SAMANTALA sa loob ng kubo ay walang ni isa na gustong magsalita hanggang sa hindi na nakatiis si Rihana. "Nak, anong nangyari?" mahinahon niyang tanong. "Oo nga, Ano ba ang nangyari?" sabat ng kaniyang Tatay. "Hindi ko siya mapapatawad! Sinungaling siya, Tay, Nay! Wala po akong kasalanan," aniya at umiiyak na naman ito. "Naniniwala kami sayo anak, kaya tahan na sa pag-iiyak," wika ng kaniyang ama. "Pero, Tay. Paano si Mr. Huang? Galit din ba siya sa akin?" "Hmmm... hindi naman siguro, Nak. Bukas kausapin mo na lang siya sa library." "Tama si, Nanay mo, hindi ba sabi ni Mr. Huang, araw-araw kang maglilinis sa library o 'di araw-araw mo rin siyang makakasama. Hindi ba 'yan ang gusto mo?" pagsang-ayon ni Grego. "Opo! Tapos ipagtimpla ko siya ng tea," nakangiti na niyang sabi.