Chapter 1-Love Story To Her Parents
LIMLENGCO COMPANY ay pag-aari ni Huang Limlengco. Isang Chinese at nakapag-asawa ng isang Filipina. Si Rebecca Torres Limlengco ay galing rin sa ito sa isang kilalang angkan. Ito ang tumayo bilang Vice president ng sariling kompanya. At ang asawa naman nito ang president.
Biniyayaan ng isang anak na lalaki at ngayon ay CEO ng LIMLENGCO COMPANY. Siya si Ling Limlengco.
Hindi lingid sa kaalaman nang lahat na may adopted brother siya. Si Darwin Limlengco na ngayon ay manager ng company.
Mataas ang kaniyang pangarap kaya pilit inaabot ang posisyon bilang CEO. Subalit nahihirapan siya, sapagkat mas magaling at mahusay si Ling.
Kaya naman ay palihim itong gumagawa ng paraan upang mapabagsak at maagawan si Ling.
"Dad, pinatawag mo raw ako?" tanong ni Ling nang makapasok siya sa library ng ama.
"Yes, dahil darating ang anak ni Mr. Chua, at napagkasunduan namin na ipakasal kayo."
"Dad, I don't know her at isa pa may nobya na ako."
"Yes, I know it! That poor woman?! Ling, ano ang kaya niyang maibigay sa 'yo?"
"Dad, hindi ako naghahangad na mabibigyan niya ako ng material na bagay dahil meron na tayo. Her truly love is enough for me."
"Ling, lis—"
"Dad — No! Hindi ako makipag-deal sa gusto mo. I'm sorry for that." Tinalikuran ni Ling ang kaniyang ama at lumabas na ito.
Ang pag-uusap nila ay narinig ni Darwin at napangiti ito na siya lang ang nakakaalam kung ano ang dahilan.
ARAW ng linggo ay nagkikita ang magkasintahan sa kanilang tagpuan sa isang maliit na kubo at sa tabi ito ng palayan.
"Ling, may problema ka ba?" tanong ni Kyla Alvarez.
Ang babaeng nagpapatibok sa puso ni Ling, na isang ordinaryong babae at ulilang lubos. Nagtatrabaho ito bilang katiwala sa palayan na pag-aari ng Lemlingco.
"Si Papa, gusto niya akong ipagkasundo sa anak ng kaniyang kaibigan."
"Pumayag ka?" malungkot nitong tanong.
"Of course not! Ikaw ang gusto kong pakasalan," sabay halik sa kamay niya.
"Paano kung hindi papayag ang ama mo?" malungkot nitong tanong.
"Yla, ipaglalaban kita kahit ano pa ang mangyari. Kaya huwag kang mag-alala okay?"
Tanging tango lang ang tugon ni Kyla, subalit masaya siya sapagkat alam niyang may-isang lalaki na handa siyang ipaglaban.
Lumipas ang mga araw ay patuloy pa rin si Darwin sa kaniyang ginagawa. Lihim niyang nilalason ang ina at unti-unti itong nanghihina. Kaya lagi na lang itong nakahiga at hindi naman umaalis sa kaniyang tabi ang asawa.
"Dad, kumusta na si Mama?" tanong ni Darwin, na tila wala siyang alam sa nangyari.
"Mabuti-buti na ang kaniyang kalagayan."
"Get well soon Ma," aniya at humalik sa pisngi at saka ito umalis.
"Honey, ano na ba ang posisyon ni Darwin sa kompanya?" tanong ni Rebecca, nang makaalis ang ampon nilang anak.
"Same as usual," simpleng tugon nito at patuloy sa kaniyang binabasa.
"Sa tingin mo ba karapat-dapat na siyang magiging CEO?"
"Hon, as of now ay wala pa akong nakitang improvement sa kaniya. Kaya hayaan muna natin siya sa kaniyang posisyon ngayon."
"Hon, I want Ling as a vice president — I'm too much tired hindi ko na kayang magtrabaho pa sa kompanya."
"Hmmm ... kung 'yan ang gusto mo I'll do that. But—"
"But what hon?" pag-alalang tanong ni Mrs. Rebecca.
"As a president. At ako ang magiging vice president." tugon rito.
Nakangiti si Mr. Huang at hinahaplos-haplos nito ang mukha ng asawa.
"Really?!" she said and smiled.
"Yes!"
AGAD nagpa-urgent meeting si Mr.Huang, kaya nagkagulo sa loob ng kompanya. Kahit si Ling ay nagtaka dahil hindi niya iyon inaasahan at dali-dali na siyang pumunta sa conference room. 'Di inaasahan ay nagkasabay sila ni Darwin.
"Hey, bro!" bati niya kay Ling.
Hindi kumibo si Ling at tinapik lang nito ang balikat ng kapatid.
"Do you know what's going on here?" tanong ni Darwin.
"I don't have any idea, but later we'll know."
Hanggang sa makapasok na sila at nandoon na ang kanilang ama. Agad na silang umupo sa tabi nito. Hindi na nagpaligoy-ligoy si Mr. Huang at nagsimula na siyang magsalita.
"Starting today... I will announce to everyone that I, Huang Limlengco, proclaim my legitimate son Ling Limlengco as a new president of this company. At the same time ay siya pa rin ang CEO. Ako naman ay baba bilang vice president. That's all and thank you!" pahayag nito.
Nagsipalakpakan ang lahat ng mga board members maliban lamang kay Darwin. Nagulat si Ling at halos hindi makapaniwala sa sinabi ng kaniyang ama. Kaya hindi muna siya umalis at nanatili ito sa loob habang hinihintay na makalabas ang lahat. Tumayo rin si Darwin at walang pasabi na lumabas at galit agad ang kaniyang naramdaman. Sapagkat hindi man lang ibinigay sa kaniya ang posisyon bilang CEO.
"Damn!" ihit ni Darwin sa loob ng opisina at sinuntok ang pader.
Naiwan ang mag-ama sa loob ng conference room at nag-uusap ito ng masinsinan.
"Dad, why? What happened?" pagtataka niyang tanong.
"It's your Mom's decision. Alam mo naman na may karamdaman siya ngayon."
"Then, what about Darwin? Bakit hindi ninyo ibinigay sa kaniya ang pagiging CEO?"
"Sa tingin mo ba ay kaya na niya? We both know about him."
Hindi kumibo si Ling sapagkat alam naman niya kung gaano ka mabisyo ang kapatid.
"You're right, Dad." pagsang-ayon niya.
Tinawagan ni Ling ang nobya at sinabi niya na may sorpresa siya, pero saka na niya sasabihin sa kanilang pagkikita. Na-excited naman si Kyla at alam niya na isang mahalagang bagay iyon.
Kinabukasan ay dumating ang anak ni Mr. Chua at nakikiusap si Darwin sa kaniyang ama na siya na lang ang ipagkasundo sa dalaga.
"Well, no problem. Mas makakabuti rin iyon para sa'yo." tugon ng kaniyang ama.
"Thank you, Dad!"
Ang plano ni Darwin ay ang magkaroon ng malaking pangalan sa industriya ng mga mayayamang angkan. Isang malaking handaan ang ginanap sa bahay ng mga Chua at nagpunta doon si Darwin kasama ang ama. Ngunit hindi sumama si Ling dahil may usapan sila ni Kyla na magkikita.
Naiwan naman sa bahay si Rebecca, at may inihandang malaking plano si Darwin na tapusin ang buhay ng kanilang ina.
Sa kalagitnaan ng pagsasalo ay ipinakilala ni Mr. Chua ang kaniyang nag-iisang anak na si Mingzhu Chua. Tuwang-tuwa naman si Darwin sapagkat pumasa ito sa kanyang standard.
Sa gabing iyon ay pinag-usapan ang kanilang kasal at hindi naman tumututol si Mingzhu. Dahil ayaw niyang suwayin ang kaniyang ama at isa pa, may itsura naman si Darwin. Ngunit hindi niya alam na mas guwapo si Ling at kung nakita lang niya ito ay tiyak hindi siya papayag na hindi sa kaniya mapupunta ang si Ling.
"It's okay with you if we walk outside?" yaya ni Darwin.
"Yeah, of course!"
Inilahad niya ang kamay at agad naman itong kinuha ni Darwin. Hindi niya akalain na agresibo rin pala ang dalaga. Dinala siya sa kuwarto at sumama naman ito.
Sa gabing iyon ay may nangyari sa kanilang dalawa at natuklasan ni Darwin na hindi na siya ang nauna. Ngunit hindi niya iyon pinahalagahan dahil ang importante sa kaniya ay ang malaking pangalan sa lipunan.
SAMANTALA masayang naghapunan sina Ling at Kyla sa loob ng munting kubo. Pareho ang dalawa na nakaupo sa papag na kawayan kahit ganoon ka simpleng buhay ay hindi nagrereklamo si Ling at masaya siya.
"Ano pala ang sorpresa mo sa akin Ling?" masayang tanong ni Kyla.
Ngumiti muna si Ling bago nagsalita. "Presidente na ako sa kompanya," turan rito.
"Talaga?! Congrats, Ling. Alam ko naman na mangyayari iyan sa'yo."
"Lucky charm kasi kita," sabay pisil niya sa pisngi.
"Ummm ... ako rin may sorpresa sa'yo," biglang sumeryoso ang mukha ni Kyla at medyo kinabahan naman si Ling.
"Really?! What is that, Yla?" Medyo nabigla si Ling sa sinabi niyang sorpresa.
Nagdadalawang isip si Kyla kung ituloy ba niya ang pagtapat kay Ling. Bigla siyang inunahan ng natakot na baka hindi niya matanggap at lalayuan siya nito.
"Tell me ... ano ang sorpresa mo sa akin? I'm so excited." Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan.
Yumuko si Kyla at nagsalita. "Buntis ako Ling." At biglang pumatak ang kaniyang luha.
"Talaga?! Hindi ka nagbibiro Yla?!" masaya niyang tanong at nangingislap ang mga mata.
"Hindi," kinuha niya ang pregnancy test at inabot niya rito. "Galit ka ba?" dagdag niyang tanong.
"Of course not! Masaya nga ako dahil magiging Daddy na ako," niyakap niya si Yla at paulit-ulit na hinalikan.
"Salamat, Ling." madamdaming niyang sabi.
"Yla ... okay lang ba sa 'yo kung magpa-secret marriage muna tayo? Hintayin ko lang na maikasal si Derwin at pagkatapos ipagtapat ko kay Daddy at Mommy ang tungkol sa magiging anak natin. Pagkatapos noon ay pakakasalan kita ulit sa Malaking simbahan," pahayag niya.
"Pakasalan mo ako Ling?" Halos hindi makapaniwala si Kyla na pakakasalan siya at muli itong napaiyak.
"I really love you, Yla. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay."
"Papayag ako Ling, pero ang gusto ko ganito pa rin tayo simpleng buhay lang."
"Kung ano ang gusto mo at magpapasaya sa 'yo I'll respect it," nakangiti niyang tugon at hinihimas ang kaniya tiyan.
The day after tomorrow ay nag-half day si Ling sa trabaho upang puntahan ang nobya sa simbahan. Sapagkat may usapan silang magkikita doon para sa kanilang secret marriage.
Sinigurado ni Ling na walang nakasunod sa kaniya at lihim siyang pumasok sa loob ng simbahan. Sa confession room ay doon naghintay si Kyla at doon rin pumasok si Ling.
Nandoon na rin ang pari na kinausap niya. Kaibigan niya ito kaya napakiusapan niya.
"Ling, sigurado ka na ba sa desisyon mong ito?"
"Yes, Father."
"Ikaw Kyla, sigurado ka rin ba sa desisyon mong ito?"
"Oo, Father."
At maya-maya pa ay lumabas na sila na magkahawak kamay at pareho ang dalawa na may ngiti sa kanilang mga labi.
Ang akala ni Kyla na after sa kanilang kasal ay sa munting kubo pa rin sila uuwi.
"Saan tayo pupunta Ling?"
"Surprise ang pupuntahan natin, sa isang lugar kung saan tayo muling bubuo ng mga magagandang ala-ala kasama ang magiging mga anak natin."