Chapter 3

1322 Words
Asha   Kinabukasan ay maaga akong nagising sabay nag-inat ng aking mga kamay at paa at agad na bumangon upang mag-ehersisyon kahit papaano. Pagkatapos ay naghilamos ako ng aking mukha at nagmumog na rin bago ako pumanhik sa baba para tulungan si Mama na magluto ng almusal.   Nagpriprito ako ngayon ng itlog nang marinig ko ang boses ni Tasha at nakita ko siyang kinukusot ang kanyang mga mata. Isang teacher kasi si Tasha sa isang elemantary school dito sa barrio at walking distance lang ito sa bahay namin. Kaya minsan ay nakakatulong siya sa mga gawaing bahay dito bago siya pumasok sa kanyang trabaho.   Ako naman ay kailangan ko pang sumakay ng isang tricycle at bus para lang makapunta sa aking trabaho kaya mas nauuna ako palaging nagigising kaysa sa kanya. Nang matapos kong iprito ang itlog ay hinanda ko na ang hapag kainan at sakto namang nagising si Tito. Umupo siya sa hapag kainan at kinuhanan ko naman siya ng kanyang pinggan. Habang kumakain ay napatingin kaming lahat kay Tito na parang inaantok pa at mukhang wala siyang nakuhang tulog kagabi.   “Oh, ayos ka lang ba?” tanong ni Mama si kanya.   “Ayos naman pero mukhang na-sobrahan ako sa tulog na ewan. O dahil naninibago lang akong matulog ulit sa aking kwarto dahil tuwing Sabado at Linggo lang naman akong pumupunta rito,” paliwanag niya.   Nang matapos kaming kumain ay si Tasha na lang ang naghugas ng pinggan. Habang umiinom ako ng tubig ay napansin ko ang pagiging matamlay ni Tasha kaya naisip ko na marahil ay iniisip niya pa iyong nangyari kagabi.   “Tasha, ayos ka lang ba?” Napatingin siya sa akin at ibinalik niya ang kanyang atensyon sa paghuhugas ng pinggan. “Pasensya ka na kagabi kung pinilit kita sa paglalaro ng Ouija board na iyon. Gusto ko lang naman kasing makausap talaga si Papa kaya pati tuloy ikaw ay dinamay ko.”   Napangiti naman siya ng tipid sa akin. “Ayos lang iyon Ate. Hindi lang talaga kasi ako naniniwala na nasa msamang lugar si Papa dahil alam mo naman kung gaano siya kabait sa atin ‘di ba? Isa pa ay kung talagang binabantayan niya tayo ay ibig sabihin nasa maganda siyang lugar.”   Tumango naman ako at saka napangiti pabalik sa kanya. Pagkatapos ay nagpalit na ako ng aking damit sabay kinuha na ang aking mga gamit papasok ng aking trabaho. Bago ako lumabas ng bahay ay naabutan ko si Mama na nagwawalis sa aming kapaligaran ng mga dahon na galing sa puno ng mangga.   Agad akong nagmano sa kanya at gano’n din sa aking Tito na mukhang nagpapalit na rin pabalik ng San Fernando. Pagkatapos ay pumara na ako ng tricycle na papunta sa bayan upang sumakay ng bus. Pagsakay ko ng bus ay agad kong sinuot ang aking earphones dahil may tatlumpong minuto ang byahe bago ako makarating sa aking trabaho. Pagbaba ko ay mabilis akong pumunta sa aking cubicle nang batiin ako ng kaibigan ko na si Tiffany.   “Happy Monday. Kumusta ang weekends mo?” masayang tanong niya.   “Ayos lang. Wala namang bago sa weekends ko dahil katulad pa rin naman ng dati at nanunuod lang ako ng mga horror movies.” Napailing naman siya sa akin.   “Hindi ko talaga kaya ang manuod ng mga nakatatakot na mga sine lalo na sa gabi. Ang tipo ko ay iyong katulad ng Fifty Shades of Grey.” Kagat pa niya ang ibaba niyang labi habang kinikilig.   May nobyo na kasi si Tiffany at medyo matagal na raw sila dahil ayon sa kanya ay high school sweethearts daw sila. Mas nauna siyang nagtrabaho sa akin dito ng mga isang buwan bago ako pumasok noon. Nagsisimula pa lang ako noon nang siya na ang unang kumausap sa akin at nakipagkaibigan.   Sabihin na natin na ako iyong klase ng tao na hindi gano’n kadaldal sa first meeting pa lang pero oras na kilala ko na ang tao ay doon lumalabas ang aking pagkakalog. Hindi naman naikakaila sa akin na hilig ni Tiffany ang ikwento ang s*x life nilang dalawa ng kanyang nobyo sa akin. Hindi ako maka-relate noong una dahil syempre ay wala rin naman akong nobyo.   Pero siguro ay dahil sa pagkwekwento niya sa akin ay kahit papaano ay may ideya na ako sa kamunduhan ng pagtatalik. May mga pagkakataon pa noon na si Tiffany pa ang nagturo noon sa akin kung paano ko raw paliligayahin ang aking sarili gamit lang ang aking mga daliri. Aaminin ko na noong unang subok ko nito ay medyo nandiri ako sa aking sarili.   Pero dahil natural na curious ang isang tao sa lahat ng bagay ay naulit pa ito ng naulit hanggang sa nakasanayan ko na ito. Lumilipad ang aking utak sa mga gano’ng pangyayari ng aking buhay nang bigla na lang akong tapikin ng aking boss sa aking balikat kaya agad akong bumalik sa tamang hwisyo.   “Asha, Lunes na Lunes ay tulala ka. Marami tayong gagawin ngayon lalo na at hindi papasok si Maria ngayon dahil may sakit siya.” Napasimangot naman ako dahil kung tutuusin ay kailan ba hindi umabsent si Maria basta Lunes.   “Okay po, Sir,” walang ganang sagot ko sa kanya at nagsimula nang magtrabaho.   Mabilis lang na lumipas ang oras dahil pagdating ng alas-singko ay uwian nanaman. Abala akong nag-aayos ng aking gamit sa pantry ng mag-isa nang bigla na lamang akong makaramdam ng pagtayo ng aking mga balahibo sa aking batok. Napatingin naman ako sa kabuuan ng pantry at nakita kong wala namang tao kaya naisip ko na marahil ay iyong nakabukas lang na aircon.   Nang handa nang umuwi ang lahat ay lumabas na ako ng gusali ng bangkong aking pinagtratrabauhan. Nagpaalam na ako sa kanila at agad naman akong nakasakay ng bus na aking ipinagpasalamat. Habang nagpapatugtog ako sa aking cellphone ay nakaramdam ako agad ng pagod kaya inihilig ko na lang muna ang aking ulo sa bintana.   Hindi naman nagtagal ay agad akong nakatulog. Habang natutulog ay nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam na para bang inaapoy ang aking buong katawan na para akong lalagnatin. Maya-maya ay nakaramdam ako ng masarap na sensasyon na nagsisimula mula sa aking ulo, pababa sa aking dibdib hanggang sa dumako ito sa maselang bahagi ng aking katawan.   Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o kung totoo ito dahil ramdam ko ang parang daliri na humihimas sa maselang bahagi ng aking katawan. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang maramdaman ko na malapit na akong dumating sa rurok ng aking ligaya. Ang kaso ay bago pa mangyari iyon ay nagising na lang ako dahil may yumuyugyog sa aking balikat.   Agad akong napabalikwas at nakita ko na iyong konduktor ng bus lang pala ito. Napatingin ako sa aking paligid sabay inalis ang aking earphones at saka balik na napatingin sa konduktor. Nagtataka siyang napatingin sa akin pero hindi ko na lamang ito pinansin.   “Nandito na ho tayo Ma’am. Nasa bus station na ho tayo kaya kailangan niyo na hong bumaba.” Tumango ako at saka naglakad palayo ang konduktor.   Tumayo ako at nang akmang maglalakad na ako ay naramdaman ko na namamasa ang aking p********e at para akong nanghihina na ewan. Hindi ako makapaniwala na mananaginip ako ng gano’n sa pag-idlip ko sa loob ng isang bus. Napailing na lamang ako at saka dire-diretsong bumaba ng bus sabay diretsong sumakay ng tricycle pauwi.   Pag-uwi ko ay agad akong nagmano sa aking ina at napansin ko na wala pa si Tasha kaya naman dumiretso na muna ako sa aking kwarto. Dali-dali akong nagpalit ng aking damit at agad na pumasok sa banyo upang maglinis ng aking katawan. Nang matapos ay lumabas din ako agad sabay humiga sa aking kama habang naaalala iyong nangyari kanina.   Marahil ay masyado lang akong maraming iniisip kaya kung ano-ano na ang aking mga napapanaginipan. Isinawalang bahala ko na lamang ito at binuksan ko na lamang ang aking TV upang manuod ng sine na aking papanuorin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD