bc

Incubus Nightmare Trilogy - The Contract Book 1

book_age18+
463
FOLLOW
1.3K
READ
sex
manipulative
powerful
incubus/succubus
bxg
mystery
scary
city
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Warning SPG R-18

We already heard stories about them.

We thought they are not real.

We thought that we can only watch them through movies.

They came from the deepest depths of the Earth.

But what if one day, one of them decided to visit you? Not in your dreams, but in real life.

Are you ready to face the so-called INCUBUS?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Asha   Nasa loob ako ng aking kwarto habang nanunuod ng movie na ‘The Conjuring.’ Ilang beses ko nang napanuod ito at hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Mahilig ako sa horror stories dahil ito iyong mga movies na kahit panuorin sa tanghaling tapat ay hindi ka aantukin.   Hindi ako mahilig sa love stories dahil hindi ako iyong klase ng babae na kinikilig sa mga kissing scenes. No offense sa mga mahilig sa love stories pero syempre iba-iba naman ang mga preference ng mga manunuod. Nagkataon lang na talagang mahilig ako sa mga panuod na makapanindig balahibo.   Sabi nga minsan ng mga kaibigan at pamilya ko na tinatakot ko lang daw ang aking sarili dahil kung minsan ay hindi rin ako makatulog pagkatapos kong manuod. Lalo na kapag gabi na at tahimik ang lahat ay doon ako mahilig manuod. Ang mga gustong-gusto kong klase ng storya ng horror movie ay iyong hango sa totoong buhay.   Katulad na lang nitong ‘The Conjuring’, ‘Annabelle’, ‘Exorcism of Emily Rose’, at marami pang iba. Minsan naiisip ko kung totoo nga ba talaga ang lahat ng ito dahil kung minsan sa movie ay mahilig silang mag-exage ng mga scenes. Pero kasi hindi rin malayong mangyari ito sa totoong buhay lalo na at maraming mga bagay talaga na hindi maipaliwanag ng sensya.   Naniniwala rin ako sa mga mangkukulam at mambabarang dahil sa probinsya ay marami ring mga kwento ng katatakutan. Anyway, nasa kalagitnaan na ako ng panunuod nang marinig ko ang kapatid ko na kumakatok sa aking pinto kaya agad ko siyang pinapasok. Narinig kong nagbukas ang aking pinto at hindi ko siya liningon dahil tutok na tutok ako sa aking pinapanuod.   “Hoy! Iyan nanaman ang pinapanuod mo?” tanong ni Tasha na aking nakababatang kapatid. “Ilang beses mo nang napanuod iyan pero hanggang ngayon ay hindi ka pa nagsasawa?”   Umirap ako sa hangin sabay umayos ng upo at pinause ang aking pinapanuod sabay napatingin sa kanya.   “Bakit ba? E sa ito ang trip kong panuorin. Ikaw ba ay pinapakialaman kita kapag palagi mong inuulit na panuorin iyong ‘Kissing Booth’ mo? Hindi naman ‘di ba?” Plinay ko ulit iyong aking pinapanuod at tinuloy ko ang aking panunuod.   “Tse! Mamaya bigla ka nanamang bangungutin sa kapapanuod mo ng ganyan. Kapag ikaw natakot mamayang gabi ay huwag mo akong iistorbohin ha?” Hindi ko na lang siya sinagot.   “Bakit ka nga pala nandito?” Pag-iiba ko sa usapan.   “Ay, oo nga pala. Sabi pala ni Mama na tumulong ka raw sa pag-aayos sa attic dahil madumi at maalikabok na raw doon.” Kunot noo akong napatingin sa kanya.   “Bakit ako? Bakit hindi na lang ikaw?” tanong ko.   “Ate naman. Alam mo naman na allergic ako sa mga alikabok at madaling mangati ang aking balat. Hindi katulad mo na matibay ka sa mga gano’ng bagay.” Napailing na lang ako.   “O sige. Tatapusin ko lang ito at bababa na ako.” Tumango naman siya at iniwan na ako sa aking kwarto.   Nang matapos akong manuod ng sine ay bumaba na ako upang hanapin ang aking ina. Ang sabi ni Tasha ay nasa attic siya at kailangan ko raw siyang tulungan sa pag-aayos. Agad naman akong dumiretso sa attic at agad ko naman siyang nakita.   Napansin ko na maalikabok nga rito dahil syempre ay hindi rin naman ito nalilinisan araw-araw. Palibhasa kasi ay luma na rin itong bahay dahil nakatayo pa ito noong mga panahon pa ng hapon. Ang kwento noon ng aking ina ay dito na raw lumaki ang aking lola, siya at ngayon ay kami naman.   Ang bahay namin ay may dalawang palapag at gawa pa ito sa kahoy. Sa pinakatuktok ay may attic kami kung saan ay naalala ko na rito kami noon naglalaro ng aking kapatid at mga pinsan. Marami akong mga pinsan dahil labing-dalawa silang magkakapatid nila mama.   Madami kami dahil noong mga panahon daw nila lola at lolo ay hindi raw uso ang family planning at mga contraceptives. Kaya naman naging masaya ang childhood ko kahit papaano. Habang lumalaki kami at nagkaroon kami ng sari-sarili naming trabaho ay nakaluwag-luwag na rin kami.   At dahil may pagkaluma na nga ang bahay namin dito sa Ilocos ay naisipan namin na palitan na ito ng concrete wall at palagyan ng tiles. Pero dahil may sentimental value ito kay Mama ay hindi siya pumayag at pinanatili na lang namin na maging kahoy ito. Ayos naman dahil kahit papaano ay presko ito dahil na rin sa mga bintana nito na super laki na kapag humangin ay parang may malaki nang electric fan.   Pagkaakyat ko ay agad akong nakita ni Mama at binigyan niya ako ng gloves at face mask para raw hindi ako maubo. Agad ko naman itong sinuot at tinanong kung ano’ng klaseng paglilinis ang gusto niyang gawin dito sa attic.   “Anak, itabi mo iyang mga kakailanganin pa natin sa mga itatapon na. Masyado na kasi tayong maraming gamit dito at mamaya ay biglang pamugaran ito ng ahas o mga insekto.” Tumango naman ako at agad na nag-ayos.   Karamihan kasi sa mga nandito ay mga laruan namin ng aking kapatid noon. Pero dahil sa malalaki naman na kami ay hindi na ito nagagamit kaya siguro ipapatapon na ni Mama. Nakakalahati na namin ni Mama ang mga kalat dito nang maisipan ni Mama na bumaba muna dahil nauuhaw na raw siya.   Tanghaling tapat na rin kasi kaya umiinit na. Itinuloy ko naman ang aking pagliligpit nang mabuksan ko ang isang box at nakakita ako ng isang lumang board na gawa sa narra. Medyo maalikabok na ito kaya agad ko itong lininis at namangha ako dahil isa itong Ouija board.   Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakakita ng Ouija board dahil sa panahon ngayon ay hindi naman na uso ang ganito. Alam ko na meron itong planchette kaya agad ko itong hinalungkat sa may kahon at nakita ko nga ito. Gawa rin ito sa kahoy kaya bigla akong nakaramdam ng excitement.   Narinig ko na paakyat na ang aking ina kaya agad ko itong tinago dahil masyadong mapamahiin ang aking ina. Oras na makita niya ito ay baka bigla niyang ipatapon o kaya sirain niya at sunugin. Nakita kong may dala siyang isang baso ng coconut juice na iyong natural kaya agad ko naman itong tinanggap.   “Nandyan nga pala ang Tito Boy mo at may dalang pasalubong na siopao.” Natuwa naman ako nang sabihin iyon ni Mama.   Si Tito ang pinaka-bunso sa labing-dalawang magkakapatid at siya ang pinaka-galante sa kanilang lahat. Naaalala ko tuloy si Papa sa kanya dahil ang aking ama ay mapagbigay din tulad niya. Ang aking ama ay maagang nawala dahil sa sakit sa kanyang atay.   Noong nawala siya ay para na rin akong nawalan ng matalik na kaibigan dahil mas malapit ako sa kanya kaysa kay Mama. Nasasabi ko kasi ang lahat sa kanya at makikinig lamang siya pagkatapos ay bibigyan niya ako ng payo. Simula nang mawala ang aking ama ay naniwala ako na ang kaluluwa niya ay nandyan lang sa tabi-tabi at binabantayan kami.   Maya-maya ay bigla kong naalala na marahil ay pwede kong makausap ang aking ama sa pamamagitan ng Ouija board. Hihintayin ko na lang ang gabi at kung gusto ni Tasha ay tatawagin namin siya gamit iyon. Itinuloy namin ni Mama ang paglilinis hanggang sa matapos kami.   Tinapon namin lahat ng hindi na kailangan at natuwa ako na kahit papaano ay naging maaliwalas ang attic namin. Nang mauna nang bumaba ang aking ina ay tinignan ko kung wala na siya at dali-dali kong kinuha iyong Ouija board. Dinala ko ito sa aking kwarto sabay tinago ito sa ilalim ng aking kama upang ipakita ito kay Tasha mamaya.   Sigurado ako na matutuwa siya o marahil ay bigla siyang matakot oras na ipakita ko ito sa kanya. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling pero excited na akong gamitin ito. Habang nakatingin ako sa nasabing board ay bigla ko itong tinago nang tawagin na ako ng aking ina dahil kakain na kami ng pananghalian.   Pagbaba ko ay naabutan ko ang aking mga pinsan na nagkwekwentuhan at nagtatawanan sa labas sabay agad naman akong nagmano sa aking Tito. Nagsimula na kaming magsalo-salo at nang matapos kaming kumain ng pananghalian ay ako na ang naghugas ng pinggan. Nang matapos akong maghugas ng pinggan ay tinawag naman ako ni Tasha para mag-meryenda ng coke at fita.   Napailing naman ako sa kanila dahil katatapos lang naming kumain ng tanghalin ay meryenda na agad ang inaatupag nila. Umiling na lamang ako sa alok ng isa kong pinsan na babae at pinanuod na lamang silang kumain. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

Ang Kanyang Tatlong Alpha

read
2.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook