Chapter 18

1983 Words
Asha Nang makapagpa-check-up ako ay noong hapon din lang na iyon ay kinumusta ni Tasha ang aking kalagayan. Doon ko sinabi sa kanya ang findings ng aking doctor at sinabi sa kanya kung paano ko ito maiiwasan. “Oo. Tama nga. Sleep paralysis pala ang tawag doon. Pero bakit ngayon ka lang nagkaroon ng ganyan ate e kung tutuusin naman ay hindi ka naman stress. Stress ka ba?” tanong niya. “Hmm. Sabihin na natin na nagsimula akong ma-stress ng dahil kay Tiffany at Birch kaya siguro nagkakaroon ako ng ganito. Pero huwag kang mag-alala dahil sinabi naman ng doctor ang lahat ng kailangan kong gawin para maiwasan ko ang magkaroon ng sleep paralysis.” Tumango siya. “Mabuti naman kung gano’n.” Gaya ng sinabi ng aking doctor ay nagkaroon ako ng sleeping schedule sa loob ng isang linggo. Hindi rin ako uminom ng kape at coke at puro lang talaga ako tubig. Sa umaga naman ay nag-e-ehersisyo ako para naman pagpawisan ako kahit papaano. Iniiwasan ko rin ang mag-isip ng kung anu-ano bago matulog para hindi ito makaapekto sa aking pagtulog. Noong mga unang dalawang linggo ay naging normal naman ang aking pagtulog kaya ang akala ko ay hindi na ako magkakaroon ng sleep paralysis. Pero dumating kasi ang birthday celebration ni Stella at sa bahay namin siya naghanda sabay nagtawag ng maraming bisita. Dahil may kasiyahan at may kantahan noong mga panahong iyon ay hindi ako agad nakatulog dahil sa ingay. Pagtingin ko sa aking orasan ay alas-otso na ng gabi at dapat ay natutulog na ako pero gising pa rin ako dahil sa kantahan sa bakuran ng bahay. Sinubukan kong takpan ang aking tenga gamit ng unan pero masyadong maingay para matakpan ito. Hindi ko naman sila masita dahil kaarawan nga namn ni Stella ito kaya may karapatan naman siyang magsaya. Lumipas ang ilang oras ay hindi ko magawang matulog kaya ang ginawa ko ay hinayaan ko na lang sila hanggang sa matapos sila kakakanta. Siguro ay alas-dose na ng hatinggabi nang mapagdesisyonan nilang tumigil na kaya naman naging tahimik ang buong kapaligiran. Yakap ko ang aking unan nang makuha ko ang aking tulog. Hindi pa gano’n kalalim ang aking pagtulog dahil naririnig ko na may naglalakad sa loob ng aking kwarto. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata nang bigla na lang akong hindi nakagalaw. Nagtaka ako bigla dahil nakahiga naman ako na nakatagilid para maiwasan ko ang sleep paralysis. Noong mga panahon din na iyon ay hindi ko maimulat ang aking mga mata na para bang may nagpipigil sa akin na gawin iyon. Maya-maya ay bigla ko na lang naramdaman ang paghaplos ng kung sino sa aking likod. Alam kong lalaki ito dahil sa laki ng kanyang kamay at bigat ng kanyang palad. “Non potes disponere a me,” rinig na rinig ko ito na kasing linaw pa ng araw. Alam ko na may lalaki ngayon sa aking tabi pero hindi ko alam kung sino ito. Kakaiba rin ang ginagamit niyang lenggwahe dahil hindi ko ito maintindihan. Pagkatapos ay gumalaw ang aking buhok tanda na hinahaplos niya ito dahil ramdam na ramdam ko sa aking batok ang kanyang mainit na hininga. Halos tumaas lahat ang balahibo ko sa aking leeg at iniisip ko na marahil ay nananaginip lang ako. Pero naramdaman ko na lang ang paghaplos niya sa aking katawan at doon ay sinabi ko sa aking sarili na hindi ako nananaginip. Ramdam ko ang bawat himas niya sa aking katawan pero hindi ko magawang maigalaw ang aking katawan. Gusto kong mainis at magalit sa lapastangang gumagawa sa akin nito pero ang problema ay hindi ko ito magawa. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit pero imbes na pagkamuhi o mainis ay may parte sa aking utak na nagsasabing ipagpatuloy lang nito ang kanyang ginagawa. “Kiss me, Asha,” bulong nito sa akin. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ko ang pagdampi ng mainit na bagay sa aking bibig kasabay ng mainit na bagay na humihimas sa aking p********e. Sa sobrang sarap ng kanyang ginagawa ay nakalimutan ko na hindi nga pala ako makagalaw. Nang magawa ko nang maimulat ang aking mga mata ay doon ko nakita ang lalaking lumalapastangan sa akin. Halos magulat ako sa aking nakikita ngayon at gusto ko siyang itulak pero tanging mga mata ko lang ang naigagalaw ko. Hindi ito tao dahil siya iyong itim na nilalang na tumulong sa akin noong muntik akong gahasain ni Birch. Alam kong gising ako at kitang-kita ko sa madilim kong kwarto ang itim na anino na gumagalaw sa aking ibabaw. Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa nang nakita ko siyang bumaba at pumagitna sa aking p********e sabay naramdaman ko na lang ang kanyang pagdila rito. Halos mapapikit ako sa sarap at gusto ko siyang hawakan pero hindi ko magawa. Nagpatuloy siya sa pagsipsip sa aking p********e hanggang sa maramdaman ko na lang na malapit na akong labasan. Nang maabot ko ang rurok ay naramdaman ko ang mabigat na bagay na pumatong sa akin at pagmulat ko ng aking mga mata ay pumagitna siya sa aking mga binti. “Amica mea…” Kasabay ng pagtawag niya sa akin ng Amica Mea ay naramdaman ko ang pagpasok ng sandata niya sa aking p********e. Dapat ay umiiyak ako dahil sa nangyayari dahil alam kong hindi normal ang nangyayari sa akin. Pero may banda sa aking katawan na gusto ang ginagawa niya kaya hinayaan ko siyang angkinin ako hanggang sa maabot ko ang langit ng paulit-ulit. Hindi ko na alam kung ano’ng oras kami natapos pero paggising ko ay tanghali na. Nang sinubukan kong igalaw ang aking mga binti ay para itong papel na halos hindi ko ito maiangat. Kaya naman pala hindi ako makagalaw paggising ko dahil pinapagod niya ako gabi-gabi. Hindi ko alam kung dapat ko itong ikatuwa dahil nagkaroon ako ng bantay at nagkaroon ako ng nilalang na nagpapaligaya sa akin. May banda na gusto kong matakot pero mas nananaig sa akin ang pagkasabik na marahil ay makikita ko siyang muli sa gabi. Dapat ay sinasabi ko na ito sa kanina Mama at Tasha pero bakit hindi ko magawa at sinasabi sa aking sarili na huwag kong gawin. Natatakot ba ako na oras na sinabi ko ito sa aking pamilya ay bigla na lang mawala ang itim na nilalang na iyon? O pwede rin na kinatatakot ko na gumawa ng paraan sila Mama para lumayo sa akin ang nilalang na iyon. Kahit ano pa man ay isa lang ang nasa isip ko noong mga panahong iyon. Ayokong mawala ang itim na nilalang na iyon sa akin dahil ngayon lang may nagbigay sa akin ng maraming pakiramdam at gusto ko pa ang ginagawa niya. Sa loob ng tatlong buwan ay palaging gano’n ang nangyayari sa akin gabi-gabi at aaminin ko na nahuhulog na ang loob ko sa nilalang na palaging umaangkin sa akin. May isang hiling lang ako na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawa tuwing nagtatalik kami. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at gusto ko kahit minsan man lang ay mahawakan ko siya. Maraming pagkakataon na palagi siyang nagpapakita sa akin sa pamamagitan ng salamin at saka lamang siya nakikipag-usap kapag may mangyayari sa amin sa gabi. Pero kadalasan ay makikipag-usap siya sa akin kapag katatapos kong maligo at ginagawa niya iyon sa pamamagitan sa salamin. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginagawa pero gano’n kami mag-usap. Hindi ko siya tinanong kung ano’ng klase siyang nilalang o kung saan siya galing. Basta ay tinanggap ko na lang siya ng kusa na para bang parte na siya ng buhay ko. Aaminin ko na kabaliwan itong ginagawa ko pero sa tingin ko ay mas mabait pa siya kaysa sa mga totoong tao na nakilala ko. Totoo siya sa akin at wala man lang siyang paligoy-ligoy o pagsisinungaling. Katatapos ko lang maligo noong mga oras na iyon at abala akong nag-a-apply ng cream sa mukha ko nang may makita akong naisusulat sa may salamin. Hindi na ako nagugulat pero alam kong siya na ito dahil siya lang naman ang palaging nagsusulat sa salamin. “I will be gone in a week,” basa ko sa sulat niya. “Mawawala ka ng isang linggo? Saan ka naman pupunta, aber?” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi na niya sinagot ang aking tanong at parang nawala na lang siya na parang bula. Napasimangot naman ako dahil ibig sabihin pala ay hindi ko siya mararamdaman ng isang linggo. Dapat ay nagpapatingin ako sa espesyalista o kaya sa albularyo dahil alam kong hindi normal ang nangyayari sa akin. Pero imbes na iyon ang gawin ko ay pumayag akong makisiping sa isang nilalang na ang tanging alam ko lang ay siyang tumulong sa akin. Nang matapos akong mag-apply ng cream sa aking mukha ay hindi na siya muling nakipag-usap sa akin kaya naisip ko na marahil ay wala na nga siya. Lumabas ako ng aking banyo at gano’n na lang ang gulat ko nang makita ko si Tasha na may hinahalungkat sa aking aparador. “Tasha? Ano’ng ginagawa mo at parang may hinahanap ka sa mga kagamitan ko?” tanong ko sa kanya. “Ate, naalala mo ba iyong damit na hiniram ko sa iyo noon na kulay pink na may design? Gusto ko sanang hiramin iyon ulit dahil hindi mo naman iyon ginagamit,” sagot niya. “Pero bakit damit ko pa, Tasha? Ang dami mo namang damit na bago kaya bakit hindi iyon ang gamitin mo?” taas kilay kong tanong sa kanya. “E Ate, alam mo naman na mahilig ako sa kulay pink at violet na kulay at nagkataon na ang ganda ng pagka-pink ng damit mo na iyon. Sige na please. Pahiram ako nun kahit saglit lang ate.” Napahinga naman ako ng malalim. “O sige. Hindi ko nga lang alam kung nandyan pa iyong damit na iyon dahil hindi ko na rin iyon ginagamit. Hanapin mo na lang diyan,” sabi ko sa kanya. Halos ilabas na niya lahat iyong gamit ko sa aparador kahahanap niya sa damit na iyon at pakiramdam ko ay matatagalan pa siya. Kaya naman lumabas na muna ako ng aking kwarto saka ko sinampay ang ginamit kong tuwalya para matuyo ito. Maya-maya lang ay nakita ko na si Tasha na lumabas ng aking kwarto at hawak-hawak na niya iyong damit na tinutukoy ko. Pagkababa niya ay nagtataka siyang napatingin sa akin kaya naman tinanong ko siya kung may problema ba? “Ate, nakita ko iyong Quija board na nahanap mo noon sa attic.” Napakurap-kurap ako at naalala ko na meron pa pala iyong board na iyon. “Saan mo nakita? Oo nga pala at muntik ko nang makalimutan na meron pa pala iyon.” Huminga siya ng malalim. “Ate, pinaglalaruan mo ba ulit iyon ng mag-isa?” tanong niya. “Hindi na. Bakit mo natanong? Iyong huling beses na ginamit natin iyon ay noong sinabi kong gusto kong kausapin si Papa pero pagkatapos nun ay hindi ko na iyon ginamit pa,” paliwanag ko sa kanya. “Hays.” Halos nakahinga siya ng maluwag. “Akala ko kasi ay ginagamit mo pa iyon kaya nag-alala ako.” Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. “Bakit ka naman mag-aalala kung sakali mang ginamit ko iyon ulit? Quija board lang naman iyon at hindi naman iyon basta-basta nagtatawag talaga ng multo noh.” Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang isa kong kamay. “Ate, basta kahit ano’ng mangyari ay huwag mo na ulit lalaruin iyon. Natatakot lang kasi ako na baka magaya ka sa kakilala ko na pinaglaruan niya iyong Quija board at…at bigla na lang siyang nasaniban.” Napakunot noo naman ako sa kanyang sinabi. Napalunok naman ako at agad akong nakaramdam ng kakaibang takot at nagsitayuan bigla ang aking mga balahibo. Pagkatapos akong paalalahanan ni Tasha ay isinawalang bahala ko na lang ito dahil alam ko naman na hindi iyon mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD