Chapter 12

1673 Words
MIA Napa-isip ako sa sinabi ni Andeng. Gusto kong subukan ang sinabi niya kanina. Pero paano? Natatakot ako baka may malaman ako tungkol sa mga nangyayari? Anong gagawin ko? “Hoy! Kanina ka pa tahimik diyan ah!” Nagulat ako nang bigla akong tapikin ni Lucy. Saka ko pa lamang napansin na umalis na pala yung teacher namin sa last subject. “Bakit? May problema ba? Yung tungkol pa rin ba kay Roy?” Usisa niya. Sinabi ko kasi sa kanya yung tungkol sa sinabi ko sa mga pulis kaninang lunch. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari kay Pablo. Kung nakausap na ba siya ng mga pulis. “Ah, w-wala, okay lang ako.” Pagdadahilan ko sa kanya. “Tara na! Nandiyan na yung sundo ko, by the way anong gagawin mo tomorrow? Mahaba ang araw na wala tayong pasok dahil holiday bukas kaya three days tayong hindi magkikita.” Tanong niya sa akin. “Hindi ko alam eh baka magbabasa na lamang ako sa bahay.” “Ano ba yan, ang boring! Sama ka sa amin ng best friend ko. Pupunta kami sa club bukas ng gabi.” Alok niya sa akin. “Club? You mean iinom at magsasayaw?” Ulit kong tanong sa kanya. Hindi pa kasi ako nakakapasok sa ganun kahit yayain ako ng mga friends ko sa Manila dahil ayokong magpaalam kila Mom and Dad. Ayoko kasing gumawa ng mga bagay na ikakagalit nila. “Ano ka ba! Minsan lang naman. Dapat maranasan mo yung mga ganun kasi kapag naka-graduate na tayo sa mga work na tayo magfofocus wala na tayong time to enjoy.” Pamimilit ni Lucy sa akin. “Eh kasi, baka hindi pumayag si Mama Sabel.” Pagdadahilan ko sa kanya. “Eh di tumakas ka bukas ng gabi. Abangan ka namin sa labas wag ka ng magpaalam. Masaya yun Mia!” Dagdag pa niya. Sabagay, maaga naman natutulog si Mama Sabel madali akong makakapuslit saka madali lang naman buksan ang gate kaya siguradong hindi magigising si Tatang at si Pablo. “Subukan ko.” “What? Come on Mia, sige na pumayag ka na. Kahit mga eleven ng gabi ka namin sunduin tapos balik na tayo ng three in the morning.” Pangungulit niya pa sa akin. Napabuntong hininga ako at kalaunan at tumango ako sa kanya. “Okay, pero isang beses lang ha?” “Really? Yehey! Tara na!” Masayang sabi niya sabay hila sa akin pababa ng building dahil nasa second floor yung room namin. Napatigil ako sa paghakbang nang makalabas na kami ng building nakita ko kasi si Pablo. “Maiwan na kita. Ingat!” Paalam niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at kumaway. Suminghap muna ako bago humakbang papalapit sa kanya. “Mabigat ba ang bag mo? Ako na ang magdadala.” Mahinahon na sabi niya sa akin. Hindi ko na din nakikita ang maitim niyang mga mata. Bumalik na ito sa dating brown na kulay. “Hindi, kaya ko na.” Naiilang na sagot ko sa kanya. Sumabay siya ng lakad sa akin. “I’m sorry for what happened sa gym. I hope kalimutan mo na yun. Ang totoo hindi ko napansin si Roy noong time na nakita kitang nakasandal sa gilid ng building. Sayo lang kasi ako nakatingin kaya hindi ko nakita na may iba papalang tao maliban sa’yo. Hindi ko rin naabutan yung sinasabi mong lalaki.” Napatingin ako sa kanya habang sinasabi niya yun. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. Yung aura niya ngayon parang yung aura niya noong sinabayan niya akong umuwi at inabot kami ng ulan. Nawala ang takot ko sa kanya. “Natakot lang ako sa nangyari sa kanya. Sabi kasi ng pulis hindi ordinaryo ang may gawa noon kay Roy.” Wika ko sa kanya. “Wag mo nang isipin yun. Sarado na ang kaso.” Sambit niya na ikinagulat ko. “Sarado na? Anong ibig mong sabihin?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. “Nakuha sa CCTV ang taong gumawa noon sa kanya. At nahuli na siya, outsider siya at dati na ring napatalsik sa universidad dahil kay Roy. Gumanti lang ito.” Paliwanag niya sa akin. “Kung ganon, kaaway ni roy ang gumawa noon? Pero bakit niya ako niligtas?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Hindi ka niya niligtas. Nagkataon lang na nandoon ka noong time na yun. Hindi nakuhanan sa akto ang ginawa niya ngunit nakita ang pagpasok at paglabas niya sa kabilang building.” Patuloy na paliwanag niya sa akin. “Ganun ba? Sana mabigyan ng katarungan ang pagkawala niya.” Sagot ko. Habang naglalalakad kaming dalawa pauwi ay may nadaanan kaming lamay. Sampung bahay lang ang pagitan nito mula sa ancestral house ni lolo. Napatingin ako sa tarpulin at nakita ko ang mukha ni Roy. “Dito siya nakatira?” Akmang lalakad na sana ko upang pumasok sa loob ng bahay nang pigilan ako ni Pablo. “Alam na nila na ikaw ang huling kasama ni Roy bago siya mamatay. Hindi makakabuti kung makikita ka nila.” Paalala niya sa akin. “Pero wala akong ginawang masama!” Litanya ko sa kanya. Hinila ko ang kamay ko at tumawid ako sa kabilang kalsada. Napatingin ako sa kabaong na kulay puti at napapalibutan ng bulaklak. Papasok na sana ako sa loob ngunit hinawakan ako ni Pablo. “Tara na umalis na tayo.” Mariing utos niya sa akin. Nakatitig siya sa mga mata ko at tumango ako sa kanya. Namalayan ko na lamang nasa loob na ako ng gate ng bahay ni lolo. “Pumasok ka na.” Utos niya ulit sa akin. Naging sunod-sunuran ako sa lahat ng sinabi niya. Hangang sa pagpasok ko ng kuwarto ay saka ko pa lamang naisip ang nangyari. Pakiramdam ko may nag-uudyok sa akin na wag nang tignan ang labi ni Roy. Dahil masama ang pakiramdam ko nagpahatid na lamang ako ng pagkain sa aking kuwarto. Pero iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Pagkatapos kong kumain ay nagpunta ako sa banyo upang maligo para maging presko ako sa pagtulog. Kinabukasan nagising ako mataas na ang araw. Sinilip ko ang relo at nakita kong halos mag-tatanghalian na. Pagkababa ko ng kusina ay naamoy ko na ang masarap na luto ni Mama Sabel. “Mabuti naman at gising ka na. Tatlo lang tayong kakain ngayon dahil umalis si Pablo kaninang umaga.” Wika niya sa akin. “Po? Umalis? Bakit po? Holiday naman ngayon ah?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya. “Ang sabi sa akin ng tatay niya anniversary daw nila ng girlfriend niya kaya pupunta daw ito sa Manila upang surpresahin ito.” Girlfriend? Hindi ko alam na may girlfriend pala si Pablo. Hindi na lamang ako umimik at tinulungan ko na rin siyang nagluto. Kinagabihan ay hindi pa rin nauwi si Pablo. Kami lang ang naghapunan. Nakailang tawag naman si Lucy sa akin. Ang kulit talaga ng babaeng yun. Ang sabi niya sa akin ay wag na daw akong magbibihis at mag-aayos sila na daw ang bahala para in case na mahuli ako hindi malalaman ni Mama Sabel. Kaya nakaterno pajama ako sa pagtulog para sa pagpuslit ko mamaya bago maghating gabi. Maaga akong natulog at nag-alarm lang ako ng mahina, isang oras bago ang call time namin upang kahit paano hindi ako antukin sa pupuntahan namin. Saktong alas-dyes tumunog ang alarm ko. Nagmadali akong bumangon at naghilamos pati na rin nag-tooth brush. Kumuha ako ng doll shoes hindi na ako nagdala ng iba pang gamit dahil siya na daw ang bahala sa gagastusin namin. Dahan-dahan ang naging hakbang ko pababa ng hagdan at nagawa kong makalabas ng gate ng walang nakakarinig sa akin. Siguradong mahimbing na ang tulog ng mga yun. “Bilisan mo Mia!” Mahinang tawag sa akin ni Lucy nakalabas ang kanyang ulo sa bintana ng van. At hindi ko halos nakilala ang kanyang mukha dahil sa kapal ng kanyang make-up nagdalawang tingin pa ako mabuti na lamang tinawag niya ang pangalan ko. Mabilis akong tumawid at binuksan naman ni Mia ang pinto. Pagpasok ko ay hindi ko inaasahan na marami pala kami sa loob. “Hi, mga kaibigan kami ni Lucy.” Nakangiting wika ng isang lalaki na nasa unahan katabi ng driver. Napatingin ako kay Lucy akala ko kasi kami lang tatlo kasama yung best friend niya. “Wag kang mag-alala pinsan ko itong dalawa at ito nga pala yung best friend ko. Alex! Lumingon ka dito!” Tawag niya sa unahan na may hawak ng manibela na lalaki din may nakita din akong dalawang babae sa likuran namin at dalawang lalaki katabi nila. Walo kaming lahat na nasa loob ng van. “Hi Mia, I’m Alex.” Nakangiting pakilala niya sa akin. Pati yung mga nasa likod ay nagpakilala na rin. Habang uni-unti na ding lumalayo kami sa bahay ni lolo. Hindi na ako makakatangi pa dahil nahiya na ako. “By the way bago tayo sa club pagbibihisin muna kita at pagagandahin dito. Paunahin na natin sila na pumasok para makapag-reserve ng upuan.” Nakangiting sabi niya sa akin. May glitters pa ang kanyang mga mata. Maganda talaga si Lucy. At masasabi kong guwapo din at magaganda ang kanyang mga kaibigan sa tingin ko mas matanda sila sa amin. “Wag mong kapalan yung make-up. Hindi na naman kailangan at maganda na si Mia.” Narinig kong sabi ni Alex napatingin ako sa rearview mirror at nakita kong kinindatan niya ako. “Tse! Wag ka nga! Ihahanap ko siya ng boyfriend kaya kailangan maganda ang kaibigan ko.” Mataray na sabi ni Lucy. “Ano? Ayoko!” Pagtangi ko sa kanya. “Nakita mo? Ayaw niya, saka hindi mo na kailangan na humanap pa. Nandito naman kami ni Alex.” Nakangising sabi ni Drey. Siya yung unang bumati sa akin kanina. “Isa ka pa! Wag kang maniwala sa kanila mga playboy ang dalawang yan.” Litanya ni Lucy sa akin. Nagtawanan yung mga nasa likod ko. Pero ako naiilang at parang gusto ko nang magsisi kung bakit sumama pa ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD