Chapter 7

1506 Words
Pagkapasok ko sa aking first subject ay tinignan nila ako. Siguro dahil ngayon lang nila ako nakita dahil wala ako kahapon sa unang araw ng klase. Kasama ko si Miss Em ang first teacher namin ngayong araw upang ipakilala ako sa kanila. “Class tahimik, may bago kayong classmate. Kahapon lang siya nagkapag-enroll kaya ngayon lang siya pumasok.” Umayos silang lahat ng upo at sinenyasan ako ni Miss Em na magpakilala. Kaya kahit nahihiya ay pumunta ako sa gitna. “Hi, I’m Mia Eleonor Salviejo.” Nakayukong sabi ko sa kanila. Narinig ko pang nagbulong-bulongan sila pero hindi ko gaano maintindihan dahil bicol ang salita nila. “Tahimik!” Saway ni Miss Em. “Dito ka na Mia!” Tawag sa akin ng isang babae sa kanan. “Hindi dito ka na!” Napatingin naman ako sa kaliwa at may isang babae din na tumatawag sa akin. May bakanteng chair sa tabi nila. Pero mas okay sa akin yung babae sa kanan. Iba kasi ang aura niya at ngiti sa akin. Sa tingin ko makakagaanan ko siya ng loob. “Maupo ka na hija.” Wika ni Miss Em. “Opo, thank you” Magalang na sagot ko sa kanya. Nginitian ko muna ang isang babae para magpasalamat sa alok niya pero sa kanan akong upuan nagpunta. “Sa wakas may maganda na rin sa section natin, ma’am!” Narinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran. “Naku! Umiral na naman yang pagka-playboy mo Roy.” Nakairap na sabi ni Miss Em na ikinatawa ng lahat. “Hi, ako nga pala si Lucy. Marunong ka bang mag Bicolano?” Nakangiting tanong niya sa akin. Inayos ko ang bag ko at kumuha ako ng gamit dahil mag u-umpisa na ang lecture. “Hindi eh, puwedeng tagalog na lang? Isang linggo palang simula nang dumating kami dito kaya wala pa akong alam.” Nahihiyang sabi ko sa kanya. “Ganun ba? Okay, usap na lang tayo mamaya baka mapagalitan na tayo ni ma’am.” Halos pabulong niyang sabi sa akin. Kaya ngumiti na lang ako sa kanya. Tatlong teacher din ang nagturo bago tumunog ang bell para sa lunch. Nagsipaglabasan na ang mga kaklase ko ang iba binati nila ako at ang iba naman ay walang paki-alam. Okay lang sa akin kasi ganun din naman ako kapag hindi sila ang nauunang bumati nahihiya kasi ako baka hindi nila ako gusto. “Hi ganda.” Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Roy. Tipid lang akong ngumiti sa kanya pero siya ang abot na hangang tenga ang ngiti. “Ako nga pala si Roy, your future boyfriend.” Pakilala niya na muntik ko ng ikasamid. “Ehem! Ehem!” Tikhim ni Lucy at humarang sa kanya. Sinamaan niya ng tingin si Lucy. “Kung balak mong ligawan si Mia, wag mo ng ituloy.” Nakairap na sabi niya kay Roy. Tinawanan tuloy siya ng mga klassmate na nasa likuran namin. “Bakit hindi puwede? Wala naman akong girlfrien. Nagseselos ka ano?” Nagulat si Lucy sa sinabi ni Roy sa kanya. “Magseselos? Ako? Tingin mo may gusto ako sa’yo? Hoy! Mangarap ka! Guwapo ka lang pero hindi ka pasok sa standard ko!” Nakataas ang kilay sa inis na sagot ni Lucy sa kanya. Sabay hila niya sa akin palabas ng classroom. “Hoy! Quits lang tayo!” Narinig ko pang sigaw ni Roy sa kanya. “Tsk! Wag mong pansinin ang isang yun halos lahat ata ng magaganda dito nililigawan noon. Feeling siya na ang pinaka-guwapo sa university.” Nakanguso niyang sabi sa akin. “Okay lang hindi rin naman ako nagpapaligaw.” Nang makarating na kami sa canteen ay naghanap kami ng bakanteng upuan sa bandang likod si Lucy lang ang pumila dahil may dala akong baon na niluto ni Mama Sabel. Ma-aliwalas dito sa upuan ko dahil puro puno na ang nasa likuran nito. At bukas ang mga bintana. Bukod doon ay kalahating cemento at kalahating salamin lang ang harang kaya kita namin ang magandang tanawin na puro puno. Kukunin ko na sana ang baon ko nang makita kong umiilaw ang phone ko. Pablo calling… Si Pablo? Bakit naman kaya? Nagdadalawang isip ako na sagutin sinilip ko muna kung matagal pa si Lucy dahil mahaba pa ang pila bago ko pinindot ang green button. “Bakit ang tagal mong sumagot?” Ramdam ko ang pagkairita niya. “Ha? Bakit? May kailangan ka ba?” Napabuntong hininga siya at napatingin naman ako sa papalapit na si Roy na may dalang pagkain. “Saan ka?” Tanong niya sa akin. “Ganda puwede ba dito maupo?” “Sino yan?” Hindi ko alam kung sino ang sasagutin ko sa kanilang dalawa dahil halos sabay pa silang nagsalita. “A-andito ako sa canteen.” Sagot ko sa phone ko nanatiling nakatayo si Roy sa harapan ko. “Punta ako diyan malapit na ang out namin.” Wika naman ni Pablo. “Hindi puwede eh.” Sagot ko kay Roy. “Bakit hindi puwede?” Si Pablo naman ang sumagot. “Bakit hindi puwede? Dalawa lang naman kayo ni Lucy dito.” Sabat ni Roy sa harapan ko. Magsasalita pa sana ako para kausapin si Pablo pero pinatayan na niya ako ng phone. “Hoy! At bakit ka nasa mesa namin?” Naka-pameywang na tanong ni Lucy kay Roy nang maabutan niya ito. “Wala namang pangalan yung mesa ah? Saka anim ang puwedeng umupo dito. Gusto ko lang katabi si ganda.” Sagot ni Roy sa kanya. Magsasalita pa sana si Lucy pero pinigilan ko na siya. “Hayaan mo na kumain na tayo.” Baling ko kay Lucy. Tinaasan niya ng kilay si Roy na naupo sa tapat namin sa tabi ko naman ay si Lucy. Nag-umpisa na kaming kumain at panay ang tanong sa akin ni Lucy tungkol sa kung saan ako dati nag-aral at kung bakit kami lumipat. Hindi naman nagsasalita si Roy pero panay ang kanyang tingin sa akin. Kaya iniiwasan ko na lang na mapatingin sa kanya. “Diyan ka muna kukuha lang ako ng maiinom natin nakalimutan ko eh.” Paalam niya bago siya tumayo. Inirapan pa niya si Roy pero baliwala lang dito. “Nakikiramay ako sa nangyari sa’yo. Pareho pala tayong ulila na nakatira naman ako sa Lola ko ngayon.” Wika niya kahit hindi ko naman siya tinatanong pero nang marinig ko ang sinabi niyang pareho kaming ulila at na-antig ang damdamin ko. At bakas din sa mukha niya ang lungkot. Magsasalita na sana ako nang mapadako ang tingin ko sa salamin at matanaw ko si Pablo na nakasandal sa katawan ng puno at madilim na nakatingin sa akin. “Saan ka pala nakatira?” Tanong ulit ni Roy. “Diyan lang sa malapit, sa lumang bahay.” Wala sa loob na sagot ko sa kanya. Pero pagbalik ko ng tingin sa puno ay wala na si Pablo. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko na siya makita. “Hindi naman siguro sa ancestral house ni Don Tasyo kayo nakatira diba? Yun lang kasi ang alam ko na lumang bahay na malapit dito.” Nabaling ang tingin ko sa kanya nang sabihin niya yun. “Doon nga.” Sambit ko na ikinagulat niya. “What? Doon ka sa sinumpang bahay na yun nakatira?” Gulat na tanong niya sa akin. Marahan akong tumango sa kanya. “Sinumpa? Anong ibig mong sabihin?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Pero bigla siyang natulala at dumerecho ng tingin. Tumayo siya at derechong lumakad bitbit ang kanyang plato na parang wala sa sarili. Anong nangyari doon? Parang nahipan ng hangin. Umilaw ang phone ko sa mesa at nakita ko ulit ang pangalan ni Pablo kaya sinagot ko ang tawag niya. “Wag ka na ulit makikipag-usap sa kanya.” Narinig kong sabi niya sa kabilang linya. Napatingin ako sa puno at nakita ko ulit siyang nakatayo doon hawak ang kanyang phone. “Bakit naman?” Tanong ko. “Sundin mo ang utos ko.” Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Hindi ko mawari pero parang may kakaiba akong nararamdaman sa salitang binitawan niya. “Sinong kausap mo?” Nag-angat ako ng tingin nang dumating si Lucy. “Ah, yung kaibigan ko—” Ituturo ko sana si Pablo pero nawala na ulit siya sa puno. “Hindi mo ako kaibigan. Magkita na lamang tayo mamaya.” Narinig kong sabi niya sa kabilang linya bago niya patayin ang tawag. Ibinalik ko ang phone sa bag ko pero hindi ko makalimutan yung sinabi niyang hindi ko daw siya kaibigan. “Wala yun…tara na malayo pa ang next subject natin.” Aya ko sa kanya nang matapos na kaming uminom. Habang nasa hallway kami ay nasa isip ko pa din ang sinabi ni Pablo kanina. Kung hindi naman pala kaibigan ang turing niya sa akin bakit kailangan pa niya akong ihatid at sunduin? Hindi kaya pinaki-usapan lang siya ni Tatang Celso o ni Mama Sabel? Lalo ko tuloy siyang gustong takasan mamaya dahil sa sinabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD