuwarto. Pagbaba ko ng hagdan ay nasalubong ko si Mama Sabel. “Ang aga mo ah, mabuti naman at nakahanda na rin sa labas ang almusal. Nagluto ako ng tapsilog. Sabayan mo na si Pablo dahil wala pa si Celso.” Wika niya sa akin. “Okay po, thank you Mama.” Nakangiting sabi ko sa kanya. Nginitian din niya ako pagkatapos ay nagpaalam na aasikasuhin ang baon ko. Paglabas ko ng bahay ay nakita ko agad si Pablo na nakaupo sa harapan ng mesa. Mas maaliwalas dito kumain sa labas dahil nalililiman ng mayabong mga dahon ng malaking puno. Nakahain na rin ang almusal pero hindi pa siya nakain. “Hi.” Bati ko sa kanya. Napa-angat siya ng tingin sa akin. “Kumain na tayo kanina pa kita ina-antay.” Nakangiting sabi niya. Naghila ako ng upuan at naupo sa harapan niya. “Am, Pablo? Diba nagkita tayo kagabi?” Napatigil siya sa pagsandok ng kanin at tumingin sa akin. “Oo, bakit?” Napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko alam kung paano u-umpisahan ang pagtatanong sa kanya. “K-kasi, nakalimutan ko kung ano ang ginawa at pinag-usapan natin kagabi.” Nagdadalawang isip na tanong ko sa kanya. Ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng tawa kaya lalong kumunot ang noo ko. “Seriously? Bakit mo nakalimutan? Ulyanin ka na ba?” Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Bakit ko nga ba kasi nakalimutan yun? Imposible naman na hindi ko maalala yun. At imposible naman na panaginip lang yun kasi hindi nga ako makatulog kagabi. Napansin siguro niya ang pananahimik ko kaya tumigil siya sa pagtawa. “Nag-usap lang tayo kagabi. Pagkatapos ay inantok ka na.” Wika niya sa akin. Nag-usap? Yun nga lang ba talaga? “Wait? Don’t tell me iniisip mong bukod sa pag-uusap may ginawa pa tayo?” Makahulugan niyang tanong sabay ngisi sa akin. Nahihimigan ko na kung saan patungo ang usapan namin kaya tinaasan ko siyan ng kilay. “Hindi yun ano!” Depensa ko sa kanya na ikinailing niya. Pagkatapos ay bigla siyang sumeryoso ulit. “Nag-usap lang tayo Mia, mabuti pa kumain na tayo dahil baka malate pa tayo sa school.” Wika niya sa akin. Hindi na lamang ako ulit nagsalita at kumain na rin ako. Pagkatapos ay uminom na ako ng gatas at inabot na rin sa akin ni Mama Sabel ang baon ko. Pati si Pablo ay ipinagbalot na din niya. Bago kami nagpaalam sa kanya. “Sabay na tayo mamaya kumain. Sa ilalim ng puno na lang tayo kumain kaysa makipagsiksikan doon sa canteen.” Suhestion niya sa akin. “Ano? Ayoko nga. Saka isa pa kasabay ko si Lucy.” Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. Akmang tatawid na sana ako pero bigla niya akong hinila. Nagulat ako sa ginawa niya dahil nasa dibdib na niya ang mukha ko at mahigpit siyang nakaakap sa akin. Ngunit mas nagulat ako sa sasakyan na mabilis na dumaan sa tabi namin. At nang mapatingin ako sa kotse ay nagimbal ako sa mga sumunod na nangyari. Ang kotse ay sumalpok sa malaking pader ng bahay at kalahati na lang ang nakalabas sa katawan ng kotse. Napa-angat ako ng tingin kay Pablo at magkadugtong ang kanyang kilay habang matalim na nakatingin sa kotse. “Sa susunod mag-iingat ka kapag tatawid ka.” Seryosong sabi niya nang yukuin niya ako ng tingin. Nagkagulo sa buong paligid madaming naglapitan doon sa bumangang kotse. Pero baliwala lang kay Pablo at inaya na niya akong tumawid na parang walang nangyari. Habang ako ay naroon pa din sa duguang bangkay ng driver na nilalabas sa kotse ang mga mata ko. Hangang sa hinarangan na niya ang mata ko gamit ang kanyang kamay. “Tara na, hangang doon na lang talaga ang buhay niya.” Wika niya sa akin. Hindi na lamang ako tumingin ulit dahil hindi ko na rin naman makita sa dami ng tao. At nang pumasok na kami sa gate ng school ay binitawan na niya ang kamay ko na kanina pa pala niya hawak. “Sunduin kita mamaya at wag mo nang subukan na magtago ulit sa akin kung ayaw mong maulit-ulit ang nangyari.” Wika niya bago niya ako tinalikuran. Maulit-ulit ang nangyari? Saka paano niya nalaman na tinaguan ko siya? Naguguluhan na ako kay Pablo. Minsan, okay naman siya kasama. Pero madalas kong napapansin na may kakaiba sa kanya. Hangang sa napatigil ako sa paghakbang nang biglang lumarawan sa isip ko ang isang pangyayari. Kung saan may isang lalaking inilapit ang mukha sa akin at hinalikan ako. Malabo ang kanyang mukha at hindi ko gaanong maaninag dahil nababalutan ng usok ang eksena na akong naalala. Panaginip lang kaya yun? Sino ang lalaking yun? Napapailing at pilit kong inaalis sa aking isipan ang mga naalala ko. Baka isa lang yun sa napaniginipan ko. Pagdating ko sa classroom ay naabutan ko silang nagkukumpulan at may kung anong pinag-uusapan. Paglapit ko sa upuan ay naroon na din si Lucy. “Alam mo na ba?” Tanong niya sa akin nang ibababa ko pa lamang ang bag ko. “Ang alin?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. “Si, Roy. Natagpuan na wala ng buhay.” “Ano?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “Oo, sa likod ng building natin. Kanina lang umaga nakuha ang bangkay niya kaya nagkakagulo ngayon sa dean office. At isa pa mamaya may darating na mga pulis para mag-imbestiga.” Napaupo ako sa aking upuan. Kung sa likod siya natagpuan ibig bang sabihin noon yung lalaking yun ang pumatay sa kanya? Kailangan kong makausap si Pablo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD