Chapter 5

2108 Words
Asha Nagising ako sa tilaok ng mga manok kinabukasan at nakaramdam ako agad ng init kaya naman agad akong bumangon habang basang-basa ako sa pawis. Inaantok akong bumangon at pumunta ako sa aking banyo na nakapikit sabay nagmumog ng aking bunganga. Nang mahilamosan ko ang aking mukha ay akmang hihilain ko na sana ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto ay may napansin ako sa aking kamay. Dahan-dahan kong linapit ang aking kamay sa aking mukha at pinakatitigan ang nakikita kong kakaibang marka rito. May kung ano’ng maitim na marka sa aking kamay at kapansin-pansin na kamay ito ng tao dahil kita ko ang mga daliri nito. Sinubukan ko itong hugasan dahil naisip ko na marahil ay may nahawakan lamang ako kaya nagkaganito ang aking kamay. Pero kahit nakailang hugas na ako ay hindi ito naalis at nanatili lang ito sa aking mga kamay. Habang pinupunasan ko ang aking kamay ay doon ko naalala ang mga nangyari kagabi at kung bakit ako nagsisisigaw dahil sa takot. Isa itong paraan para maniwala ang aking ina at kapatid na may nakita nga ako kagabi at hindi lang isang panaginip ang nangyari. Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto at agad na hinanap ko ang aking ina at kapatid. Sakto habang pababa ako ay napansin ko na paalis pa lang ang aking kapatid habang nagwawalis naman ang aking ina sa kapaligiran. Nang makita ako ni Tasha ay agad siyang napangiti sa akin. “Kumusta na ang pakiramdam mo, ate? Hindi ka na ba nananaginip nanaman?” tanong niya sa akin. “Pero tignan mo ang kamay ko.” Pinakita ko sa kanya ang aking kamay at gano’n na lamang ang aking gulat nang wala na roon iyong itim na aking nakita kanina. “Ngayon? Alam ko na mala-kandila ang mga daliri mo ate. Hindi mo na kailangang ipainggit sa akin iyan.” Naiiling na lang siya sa akin sabay lumabas na ng aming bahay. Napahugot ako ng hangin habang nakatingin sa aking kamay at hindi makapaniwala sa aking nakikita. Saan na nagpunta iyong itim na nakita ko kanina? Bakit bigla na lamang itong naglaho nang binalak ko na itong ipakita sa aking kapatid? Nasa gano’n akong pagtataka nang lumapit na sa akin ang aking ina at sinabing sabay na kaming kumain bago pa lumamig ang mga ito. Tumango na lamang ako sabay huminga ng sobrang lalim at pilit na pina-kalma ang aking sarili dahil sa mga nangyayari. Hindi pa naman siguro ako nababaliw sa aking mga nakikita dahil alam ko naman na hindi ako iyong problemadong tao. Nang matapos kaming kumain ng aking ina ng almusal ay sinabi niyang magpahinga na raw muna ako at huwag na lang daw muna akong tumulong sa gawaing bahay. Hindi naman gano’n kasama ang aking pakiramdam para hindi makatulong. Gusto kong may ginagawa para naman mawala sa aking isipan ang nangyari kagabi. At dahil ayaw ko namang humilata ng magdamag lang buong hapon ay binuksan ko na lang ang tv at naisipang manuod ng sine. Pinindot ko ang WEBFLIX at agad na nagpakita ito ng mga recommended na movies sa akin. Namili ako at akmang ipipindot ko sana sa option na Horror ay nagdalawang isip ako at binalik ito sa comedy movies. Pagkatapos ng mga nangyari kagabi ay sinunod ko na muna ang payo sa akin ng aking kapatid na iwasan ko na muna ang manuod ng mga nakatatakot. Baka sakaling kapag nanuod ako ng mga comedy movies ay hindi na ako managinip ng kung anu-ano. Ip-play ko na sana ang panunuorin ko nang biglang tumunog ang aking cellphone at pagtingin ko ay ang boss ko ang tumatawag. “Hello, sir?” sagot ko. “Asha, alam ko na masama ngayon ang pakiramdam mo pero gusto lang sana kitang i-congratulate,” sabi niya. “Ho? I-congratulate ho saan?” tanong ko. “Saglit ka pa lang sa trabaho at sabihin na natin na halos wala ka pang isang taon sa serbisyo pero dahil sa performance mo sa trabaho ay prinomote ka ni Sir.” Maang akong napatingin sa aking cellphone sabay napatayo. “P-Promote? Talaga ho? As in, sir? Totoo ho ba iyan? Hindi ba iyan prank?” sunud-sunod na tanong ko sa aking boss dahil hindi ako makapaniwala sa aking nalaman. “Nope. Hindi na nakagugulat dahil magaling ka naman talaga sa trabaho mo. I-su-surprise ka sana namin bukas at binabalak namin na sabihin sa iyo ito bukas pero ako ang excited para sa iyo. Congrats, Asha. Isa ka nang Head Accountant at mukhang makasasama na kita sa pagtratrabaho oras na gumaling ka na.” Tahimik akong tumili sabay tumalon dahil sa sobrang saya. “Thank you, thank you, thank you. Thank you talaga sir. Pagbubutihin ko pa po ang pagtratrabaho ko at hindi ho kayo magsisisi sa binigay niyong responsibilidad sa akin.” Pagkasabi ko nun ay binaba na niya ang tawag at doon na ako nagsisisigaw dahil sa sobrang tuwa. Dahil sa aking pagsisigaw ay mabilis na pumasok ang aking ina at nakita kong nag-aalala siya para sa akin. “Asha naman. Diyos ko kang bata ka. Akala ko pa naman ay aatakihin na ako dahil sa pagsisigaw mo. Ano nanaman ba at nagsisisigaw ka riyan ha?” tanong niya habang nakalapat ang kanyang kamay sa kanyang dibdib. “Na-promote ho ako sa trabaho, Ma. Aahhhh!” sigaw ko sabay yumakap sa kanya at binati niya naman ako. Sa sobrang saya ko ay gusto ko tuloy magpakain kahit kunting salu-salo lang para sa amin dahil sa natanggap kong good news. Sa sobrang kasiyahan ko ay hindi ko na naalala iyong takot na naramdaman ko kanina at tanging kaligayahan na lamang ito. Nang gabi rin lang na iyon ay nag-order ako ng maraming pagkain para pagsaluhan ng aming pamilya at ng aming mga kamag-anak. Dahil na rin sa tuwa ay ininvite ko na rin ang aking mga katrabaho para naman mas masaya. Pagdating ng huling bilao ng pancit ay nagsimula namang nagsidatingang ang aking mga bisita at agad nila akong binati dahil sa aking promotion. Nag-atang na rin kami sa aming altar dahil ayon sa mga pamahiin ng mga matatanda lalo na rito sa probinsya ay isang paraan daw ito para magpasalamat sa mga engkanto sa paligid. At saka para hindi raw kami parusahan sa pagiging madamot namin tuwing may salu-salo. Habang masaya kaming nagkwekwentuhan at nagtatawanan ay tumabi naman sa akin ang boss ko na si Birch na siyang tumawag sa akin kanina. “Congratulations ulit, Asha.” “Thank you po. Masaya lang kasi talaga ako na agad na nagbunga iyong mga hirap ko lalo na noong nag-aaral ako.” Napangiti naman siya at medyo kinilig ako sa pagngiti niya. Si Sir Birch kasi ay isa sa mga heart throb noong pumasok ako bilang accountant sa kompanya. Sa lahat ng mga kalalakihan ay siya ang sinasabing Adonis ng kompanya dahil bukod sa gwapo ay sobrang bait at talino pa nito. Sa mga nakakikilala sa kanya ay nag-graduate raw siyang Suma c*m Laude at noong kumuha siya ulit ng masters niya ay Magna c*m Laude naman ito. Ang maganda pa kaya siya mukhang habulin ng mga kababaihan ay single pa ito at walang naibabalitang nobya nito. Wala rin naman akong nakikitang kasama nito na babae palagi kaya naman hindi ko tuloy alam kung may liniligawan ba siya o ano. Aaminin ko na noong nakita ko rin siya ay nagkaroon din ako ng kunting pagka-gusto sa kanya dahil nga sa gwapo talaga siya. Habang abala kaming nag-uusap ay may tumawag sa kanyang cellphone at sa isang hagip ng aking mga mata ay nakita ko ang salitang Honeybabe. Napatingin naman siya sa akin sabay nagpaalam na sasagutin lang daw niya ito saglit. Nang makalayo siya ay agad namang tumabi sa akin ang kaibigan kong si Tiffany na yinakap ako ng mahigpit sabay binati ako. “Ikaw ha? Nakita kong lumalandi ka.” Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. “Ano’ng lumalandi iyang sinasabi mo aber?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Weh? Ako nga ay huwag mong pagsisinungalingan dahil kung landian ang pag-uusapan ay mas marami akong alam kaysa sa iyo.” Napailing naman ako sa kanya habang natatawa. “Feeling ko type ka rin ni Sir Birch.” “Tiffany, kung si Sir Birch ay si Prince Edward ako naman ay normal lang na citizen ng bansa noh. Kumbaga langit siya lupa ako.” Inikotan naman niya ako ng aking mga mata. “Ang daming alam. Heaven or earth pare-parehas lang naman tayong mga tao noh. Isa pa pansin ko naman na may gusto kayo sa isa’t isa e. Bakit hindi mo tanungin si Sir nang magkaroon ka na rin ng love life?” Napatingin naman ako kay Sir habang nagsasalita si Tiffany. “Isa pa mukhang daks din si Sir kasi tuwing nakaupo siya o nakatayo ay bumabakat.” “Hoy!” sita ko sa kanya at tumatawa lang siya. “Mamaya may makarinig sa iyo sa sinasabi mo. Hindi iyon ang habol ko kay Sir noh.” “E ano? Girl sa panahon ngayon karamihan ng couple ay gumagawa na ng kababalaghan bago pa man din maikasal. Ano naman ngayon kung ibigay mo na ang virginity mo kay Sir e sigurado naman akong mapapaligaya ka niya. Ayaw mo bang ma-try iyong sinasabi ko sa iyong heaven?” taas kilay niyang sagot. “Mas masarap iyon kaysa sa daliri lang friend.” Napabuga naman ako ng hangin at sabay kaming napalingon nang marinig namin si Sir Birch sa aming likuran. “Ay, sorry Sir. Sige tabi na kayo ni Asha. Galinga mo sir ha?” Pinanlakihan ko ng aking mga mata si Tiffany at nagtataka namang napatingin sa akin si Sir Birch nang makaalis na siya. “Galingan ang alin?” tanong niya. “Naku, wala ho iyon. Huwag niyo na lang pansinin si Tiffany dahil alam niyo naman ho kung gaano siya mahilig magbiro,” sabi ko na lang. Ngumiti naman siya at ipinagpapasalamat ko na hindi na siya nagtanong pa tungkol sa sinabi ni Tiffany. Nang lalong lumalim ang gabi ay isa-isa nang nagpaalam sa akin ang aking mga katrabaho at pati mga kamag-anak ko ay umuwi na rin. Alas-unse na rin kasi ng gabi kaya naman nagsimula nang magsiuwian iyong iba. Ang tanging naiwan na lamang noong mga panahong iyon ay sina Sir Birch at Tiffany. Si Tiffany daw kasi ay mukhang magpapasundo sa kanyang nobyo kaya hinihintay na lamang niya ang pagdating nito bago siya umuwi. Maya-maya ay narinig na namin ang malakas na busina nito sa labas ng aming bahay kaya naman agad nang nagpaalam sa amin si Tiffany. “Mauna na ako ha? Kita-kits na lang tayo bukas. Sir baka mag-absent din ako bukas kasi feeling ko ay mapapasabak ako ngayong gabi. Alam niyo na.” Naiiling na lang ako sa sinasabi niya at natatawa lang siyang tumayo. Nang sinundan ko siya ng tingin ay nginunguso niya si Sir Birch at tinaboy siya sabay naiiling siyang lumabas na ng tuluyan ng aming bahay. Pagtingin ko naman kay Sir Birch ay tumayo na rin siya at sinukbit niya ang kanyang bag sa kanyang balikat. “Mauna na rin ako Asha.” “May sasakyan ka ho ba? Gusto mo ho bang ipahatid na lang kita sa bayan?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa pinto. “Hindi na. Dala ko iyong sasakyan ko kaya wala kang dapat pang ikabahala.” Tumango ako. Nang makalapit na kami sa kanyang sasakyan ay pinasok na niya ang kanyang bag sa passengers’ seat at napaharap siya sa akin. Nagkatitigan kami saglit nang napansin ko na unti-unting lumalapit ang mukha sa akin ni Sir Birch. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng aking likuran sa kanyang kotse nang maramdaman ko ang hininga ni Sir Birch sa aking mukha. Unti-unting lumapat ang labi ni Sir Birch sa aking mga labi at para akong lumilipad sa langit dahil sa kanyang paghalik. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagpisil ni Sir Birch sa aking pwetan kaya naman agad ko siyang naitulak dahil sa gulat. “S-Sorry,” hinging paumanhin ko sa kanya. “Wala iyon. It’s my fault, so I should say sorry. Pasensya ka na at mukhang nadala lang yata ako.” Napatango naman ako. “Mauna na ako, Asha.” Pumasok na siya sa kanyang kotse at nagsimulang magmaneho hanggang sa unti-unting nawala ang kanyang sasakyan sa aking paningin. Kinikilig naman akong napangiti nang paglingon ko ay parang may nakita akong anino na pumasok sa loob ng aming bahay. Kinusot ko ang aking mga mata at nang tignan ko ito ay wala na ito. Inaantok lang siguro ako kaya naman pumasok na ako sa bahay at linigpit ang aming kinainan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD