Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin sina Mama Sabel at si Tatang Celso. Kaagad siyang lumapit sa akin at si Tatang naman ay pinuntahan ang nabasag na salamin.
“Anong nangyari?” Tanong niya sa akin nasa sulok kasi lamesa at hinawakan niya ng balikat ko upang itayo ako.
“Yung salamin po…nabasag…” Nanginginig sa takot na sambit ko. Bukod kasi sa pagkabasag ng salamin ay may malamig at mainit na hangin na humampas sa katawan ko. Nakakapangilabot nang maramdaman ko yun.
“Hija, pasensiya ka na…may kalumaan kasi ang salamin na ito.” Wika sa akin ni Tatang Celso. Nakita kong pinulot niya ang mga piraso nito. Iniupo ako ni Mama Sabel sa kama.
“Okay ka na ba? Wag kang masyadong mag-isip. Mga antique na kasi ang mga gamit dito kaya siguro sa kalumaan kaya nasisira o nababasag na sila.” Paliwanag niya sa akin gusto ko sanang sabihin yung nakita ko pero baka hindi rin sila maniwala sa akin.
Pumasok ulit si Tatang Celso at may dala na siyang tambo at pandakot.
“Wala kang dapat ikatakot hija, matagal na ako sa bahay na ito wala naman masamang elemento dito. Kahit si Pablo wala siyang kakaibang nararamdaman dito. Siya pa nga ang naglilinis sa buong mansyon isang beses isang lingo simula nang mamatay si Don Tasyo. At isa pa may bendisyon din ang lahat ng sulok ng lugar na ito kaya wala kang dapat ikatakot.” Paliwanag ni Tatang sa akin. Bago siya nakangiting lumabas ng pinto. Wala na ang salamin at wala na rin ang kalat nito. Ayoko isipin na guni-guni lang ang lahat dahil nakita ko mismo kung paano naglaho ang sulat sa salamin kanina.
“Yun naman pala eh, magbihis ka na aantayin kita at pagkatapos ay sabay tayong bababa. Nagluto si Celso ng sinukmani diba favorite mo yun?”
Napilitan akong tumango at tipid na ngumiti kay Mama Sabel. Kaagad akong nagbihis ng pambahay at sabay kaming bumaba. Naabutan namin sila sa veranda. May isang malaking bilao sa lamesa na nakatakip ng dahon ng saging. May thermos din itong katabi.
Nakita kong naglalagay si Pablo ng mga tasa sa mesa. Napatingin siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa. Napadako ang tingin ko sa gilid ng labi niya.
Dugo? Parang namamaga ang labi niya. Parang may sumuntok sa kanya. Wala naman yun kanina.
“Maupo na kayo para makapag meryenda na tayo.” Wika ni Tatang na kakarating lang. Una siyang nag-iwas ng tingin sa akin pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Naupo ako sa isang antic na upuan at katabi ko si Mama Sabel. Katapat ko naman si Pablo. Siya ang naglalagay ng tsokolate sa tasa namin. Amoy na amoy ko ang bango ng cocoa. Tumila na ang ulan pero malamig pa din sa paligid.
“Napano yang labi mo?”
Hindi ko na napigilan ang magtanong sa kanya. Dahil kanina pa doon ang tingin ko. Gusto ko lang naman malaman.
“Ay naku, nadapa daw siya kanina sa kahoy nang hahanguin na niya ang sinukmani kaya tumama ang mukha niya sa bato. Mabuti na lang at ganyan lang ang nangyari sa kanya.” Si Tatang ang sumagot. Ikinuha ako ni Mama Sabel ng sinukmani at inilagay sa platito ko.
“Ah…ganun ba?”
Tumango siya sa akin at nagpatuloy kami sa pagkain ng meryenda. Habang kumakain kami tahimik lang kaming dalawa si Tatang Celso at Mama Sabel ang palaging nag-uusap.
Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta na lamang akong maghuhugas ng pinagkainan namin. Mamimili daw kasi sila ng para sa hapunan at kailangan na rin bumili ng isang sakong bigas ni Mama Sabel.
Tinulungan ako ni Pablo na magligpit.
“Ano ba kasing nangyari paano ka nadapa? Sa laki ng katawan mo ang lampa mo naman.” Wika ko sa kanya habang naglalagay kami ng tasa sa lababo.
“Wag mo na akong alalahanin.” Walang ganang sambit niya. Kanina lang maayos naman ang usapan namin pero ngayon matamlay siya.
“May sakit kaba?”
Sinubukan kong hipuin ang kanyang noo pero hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako. Nagtama ang mata naming dalawa. Napasandal ako sa gilid ng lababo nang humakbang siya papalapit sa akin.
“Mag-ingat ka…” Sambit niya sa mahinang tinig.
“S-saan?” Kinakabahan kong tanong sa kanya.
“Sa kanya…hindi kita matutulungan dahil mas malakas siya sa akin.” Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.
“Ano? Ano ba yang sinasabi mo?” Naguguluhan na tanong ko sa kanya. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin kaya napunta sa labi niya ang tingin ko. Lalong lumakas ang pintig ng puso ko. Hangang sa kahibla na lamang ang layo ng mukha naming dalawa. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa kamay ko hangang sa bitawan niya na ako.
“Sorry…” Sambit niya at kaagad niya akong tinulikuran. Napasinghap ako nang makalayo na siya sa akin. Hindi kasi ako huminga kanina habang lumalapit siya. Hindi ko akalain na hindi ko man lang siya nagawang itulak. Parang pakiramdam ko napahiya ako at nag-expect na hahalikan niya ako.
Haist! Ano ka ba naman Mia! Puro ka kalandian ang bata-bata mo pa!
Napabuntong-hininga ako at kaagad na hinugasan ang mga tasa. Pagkatapos ay umakyat na ako sa aking kwarto. Binuksan ko ang lahat ng ilaw upang maging maliwanag sa aking kwarto. Sumandal ako sa head board ng kama at binuksan ko ang phone ko. Naghanap ako ng music na pwede kong pakingan. Pero bumigat ang talukap ng mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatalog na pala ako.
Unti-unti kong iminulat ang inaantok kong mga mata nang may maramdaman akong mainit na dumadampi sa aking leeg. May naramdaman din akong nakayakap sa akin.
Pagdilat ko ay mukha ni Pablo ang bumungad sa akin. Nagulat ako dahil nasa ibabaw ko na siya at hinahalikan niya ako mula sa leeg paakyat sa aking labi. Naka-awang ang labi ko at naramdaman ko ang kanyang dila na pumapasok sa bibig ko. Nakahiga kami sa kama at nasa loob siya ng kwarto ko! Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang kanyang kamay na pumasok sa suot kong sando. Napasinghap ako nang sakupin niya ng kanyang kamay ang aking dibdib.
Hindi! Hindi maari ito!
“Pablo!”
Napa-balikwas ako ng bangon. Hingal na hingal at pawis na pawis ako. Hinila ko ang kumot ko at itinakip sa aking katawan.
Akala ko totoong nangyayari. Akala ko talaga nandito si Pablo. Pero mabuti na lamang at panaginip lang ang lahat.
Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang aking sarili. Bakit ganun? Bakit parang totoo? Bakit pakiramdam ko totoong hinalikan niya ako?
Tumayo ako sa at nagpasyang bumaba ng kwarto sa veranda ko na lamang aantayin sila Mama Sabel. Baka managinip na naman ako ng ganun. Kinikilabutan ako dahil parang totoo talaga siyang nangyari.
Pero imposible naman yun dahil nakalocked ang kwarto ko at isa pa nagising ako kaagad.
Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko na yun? Hindi kaya may gusto na ako kay Pablo kaya naiisip ko siya?