Chapter 4

1982 Words
Asha Pagtingin ko sa orasan ng hapon na iyon ay napansin ko na alas-siete na at wala pa si Tasha. Kaya naman naisipan ko ang lumabas mula sa aking kwarto at pumanhik ako sa baba dahil baka darating na si Tasha anumang oras. Tahimik ang buong kabahayan kaya naman hinanap ko ang aking ina upang tanungin kung baka nakauwi na si Tasha o kung nag-text man lang ito sa kanya. Pero sa aking paghahanap sa aking ina ay napansin ko na wala siya at inisip ko na marahil ay pumunta siya sa kabilang bahay kung nasaan sina Tito. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya naman linabas ko ang isang supot ng mais at naglabas na rin ako ng kasarola sabay linagyan ito ng tubig at isinalang ito sa stove habang hinihintay ang aking ina at kapatid. Naisipan kong magpakulo lang ng simpleng pagkain dahil hindi rin naman kami sanay na kumakain ng kanin sa gabi. Palibhasa kasi ang aking ina ay may lahi silang magkakapatid na high blood kaya naman super din siya kung makapag-diet. Nang kumukulo na ang tubig ay umupo na muna ako saglit sabay linabas ko ang aking cellphone upang mag-browse lang ng kung anu-ano sa Palmbook. Habang nakatutok ako sa aking cellphone ay narinig kung nagbukas ang pinto kaya naman naisip ko na marahil ay si Tasha na ito. Hindi ko na siya liningon dahil alam ko rin naman na didiretso lang siya sa kwarto niya pagkatapos ay lalabas na siya sa kanyang kwarto. Ugali niya kasi ang dumating sa loob ng bahay ng tahimik at saka lang siya magsasalita kapag gutom na siya. Habang hinihintay ko siyang magpalit ay nanuod lang ako ng kung anu-ano sa aking cellphone. Nawili ako sa aking pinapanuog na funny videos sa aking cellphone nang mapansin ko na parang ang tagal naman yata ni Tasha sa kanyang kwarto. Pinatay ko na rin ang apoy sa stove dahil mukhang lutong-luto na rin ang mais at nagugutom na rin ako. Habang tinatapon ko ang mainit na tubig sa kasarola ay inisa-isa ko naman na linagay sa isang lalagyan ang mga nalutong mais. “Tasha! Kakain na tayo. Mais nga lang ang meron dahil alam mo naman na si Mama.” Walang sagot at sobrang tahimik lang. “Tasha! Tasha!” sigaw ko ulit. “Ano ba ate at nagsisisigaw ka riyan?” Doon na ako napalingon at nakita kong parang kararating lang ni Tasha base sa kanyang suot na uniporme. Pinasadahan ko siya ng aking tingin mula ulo hanggang paa at nagtataka siyang nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong napatingin sa kwarto niya dahil sigurado ako na may pumasok kanina rito at rinig na rinig ko iyon. “H-Hindi ba at dumating ka na kanina pa?” tanong ko sa kanya. “Ha? Ano’ng dumating e kararating ko nga lang. Isa pa dumating na ako kanina pa pero nakita ko si Mama riyan sa labas at tinawag kami ni Tito dahil may ibibigay daw siya sa amin. “Pagkasabi niya ay sakto namang pumasok si Mama at nakita kong may hawak siyang niyog. “O, ano pa ang ginagawa niyong dalawa riyan? Hindi pa ba kayo kumakain? Ano iyang pinakulo mo Asha?” tanong ng aking ina sa akin. “Mais ho. Ma, nagpunta ho ba kayo kay Tito kanina?” Napatingin sa akin ang aking ina sabay tumango. “W-Wala ho ba kayong bisita ngayon? O kaya ay hindi ho ba dumating si Tito Boy kanina?” “Bakit mo naman natanong iyan, anak? Simula nang pumasok ka kanina ay mag-isa mo lamang dito at kung sakali mang may bisita ako ay agad naman ako pupunta rito. Bakit?” Hindi na ako sumagot at para akong nanlamig bigla sa aking nalaman. “W-Wala naman ho. Natanong ko lang,” sagot ko na lang. Napatingin naman ako sa aking kapatid na pumasok na sa kanyang kwarto at talagang sinilip ko pa kung may tao ba sa loob pero wala talaga. Imbes na kumain ako ng mais ay bigla akong nawalan ng gana kaya naman umakyat na ako sa aking kwarto sa ikalawang palapag. Imposible naman na hallucination ko iyong narinig ko kanina e rinig na rinig ko talagang may pumasok. Ang buong akala ko pa nga ay si Tasha ito pero mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. Kung hindi si Tasha iyon pumasok kanina at hindi rin si Mama o kahit ni sinong bisita niya, sino iyong pumasok kanina sa kwarto ni Tasha? Napahilot na lamang ako sa aking noo at agad na humiga sa aking kama dahil hindi ko na tuloy alam kung pagod o imahinasyon ko lang iyong kanina. Dahil sa pagka-stress ko sa nangyari kanina ay naisipan kong matulog na lang dahil marahil ay pagod lang talaga ito. Makalipas ang ilang oras ay bigla akong naalimpungatan ng hatinggabi dahil nakaramdam ako ng pagka-gutom. Hindi kasi kumain kanina dahil sa nangyari kaya naman akala ko ay pagod lamang ito pero ngayon na kumakalam ang aking sikmura ay mas lalo akong hindi makatutulog. Kailangan kong lagyan ng laman ang aking tyan bago ako muling matulog. Lumabas ako ng aking kwarto at agad akong pumanhik sa kusina at dumiretso sa aming refrigerator upang maghalungkat ng pagkain. Pagbukas ko ng ref ay nakakita ako ng isang piraso ng cake na marahil ay naiwan noong kaarawan ni Tasha noong nakaraang linggo pa. Natakam ako bigla at mabilis kong kinain ang cake sabay umupo na muna ako sa harapan ng hapag kainan. Sakto at nadala ko ang aking cellphone kaya naman habang kumakain sa dilim ay nag-browse lang ako ng kung anu-ano sa aking cellphone. Malapit na akong matapos kumain sabay tumatawa sa aking pinapanuod nang bigla na lamang akong makaramdam ng kakaibang lamig sa aking kapaligiran. Alam ko na dapat ay mainit ngayon sa probinsya dahil summer na kaya napaka-imposibleng lumamig na lang bigla. Isa pa kung sakali mang lumamig dito ay hindi ganito kalamig na para bang may bagyo dahil kahit nga buwan ng Disyembre ay medyo mainit pa rin dito. Agad kong tinigil ang aking pagkain at tinigil ko ang panunuod ko sa aking cellphone. Hindi ko alam pero bigla ko na lamang pinakiramdaman ang aking kapaligiran at kahit madilim sa buong kabahayan ay pinakiramdaman ko dahil baka may nakapasok na. Kung bakit ba naman kasi hindi ako nagbukas ng ilaw e ‘di sana hindi ako ngayon nangangapa sa dilim. Maya-maya ay bigla akong nakarinig ng mga yabag mula sa aking kwarto kaya naman agad kong binuksan ang flashlight ng aking cellphone. At dahil sa gawa sa kahoy ang aming bahay ay madali lamang naririnig ang kahit na anong mga yabag o tunog sa kabahayan. Nagtataka ako kung bakit may naririnig akong naglalakad sa ikalawang palapag gayong alam ko naman na tanging ako lang naman ang gumagamit ng isang kwarto roon. Isa pa ay wala rin naman kaming alagang mga hayop tulad na lamang ng aso o pusa para maglakad-lakad sa loob ng bahay. At saka kung sakaling meron man ay hindi naman gano’n kalakas ang maririnig kong mga yabag. Dahil sa takot na aking nararamdaman ay hindi ko na tinapos ang aking pagkain at mabilis kong binalik ito sa refrigerator. Akmang bubuksan ko na sana ang ilaw sa mismong kusina nang bigla na lamang may humawak sa aking mga kamay kaya agad kong nabitawan ang aking cellphone. Saktong nakabukas pa ang flashlight ng aking cellphone nang bigla na lamang may nailawan itong nilalang na itim. Wala itong mukha pero alam ko na sobrang taas niya kaysa sa akin at malalaki ang kanyang mga paa at mahahaba ang kanyang mga braso. Sa sobrang takot at kaba ko ay nagsisisigaw na lamang ako ng sobrang lakas kasabay nang pagsalampak ko sa sahig. Tinakpan ko ang aking mukha ng aking mga kamay nang naramdaman ko na lamang na may yumuyugyog sa akin. “Asha! Asha, anak!” rinig kong sigaw ni Mama sa aking pangalan. “Tasha kumuha ka ng tubig bilis.” Napatingin na ako kay Mama at gano’n na lang ang ginhawa ko nang makita ko ang kanyang mukha. “M-Mama?” “Hays. Asha naman anak ano ba ang sinisigaw mo at nandito ka sa banyo at nagsisigaw?” tanong ni Mama sa akin. “B-Banyo?” tanong ko at tumango si Mama habang nakatingin naman si Tasha sa akin na nag-aalala habang may hawak siyang isang baso ng tubig. “P-Pero nasa kusina ho ako kanina Mama. Paanong napunta ho ako rito sa banyo gayong alam ko na nasa kusina lang ho ako kanina?” “Ha? Nababaliw ka na ba ate? Ano ka magaling mag-teleport?” Napatingin ako kay Tasha. “Nakarinig kami ng sigaw kaya naman nag-alala kami ni Mama na baka inaatake ka na ng kung sino. Nang pumasok kami sa kwarto mo ay wala ka sa higaan mo at nandito ka sa banyo at nagsisisigaw.” “P-Pero…” “Asha, ang mabuti pa ay magpahinga ka na at mas maganda na huwag ka na munang pumasok bukas. Magpaalam ka na lang sa boss mo na masama ang pakiramdam mo.” Tinulungan ako ni Mama na makatayo hanggang sa umupo ako sa aking kama. “Ito tubig.” Bigay ni Tasha sa akin ng isang baso ng tubig sabay linagok ko ito. “Ayan. Kapapanuod mo na siguro iyan ng horror movies kaya baka napanaginipan mo nanaman iyan,” umiiling na sabi niya. Nang matapos kong maubos iyong isang baso ng tubig ay binalik ko ito kay Tasha at nag-aalala namang napatingin sa akin ang aking ina. Lumabas na si Tasha at sinabing babalik na siya sa pagtulog dahil maaga pa siya bukas sa school. Naiwan naman kaming dalawa ni Mama sa loob ng aking kwarto at hinaplos niya ang aking pisngi. “M-Mama, maniwala ho kayo sa akin. Nasa kusina ho ako kanina dahil nakaramdam ako ng gutom kanina. Kinain ko pa nga iyong cake na naiwan noon sa birthday ni Tasha e.” Kunot noong napatingin sa akin si Mama. “Birthday? Cake? Hays. Asha, saan mo ba pinupulot iyang mga pinagsasabi mo? Walang cake sa ref dahil hindi ba at inubos na natin iyon noong isang linggo?” sabi niya. “P-Pero may cake ho roon Mama. Promise po. Nalasahan ko pa nga iyon dahil lasang red velvet iyon.” Umiling na lang si Mama sa aking sinasabi. “O siya sige. Ang mabuti pa ay matulog ka na at magpahinga. Totoo ang sabi ng kapatid mo na nasosobrahan mo lang ang panunuod ng horror movies kaya pati sa panaginip ay may nakikita ka na.” Alam kong hindi siya naniniwala sa akin dahil pansin ko na sumasang-ayon na lamang siya sa aking mga sinasabi. Nang makahiga ako ay sinabi ko sa kanya na huwag na lang niyang patayin ang ilaw kaya naman tumango na lang siya at lumabas ng aking kwarto. Pagkatapos ay huminga ako ng malalim at napatingin sa aking orasan nang makitang alas-tres pa lang ng madaling araw. Kung gano’n ay panaginip ko lang ba ang lahat ng iyon? Pero napaka-imposible dahil alam ko na nagising ako sa hatinggabi at kumain pa ako ng cake sa ref. Kung panaginip ang lahat ng iyon ay malalaman ko naman iyong agad. Pero sobra akong nagtataka kung bakit nila ako nakita na nagsisisigaw sa loob ng aking banyo. Alam ko naman sa aking sarili na lumabas ako ng aking kwarto at pumanhik ako sa kusina dahil nagugutom ako. Nasa gano’n akong pag-iisip hanggang sa mapagod ang aking utak at unti-unti akong hinila ng aking antok. Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung paanong mula sa kusina ng aming bahay ay nakita nila ako sa loob ng aking banyo? At saka totoo ba iyong nakita kong maitim na nilalang na iyon o gawa-gawa lang nanaman iyon ng aking imahinasyon? Saka ko na lang siguro patutunayan na totoo ang aking sinasabi bukas. Baka nga totoong pagod lamang ito at kailangan ko lang ng pahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD