Chapter 17

2128 Words
Asha Lumipas ang isang buwan na hindi naman na ako dinadalaw ng aking mga panaginip at hindi na rin tumataas ang temperatura ng aking katawan. Marahil ay totoo nga ang sinabi ng aking ina na marahil ay dahil lang talaga ito sa init ng panahon. Biyernes ngayon pero kaming dalawa lang ni Mama ang nandito ngayon sa bahay at naki-sleepover si Tasha sa kanyang mga katrabaho. Nagsasara na ako ng pinto dahil naghahanda na kami ni Mama na matulog na. Mukhang napagod si Mama sa pagtulong sa paglilinis sa barangay kanina kaya maaga na siyang pumasok sa kanyang kwarto. Ako naman ay gising na gising pa ang aking diwa dahil alas-siete pa lang ng gabi at hindi pa ako inaantok. Nanunuod naman ako ng videos sa Youtube nang may lumabas na suggested videos dito. Binasa ko ang caption at nakalagay dito ang mga katagang, ‘True Encounters with an Incubus.’ Nagtaka ako kung ano ito dahil wala akong ideya sa kung ano ang ibig sabihin nito. Sinalpak ko ang aking earphones at sinimulan ko itong panuorin at doon ko lang napagtanto na isa pala itong true horror story. Nawili ako kapapanuod ng mga videos na ito na ayon sa mga tao ay totoo raw silang binibisita ng isang s*x demon. Hmm. Sa sobrang pagkawili ko sa mga pinapanuod kong ito ay nanuod pa ako ng maraming ganito hanggang sa abutin na ako ng hatinggabi. Nakaramdam ako ng pagkaantok kaya naman naisipan kong ituloy na lang ang panunuod ng mga ito kinabukasan. Pagkapikit na pagkapikit ko ng aking mga mata ay agad akong nakatulog nang may marinig akong parang naglalakad sa loob ng aking kwarto. Hindi ko alam kung nananaginip ako o kung totoo ang mga nangyayaring ito pero agad kong naramdaman na hindi ko maigalaw ang aking buong katawan. Tanging ang mga mata ko lang ang aking naibubukas pero hindi ko rin alam kung gising ba ako. Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko ang kakaibang init na nagmumula sa aking mga paa paakyat hanggang sa maramdaman ko ito sa buo kong katawan. “Amica Mea…” rinig kong sabi ng kung sino. “Anima tua mea est. Est tempus.” Pilit kong binubuksan ang aking mga mata para makita lang sana kung sino itong nagsasalita pero hindi ko ito magawa. Sabi ng mga matatanda na kapag hindi raw ako makagalaw sa pagtulog ay igalaw ko lang daw ang aking daliri sa paa. Ginawa ko iyon pero nanatili pa rin akong parang estatwa at hindi ko maigalaw ang aking katawan. Maya-maya ay doon ko na naramdaman na may humahalik sa aking p********e. Agad akong nakaramdam ng kakaibang pagnanasa na hindi ko alam kung saan nanggaling. Alam kong nananaginip ako pero ang nararamdaman kong sensasyon ay parang totoo. Maya-maya ay naramdaman ko na lang na para na akong lalabasan hanggang sa maramdaman ko ang kakaibang init na kumikiwal sa aking p********e. Nanginig ang aking buong katawan kaya inakala ko na tapos na ito pero hindi pa pala. Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng parang may pumapasok sa aking p********e. Hindi ko pa ito naranasan sa tanang buhay ko kaya bigla akong kinabahan at gusto kong itulak ang kung anuman na gumagalaw sa akin pero hindi ko magawa. Napasinghap ako nang tuluyan niyang ipasok ang kung anuman sa aking p********e at nagsimula itong maglabas masok. Halos makagat ko ang aking ibabang labi at gusto kong umungol pero walang boses na lumalabas sa aking bunganga. Pabilis nang pabilis ang bawat galaw niya hanggang sa maramdaman ko ulit ang pagnanasang malabasan. Nang maabot ko ang rurok ay bigla na lang nawala ang init na iyon sa aking buong katawan at pagmulat ko ng aking mga mata ay naigagalaw ko na ang aking katawan. Umupo ako sa aking kama at agad na tumingin sa aking kanan at kaliwa pero walang tao. Napatingin ako sa aking katawan at napansin ko na hindi naman ako nakahubad pero napansin ko na basang-basa ang aking underwear. “Grabe naman ang panaginip na iyon?” sabi ko sa aking sarili. Sinubukan kong bumalik sa pagkakatulog pero hindi ko na nagawa dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi ko makilumatan ang nangyari. Nanatiling bukas ang aking mga mata hanggang sa mag-umaga na pero hindi ko na nagawang bumalik pa sa pagkakatulog. Pagtingin ko sa orasan ay alas-sais na ng umaga kaya naman bumangon na ako. Pero gano’n na lamang ang aking pagka-dismaya nang bigla akong natumba sa sahig at hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Hindi ko alam pero nanghihina ang mga ito at hindi ko ito magawang maihakbang. Nasa gano’n akong kalagayan nang magbukas ang aking pinto at nakita kong linuwa nito si Tasha. “Ate?” takang tanong niya. “T-Tasha? P-Pwede mo ba akong tulungan na tumayo dahil hindi ko maramdamang tumatapak ang aking paa sa sahig,” hingi ko ng tulong sa aking kapatid. Mabilis niya akong tinulungan na tumayo nang unti-unti kong naramdaman ang lakas sa aking mga binti. “Ate, ano nanaman ba ang nangyayari sa iyo?” tanong ni Tasha. “Wala ito. Napagod lang siguro ito kaya nagkakaganito pero wala ka dapat ipag-alala ha? Huwag mo na ring sabihin ito kay Mama nang hindi siya mag-alala. Please?” Napipilitan siyang tumango. Bumalik naman sa dati ang lakas ng aking mga binti at hindi na ito nanghihina na parang kanina. Sa sumunod na mga gabi pa ay palaging nauulit ang aking panaginip kung saan ay palagi raw akong nakikipagtalik pero hindi ko maigalaw ang aking katawan. Pagkatapos ay gigising ako sa umaga na sobrang hinang-hina na halos hindi ko maigalaw ang aking mga binti. Sa mga pagkakataong iyon ay palaging si Tasha ang tumutulong sa akin at alam ko na marami na siyang tanong at pagtataka. Gusto ko mang sabihin sa kanya ay ayoko rin siyang masyadong mag-alala lalo na kung alam ko naman sa aking sarili na hindi naman ito nakamamatay. Paggisign ko kinabukasan ay naabutan ko si Tasha na naghahanda ng hapag kainan nang mapatingin siya sa akin. Pagkatapos ay hinila niya ako kung saan na aking ipinagtaka. “Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Ate. Nagd-drugs ka ba?” Gulat akong napatingin sa kanya at bigla na lang akong pumalahaw ng malakas na tawa. “Hindi ako nagpapatawa. Ate naman e.” Tumigil ako katatawa at napailing sa kanyang tanong. “Tasha? Ano ba namang klaseng tanong iyan? Ako? Nagd-drugs? Hindi noh! Hindi ko nga kayang uminom ng alak o manigarilyo, drugs pa kaya. Saan mo ba hinihugot iyang mga tanong mo? Ikaw yata itong gumagamit ng drugs e.” “E paanong hindi kita paghihinalaan e ang dami mong nararamdaman na kakaiba kaya naisip ko na baka side effect ito ng mga drugs.” Binatukan ko naman siya at agad siyang sumimangot. “Hindi ako drug addict noh. Ikaw sa lahat ng ihihinala mo sa akin ay iyong pagd-drugs pa talaga. Gusto mo bang ikaw ang ipunta ka sa rehab nang malinisan iyang utak mo?” Humaba ang nguso niya. “Sorry na. Nag-aalala lang naman ako sa iyo dahil noong nakaraang buwan ay bigla ka na lang umiinit pero sabi mo ay hindi naman masama ang pakiramdam mo. Pagkatapos naman ay tuwing umaga palagi ka na lang nanghihina na hindi na lang nakapaglalakad ng kusa.” Napatingin ako sa kanya ng diretso. “Ang totoo niyan ay may gusto sana akong sabihin sa iyo na napapansin ko rin sa aking katawan nitong mga nakaraang mga araw. Sa tuwing mananaginip ako ay bigla ko na lang hindi maigalaw ang aking katawan kahit gustuhin ko man. Pagkatapos ay kapag gigising na ako sa umaga ay iyong nasasaksihan mo na ang palaging nangyayari sa akin. Iniisip ko tuloy ay may sakit na yata ako,” paliwanag ko sa kanya. “Hmm. May nabasa akong ganyan e. Hindi ko lang maalala kung ano ang tawag doon pero mas maganda na magpa-check-up ka na lang. Mahirap na Ate baka mamaya kung ano na pala iyan.” Tumango naman ako. “Oo nga. Hindi bale. Bukas na bukas din ay pupunta ako sa hospital upang magpa-check-up pero huwag na huwag mo itong mababanggit kay Mama. Naiintindihan mo ba?” sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Kinabukasan ay maaga akong naligo at tinanong pa ako ni Mama kung saan ako pupunta pero hindi ko sinabi sa kanya. Ang paalam ko lang ay lalabas kaming dalawa ni Jessica para mamasyal. Sumakay na ako ng tricycle papunta sa bayan sabay naghintay ng bus papunta sa hopistal. Nang makarating ako roon ay nagpasalamat ako na maaga ako dahil medyo kunti pa lang ang mga tao. Agad naman akong pumunta sa may OPD at agad nila akong tinanong kung ano raw ang aking ipapa-check-up. Agad ko namang sinabi sa kanila ang lahat at nag-suggest ng doctor na dalubhasa sa sleep paralysis. Habang naghihintay ako ay may nakita akong isang babae na nakasuot ng kakaibang damit. Mainit dito sa probinsya pero iyong suot niya ay para siyang nasa Tagaytay o Baguio. Mahaba ang kanyang suot na palad na umabot na hanggang sa sahig. Nakabalabal din siya ng scarf na kulay itim sabay ang dami niyang kwintas at pulseras. Hindi naman siya mukhang baliw o taong gala dahil kapansin-pansin ang pagiging malinis niya. Maputi rin ang kanyang balat at nakasuot pa siya ng make-up kaya naisip ko ay marahil ganito lang talaga siya magdamit. May pinuntahan siya kung saan kaya isinawalang bahala ko na lamang ito at hinintay na lang na tawagin ang aking pangalan. “Ms. Azucena?” tawag nila sa apelyido ko. Napatayo ako at agad akong sumunod sa babae kung saan ay nasa pinakadulo pa ng pasilyo ang clinic ng doctor. Pagdating ko roon ay isang matandang lalaki na nakasuot ng salamin sa mata ang nakaupo habang may binabasa. Nang makita niya akong pumasok ay pinaupo niya ako habang nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa kanyang binabasa. “Hmm. So? You are experiencing sleep paralysis, Ms. Azucena?” “Ho?” tanong ko sa kanya. “Well, ayon sa sinabi mo ay nitong mga nakaraang araw ay bigla ka na lang hindi nakagagalaw kapag nagigising ka, tama?” Tumango ako. “Ano pa ang mga nararamdaman mo tuwing may episode ka ng ganito? Hindi ka ba nagha-hallucinate?” “Uhm, kadalasan ay parang may nakadagan sa akin at hindi ko maimulat iyong mga mata ko, Doc. Minsan naman ay magigising ako na pagod na pagod at pinagpapawisan na para bang ang haba ng tinakbo ko.” Tumang-tango siya. Marami pa siyang tinanong katulad na lang ba kung mahilig daw ba akong uminom ng mga inumin na may caffeine. Tinanong niya rin ang medical history ko pati rin ang schedule ng pagtulog ko. Tinanong niya kung lately daw ba ay na-i-stress ako o maraming iniisip bago matulog. Lahat naman ng ito ay sinagot ko at may mga sinusulat siya sa kanyang papel. “May gamot ho ba ang sleep paralysis, doc?” tanong ko. “Medically ay wala tayong gamot para sa sleep paralysis dahil nakabase kasi ito sa utak natin. Minsan kasi ay dahil ito sa life style natin na siyang nakakaapekto ng pagtulog natin. Pero huwag kang mag-alala dahil unti-unting mawawala ang dinaramdam mo kapag inayos natin ang life style mo.” Tumango ako. Pagkatapos nun ay marami siyang binilin sa akin at sinabi pa niya na magsulat daw ako ng diary kapag nagkaroon daw ako ulit ng sleep paralysis. Titignan daw namin sa isang buwan kung magiging ayos ang pagtulog ko at kapag hindi pa rin daw ay bumalik daw ako sa kanya. Pagkatapos ay lumabas na ako ng clinic niya at may inaayos sa aking bag nang bigla na lang akong may nabunggo. “Ay, pasensya na po,” hinging paumanhin ko. Pag-angat ko ng aking tingin ay doon ko napansin na siya iyong babae kanina na nakita ko na weird magsuot. “Ayos lang, iha.” Ngumiti siya pagkatapos ay napatitig siya ng matagal sa aking mga mata. “Iha may dinaramdam ka ba?” bigla niyang tanong. “Uhm, w-wala naman ho. Bakit ho?” tanong ko sa kanya. Maya-maya ay may linabas siyang isang papel at ballpen at may sinulat doon na kung ano. Pagkatapos ay mabilis niyang binigay sa akin ang papel sabay mahigpit na hinawakan ang aking kamay. “Iha, kung kailangan mo ang tulong ko ay tawagan mo lang ang number na ito ha? Oras na may maramdaman kang kakaiba o may makita kang kakatuwa sa loob ng bahay mo ay tawagan mo ako agad.” Nagtataka man ay tumango na lang ako. Pagkatapos nun ay umalis na siya at pagtingin ko sa papel ay numero lang pala niya ang nakalagay dito. Linagay ko na lang ito sa loob ng aking bag sabay lumabas na ng hospital at umuwi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD