Chapter 13

2085 Words
Asha Nang magamot namin ang napilayang paa ni Birch ay nagpasundo si Birch sa kanyang driver upang dalhin siya sa hospital at mas magamot doon ang kanyang paa. Nagpasalamat naman siya sa amin at nagtataka naman akong nakasunod sa papalayo nilang sasakyan. “Ano ba naman ang nangyari sa batang iyon?” nag-aalala ring tanong ni Mama. “Hindi ko rin kasi nakita iyong nangyari pero narinig ko na lang na sumisigaw si Stella kaya agad namin siyang tinulungan,” sagot ni Tito. “Pero nakapagtataka na paano ka mapipilayan ng gano’n ka-grabe gayong hindi pa naman siya nakakakalahati sa pag-akyat niya sa hagdan?” tanong ni Tita. “Ano hong ibig niyong sabihin?” tanong ko kay Tita. “Nakita ko naman siya na sinundan kayo sa kwarto mo Asha at alam ko na wala pa siya sa kalahati ng hagdan. Kaya nga nagugulat ako paanong gano’n ka-grabe ang natamo niyang pasa sa paa niya e sobrang baba lang ng pagkakahulog niya? Maniniwala pa sana ako kung nandoon na siya sa pinaka-huling baitang ng hagdan pero hindi e. Hays. Ang disgrasaya nga naman oo,” umiiling na sagot ni Tita. Ako naman ay nagtatakang napatingin sa kawalan kung ano ba talaga ang nangyari. Sa lahat ng umaakyat sa hagdan na iyon ay wala pa ni isa sa amin ang nadidisgrasya dahil hindi naman gano’n kataasan ito at maganda itong tapakan. Malawak ang bawat baitang nito para masiguro na pati bata ay kayang umakyat dito ng walang tulong sa magulang. Kaya si Leo ay nakaaakyat papunta sa aking kwarto dahil sinigurado namin na accident free ang hagdan namin. Napahilot na lamang ako sa aking noo at sisiguraduhin ko na bibisitahin ko siya bukas upang tignan ang kanyang kalagayan. Pagsapit ng gabi ay sakto namang nakarating na si Tasha at may mga dala-dala siyang costume. Sa tingin ko ay ito iyong mga ginamit ng mga estudyante niya kanina sa pagsasayaw. “Tamang-tama ang dating mo anak. Luto na ang pagkain,” sabi ni Mama. “Mano po, Mama,” sabi ni Tasha. “Ate, nakita mo ba iyong tinuro kong sayaw sa klase ko? Ano sa tingin mo, maganda ba?” Ngumiti naman ako. “Oo. Magaling kang magturo at mas magaling ka nang sumayaw kaysa sa akin.” Natawa naman siya ng mahina sabay tinulungan ko siyang magbuhat ng mga dala niyang costume at sabay-sabay na kumain ng hapunan. Kinabukasan ay maaga akong nagising na pagod na pagod nanaman na para bang ang haba ng tinakbo ko. Alam kong napapansin ito ni Tasha pero hindi naman siya nagsasalita kaya hinayaan ko na lang din. Iniisip ko lang minsan na marahil ay napapaaga ang aking tulog at pwedeng nasosobrahan lang ako sa tulog. Naisipan kong bisitahin ngayon si Birch dahil nag-aalala ako sa nangyaring pagka-pilay ng kanyang paa. Alam kong wala akong kasalanan doon sa nangyari sa kanya pero sa sarili namin siyang bahay naaksidente. Isa pa ay nobyo ko siya kaya kailangang kong tignan kung ayos lang ba ang kanyang kalagayan. “Saan ang lakad mo anak?” tanong ng aking ina. “Bibisitahin ko ho si Birch. Gusto ko lang malaman kung kumusta na ho ang kalagayan niya Mama,” sagot ko habang sinusuot ko ang aking sapatos. “Gano’n ba? Kung gano’n ay bumili ka na muna ng mga prutas sa bayan bago ka pumunta sa hospital. Ito ang pera anak o.” Nakita kong may binibigay siyang pero umiling ako. “Itabi mo na lang iyan, Ma. Idagdag mo na lang sa pambili ng gamot mo at ako na ho ang bibili ng mga prutas para sa kanya.” Ngumiti siya at tumango sabay nagmano ako bago lumabas ng bahay. Sumakay na ako ng tricycle at pumunta na muna ako ng bayan para bumili ng dalawang mansanas, dalawang orange, limang pirasong mangosteen, at dalawang peras. Pagkatapos kong bumili ay naghintay na ako ng bus papunta sa hospital. Nang makarating ako sa nasabing hospital ay tinanong ko ang pangalan ni Birch at kung saan siya naka-admit sa nurse. Nang nasabi niya sa akin ang numero ng kanyang kwarto ay mabilis akong umakyat at halos mapagod at pagpawisan pa ako dahil nasa isang private room siya. Nang malapit na ako sa kanyang kwarto ay kakatok na sana ako nang may marinig akong tawanan sa loob ng kanyang kwarto. Naisip ko na marahil ay mga magulang niya lang ito o marahil ay mga kamag-anak niya. Kinatok ko ang pinto at makalipas ang ilang segundo ay nagbukas ito pero nagtaka ako na isang babae ang linuwa ng pinto na halos ka-edad ko lang. Nagtaka ako kung sino siya lalo na noong marinig ko ang tawag ni Birch sa kanya. “Sino ang nandyan honeybabe?” tanong niya. “I don’t know, babe. It’s a woman,” sagot niya. “Hi. May I know who you are?” Halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan at sa aking naririnig sa ngayon pero iniisip ko rin na baka mali lang ang aking akala. Kaya pinilit kong ngumiti sabay binigay sa honeybabe na iyon ang mga dala kong prutas para kay Birch. “Uhm, come in. Mas maganda kung ikaw ang magbigay niyan sa kanya,” sabi niya. Binuksan niya ang pinto at nang makita ako ni Birch na nakatayo sabay may hawak na plastic ng mga prutas ay agad kong nakita ang gulat sa kanyang mukha. May parte sa akin na nagsasabi na marahil ay mali lamang ang nakikita kong ekspresyon sa kanyang mukha pero pansin na pansin ko ang pamumuti niya na para bang ayaw niyang nandito ako. Napailing na lang ako sabay pumasok at agad naman akong pinaupo ng tinutukoy niyang honeybabe kanina. “Uhm, n-nagugutom na ako. Pwede mo ba akong bilhan ng Greenwich sa labas?” sabi niya sa babae. “Sure. I’ll be back as soon as I can, babe. Behave ha? Lalo na at hindi pa magaling iyang paa mo. Love you.” Napaiwas pa ako ng tingin nang bigyan siya ng babae ng halik sa kanyang mga labi. Nang makaalis na siya ay naiwan kaming dalawa at nanatili lang akong nakatayo na parang tanga malapit sa pinto habang hawak ko ng mahigpit ang mga binili kong prutas. Ayokong umiyak dahil hindi siya karapat-dapat sa mga luha na ibibigay ko sa kanya. Nang wala nang balak magsalita sa amin ay ako na ang naglakas ng loob. “Uhm, dumaan lang ako para kamustahin ang kalagayan mo at para ibigay sa iyo itong mga prutas,” sabi ko. Naglakad ako sabay linapag ko ang mga prutas na dala ko sa ibabaw ng lamesa na nasa tabi ng kama niya. Pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanya at mabilis na tinungo ang pinto nang tawagin niya ang aking pangalan. “A-Asha, please let me explain.” Huminga ako ng malalim pero hindi ko rin siya hinarap. “Kailan pa, Birch? Kailan mo pa ako linuluko? O mas magandang tanungin ay sineryoso mo ba talaga ako o nakita mo lang na easy to get ako kaya pati nobya mo ay nagawa mong lukohin?” naiinis kong tanong sa kanya. “A-Aminin ko na may nobya na ako at matagal na kami pero pumunta siya ng America dahil gusto niyang sundan iyong mga pangarap niya. I was keeping in touch with her, and I wanted to break up with her because I met you, but she just came back today, and she wanted to get back with me.” Kunot noo akong napalingon sa kanya. “At paano ako? Ngayon na bumalik na siya ay itatapon mo na lang ako ng gano’n gano’n na lang?” tanong ko sabay tumulo na ang aking luha. “I love you, Asha. I swear, but she’s…she’s the woman I wanted to be with as a wife.” Napahigit ako ng aking hininga at napailing sa kanya. “You are so selfish, Birch. Sana ay sinabi mo na lang sa akin ang lahat para hindi nahulog agad ang loob ko sa iyo. I almost gave you everything, but you know what? I’m so thankful that I didn’t give my virginity to you! You’re an asshole!” sigaw ko sa kanya sabay binuksan ang pinto. Natigilan pa ako nang makita kong nakatayo sa labas ang nobya niya at nakita kong nag-aalala siyang nakatingin sa akin. Gusto niyang magsalita pero mabilis kong linisan ang lugar na iyon at walang lingon akong tumakbo palabas ng hospital na iyon. Nang makalabas ako ay halos manikip ang dibdib ko at umiyak ako. Halos pagtinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakialam dahil mas masakit ang aking nalaman. Maya-maya ay sinubukan kong maglakad sabay naghintay ng masasakyan kong bus pero ayoko na munang umuwi. Ayokong makita ako ng aking ina sa ganitong kalagayan at baka mag-alala lamang siya kung bakit ako umiiyak. Kaya naman dumiretso ako sa plaza namin at doon na muna ako tumambay habang nagpapalamig ng aking ulo. Pinapanuod ko ang mga batang nagtatakbuhan pati na rin ang kanilang mga magulang na naghahabol sa pagiging makulit nila. Hindi rin lang ako nagtagal sa lugar na iyon dahil ayokong pag-aksayahan ng panahon ang lalaking iyon na walang ginawa kung hindi ang lokohin ako. Tumayo na ako at mabilis akong umuwi sa bahay namin kung saan ay nakita kong nagkwekwentuhan ang aking ina at si Tasha. Muntik ko na nga pa lang makalimutan na araw nga pala ng Sabado ngayon at day off ngayon ni Tasha. Nang makita ako ni Tasha ay mabilis niya akong kinawayan sabay tinawag na magmeryenda na raw muna ako. Nakita ko na kamoteng kahoy na may margarine ang kinakain nila kaya umupo ako kasama nila at kumuha ng isang kamote. “Kumusta naman si Birch, ate? Narinig ko kasi iyong kwento ni Mama kaya naisip ko na kumustahin siya,” tanong ni Tasha. Imbes na sagutin ko ang kanyang tanong ay bigla na lang akong naluha habang binabalatan ko iyong kamote kaya bigla namang naalarma sila Mama. Hindi nila ako tinanong bagkus ay naramdaman ko na lang ang pagyakap nilang dalawa sa akin upang damayan ako sa kung anumang iniiyakan ko. Nang mahimasmasan ako ay doon ko sinabi ang lahat ng aking nalaman nang pumunta ako sa hospital. “Aba’t ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking iyon at nagawa niya pa talagang pagsabayin kayo?” galit na sabi ni Tasha. “Naku, ate. Huwag na huwag lang magpapakita sa akin iyon dahil hahabulin ko talaga siya ng itak at baka putulan ko na talaga siya ng paa nang hindi na siya makalakad.” “Tasha, imbes na pagsabihan mo ang ate mo ay mas lalo mo lang pinapalala,” suway naman ni Mama. “Ang mabuti pa ay tulungan mo na lang si Leo sa assignment niya.” “Pero…” “Sige na.” Nakasimangot na umalis si Tasha at naiwan naman kaming dalawa ni Mama. “Iha? Ayos ka lang ba?” Tumango ako. “Masakit lang sa una Mama pero hindi naman siya iyong klase ng tao na iiyakan ko hanggang bukas. Nagulat lang talaga ako sa nalaman ko dahil hindi ko lang talaga kasi akalain na magagawa niya iyon sa akin.” Huminga ako ng malalim. “Siya kasi ang pinaka-unang nobyo ko kaya siguro masakit dahil ngayon ko lang mararanasan ito.” “Lilipas din iyan anak. Ikaw pa e alam ko na malakas ang loob mo at alam kong hindi ang isang heartbreak ang makapagpapabagsak sa iyo. Ang importante ay magiging leksyon ito sa iyo at mas magiging matatag ka pa sa lahat ng problemang darating sa buhay mo.” Napangiti ako sa aking ina sabay yinakap siya. “Maraming salamat po, Mama.” Masakit pa rin para sa akin ang nangyari dahil aaminin ko na sa kunting panahon ay minahal ko rin naman si Birch. Kahit sinuman ang nasa lugar ko ay baka sakaling masaktan at umiyak din sila pero katulad nga ng sabi ko ay hindi siya iyong klase ng lalaki na iiyakan ko pa kinabukasan. Nagpapasalamat din naman ako kahit papaano na nalaman ko ito ng mas maaga kung hindi ay mas mahirap ko siyang bibitawan at kalilimutan. Makalipas ang isang linggo ay wala na akong naging balita kay Birch at wala na rin naman akong pakialam dahil naging ayos na rin naman ako kahit papaano. Kararating lang namin ni Mama galing sa palengke nang tawagin ni Tasha ang aking pangalan at sinabing may naghahanap sa akin. Naghugas na muna ako ng aking kamay at paglabas ko ay natigilan ako nang makita ko kung sino ang nasa aking pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD