Chapter 11

1732 Words
MIA Dahil sa nangyari kay Roy ipinagpaliban ng pang-umaga naming teacher ang klase. Maaga din na nag-datingan ang mga pulis upang mag-imbistiga. Nagpaalam ako kay Lucy upang lumabas muna sa classroom. Kaagad kong tinawagan si Pablo. Isang ring pa lamang ay sinagot na niya agad ito. “Puwede ba tayong magkita mamayang lunch?” Seryosong tanong ko sa kanya. “I don’t have class ngayon na tayo magkita wala ka ding klase hindi ba? Magkita na lang tayo sa basketball court.” Wika niya sa akin at pinatayan na agad niya ako ng phone. Nagmadali akong naglakad patungo sa basketball court. Malayo ito sa mga buildings at may bubong din ito. Hindi ito nakakandado kaya pumasok na rin ako. Malinis ang paligid ng basketball court dito siguro nagaganap ang laban ng mga atletang kasali sa mga sports. “Pablo.” Mahinang tawag ko sa kanya. Nag-echo pa ang boses ko sa kabuohan gym. “Bakit gusto mong makipagkita sa akin?” Napadako ang tingin ko sa kanan na pinto kung saan siya lumabas at lumakad siya papalapit sa akin. Ilang dipa na lamang ang layo namin sa isa’t-isa at nasa gitna kami ng basketball court. “Gusto ko lang malaman. Diba ikaw ang nag-uwi sa akin sa bahay kahapon? Anong nangyari? Yung lalaking nanakit kay Roy? Nakita mo ba siya? Nakilala mo ba siya? Kailangan nating sabihin sa mga pulis ang nangya—” “Why? Sinaktan ka ng Roy na yun remember? Paano kung hindi dumating yung lalaking tinutukoy mo? Eh di sana ikaw ang nakitang wala ng buhay sa likuran ng building.” Seryoso niyang sagot sa akin. “Ano? Mis-understanding lang ang nangyari sa amin ni Roy, Pablo. Pero hindi ko naman gusto na mamatay siya.” Katwiran ko sa kanya. Kahit ako ay hindi ko rin mahanap ang sagot kung bakit niya ginawa yun. Pero feeling ko ako ang may kasalanan ng pagkawala niya. “He deserved it. Sinaktan ka niya at hindi ko siya mapapatawad.” Awang ang labi ko nang marinig ko yun mula sa kanya. Salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin. Seryoso siya sa kanyang mga sinasabi. “You mean…may kinalaman ka sa pagkamatay ni R-Roy?” Lakas loob na tanong ko sa kanya. Nalipat sa akin ang matalim na titig niya. At humakbang siya papalapit sa akin. Para akong naitulos sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko may pumipigil sa kamay at paa ko na kumilos at umiwas sa kanya. Nagtaasan ang balahibo ko at kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kung tumingin sa akin. “Ahhhhh!” Napaluhod siya sa sahig sapo ang kanyang ulo na ikinagulat ko. “Pablo? Anong nangyayari?” Kinakabahan na tanong ko sa kanya. Gusto kong lumapit sa kanya ngunit hindi ko magawa dahil pakiramdam ko may mabigat na bagay na nakatali sa mga paa ko. “Wag! Aahhh! Hindi ako ang pumatay kundi ikaw!” Sigaw niya. Nangingilid na ang luha ko sa takot dahil sa malalim niyang boses nagpagulong-gulong na rin siya sa sahig at hindi ko alam kung ano ang iniinda niyang sakit. “Lubayan mo na ako Damion! Hindi mo makukuha ang katawan ko!” Patuloy na sigaw ni Pablo. Damion? Sinong Damion? “Pablo! Ano ba talaga ang nangyayari sa’yo?!” Hindi ko na napigilan ang paghikbi dahil sa labis na takot. Gusto ko siyang lapitan ngunit natatakot ako at nakadagdag pa sa takot ko na hindi ako makagalaw. “No! Akin lang ang katawan ko! Demonyo ka! Bumalik ka sa pinangalingan mo!” Patuloy na sigaw ni Pablo. Pinilit niyang tumayo ngunit nagulat na lamang ako nang bigla siyang bumagsak sa sahig. “Pablo!” Gumaan ang mga paa ko at mabilis ko siyang nilapitan. “P-Pablo? Pablo? Gumising ka! Ano bang nangyayari? Bakit ka nagkakaganyan?” Nagulat ako at nawalan ng balanse kaya napaupo ako sa sahig nang bigla siyang dumilat. Ang kulay brown niyang mga mata ay naging kulay itim na itim. At parang aatakihin ako sa puso nang biglang dumapo sa akin ang titig niya. “Walang sinuman ang mananakit sa’yo Mia. Lahat sila mamatay. Pag-aari kita, akin ka, akin ka lang.” Seryosong sambit niya habang nakatingin sa akin. Nagbago din ng timbre ang boses niya at naging mas malalim pa ito. Tumayo siya at humakbang palabas ng basketball court. Naiwan akong nakatulala at pino-proseso ang mga sinabi niya. Walang puwedeng manakit sa akin? At pag-aari niya ako? Napayakap ako sa aking sarili dahil sa malamig na hangin na humampas sa balat ko. Nakakapagtaka lang kulob ang gym na ito at hindi rin bukas ang aircon. Pero saan nangaling ang malamig na hangin na yun? Bigla akong kinilabutan sa lahat ng nangyari at nagmadali akong tumayo upang lumabas ng gym. Bumalik ako sa building namin na wala sa aking sarili. Ngunit pagpasok ko sa loob ng classroom ay sa akin na ang atensyon nilang lahat. “Saan ka nangaling Mia” Tanong ng adviser namin na nakatayo sa harapan. “Nagbanyo lang po.” Sagot ko sa kanila. “Magpunta ka sa dean office, nanduon na si Andeng sinabi niya sa mga pulis na nakita ka daw niyang sa likuran dumaan noong uwian na kahapon kaya kailangan kang tanungin ng mga pulis.” Wika ni Teacher na ikinagulat ko. “Po? Pero Ma’am hindi po ako ang pumatay sa kanya.” Depensa ko. Lumakas ang bulungan ng mga classmate namin at lahat sila ay nakatingin sa akin. “Hindi ko naman sinabing pinatay mo si Roy. Gusto lang makuha ng pulis ang testimony mo para sa kaso.” Dagdag pa ni Teacher sa akin. Napatingin ako kay Lucy at tumango siya sa akin. “Y-yes ma’am.” Sagot ko at kaagad na rin akong nagtungo sa dean office. Pagdating ko roon ay nakita ko ang class president namin na si Andeng nakaupo siya sa at kinakausap siya ng mga pulis. “Ikaw ba si Mia?” Tanong ng isang pulis na nasa pintuan. Tumango ako sa kanya at pinapasok nila ako. Pinaupo nila ako sa harapan ni Andeng. “Wag kang matakot hija. May kaunting katanungan lamang para sa’yo ang mga pulis.” Wika ng Dean namin. Tumango ako sa kanya at humarap sa pulis na umupo sa tapat ko. “Ang dahilan ng ikinamatay ni Roy ay brain hemorrhage. Namuong dugo sa utak dahil sa malakas na pagkakahampas ng ulo niya sa katawan ng puno. Bukod doon nabali pa ang kanyang spinal cord dahil sa puwersang ginamit ng killer. Sinuri namin ang puno at mataas ang pinaghampasan ng katawan niya. Alam kong hindi mo magagawa ang bagay na yun ang gusto naming malaman kung bakit doon ka dumaan sa likuran at kung nakita mo ba ang pangyayari? Wag kang mag-alala hija kaya ka naming protektahan sabihin mo lang sa amin ang totoo.” Wika niya sa akin. Inalala ko ang nangyari kahapon. At nakita ko sa siwang ng salamin na bintana si Pablo sa hindi kalayuan. Nakatayo siya sa malawak na field at mariin siyang nakatingin sa akin. “Dumaan po ako sa likuran dahil may iniwasan po akong tao. Nakita po ako ni Roy at bigla na lang po niya akong sinakal.” “Sinakal?” Naglapitan ang mga pulis sa akin at pati si Andeng ay napatingin sa sinabi ko. “Yes po, akala ko nga po mamatay na ako noong time na yun. Ngunit may bigla dumating at sa isang iglap tumalsik si Roy sa puno. Hindi ko po halos nakita ang mukha ng lalaki dahil nanlabo na po ang paningin ko at nawalan po ako ng malay. Pagkagising ko po ay nasa bahay na ako. Si Pablo ang nag-uwi sa akin. Kaya nagulat na lamang po ako nang malaman ko ang nangyari kay Roy. Pero maniwala po kayo hindi ako ang pumatay sa kanya.” Naiiyak na sambit ko sa pulis. “Sino si Pablo?” Sunod na tanong niya sa akin. Pagtingin ko sa kinaroroonan ni Pablo ay wala na siya doon. “Anak po siya ng caretaker ng ancestral house kung saan ako nakatira ngayon. Kaibigan ko po siya at siya po ang sumusundo sa akin upang isabay po ako sa pag-uwi. Dahil baguhan lang po ako dito sa Bicol. Dito din po siya nag-aaral at graduating na po siya.” “Si Pablo Bautista ba ang tinutukoy mo hija?” Tanong ni Dean sa akin. Tumango ako sa kanya. “Ma’am puwede ba namin na ma-interview ang lalaking tinutukoy ni Ms. Mia?” Tanong ng pulis kay Dean. “Mabait na bata si Pablo, top sa klase at never siyang gumawa ng gulo. Bukod doon athlete din siya ng universidad na ito. Pero kung kailangan niyo ang side niya sige ipapatawag ko siya.” Sagot ni Dean sa kanya at pagkatapos ay bumaling siya sa amin. “Bumalik na kayo sa classroom niyo. Wag niyo munang ipagsasabi ang lahat at hayaan natin na matapos ang imbestigasyon.” “Opo.” Sabay naming sagot ni Andeng sabay kaming lumabas sa dean office. At sabay kaming nagtungo sa building namin. Napatigil ako sa paghakbang nang hawakan niya ang braso ko. “May kilala akong paranormal expert. Gusto mo ba siyang makausap?” Tanong niya sa akin na ikinapagtataka ko. “Paranormal? Bakit?” Usisa ko sa kanya. “I think my nagbabantay sa’yo. At malakas ang kutob ko na may kinalaman ang lalaking binangit mo kanina. Nakita ko kung paano niya tinignan ang sasakyan na muntik ng sumagasa sa’yo. Nandoon ako nang mangyari yun. Maaring normal lang akong tao sa tingin mo pero nakakaramdam ako ng masamang enerhiya sa paligid. Dahil anak ako ng paranormal expert na sinabi ko kanina. Hindi ako nakakakita dahil sa bracelet na ito.” Napatingin ako sa pulang bracelet na nakasuot sa kanya. “Pero malakas ang pakiramdam ko. Sabihin mo sa akin kung papayag ka at dapat tayong dalawa lang ang makakaalam nito naintindihan mo ba?” Dagdag pa niya. Tumango ako sa kanya upang matapos na ang pag-uusap naming dalawa. Dahil kinikilabutan ako sa mga sinabi niya. At naalala ko din ang nangyari kanina sa gym. Maaring totoo ang sinasabi ni Andeng. Simula nang tumira ako sa bahay na yun may kakaiba nang nangyayari sa akin na hindi ko maipaliwanag. Yun nga ba ang paraan upang malaman ko ang sagot sa mga bagay na gumugulo sa akin? What if totoo nga? Ano ang gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD