Chapter 3-Hallie's Nine Years Old

1592 Words
Nang lumabas si Grego mula sa kuwarto ay nasalubong niya si Darwin, kasama ang isang batang lalaki. "Grego?" tawag sa kaniya. Napahinto ito at medyo kinakabahan. "Magandang araw, sir Darwin." "Ang tagal mong nawala?" "A — Oo, sir. Umuwi kasi kami ng probinsya, pero napakahirap ang buhay doon kaya nagbakasakali ako sa inyong ama na muling bigyan ng trabaho." "Binigyan ka ba?" "Oo, sir." "Good! Siyanga pala, anak ko si Nianzhu." "Malaki na rin pala. Tingin ko, magkasing edad lang sila ng aking anak. Aalis na po ako, sir." tumalikod na ito at nagmadali Nakaupo si Grego sa balkonahe at iniisip ang magiging buhay ni Hallie sa mansion. Hindi naman siya nakaiwas sa paningin ng kaniyang asawa. "Greg, ang lalim ng iniisip mo may problema ba?" "Halika tabihan mo ako." umupo naman ito. "Bakit ka pala pinatawag ni Mr. Huang?" "Pinabalik na tayo sa mansion. Si Hallie nasaan?" "Nandoon sa likod nakatambay sa burol ng kaniyang ina. Alam mo naman ang batang 'yan." Habang nag-uusap ang mag-asawa ay abala naman si Hallie sa pagsasanay niya ng arnis. Ito ang itinuro ng kaniyang Tatay Grego at konting kaalaman rin sa martial art. Para kahit papaano ay kaya na niyang ipagtanggol ang sarili. Mahilig rin si Hallie sa halamang gamot at ito ang kaniyang pinagkakitaan araw-araw. Siya mismo ang nagpapatuyo ng mga dahong herbal at ganoon rin sa mga ugat nito. Kapag araw ng linggo ay dinadala nila ito sa simbahan upang ibenta. "Mama, magaling na ba ako?" Tanong niya sa puntod ng kaniyang ina at kasalukuyan pa rin itong nag-eskrima. Sa edad niyang siyam na taong gulang ay konti lang ang kaniyang nagiging kaibigan at 'yun ay ang kaniyang mga kaklase. Wala silang kapit-bahay sa lugar at tanging kaniyang Nanay at Tatay lamang ang palaging nakakausap. Kaya maagang nag-mature ang kaniyang isip. Palagi ring sinasabi ng mga na hindi siya basta-bastang magtiwala lalo na't hindi ito kilala, laging bilin ng mga ito na talasan palagi ang kaniyang isip. "Hallie ... Hallie?" tawag ng kaniyang Nanay Rihana. "Bakit po, Nay?" "Halika muna, may sasabihin si Tatay mo." Tumigil naman ito sa ginagawa at pawisan na lumapit sa mga magulang. "Tay, tapos na akong magsanay," masaya niyang sabi sa ama at umupo sa harapan ng mga ito. "Mabuti naman kung ganoon. Allie, may ibibigay ako sa'yo pero palagi mo itong iingatan at huwag mong iwala." "Ano po 'yan, Tay?" "Mahalagang bagay ito basta kahit anong mangyari ay protektahan mo ito at iingatan." "Ano ito Tay?" Inosente nitong tanong at tinitigan ang isang kuwintas na may palawit na gawa sa maliit na kawayan. "Alaala 'yan ng iyong mga tunay na magulang." "Ay! Opo ... opo! Pangako, iingatan at aalagaan ko ito kasi galing ito sa aking mga magulang." Masaya niyang pinagmasdan at hinalikan ang kuwintas. "Hallie, makinig kang mabuti. Bukas ay lilipat na tayo ng bahay, doon na tayo sa mansyon magtatrabaho. Ito ang tandaan mo walang dapat na makakaalam tungkol sa tunay mong ina. Kapag mayroong magtanong sa'yo kami ang tunay mong mga magulang. Naintindihan mo?" bilin ni Rihana. "Opo! Naintindihan ko po Nay, pero paano na si Mama dito? Siya na lang mag-isa," malungkot niyang tugon. "Huwag kang mag-alala dahil dadalawin natin si Mama mo dito kapag araw ng linggo." "Pangako po 'yan, Tay,,ha." "Oo, pangako!" Isinuot ni Hallie ang kuwintas at muling bumalik sa puntod ng kaniyang Mama. Upang makapag alam. "Mama, salamat nito ha. Akala ko wala akong mapanghahawakan na alaala ninyo ni Papa. Mama, bukas lilipat na kami sa mansyon hindi na kita makakasama araw-araw pero huwag kang magtampo sa akin ha. Nangako naman si Tatay na dadalawin ka namin linggo-linggo. Mahal na mahal kita Mama... mahal na mahal ko kayo ni Papa," madamdaming saad ni Hallie. Ang bawat salitang lumabas sa bibig niya ay narinig ni Rihana sapagkat sumusunod pala ito sa kaniya. Napaiyak ito at sobrang naawa sa bata. "Ma'am Kyla, huwag po kayong mag-alala babantayan ko palagi ang anak mo." aniya sa mahinang boses. Kinabukasa ay nilisan nila ang 'LINGPARADISE' at tuluyang nagpunta sa mansyon. Sa pagdating nila ay nakita sila ni Mr. Huang, mula sa bintana nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasilayan niya ang apo sa personal. Napaiyak siya habang pinagmamasdan ang kasimplehan ng bata. "I'm sorry apo... hindi ito ang pinangarap ko para sa 'yo. But I need to protect you," umiiyak niyang sabi sa sarili. "Wow! Ang laki naman ng mansyon, Tay." Maaliwalas ang mukha ni Hallie habang paikot-ikot niyang pinagmasdan ang kabuuan ng lugar. "Oo at maganda pa! Kaya ikaw palagi kang mag-iingat at magpakabait. Lalo na sa mga gamit dita tandaan mo na wala tayong pambayad." "Opo, Nay." Araw ng sabado ay may ginanap na okasyon sa mansyon para sa ika-siyam na kaarawan ni Nianzhu. Abala ang karamihang tauhan at si Hallie ay nasa loob lang ng kanilang kubo dahil bilin ng kaniyang Nanay at Tatay na huwag lumabas. Ngunit nakaramdam naman siya ng pagkabagot sa loob kaya nagpasya itong lumabas para magpahangin subalit sa 'di kalayuan ay nandoon pala si Nianzhu at nakita siya. Patakbo itong lumapit sa kaniya at hindi siya nakaiwas "Who are you?" he aaked. Hindi naman ito naintindihan ni Hallie. "Anong who are you? Magtagalog ka nga! Para maintindihan ko." "Sabi ko... sino ka?!" "Ahhh... ako si Hallie, bago lang kami dito." "Ako naman si Nianzhu, kami ang may-ari dito. Gusto mo?" tanong nito at inabutan siya ng isang stick ng marshmallow. "Ayaw ko ... salamat na lang," tanggi nito. "Tanggapin mo na... birthday ko ngayon eh." pamimilit rito. "Ano ngayon kung birthday mo?" "Sige na please..." pamimilit pa rin nito. "Sige na nga! Salamat nito ha," nakangiting saad niya. Hindi nila namalayan na may isang pang batang babae na lumapit sa kanila at ang dalawa ay patuloy sa pag-uusap. "Oyyy... ngumiti siya... crush mo ako 'no?" pilyong tanong ni Nianzhu. "Anong crush? Hindi ah! Pangit mo kaya," seryoso niyang tugon. Muling ngumiti si Nianzhu. "Paglaki natin papakasalan kita!" "In your dreams!" biglang sagot niya. "What did you say Nianzhu?!" Sabat ng isang boses babae at galit ito. Nagulat naman si Hallie sa pagsulpot nito. "I said... I'll marry her someday!" "No! You can't! I heard Tito Darwin's told my Dad that you'll marry me!" "Bahala nga kayo sa buhay ninyo!" iritang sabi ni Hallie at ibinalik niya ang marshmallow ni Nianzhu. Iniwan niya ang dalawang nag-aaway at pumasok siya sa kanilang kubo. "Isusumbong kita kay Tito Darwin!" pananakot ng batang babae. "Then... go ahead Changyin! Pero ito ang tandaan mo hindi na kita papansinin... ever!" bulyaw nito at iniwan niya ito. "Nianzhu! Come back here!" galit nitong sigaw. Sumapit ang gabi at nakahanda na si Hallie para sa kanilang hapunan tanging hinihintay na lamang niya ay ang kaniyang mga magulang. Hindi pa rin mawala sa kaniyang isip ang huling sinabi ni Nianzhu. "Paglaki natin papakasalan kita," hindi siya natutuwa sa sinabi nito at sa musmos niyang kaisipan ay galit agad ang kaniyang naramdaman para sa batang lalaki. 'Di niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit ganoon na lang ang kaniyang galit. Kahit ang pagdating ng kaniyang mga magulang ay hindi niya napansin at nabigla na lamang siya nang may kumalabit sa kaniyang batok. "Nay, Tay." aniya at dali-daling nagmano sa mga ito. Nagtaka naman ang kaniyang Tatay sa ekspresyon ng kaniyang mukha. "Anong nangyari Allie?" "Wala naman po Tay," nakayuko niyang tugon. "Anong wala? Tingnan mo nga 'yang mukha mo sa salamin." "Ano kasi Tay... naiinis lang ako sa batang lalaki kanina." "Batang lalaki? Sino?" pagtatakang tanong ni Rihana. "Sabi niya, sila raw ang may-ari ng bahay. Ano ba 'yong pangalan? Ni— Nianzhu Tay!" Nagkatinginan ang mag-asawa nang marinig nila ang pangalan ng anak ni Darwin. "Bakit nagkita kayo?" tanong ng kaniyang Tatay. "Oo... ano kasi... lumabas ako kanina para magpahangin tapos lumapit siya sa akin.Tapos binigyan niya ako ng pagkain, ayaw ko nga sanang tanggapin pero sabi niya birthday raw niya kaya tinanggap ko. Tapos ngumiti lang ako konti at nag-thank you. Ang sabi niya agad crush ko raw siya sinagot ko naman na hindi. Tapos... tapos...tap—" "Tapos ano?" Hindi niya matuloy-tuloy ang kuwento dahil nagsalita na ang ama. "Kuwan... ano Tay. Sabi niya pakasalan niya ako paglaki namin." Biglang nabulunan ang kaniyang Tatay at lumabas lahat ang laman sa bibig nito. Dali-dali namang kumuha ng tubig ang asawa at uminom naman siya. "Sana mamatay na lang siya para hindi na lumaki." wala sa isip niyang sabi. At nabulunan na naman ang kaniyang Tatay. "Hallie?!" Sabay ang mag-asawa sa pagbigkas ng kaniyang pangalan at kapwa itong nabigla. Hindi nila nagustuhan ang huling sinabi ng kanilang anak. "Galit ako sa kaniya Tay!" pasigaw nitong tugon at namumula ang mukha sa sobrang galit. Hindi alam ng mag-asawa kung saan nanggagaling ang galit na iyon. "Hallie, masama 'yang sinasabi mo hindi iyan tama, hindi maganda ang magtanim ng galit sa puso." pahayag ng ina nito. "Hala sige! Kunin mo ang arnis at dalawang oras ka sa labas hanggang mawala iyang galit sa puso mo." turan ng kaniyang Tatay. Walang pasabing tumayo si Hallie at kinuha ang kaniyang arnis. Hindi ito nagreklamo sapagkat alam niya ang kaniyang kaparusahan. "Hindi! Hindi! Ayaw ko sa 'yo!" Galit pa rin niyang sabi habang patuloy ang paghampas niya sa hangin. Mula sa bintana ng ikalawang palapag ay nakita ni Mr. Huang ang apo na nag-iinsayo. Ngunit hindi nito alam na ang insayong iyon ay kaparusahan rito. Napangiti siya habang patuloy na pinanood ang nag-iisang apo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD