Asha
Pagsapit ng gabi ay masaya kaming nagtatawanan habang kumakain ng aming hapunan. Natatawa kami sa pagpapatawa ng isa naming tito sa pang-aasar niya sa isa naming pinsan na wala pang boyfriend hanggang ngayon. Ilang taon na rin naman siya at lampas na siya sa kalendaryo at ni minsan ay wala pa siyang naging boyfriend.
“Wala ka bang balak na mag-boyfriend? Naku, sinasabi ko sa inyo na masarap ang magkaroon ng asawa lalo na kung marunong magmahal,” pang-aasar ni Tito sa kanya.
Agad namang napairap si Stella na tinutukoy kong pinsan ko na NBSB. “Hindi ko kailangan ng lalaki para lang may magmahal sa akin Tiyo. At saka isa pa po, hindi lang naman ako ang NBSB sa aming magpipinsan. Si Asha ay wala rin naman siyang naging boyfriend ever since.”
Napairap naman ako sa kanya dahil sa akin niya talaga tinapon ang atensyon kaya naman napatingin na rin sa akin si Tito.
“Wala siyang boyfriend kasi masyado kasi siyang pihikan,” simula ni Tasha. “Paano siya magkakaroon e puro panunuod ng horror movies ang inaatupag niya.”
“Ate,” tawag sa akin ni Leo. Anak siya ng kapatid na babae ni Mama at siya ang pinaka-bunso sa aming magkakapatid.
“Ano iyon, Leo?” tanong ko.
“Hindi ka ba natatakot na baka mamaya ay magka-totoo iyong mga pinapanuod mong mga multo? Hindi mo ba sila napapanaginipan?” Akmang sasagutin ko ito ay agad na napalingon kami sa kumatok at nakita namin ang ina ni Leo.
Agad naman kaming nagmano sa kanya at mabilis na tumakbo si Leo palapit sa kanyang ina at binuhat naman siya ni Tita.
“Kukunin ko na si Leo dahil may pasok pa bukas at kailangan na rin niyang matulog.” Nagpaalam naman kami sa kanila hanggang sa nakalabas na sila sa aming bahay.
Maya-maya ay naisipan na rin nilang magsi-uwian sa kani-kanilang mga bahay. Dito kasi sa probinsya ay uso ang magkakamag-anak na magkakatabi ang kanilang mga bahay. Kaya kapag may okasyon ay sobrang saya dahil bukod sa marami ay makukulit pa kaming lahat.
Si Tito naman ay dito na muna nakitulog sa amin dahil taga-San Fernandon nga naman siya. Bumibisita lang talaga siya rito kada Sabado at Linggo dahil wala rin naman siyang anak. Hindi kasi sila magkaroon ng anak ni Tita kaya siguro ay kami na ang mga tinuring niyang mga anak.
Si Mama naman ang siyang naghugas at nagligpit ng aming mga pinagkainan kaya pumasok na ako sa aking kwarto. Sinara ko na ang aking mga bintana at pagkatapos ay kinuha ko ang aking cellphone sabay nag-browse ng kunti sa aking f*******:. Humiga ako sa aking kama nang bigla kong maalala iyong Ouija board na aking tinago kanina.
Lumuhod ako at saka linabas ito nang bigla akong makarinig ng katok sa aking pinto. Agad kong tinanong kung sino ito at narinig ko ang boses ni Tasha. Linapag ko sa ibabaw ng aking kama ang board sabay pinagbuksan siya ng pinto.
“Ate, pahiram naman ako ng charger mo dahil hiniram ni Tito iyong akin. Hindi ko kasi napansin na pa-lowbat na rin ako kaya hindi ko naman na mabawi ito sa kanya.” Agad ko namang binigay sa kanya ang charger.
“Tasha, saglit. May ipapakita ako sa iyo.” Bumalik naman siya sa loob ng aking kwarto at sinabi kong isara niya ito.
Nagtataka man ay agad niya pa rin naman itong sinunod at lumapit siya sa aking kama. Hinila ko iyong board na nakita ko kanina sa attic at agad na lumaki ang kanyang mga mata.
“Hala, totoo ba iyan ate?” Tumango naman ako sabay kinuha niya ito sa akin at pinakatitigan. “Saan mo ito nakuha?”
”Sa attic. Hindi ko alam kung kanino iyan o kung saan galing iyan pero kung sinuman ang nag-iwan niya ay swerte ko at ako ang nakahanap.” Ngumiti naman siya at napahaplos sa board.
“Wow. Tapos ang bigat pa nito na parang ito iyong mga sinaunang Ouija board na ginagamit nila sa mga horror movies.” Napatango naman ako.
“Gusto mong gamitin na natin?” Napatingin naman sa akin si Tasha at nginitian ko siya.
“Sino naman ang tatawagin natin sa board na iyan? Baka mamaya maka-tawag pa tayo ng engkanto e alam mo naman dito sa probinsya may mga kapre at white lady.” Umiling ako.
“Hindi. Si Papa. Siya ang pwede nating tawagin,” sabi ko.
“Ano? Paano ka naman makasisiguro na si Papa nga ang matatawag natin?” tanong niya.
“Kaya nga gagamitin natin iyan para malaman natin kung sasagot ba siya sa atin. Sige na. Halika na.” Hila ko sa kanya.
Ayon sa mga nababasa at napapanuod ko ay kailangang walang ilaw kapag gumamit ng Ouija board. Kumuha ako ng isang itim na kandila na binili ko pa sa Lazada yata iyon o Shoppee. Sinindihan ko ito pagkatapos ay tinabi ito sa amin ni Tasha saka ko pinatay ang ilaw.
Alam ko na matatakutin si Tasha pero curious din naman siya sa mga ganitong bagay kaya kahit alam kong nanginginig na siya sa takot ay gusto niya pa rin itong gawin. Linagay naming dalawa ang aming mga kamay sa ibabaw ng planchette at tumango ako para simulan na namin ang paglalaro nito.
“Sure ka na ba talaga rito, Ate? Paano kung iba ang makausap natin?” takot na tanong niya.
“Kung sakali man na iba ay magpapaalam lang tayo ng mabuti at walang mangyayaring masama. Just trust me, okay?” Tumango siya.
Huminga ako ng malalim at napatingin sa hawak naming planchette saka sinimulan naming iikot ito ng tatlong beses sa kabuuan ng board. Pagkatapos ay nagtanong na ako sa board.
“Are there spirits here who want to communicate with us?” tanong ko.
Syempre hindi naman agad nagpaparamdam ang mga kaluluwa sa unang tanong pa lang kaya inulit ko ang tanong na ito ng tatlong beses. Nanatili lamang kaming tahimik at nang tatanungin ko ulit ito ay nakita kong gumalaw ang apoy ng kandila kasabay ng paggalaw ng planchette sa salitang yes. Napasinghap kaming dalawa ni Tasha dahil gumalaw ito.
“Oh my god. Ate gumalaw nga siya.” Tumango ako kaya ipinagpatuloy pa namin ang pagtatanong.
“Gusto naming makausap ang aming ama na si Lucio Garcia. Papa, nandito ka ba? Binabantayan mo ba kami palagi?” Pagkatanong ko nito ay pumunta ito sa salitang yes.
Napangiti ako pero pagtingin ko kay Tasha ay halata ang takot sa kanyang mukha.
“Ate, ayoko nang maglaro nito. Please. Natatakot na ako.”
“Tatlong tanong na lang at magpapaalam na tayo sa kanya. Promise.” Alanganin siyang tumango.
Sa dalawang tanong ko ay palagi namang ‘Yes’ ang sagot ni Papa sa amin hanggang sa pinaka-huling tanong ko.
“Papa, nasa maganda ka po bang lugar ngayon?”
Ang akala ko ay isasagot nito ang salitang ‘Yes’ pero nagulat na lamang kami na pumunta ito sa salitang ‘No.’ Napasinghap naman ako at tinanong ko kung nasa langit ba siya pero tumapat lang ito sa salitang ‘No’ ulit. Nang tatanungin ko na kung nasa impyerno siya ay bigla na lang naluha ang aking kapatid.
“Ayoko na! Hindi ako naniniwala sa larong iyan. Imposibleng nasa impyerno si Papa dahil mabait naman siya at wala siyang mga naging kaaway.” Bigla na lamang tumayo si Tasha at dali-daling lumabas ng aking kwarto.
“Tasha, saglit!” Agad ko naman siyang sinundan palabas dahil hindi siya pwedeng umalis na hindi pa namin naisasara ang board.
Nang sinundan ko siya ay agad siyang pumasok sa kanyang kwarto at agad itong linock. Kinatok ko naman siya ng mahina para hindi magising ang aking ina pero hindi na niya ako pinagbuksan. Maya-maya ay lumabas si Mama mula sa kanyang kwarto at tinanong niya kung may problema raw ba.
Agad naman akong umiling at bumalik na lamang sa aking kwarto sabay binuksan ang aking ilaw. Nakita ko sa sahig ang Ouija board sabay umupo sa harapan nito sabay tinapat ang aking kamay sa planchette at pinunta ito sa ‘Goodbye.’ Hindi ko alam kung pwede akong magpaalam na ako lang pero kahit papaano naman siguro ay nakapagpaalam ako.
Nang matapos ay agad kong tinago sa aking cabinet ang board at napapatanong sa aking sarili kung si Papa ba talaga ang nakausap namin tulad ng sabi ni Tasha. Sana lang ay hindi kami nakapagtawag ng engkanto dahil sigurado akong lagot ako kay Mama.