Chapter 19

2079 Words
Asha Makalipas ang isang linggo simula nang magpaalam iyong itim na nilalang ay aaminin ko na kahit papaano ay naging tahimik ang mga gabi ko. Hindi ako nanghihina at mahimbing ang aking mga tulog pero kalakip din nito ay parang may kulang. Aaminin ko na gabi-gabi ay hinihintay ko siya kahit na sabihin mong isa siyang nilalang na hindi ko alam kung saan nanggaling. Makalipas din ang isang linggo ay naisipan kong mag-apply sa eskwelahan ni Tasha dahil nababagot na rin ako na palagi na lang nandito sa bahay. Kaming dalawa lang naman kasi ni Mama ang magkasama at kung minsan ay halos mag-isa ko pa. Palagi kasing wala si Tasha dahil nagtratrabaho siya at si Mama naman ay kahit medyo may edad na ay hindi naman mapakali sa bahay lang. Katatapos lang ng final interview ko at naglalakad ako pauwi nang makita ko si Mama na nagwawalis nanaman sa bakuran. Napailing ako dahil ang init-init ay naglilinis ng bakuran ang inaatuag niya. Pagdating ko ay agad akong nagmano sa kanya at kinumusta niya ang interview ko sa school ni Tasha. “Ayos lang naman ho, Mama. Sabi nila ay baka sabihan nila ako bukas kung makapapasa ako o hindi. Pagkatapos ay baka pwede na rin akong magsimula oras na makapasa ako,” sagot ko. “Mabuti naman kung gano’n Asha. Siya nga pala. Hindi ba at naayos na iyong pinto ng aparador mo?” Tumango naman ako. “Aba’y tignan mo nga ulit at kanina pa iyon gumagawa ng ingay at nakaririndi na. Tuwing titignan ko naman ay nakasara naman ito pero tuwing aalis ako ay para siyang naililipad.” Sa sinabi ng aking ina ay nakaramdam ako bigla ng excitement at tuwa dahil alam ko ang dahilan kung bakit gano’n ang aking aparador. Kung gumagalaw ito ng mag-isa ay alam kong dumating na siya at marahil ay hinahanap niya ako. Agad akong pumasok sa aming bahay at mabilis na tinungo ko ang aking kwarto kung saan ay nakita ko na nakabukas ang pinto ng aking aparador. Hindi ko siya nakita pero ramdam ko ang presensya niya rito sa loob kaya naman mabilis kong linapitan ang aking aparador. Pero nang isara ko ito at humarap sa salamin ay nadismaya ako nang hindi ko siya makita. Pumasok na rin ako sa banyo at humarap sa aking salamin na nandoon pero wala rin siya roon. “Nasaan naman kaya siya at ngayon na nandito ako ay hindi naman siya nagpaparamdam?” Napasimangot ako at naisipan kong magpalit ng aking damit. Habang ginagawa ko iyon ay napatingin ako sa aking aparador nang magbukas ito ng dahan-dahan at napailing na lang ako. Pagkatapos ay nakita kong lumubog ang espasyo ng aking kama na nasa aking tabi tanda na may umupo rito. “Welcome back. Kumusta ang lakad mo ng isang linggo?” tanong ko kahit hindi ko siya nakikita. Abala akong nag-aalis ng aking kwintas nang marinig ko na tinatawag ng aking ina ang aking pangalan. Agad ko namang binuksan ang aking bintana sabay dumungaw dito para tignan ang aking ina. “Mama, bakit po?” tanong ko. “Iha, nandito si Jessica at gusto niya raw kayong mamasyal. Bumaba ka na riyan at hinihintay ka ni Jessica,” utos ni Mama. “Okay po. Bababa na—” Natigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang kakaibang init sa aking batok. “Te desidero, amica mea,” rinig kong bulong niya. “S-Saglit.” Pigil ko sa kanya pero hindi siya tumigil. Napasinghap na lang ako nang maramdaman ko ang mainit na bagay sa aking p********e. Halos lumayo ako sa bintana dahil baka bigla akong makita ng aking ina. Naramdaman kong sinandal niya ako sa may pader at bigla na lang akong hindi makagalaw. Napapikit na lang ako nang paglaruan niya ang aking p********e at nang malapit na akong labasan ay naririnig ko na ang pagtawag ng aking ina sa aking pangalan. “Amica mea…” sabi niya at bigla na lang akong linabasan. Nang matapos ay nawala ang mainit na bagay sa aking p********e at nakagagalaw na rin ako. Hinihingal ako at bigla akong napaupo sa sahig at bigla nanaman akong nanghina sa hindi malaman na dahilan. Saktong bumukas ang pinto at nakita ako ng aking ina sa gano’ng kalagayan. “Asha? Diyos ko ayos ka lang bang bata ka?” Lapit sa akin ng aking ina. “Pagod lang siguro ako Mama sa interview ko kanina. Bababa na rin ho ako kaya pasabi na lang ho kay Jessica na maghintay lang siya saglit.” Umiling ang aking ina at mabilis akong tinulungan na tumayo. “Ang mabuti pa ay sabihin ko na lang kay Jessica na hindi ka makasasama dahil masama ang pakiramdam mo. Mabuti pa ay magpahinga ka na lang.” Umiling ako. “Ayos lang ho ako Mama. Kailangan ko lang talagang magpahinga saglit at magiging ayos din lang ho ako. Please? Nakakahiya naman kay Jessica lalo na at pumunta pa siya rito para sunduin ako. Ayos lang ho talaga Mama.” Ngumiti ako sa kanya at huminga siya ng malalim. Tumango na lamang siya at kahit alam kong hindi siya masyadong naniniwala sa akin ay pumayag na lamang siya. Pagkalabas niya sa aking kwarto ay napailing na lang ako sabay natawa ng mahina. “Kasalanan mo ito. Hindi kasi makatiis e.” Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto ng banyo at napailing na lang ako. Nang maging ayos na ako ay nag-ayos na muna ako ng aking sarili at masaya kaming namasyal ni Jessica. Linibre niya ako sa mall at nagkwentuhan na rin kami ng matagal kaya naman gabi na nang makarating kami. Nagpasalamat ako sa paghahatid niya sa akin nang maabutan ko sila Mama na abalang kumakain ng hapunan. “Nandyan ka na pala, Ate. Saan kayo nagpunta ni Ate Jessica?” tanong ni Tasha. “Sa mall lang naman. Sakto dahil may natira kaming pagkain.” Linapag ko sa kanilang harapan ang inuwi kong pagkain na hindi namin naubos ni Jessica. Napapatingin ako sa hagdan dahil alam kong naghihintay na roon iyong itim na nilalang. Nagpaalam na muna ako sa kanila Mama at pumanhik sa aking kwarto. Pagpasok ko ay hindi siya agad nagparamdam sa akin kaya naman nagpalit na muna ako ng damit at nagsipilyo para humanda nang matulog. Nang matapos akong mag-half bath ay humiga na ako sa aking kama at naglaro muna ng kunting games sa aking cellphone. Ngayon na bumalik na iyong itim na nilalang ay aasahan ko nang araw-araw nanaman akong mapapagod. Kadalasan naman ay kapag malalim na ang gabi kapag nagpaparamdam siya sa akin. Hindi ko alam kung may sinusunod din ba siyang schedule niya o talagang mahilig lang siyang magparamdam sa akin kapag tulog na ako. Nang dalawin na ako ng antok ay natulog na ako at hinintay ko na lang na magigising ako ng presensya niya. Makalipas ang ilang oras ay nagsimula na akong makaramdam ng kakaibang init pero hindi ito iyong katulad ng init na nararamdaman ko kapag nandyan siya. Sa pagkakataong ito ay mas mainit ito sa normal pero nakapagtataka na para akong hinehele ng init na ito. Sobrang nakapapaso ito na parang init siya na lava na nanggagaling sa init ng bulkan. Ang isa pang napansin ko ay hindi na lang basta init ang nararamdaman ko sa bawat parte ng aking katawan kung hindi ay ramdam ko ang isang kamay na humahaplos sa akin. Medyo may pagkgaspang ito at kung tama ang aking nararamdaman ay parang mahahaba ang mga kuko nito. Nang halikan niya ako ay ramdam ko ang mga maiinit na labi na dumampi sa aking bibig. Bawat galaw ng labi niya ay sobrang sarap na para ba akong umiinom sa isang matamis na batis. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay at nakapagtataka na naigagalaw ko ang mga ito ngayon. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at naisip ko na marahil ay hindi ako nananaginip sa pagkakataong ito. Saglit. Nahahawakan ko siya, nararamdaman ko siya, naigagalaw ko ang aking katawan ngayon. Hindi kaya ibig sabihin nito na makikita ko na sa wakas ang lalaking palagi kong nakasisiping gabi-gabi? Sa isipin na makikita ko na siya ay nakaramdam ako bigla ng sobrang saya at pananabik. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata at tama nga ang aking hinala na makikita ko na nga siya. Unti-unting nagbukas ang aking mga mata nang humiwalay siya sa akin at kasabay ng pagbukas ko ng aking mga mata ay gano’n na lamang ang gulat ko sa aking nakita. Sa aking ibabaw ngayon ay isang lalaki na may itim na pakpak, dalawang sungay at ang mga mata niyang singpula ng dugo. Nawala ang lahat ng aking pananabik sa kanya at tanging takot na lang ang aking nararamdaman. Hindi ko na halos namalayan na nagsisisigaw na pala ako sa takot sa nilalang na pinayagan kong angkinin ako ng pault-ulit. Sa sobrang lakas ng aking sigaw ay bigla na lang siyang nawala sabay tinakpan ko ang aking mukha dahil sa takot. Saka na lang ako natigil nang nakita kong nagbukas ang aking pinto at ilinuwa nun si Tasha na agad lumapit sa akin at yinakap ako. “Ate! Ate! Ate!” sigaw niya habang yinuyugyog ang aking balikat. “T-Tasha?” Natigil ako sa pagsigaw at nakita ko ng malinaw ang nag-aalalang mukha ni Tasha. “Ate? Ate, ayos ka lang ba? Nandito lang ako. Ano’ng nangyari ha? May nakita ka nanaman ba?” nag-aalalang tanong niya. Doon ko lang napansin na nanginginig ang aking katawan at nakita ko pang pumasok na si Mama na may hawak na isang baso ng tubig. Pinainum ito sa akin ng aking ina pero hindi matigil ang aking katawan sa panginginig kaya halos matapon ang laman ng isang baso ng tubig. Nang mainom ko ito ay muli akong tinanong ni Tasha pero tanging iyak na lang ang aking naisagot. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sa akin ng aking ina at kapatid habang hindi pa rin maalis sa aking isipan ang aking nakita. Hindi ko bukod akalain na isang demonyo ang pinayagan kong umangkin sa akin at hindi ko man lang ito nalaman ng mas maaga. Parang tattoo ang kanyang itsura na nakatatak sa aking utak at kahit ano’ng pilit ko ay hindi ito maalis-alis. Katunayan niyan ay kapag ipipikit ko ang aking mga mata ay nakikita ko lang siya ng paulit-ulit kaya halos ayoko na ang matulog. Namalayan ko na lang na inaakay na ako ni Tasha papunta sa kanyang kwarto habang nanghihina akong naglalakad. Nang makarating kami sa kanyang kwarto ay yinakap ko ang aking sarili at mabilis na umiyak muli. “Mama, ano ho ang gagawin natin? Hindi ko pa ho nakita ng ganito si Ate na para bang may nakita siya,” rinig kong tanong ni Tasha kay Mama. “Bukas na bukas ay pupunta ako sa simbahan upang ipa-bless ang Ate mo. Sa ngayon ay bantayan mo na muna siya at kung maaari ay lumiban ka na muna sa trabaho mo.” Tumango si Tasha. Nang makalabas si Mama ay tumabi sa akin si Tasha at agad kong naramdaman ang yakap niya. Umiyak lang ako sa bisig niya habang hinahaplos niya ang aking buhok. “Tahan na Ate. Bukas na bukas daw ay ipapa-bless ka ni Mama sa isang pari. Ano ba iyong nakita mo, Ate?” tanong niya at napatingin naman ako sa kanya. “I-I don’t know. H-Hindi ko alam kung ano iyong nakita ko pero sapat na iyon para matakot ako ng sobra. Ano’ng gagawin ko Tasha?” tanong ko sa kanya habang lumuluha. “Huwag mo nang isipin iyon dahil hindi kita iiwan kahit na ano’ng mangyari. Nandito lang ako sa tabi mo at hindi ka namin iiwan ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang nakita mo Ate pero kung ayos lang sa iyo ay ipatingin natin sa isang medium ang nangyari sa iyo,” suhestiyon niya. “Medium? Manghuhula?” tanong ko. “Hindi manghuhula Ate. Isang medium at sila iyong mga klase ng tao na nakikita o nakakausap ang mga multo o engkanto sa kabilang buhay. Malalaman natin kung sino ang gumugulo sa iyo at kung bakit.” Napalunok ako sa sinabi ni Tasha at tumango na lang. Pagkatapos ng gabing iyon ay nagawa kong pakalmahin ang aking sarili at pinilit kong matulog sa tabi ni Tasha. Kung anuman iyong nakita ko ngayong gabi ay sigurado akong pinayagan ko siyang mapasok niya ang buhay ko ng wala akong kamuwang-muwang. Pero bakit at ano ang pakay niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD