Chapter 14

2112 Words
Asha Natigilan ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha na ayaw kong makita pero nandito siya ngayon sa aking harapan at kasama niya pa ang alalay at driver niya. “Anak? Sino’ng bisita natin at nang…” Natigilan din si Mama nang nakita niyang nakatayo lang ako at nakatitig sa bisita namin ngayon. “Aba’y ano ba’ng ginagawa mo anak at nakatayo ka lang diyan? Ayain mo sila sa loob lalo na at sobrang init sa labas.” “Hello po. P-Pasensya na po sa abala,” sabi niya. “Walang anuman iyon iha. Ang mabuti pa ay pumasok na muna kayo,” yaya ni Mama sa kanila. Nanatili lamang akong nakatayo nang pumasok sila sa aming bahay at halos muntik ko nang isigaw kay Mama na huwag silang papasukin. Napalingon ako sa pinasukan nila at pinagmamasdan ko kung paano niya ngitian si Mama habang inaalok siya ng juice o tubig. Napahinga ako ng malalim dahil hindi dapat ako magalit sa kanya dahil wala naman siyang kasalanan. Kung tutuusin ay pareho lang kaming biktima ni Birch at siya ang nauna kaya may mas karapatan siya. Hindi ko lang maiwasan ang makaramdam ng galit marahil ay hindi ko kasi matanggap na siya ang mas pinili ni Birch samantalang ako ay pasttime. Pumasok na rin ako sa loob at ramdam ko na nakasunod ang mga tingin nila sa akin pero hindi ko sila binalingan man lang ng tingin at dumiretso ako sa kusina. Hinugasan ko iyong mga isda na binili namin ni Mama sa palengke nang marinig ko na lumapit sa akin si Mama. “Anak, bakit ba nandito ka at hindi mo asikasuhin ang mga bisita mo?” Hindi ako sumagot nang pigilan ni Mama ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya. “Anak, alam ko na hanggang ngayon ay masakit pa ang lahat pero sila mismo ang pumunta rito para kausapin ka.” Ngumiti siya. Dahan-dahan akong tumango at sinabi ng aking ina na hindi niya ako iiwan kahit ano’ng mangyari. Pumunta na ako sa salas kung saan ay naghihintay na roon ang nobya ni Birch at nang makita niya ako ay matamis siyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba iyong ngiti niya pero nagulat na lang ako nang tumayo siya at bigla niya akong yinakap ng sobrang higpit. Nang humiwalay siya ay nagtataka akong napatingin sa kanya sabay hinila niya akong umupo sa sofa habang hawak niya ang aking kamay. Mukhang napansin niya na nakatingin ako sa hawak niyang kamay ko kaya humingi siya ng pasensiya at binitawan ang aking kamay. Napatingin naman ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng mga pilik mata niya. Ayos pa lang niya ay pansin nang may kaya siya sa buhay sabay ang ganda niya pa. Walang-wala akong panama sa kanya kaya agad naman akong umiwas ng tingin dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. “Asha, right?” tanong niya at tumango naman ako. Pati pananalita niya pansin na pang mayaman. “Jessica nga pala pero pwede mo naman akong tawaging Jess for short.” Linahad niya ang kanyang kamay at agad ko naman itong tinanggap. “Pasensya ka na kung pumunta ako rito ng walang pasabi.” “Ayos lang. Pero paano mo nahanap itong bahay namin?” tanong ko. “Uhm, tinanong ko kay Birch kung saan ka nakatira,” sagot niya. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Asha. Pumunta ako rito dahil gusto kong malaman kung paano naging kayo ni Birch. Alam ko na hindi madali ang hinihingi ko lalo na isang linggo pa lang ang nakalilipas simulang nang…” Ngumiti ako. “Ayos lang. Wala kang dapat ihingi ng tawad dahil kung meron man ay dapat ako iyon dahil hindi ko inalam ang background ni Birch.” Tumango siya. Pagkatapos ay sinabi ko nga lahat sa kanya ang nangyari sa amin ni Birch, kung paano kami nagkakilala at kung paanong naging kami. Nang mai-kwento ko na lahat sa kanya ay nanahimik siya saglit pagkatapos ay humugot siya ng isang malalim na hininga at humarap sa akin. “Salamat sa pagkwento. Ngayon na alam ko na ay tama lang pala ang naging desisyon ko na hiwalayan siya.” Maang akong napatingin sa kanya sa kanyang sinabi. “H-Hiniwalayan mo si Birch? P-Pwede ko bang malaman kung bakit?” tanong ko. “Hmm. Sabihin na natin na hindi siya iyong klase ng lalaki na karapat-dapat para sa akin o para sa iyo,” sagot niya. “Pero hindi ba at ang dahilan naman kung bakit ka bumalik ay dahil sa kanya. Ikakasal na dapat kayo ‘di ba?” Humaba naman ang nguso niya na parang bata. “Sinungaling talaga ang lalaking iyon. Buti na lang at naabutan mo kami kung hindi ay pati ikaw ay lolokohin niya rin. Kaya lang naman ako bumalik dahil sabi niya na gusto niyang bumawi sa akin pagkatapos ng panluluko niya sa akin tulad ng ginawa niya sa iyo ngayon. “Hays. Ako naman dahil sa isipin na nagbago na siya ay binigyan ko siya ng isa pang pagkakataon kaya bumalik ako rito sa ‘Pinas. Aba’y ganito pala ang maaabutan ko at malalaman ko na may nobya na pala siya. Alam mo gwapo lang kasi si Birch kaya ang bilis niyang magpahulog ng babae pero huwag kang magpapaniwala sa pagkukunwari niya. “Gusto lang niya ang makatikim sa iyo kaya ginagamit niya ang lahat ng panluluko para magawa niya iyon. Alam ko dahil muntik na niyang makuha noon ang pagka-birhen ko,” sabi niya na aking ipinagtaka. “Mukha naman siyang mabait.” Inikotan niya ako ng kanyang mga mata sabay umiling. “Girl, napansin mo ba na mahilig humalik si Birch at kung saan-saan pumupunta ang kamay niya? Your being silent means yes. Mabuti na lang talaga at bumalik ako para putulan ko na siya ng sungay sa wakas. “Alam mo, ang rason lang naman kung bakit ka hiniwalayan na Birch ay una, alam niyang wala siyang mapapala sa iyo. Pangalawa, hindi ikaw iyong tipo ng babae na maikakama niya agad. Pangatlo, alam niya na, sorry for the term, hindi ka mayaman,” paliwanag niya. Pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin ay aaminin kong nagugulat ako dahil alam ko naman na hindi gano’n si Birch. Pero may isang banda sa aking utak na nagsasabing tama rin lahat ng sinabi ni Jessica dahil ano naman ang dahilan niya para siraan si Birch? Isa pa mukha naman siyang nagsasabi ng totoo at aaminin ko na gumaan ang loob ko sa kanya. Marami pa siyang sinabi tungkol kay Birch at nalaman ko na childhood friends sila hanggang noong high school. Naging sila raw noong unang baitang ng kolehiyo bago raw nag-migrate ang mga magulang niya sa America kaya naman pati siya ay doon na rin itinuloy ang pag-aaral. Doon niya nabanggit na wala pa raw isang buwan ang relasyon nilang dalawa noon ay gusto na raw siyang puntosan ni Birch. Ngayon na nalalaman ko ang lahat ng ito ay hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil naging blessing in disguise ang pagkaka-hospital ni Birch. Ayokong maging masama pero hindi ko maiwasan sabihin na buti nga sa kanya at na-disgrasya siya. Hays. Patawarin sana ako ng nasa itaas dahil sa pagiging masama ko. Nang matapos magkwento si Jessica ay marami pa kaming napagkwentuhan at nabanggit niya na baka didito na raw siya ng Pilipinas. Magb-business na lang daw siya at kung sakali ay baka kunin niya raw ako na isang manager na akin namang ipinagpasalamat. Napansin ko rin na madaldal si Jessica at parang hindi siya mauubusan ng kwento na aking ikinawili sa kanya. Sa dami ng kanyang kwento ay hindi ko namalayan na hapon na pala at naging instant ko siyang kaibigan. Kalog din siya kaya naman wala akong ginawa kung hindi ang tumawa nang tumawa sa mga pinagsasabi niya. “Tignan mo nga naman at alas-kwatro na ng hapon. Gano’n na ba tayo katagal nag-uusap? Hala. Pasensya ka na at mukhang wala ka na yatang nagawa ng dahil sa akin.” Ngumiti naman ako sabay umiling. “Wala iyon. Sa totoo niyan ay nagustuhan ko nga ang company mo dahil hindi ka boring kausap,” sabi ko habang naglalakad kami pareho palabas ng aming bahay. Hintaid ko na siya hanggang sa kotse niya at agad naman niyang binaba ang bintana ng kotse niya. Nagpaalam ako sa kanya at gano’n din siya pero bago umandar paalis ang kotse niya ay may babala siyang iniwan sa akin. “Girl, mag-iingat ka lang ha? Matagal kong hindi nakasama si Birch ng ilang taon at hindi ko alam kung sa ilang taon na iyon ay naging maayos siya.” Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ko. “Ayokong sabihin ito sa iyo kanina dahil ayokong takutin ka pero dahil kaibigan na kita ngayon ay marapat lang na malaman mo. Sabihin na natin na may disorder si Birch at nabanggit ko nga sa iyo na gusto niyang maikama ka. Ngayon na hiniwalayan ko na siya ay baka sakaling balikan ka niya at may gawin siyang masama sa iyo,” paliwanag niya. “T-Tulad naman ng ano?” tanong ko. “Hindi ko alam pero tulad ng sabi ko ay mag-iingat ka lang. Huwag kang magpapa-gabi at siguraduhin mo lang na hindi ka palaging mag-isa.” Tumango naman ako sa paalala ni Jessica. “Paano ba iyan mauna na ako. Sa susunod ay ipapasyal kita sa bahay ko o kaya ay mag-shopping tayo.” “Sige ba.” Pagkatapos ay umandar na paalis ang sasakyan nila hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. Nawala ang aking ngiti nang maalala ko ang sinabi niya tungkol kay Birch. Hindi naman siguro gagawin ni Birch ang bagay na iyon lalo na at siya naman ang nakipaghiwalay sa akin. Nagkibikit balikat na lamang ako sabay pumasok na ako sa aming bahay at sinara ang pinto. Makalipas ang isa ulit na linggo pagkatapos kong makilala si Jessica ay wala namang kakatuwa ang nangyari at parang bumalik lang sa dati ang buhay ko. Bukod sa palaging bumibisita si Jessica rito sa bahay para makipagkwentuhan o ayain akong mamasyal ay wala namang kakaiba ang nangyayari. Kagaya na lang ngayon na huling araw ng pyesta kaya naman mas dumami pa ang taong pumupunta sa plaza upang bumili ng kung anu-ano at maglaro ng mga palaro. “Ate, manuod tayo mamayang gabi sa plaza ng search for Ms. Gay,” yaya ni Tasha sa akin. “Eh ‘di ba alas-otso ng gabi magsisimula iyon? Masyado na iyong gabi at ayaw kong magpuyat.” Sumimangot naman siya. “Ang daya naman, Ate. Sige na. Si Mama nga rin sasama pero ikaw ayaw mo? Sige ka ikaw lang mamaya ang maiiwan dito lalo na at lahat kami pupunta.” Napailing naman ako. “Ayoko talaga. Mas maganda nga rito lang ako para may magbantay ng bahay dahil wala kayo lahat mamaya. At saka alam mo naman na wala akong hilig sa ganyan ‘di ba?” sabi ko. “Tasha, huwag mo nang pilitin iyang Ate mo kung ayaw niyang pumunta. Hayaan mo at siya na lang ang magbantay dito total ay wala nga namang maiiwan. Mahirap na at baka manakawan pa tayo lalo na kung alam nilang walang maiiwan dito,” sabi ni Mama. “Sige na nga. Hmp.” Natawa na lang ako sa pagtatampo ni Tasha sa akin. Pagsapit ng gabi ay unti-unti na ngang tumahimik ang buong kapaligiran at lahat sila ay pumunta na sa plaza habang may dala-dalang mga jacket at baon. Kanya-kanya ng dala ng pera dahil mukhang bibili iyong iba ng damit habang sila Tito ay makikisugal naman. Ako lang ang naiwang mag-isa kaya naman sinigurado ko na nakasara ang lahat ng bintana at pinto. Mahirap na at baka mamaya ay may makapasok na magnanakaw at kunin nilang lahat ang laman ng aming bahay. Lagot ako kay Mama kapag nagkataon. Nang masiguro kong sarado na ang lahat ay umakyat na ako sa aking kwarto pero iniwan kong bukas ang ilaw sa buong kabahayan. Pagkatapos ay naisipan kong maglaro sa aking cellphone habang pampalipas ng oras nang makarinig ako ng kalabog sa baba. Noong una ay hindi ko ito pinansin dahil inisip ko na marahil ay iyong pusa lamang ito at naghahanap nanaman siya ng makakain. Paglipas ng ilang minuto ay dinalaw na ako ng antok kaya naman natulog na ako. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero naalimpungatan na lang ako nang maramdaman kong may nakadagan sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay gano’n na lamang ang gulat ko nang makita ko kung sino ito. “B-Birch?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD