Sa kabilang bintana naman ay nakatanaw rin sa kaniya ang batang lalaki at tuwang-tuwa ito habang ginagaya siya. Napagod si Hallie matapos ang dalawang oras na insayo. Sa kaniyang pagpasok sa loob ay nandoon ang kaniyang mga magulang at naghihintay sa kaniya.
"Kumusta ang pakiramdam mo anak?" tanong ng kaniyang Nanay.
"Okay na po ako Nay, Tay. Sorry po!" turan niya.
Pinusan ni Grego ang katawan niya sapagkat pawis na pawis ito. "Magbihis ka muna para kumain na," he said.
"Opo, Tay."
INABUKASAN ay tinawagan ni Mr. Huang si Grego, upang
ipa-report sa kaniya nagmadali namang pumasok ang tauhan.
"Magandang umaga, sir Huang."
"Magandang umaga rin. Maupo ka."
"Salamat sir."
"Greg, nagpapasalamat ako sa ginawa mo sa bata,napanood ko siya kagabi na nag-iinsayo at infairness magaling na siyang humawak ng arnis."
"Parusa 'yung nangyari kagabi sir."
"Parusa? Bakit?" Nagulat si Mr. Huang sa kaniya narinig.
"Hindi ko kasi 'yun pinalabas kagabi sir Huang, dahil maraming bisita pero lumabas pa rin siy. Ang rason niya ay naiinitan raw siya sa loob. Pero hindi naman siya lumayo.
Ang problema lang ay nakita siya ni Nianzhu at nilapitan ito."
"Ano?! Hindi ba siya sinaktan?" pag-aalala niyang tanong.
"Hindi naman sir Huang, ngunit sinabihan siya
ni Nanzhu na pakakasalan paglaki nila kaya ayun sobrang nagalit. Hindi namin alam kung saan nanggaling ang
galit niyanh iyon at nagbitaw siya ng salita na sana mamatay na lang si Nianzhu upang hindi na lumaki," kuwento rito.
"I see... I see. Gusto mong malaman kung saan galing ang galit na 'yon? Kung bakit itinago ko ang sarili kong apo. Dahil si Darwin ang nagpapatay sa kaniyang
ama!" Muling nabuhay ang sakit na naramdaman ni
Mr. Huang.
"Ano?!" Gulat ang nagiging reaksyon ni Grego nang malaman niya ang isang sekreto past nine years ago.
"Ngayon alam mo na ang totoo kung bakit ganoon ang naramdaman ni Hallie at alam mo na rin kung paano siya protektahan. Sinabi ko ito sa'yo dahil kayo ang mas nakakaalam sa apo ko."
"Oo sir Huang, makakaasa po kayong walang ibang makakaalam nito at mas protektahan pa namin siya ngayon mula sa kamay ni sir Darwin."
"Isa pang pabor Greg."
"Ano po iyon, sir Huang?"
"Ipagpatuloy mo pa ang pagturo sa kaniya ng martial arts para kahit papaano ay kaya niyang protektahan ang kaniyang sarili."
"Opo sir, gagawin ko po."
"One more thing, may mga bodyguards akong nakabantay sa apo ko beinte-kwarto oras. Kaya huwag kayong masyadong mag-alala."
Bahagyang tumahimik si Grego at naalala niya ang laging sinasabi ni Hallie ang tungkol sa lalaking nakaitim.
"Sir.Hung, ang ibig mo bang sabihin mula pa noong sanggol pa si Hallie ay may nakabantay na sa kaniya?"
"Tama ka Greg, sinigurado ko lang ang kaniyang kaligtasan."
"Ngayon alam ko na hindi na kami mangamba para sa kaniya. Lagi kasing sinasabi ni Hallie na may nakikita siya palagi at nakaitim raw."
"Kung ganoon, talagang matalas ang kaniyang isip at mata mas mabuti na 'yon."
Natapos ang kanilang pag-uusap at pinalabas na siya ni Mr. Huang.
Kinahapunan ay naglakad-lakad ang matanda sa kanilang bakuran at may mga bodyguards na nakabatay sa kaniya.
Napansin siya ni Hallie at tila tinatawag naman ito ng luksong-dugo napangiti siya habang pinagmamasdan si
Mr. Huang.
Naisipan naman niyang gawan ito ng tea at dali-dali siyang nagsalin ng mainit na tubig sa tasa at nilagyan niya ng pinatuyong 'mint leaves', nilagyan rin niya ito ng konting honey at maingat siyang naglakad patungo sa matanda.
Hinarangan siya ng mga bodyguards at napansin naman iyon ni Mr. Huang.
"Leave her!" utos nito at pinadaan naman siya.
"Magandang hapon, Mr.Huang!" nakangiti niyang bati.
Lihim namang natuwa si Mr. Limlengco, sapagkat nakita na niya harap-harapan ang nag-iisang apo.
"I'm sorry apo, hindi pa ito ang tamang panahon para makilala mo ako," pipi niyang sabi.
"Mr.Huang, gumawa po ako ng tea para sa 'yo."
"Talaga? Masarap ba ito?"
"Opo! Hindi lang masarap, gamot pa po 'yan."
"Sige, tikman ko nga!"
Akmang inumin na sana niya ang tea nang bigla namang lumapit ang isang bodyguard para pigilan siya. Nagulat naman ang bata at tinitingnan ang lalaki.
"Huwag po kayong mag-alala Mr. Huang, malinis po 'yan."
Tinanggal ng matanda ang kamay ng bodyguard at iniinom niya ito.
"Ehmm... masarap nga! Puwede mo ba ako gawan nito araw-araw?"
"Talaga po?! Puwede po!" masaya niyang tugon.
"Okay, simula bukas alas-siyete ng umaga dalhan mo ako sa library at alas-singko ng hapon dalhan mo rin ako," nakangiting turan nito.
"Okay po Mr. Huang. Salamat po," nakangiti niyang sabi.
"Pero sa isang kondisyon," aniya.
"Ano po 'yon?"
"Kailangan ikaw mismo ang magdala at hindi mo pahawakan sa iba at isa pa sa akin mo lang gagawin ang timpla na ito."
"Opo! Pangako po, sa 'yo ko lang gagawin ito."
Hindi napigilan ni Hallie ang sarili at niyakap niya ito.
Kusa namang kumilos ang mga kamay ni Mr. Limlengco at tumugon ito sa yakap ng apo.
"Ay! Sorry po!" anang bata matapos kumalas sa yakap at buti na lang at wala si Darwin at ang asawa nito. Napansin ni Hallie ang batang lalaki na papalapit sa kanila kaya agad na siyang nagpaalam sa matanda at tumakbo na ito papalayo.
"Hallie... Hallie!" tawag ni Nianzhu ngunit hindi siya pinapansin.
"What are you doing here?!" galit na tanong ni Mr. Limlengco.
"I just want to see you grandpa," malungkot nitong sagot.
Ngunit hindi na nagsalita ang matanda at pumasok na ito sa bahay at naiwan si Nianzhu. Sa loob ng kuwarto ni Mr. Limlengco ay malungkot ito habang hinahaplos niya ang tasa 'di maiwan na maalala niya si Ling.
"Dad, I make tea for you and this is my first time. I hope you like it!" Ling said and smiled.
"Of course, I like it, son."
Napaiyak ang matanda nang maalala niya iyon,
"I miss you so much son," sabay punas sa kaniyang luha.
TULAD nang napag-usapan ni Hallie at Mr. Huang ay ginawa niya iyon araw-araw at masaya ang bata sa kaniyang paglilingkod sa matanda. Buong loyalty ay ibinigay niya dito.
Hanggang isang araw, palabas si Hallie mula sa library nang makasalubong niya si Nianzhu at sa tingin niya ay galing ito sa school.
"Hi, my girlfriend!" pang-aasar nito.
Kumunot naman ang kaniyang noo at nagsalubong ang dalawang kilay. Nagmukhang Biyernes-santo ito. Gusto niyang itong upakan ngunit naalala niya ang dalawang oras na kaparusahan kaya tumakbo na lang ito subalit sinundan pa rin siya ni Nianzhu.
"Puwede ba, lumayo ka sa akin?!" bulyaw niya rito.
"Never! As what I told you, I will marry you!" seryosong tugon nito.
"Tumigil ka! Ayaw ko nga sa'yo! Ayaw rin kitang magiging kaibigan!" At namumula na sa galit si Hallie, ngunit gustong-gusto naman iyon ni Nianzhu.
"Okay, fine!" Biglang kinuha ni Nianzhu ang mamahaling chinese figurine at isa iyon sa paborito ni Mr. Huang. Binagsak niya iyon sa harapan ni Hallie.
"Grandpa... Grandpa?!" pagsisigaw niya.
Tulala si Hallie sa ginawa ni
Nianzhu at hindi niya alam kung ano ang plano nito at kung bakit niya tinawag si Mr. Huang.
Lumabas ang matanda at lumapit sa kanila na ang tingin ay nasa sahig.
"Grandpa look!" turan ni Nianzhu.
"What's going on here?" seryosong tanong nito.
"She threw it grandpa!" Pagsisinungaling niya at itinuro si Hallie.
"Hindi po... hindi po ako Mr. Huang," lumuhod siya sa harapan ng matanda at umiiyak.
Tama naman na pumasok si Darwin at ang kaniyang asawa. "Anong nangyari dito?" pagtatakang tanong ni Darwin.
"Binasag niya ang paboritong figurine ni grandpa," nakayukong sumbong nito.
"Hindi po ako... ikaw ang nagtapon niyan huwag kang magsinungaling!"
"Shut up! Don't be lie!" Bigla siyang nilapitan ni Mingzhu at sinampal.
"Bakit po?! Nakita ba ninyo na ako?" luhaang sagot nito at hawak ang kaniyang isang pisngi.
"Sumasagot ka pa!" Akmang sasampalin ulit niya nito.
"Enough!" bulyaw ni Mr. Huang.
Ang eksenang iyon ang naabutan ni Grego at Rihana kaya napatakbo ito at niyakap si Hallie.
"Huwag niyo naman pong saktan ang anak namin ma'am Mingzhu, alam kong nagsasabi ng totoo ang aming anak dahil tinuruan namin siya ng tamang asal," depensa ni Rihana.
"Hindi po ako nagsisinungaling, nagsasabi po ako ng totoo." Patuloy sa pag-iyak si Hallie at namumula ang pisngi nito.
"Tama na anak, naniniwala si Nanay sa'yo," awat ni Rihana at umiiyak na rin ito.
Tinakpan niya ang bibig ni Hallie upang hindi na sumagot.
Kuyom ang palad sa galit si Mr. Huang dahil sa harapan pa niya sinaktan ang kaniyang apo.
"Sir, kami na po ang humihingi ng tawad hindi na po ito mauulit at babayaran na lang po namin." Nanginginig sa takot si Rihana.
"Hindi kayo ang magbabayad. Bilang kaparusahan sa anak ninyo siya ang mag-lilinis sa library araw-araw! Sige na, iuwi niyo na siya!" galit nitong sabi at muling pumasok sa loob.
Dali-dali namang tumayo ang mag-asawa at dinala ang bata. Hindi kumibo si Hallie at malungkot ito hindi dahil sa pinagbibintangan siya kun'di dahil kay Mr. Huang.
Pinatawag ni Mr. Huang ang isang bodyguard at pinapapasok niya ito sa loob ng library.
"Anong nangyari?!" tanong niya agad.
Ikinuwento naman nito ang buong katutuhanan at walang labis walang kulang.
"Makalabas ka na," utos niya.
"Yes, sir!"
"Huh! Like father like son! Kahit isang sentimo ay wala kayong makukuha sa akin! Mark my word!" galit niyang sabi.