Chapter 8

2043 Words
Asha Nang matapos kaming magpa-check-up ay hinatid kaming muli ni Birch sa bahay at nakita kong alas-dose na. Nag-aalala tuloy ako na nag-half day na si Birch para lang sa akin at ayaw kong ma-absent siya dahil lang sa natamo kong sugat. Pagdating namin sa bahay ay yinaya na muna ni Mama si Birch sa loob pero tumanggi siya at sinabing didiretso na raw siya sa trabaho. Naiwan naman ako sa loob ng sasakyan kasama si Birch para magpasalamat sa kanya. “Hindi ka pa kumakain ng tanghalian. Sigurado ka bang ayos ka lang?” tanong ko sa kanya. “Oo. Ang importante lang naman ay malaman kong ayos ka na at hindi ka nasaktan.” Ngumiti siya sabay tumango naman ako. Nagpaalam na ako sa kanya at akmang lalabas na ako ng kanyang sasakyan nang pigilan niya ako na aking ipinagtaka. “Wala man lang ba akong goodbye kiss?” Nahihiya akong napatungo dahil sa pagiging sweet ni Birch sa akin. Pagkatapos ay unti-unti niyang linapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa lumapat na ang kanyang bibig sa aking mga labi. Dahan-dahan lang ang kanyang paghalik sa akin noong una pero nang tumagal ay napansin ko na halos higupin na niya ang aking mga labi. Hindi ko alam kung nasasabik lang ba siya sa akin o talagang ganito lang siyang humalik. Habang tumatagal ang paghahalikan naming dalawa ay bigla ko na lang naramdaman ang mga kamay niyang humihimas sa aking dibdib dahilan para mapamulagat ako. Ayos lang sa akin ang halikan at alam ko naman na nobyo ko si Birch pero hindi pa ako handa sa mga ganito at kailangan kong pag-isipan ng mabuti ito. Dahil sa takot at kaba na aking nararamdaman ay nahawakan ko ang mga kamay ni Birch sabay linayo siya agad sa akin. Pansin na nabitin siya at alam kong gusto niya pa pero kailangan ko nang pigilan bago pa man din mapunta ito sa kung saan. “S-Sorry, Asha. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko kapag malapit ka sa akin. Ikaw ang pinaka-unang nobya ko kaya kapag nakararamdam ako ng kakaibang pananabik ay hindi ko mapigilang hawakan ka. Patawarin mo ako. Hindi na ito mauulit,” sabi niya. Kitang-kita ko at ramdam ko naman ang sinseridad sa kanyang boses kaya naman napangiti ako at agad na nawala ang aking takot at kaba kanina. Napangiti ako sa kanya at gano’n din siya sa akin. “Wala iyon. Masaya ako Birch na ginagalang mo ako bilang babae at nobya mo. Uhm, b-bigyan mo lang ako ng kunting oras at b-baka ibigay ko sa iyo ang gusto mo.” Lumiwanag ang kanyang mukha. “P-Pero sa tamang pagkakataon at hinihiling ko na sana makapaghintay ka pa.” Tumango siya ng mabilis sabay kinuha ang dalawa kong kamay at hinalikan ang mga ito. “Nangangako ako Asha na hinding-hindi kita bibiguin at hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na. Salamat sa opurtunidad na binibigay mo sa akin, Asha. Malaking bagay ito para sa akin at rerespetuhin ko iyon,” sabi niya. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kanyang kotse at nagmaneho na siya paalis hanggang sa unti-unti nang nawala ang kanyang sasakyan sa aking paningin. Napapangiti ako sa pagiging magalang niya at nagpapasalamat na lang ako na siya ang naging nobyo ko. Masaya ako sa aming pag-uusap kaya naman akmang maglalakad ako papasok sa aming bahay ay natigil ako nang makita ko sina Mama, Stella, at Tasha na may mapang-asar na tingin sa akin. “Ayiee. Ang tagal niyo roon sa loob ng kotse insan ah? May ginawa ba kayong milagro?” sabi ni Stella sabay nakipag-apir kay Tasha. “Ate nag-kiss na ba kayo ni Sir Birch mo?” pang-aasar naman ni Tasha na aking ikinamula. “Hays. Kayo talaga. Tumigil nga kayo at hindi iyan gagawin ni Asha,” sita naman ni Mama sa kanilang dalawa. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin sabay hinaplos ang aking pisngi sabay hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. “Anak, ipangako mo lang sa akin na hanggat hindi pa kayo naikakasal ay huwag mo na munang ibibigay sa kanya ang p********e mo ha? Iyan lang ang isang tanging bagay na maireregalo mo sa mapapangasawa mo. Alam mo naman na malakas ang temptasyon sa magkasinatahan lalo na kung nagso-solo kayo sa isang kwarto o lugar,” bilin ni Mama sabay tumango naman ako bilang pagsang-ayon. “Pangako ho, Mama.” Ngumiti siya at pumasok na siya sa loob ng aming bahay. Naiwan tuloy kaming magpipinsan dito at agad nilang inosyoso kung ano ang ginawa namin sa loob ng kotse ni Birch. Imbes na sagutin ko sila ay ipinagtaka ko kung bakit nandito si Tasha gayong alam ko na may trabaho naman dapat siya. “Half-day kami ngayon Ate. Alam mo naman na malapit na ang mga palaro sa school kaya naman walang klase ngayon. Binibigay sa estudyante ang maraming oras para mag-practice sila sa mga sasalihan nilang aktibidad ngayon,” paliwanag niya. Nang hapon din lang na iyon ay nagkulong ako sa aking kwarto upang ipahinga ko ang aking sugat at nang makapasok na ako sa trabaho bukas. Tumawag naman ang boss ko kanina at kinamusta ang kalagayan ko at sinabi niya na ayos lang daw kahit mag-absent ako ng isang linggo. Hindi naman ako pumayag dahil naisip ko na wala rin lang naman akong gagawin dito ng isang linggo. Bukod kasi sa palaging abala si Mama sa gawaing bahay ay wala rin naman kadalasan si Tasha rito sa bahay. Si Stella naman ay binabantayan niya ang kanilang store kaya kung minsan ay hindi na rin siya nalalagi rito. Katulad ngayon ay wala pang isang araw ay halos mabagot na ako rito sa loob ng bahay na walang ginagawa. Inaantok pa ako kaya naman naisipan ko na matulog na lang muna habang wala pa akong ginagawa para makaipon na ako ng lakas ko para bukas. Pagpikit ko ng aking mga mata ay alam kong naka-tulog na ako pero nagtataka ako dahil parang may kamalayan naman ako sa aking paligid. Maya-maya ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang init na nagsimula sa aking mga paa pataas hanggang sa umakyat na ito sa aking ulo. Gusto kong gumising pero may pumipigil sa akin na gawin ito. Pagkatapos ng init na aking naramdaman ay naramdaman ko na lang na may dumampi sa aking pisngi na kakaibang init. Alam kong nakapapaso ang init na aking nararamdaman pero hindi naman ako nasasaktan. Bagkus ay parang nakaramdam ako ng sobrang ginhawa na hindi ko maintindihan. Pagkatapos ay gumalaw ang nakapapasong sensasyon na ito pababa sa aking labi pababa sa aking leeg hanggang sa maramdaman ko ito sa aking dibdib. Ang kakaibang init na ito na aking nararamdaman ay nagsimulang gumalaw sa aking dibdib at nakaramdam ako agad ng kakaibang kiliti. Maya-maya ay bumaba ito sa aking tyan, puson hanggang sa maramdaman ko ito sa aking p********e. Alam ko panaginip lang ito pero ngayon lang ako nagkaroon ng ganito kasarap na panaginip na ramdam na ramdam ko ang bawat init ng kung anumang dumapo sa akin. Nagsimulang gumalaw ang init na iyon sa aking p********e at para na akong nagde-deliryo sa kakaibang sarap na pinapalasap nito sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang maramdaman kong malapit na akong labasan. Pero nang malapit ko nang maabot ang rurok ng kaligayahan ay bigla kong naimulat ang aking mga mata dahil narinig ko ang katok sa aking pinto. Paggising ko ay pawis na pawis ako at nang tumayo ako ay agad kong naramdaman ang pamamasa ng aking p********e. Sinubukan kong tumayo pero gano’n na lang ang gulat ko nang bigla akong matumba at agad na sumalampak sa sahig. Sakto namang nagbukas ang pinto at nakita ako ni Tasha sa gano’ng lagay kaya agad niya akong dinaluhan at tinulungan. Hinawakan niya ang aking braso upang makakuha ako ng lakas doon at saka dahan-dahan niya akong itinayo. Pinaupo niya ako sa ibabaw ng kama at agad siyang tumakbo sa baba para kumuha marahil ng tubig. Pagbalik niya ay uhaw na uhaw ako na halos maitapon ko pa ang tubig sa aking katawan pero pakiramdam ko ay kulang pa. “Saglit at kukuhanan pa kita ng tubig, ate,” sabi ni Tasha at agad naman akong tumango. Pag-akyat niya ay isang pitsel na ng tubig ang dala niya na may kasamang baso. Pagkabigay niya nito sa akin ay imbes na magsalin ako sa baso ay agad kong kinuha ang pitsel at diretso kong ininum doon ang tubig. Nang maubos ko ito ay nakaramdam ako ng ginhawa at pagtingin ko kay Tasha ay maang siyang nakatingin sa akin. “Ilang araw ka bang hindi uminom ng tubig at gano’n na lang ang pagkauhaw mo Ate?” tanong niya. “P-Pasensya ka na pero talagang nauuhaw lang talaga ako. Siguro ay dahil ito sa sugat ko kaya kailangan ko pa ng kunting pahinga,” sabi ko. “Hays. Magpahinga ka na lang ng mabuti at gigisingin na lang kita kapag hapunan na. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka pa, Ate.” Tumango naman ako sabay lumabas na siya ng aking kwarto. Nang makainom ako ng tubig ay parang bumalik ang aking lakas. Hindi ko maintindihan iyong panaginip ko kanina dahil hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ito. Pero ang ipinagtaka ko lang ay binabangungot ba ako? Hindi ko kasi maigalaw ang aking katawan kanina at sabi ng mga matatanda ay oras daw na mabangungot ako ay igalaw ko lang daw ang hinlalaki ng aking paa. Gusto kong gawin iyon kanina pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko naman ito magawa. Hindi na ako bumalik ulit sa pagtulog dahil pakiramdam ko ay bigla ako ulit bangungutin kapag ginawa ko iyon. Pagsapit ng gabi ay tinawag na ni Tasha ang aking pangalan upang kumain ng hapunan. Tumayo ako at agad ko namang tinali ang aking buhok para bumaba na. Pero saktong pagtayo ko ay bigla na lamang nagbukas ang pinto ng aking banyo. Dito na ako kinabahan dahil alam ko na hindi na hanging ang dahilan ng pagbukas nito. Isa pa ay palagi kong sinasara ang pinto ng aking banyo. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan akong naglakad palapit sa aking banyo. Pagpasok ko sa banyo ay napatingin ako sa aking ilaw na nagpapatay-sindi hanggang sa tuluyan na itong tumigil. Pagkatapos ay nakita ko ang aking lipstick na gumugulong palapit sa akin hanggang sa tumigil ito sa aking paa. Nang pinulot ko ito ay binuksan ko at nagtaka ako na nasira ang ayos ng lipstick na ito at pansin na nagamit ito dahil agad itong nabawasan. “Asha…” rinig kong bulong ng kung sino. Napatingin ako sa aking kanan at gano’n na lamang ang aking pagkagimbal nang makita ko ang nakasulat sa aking salamin. Nakasulat ang mga salitang ‘Akin ka lang, Asha’ at kulay pula ang kulay nito na ibig sabihin ay itong lipstick ko ang ginamit. Gusto kong sumigaw pero naisip ko na ayaw kong pag-alalahanin ang aking ina at kapatid oras na makita nila ito. Sa inis ko ay kumuha ako ng wet wipes at agad na lininis ang aking salamin habang naririnig ko ang kung sinuman na binubulong ang aking pangalan. Naluluha na ako dahil hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin hanggang sa mapasigaw ako. Sa mismong salamin kasi ay may lumabas na kamay at agad na hinawakan nito ang aking kamay. Pilit ko itong hinihila hanggang sa mapasigaw ako nang mapaso ako sa sobrang init ng hawak niya. Nang maagaw ko ang aking kamay ay dali-dali akong tumakbo palabas ng aking kwarto at agad na dumiretso sa kusina. Mabilis kong hinugasan ang aking kamay dahil halos nagmarka ang kamay ng kung sinuman na humawak sa akin. Habang hinuhugasan ko ito ay napapaigik ako sa hapdi at naluluha sa naghalong sakit, takot at kaba na aking nararamdaman. Maya-maya ay narinig ko sa aking likuran si Tasha kaya naman pinilit kong pinakalma ang aking sarili at pinahid ang aking luha. “Ate, gising ka na pala. Halika at kumain na tayo pagkatapos mong maghugas ng kamay,” sabi niya. “O-Oo. Susunod ako pagkatapos.” Nang marinig ko ang papalayo niyang mga yabag ay napalingon ako at pagtingin ko sa aking kamay ay wala na ang marka roon. Ano ba ang nangyayari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD