Napangiti siya sa sinabi ng kaniyang asawa at sumandal ito sa balikat. Sa isang liblib na lugar sila nagpunta at nasasakupan pa rin ito ng mga Limlengco.
"We're here! Welcome to our new house!" masayang sabi rito.
Halos hindi makapagsalita si Kyla sa kaniyang nabungaran sapagkat maganda ang paligid. Isang bamboo house na may katamtaman ang laki at napapaligiran ito ng mga bulaklak at may maliit na dagat-dagatan.
"Nagustuhan mo ba?" sabi niya at yumakap sa asawa.
"Oo ... sobrang ganda at sigurado ako na mag-enjoy ang anak natin dito."
KINABUKASAN umuwi si Ling sa kanila at nagtaka siya kung bakit maraming tao. Bigla siyang kinabahan kaya patakbo siyang pumasok sa loob.
"What's happening here?" tanong niya sa kasambahay.
"W-wala na si madam Rebecca," umiiyak nitong tugon.
"What?!"
Halos liparin niya ang ikalawang palapag dahil sa kaniyang pagkabigla.
"Mama?!"
Sigaw niyang tawag habang tumatakbo ito sa hagdanan.
Nang makapasok na siya sa kuwarto ng ina ay bahagya siyang napahinto. At dahan-dahan siyang lumapit rito.
"Mama ... Mama ..." yugyog nito sa mahinang boses at hinaplos ang mukha.
"Mama — Wake up! Dad, what happened?" umiiyak niyang tanong.
Hindi sumagot si Mr. Huang at umiling-iling ito napatuloy sa pag-iyak. Si Darwin naman ay tahimik lang habang umiiyak kuno. Ngunit sa loob ng kaniyang isip ay nagsaya siya dahil tagumpay ang kaniyang plano.
Sobra ang pagdalamhati ni Ling, dahil hindi man lang niya nasabi sa ina na magkakaapo na ito. Tinawagan niya ang asawa at sinabi ang tungkol sa pagpanaw ng kaniyang Mama. Sinabi rin niya na hindi muna maka-uwi ng ilang araw sapagkat hindi niya maiwan ang kaniyang ama.
Naintindihan naman siya ni Kyla at nakikiramay sa kaniya. Gustuhin man niyang pumunta subalit ay hindi puwede.
Huling lamay ng kaniyang ina ay pumunta ang pamilya Chua, kasama si Mingzhu. Nagkataon naman na nasa labas si Ling, dahil tinawagan niya ang asawa. Napansin naman siya agad ni Mingzhu at biglang nagka-interes sa kaniya.
Hindi niya kilala si Ling at nagpasya itong lapitan agad naman siyang napansin ni Ling, kaya nagpaalam siya sa asawa. Dahil ayaw niyang makarinig ito ng boses ng isang babae sapagkat iniiwasan niya na sasama ang loob nito.
"Hi," bati ni Mingzhu.
"Hi!" tugon niya.
"Alone?" she asked.
"Yeah, nagpapahangin lang," simpleng tugon niya.
"I'm Mingzhu Chua and you?" sabay lahad ng kaniyang kamay.
"Ling Limlengco," he replied.
"Really?! If I'm not mistaken ikaw dapat ang ipapakasal sa akin right?"
Hindi sumagot si Ling at bahagya lang itong ngumiti.
"Let's go inside!" yaya niya rito.
"Sure!" she said.
Nakaramdam naman ng konting pagsisisi si Mingzhu kung bakit siya bumibay agad kay Darwin. "Huh! I'm Stupid!" minura niya ang sarili.
Nang makapasok ang dalawa sa loob ay agad naman silang nakita ni Darwin. Bahagyang kumunot ang nuo nito ngunit agad naman niyang binawi at pinalitan ng kaplastikan na ngiti.
Sinalubong niya ang fiancee. "Thank you for coming!" turan ni Darwin.
Niyakap niya ito upang ipakita kay Ling na pag-aari niya ang babae.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Ling, dahil gusto niyang makalayo sa dalawa.
Dahil sa pagkamatay ni Rebecca ay na-postponed ng ilang buwan ang kasal ni Darwin. Kaya naghintay rin si Ling bago niya ipagtapat sa ama ang tungkol sa kaniyang asawa at magiging apo.
LUMIPAS ang mga buwan at bago pa man naikasal sina Darwin ay buntis na si Mingzhu ng walong buwan. Pansamantala silang nanirahan sa mansion ng mga Lemlingco sapagkat hindi pa tapos ang bahay na pinapagawa ni Darwin.
Excited naman si Ling, dahil buwanan na ni Kyla kaya halos araw-araw siyang dumadalaw sa asawa.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Yla? Mabigat ba si baby?" tanong niya at magkatabi silang umupo sa may terrace.
"Medyo sumasakit na ang aking tiyan baka sa susunod na araw ay lalabas na si baby."
"Ummm ... ano pala ang gusto mong ipangalan natin sa kaniya?" tanong ni Kyla.
"Bagay sa kaniya 'HALLIE'," he said.
"Hallie? Uhmm ... maganda siya at gusto ko," masayang tugon ni Kyla at hinahaplos-haplos ang kaniyang maumbok na tiyan.
"Yla, ito pala ang pera iiwan ko dito para sa panganganak mo,"
biglang kinabahan ang asawa at pakiramdam niya ay iiwan na siya.
"B — bakit, Ling? Aalis ka ba?"
"Of course not! What I mean —nag-withdraw ako kanina para may magagamit tayo sa panganganak mo."
"Akala ko kasi iiwan mo na ako."
"Hindi mangyayari 'yan Yla, dahil habang buhay tayong magsasama. Siyanga pala, darating dito mamaya ang katiwala namin sa bahay. Si manang Rihana, para may makakasama ka dito habang nasa trabaho ako. Don't worry about her, mabait iyon at mapagkatiwalaan."
"Okay."
"Yla, I will promise you na kayo lang dalawa ng anak natin ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ng aking buhay."
"Ling, kinabahan ako, please, 'wag kang magsalita ng ganiyan. Para ka kasing namamaalam," mapaiyak niyang sabi.
"Okay fine! Hindi na," tugon naman nito at niyakap siya ng napakahigpit.
KINABUKASAN ng hapon ay tumawag si manang Rihana at sinabi nitong manganganak na si Kyla. Excited naman si Ling at nagmadaling lumabas ng kompanya upang puntahan sana ang asawa.
Bubuksan na sana niya ang pinto ng kaniyang sasakyan subalit may lumapit sa kaniyang likuran at may hawak itong baril na merong silencer. Bigla siyang binaril nang dalawang beses at bumagsak siya. Ang akala ng killer na naka-bonnet ay patay na si Ling, kaya kumpiyansa itong tinawagan ang nag-utos sa kaniya.
"Sir Darwin, nagawa ko na ang iyong ipinag-uutos," anang lalaki sa kabilang linya at iniwan siyang nakahandusay si Ling.
Bago ito nawalan ng malay ay narinig pa niya ang sinabi nito.
Isang empleyado ang nakakita sa pangyayari at dahil sa sobrang takot ay tumakbo ito sa loob ng kompanya at nagsisigaw.
"Tulong— Si, president— binaril! Tulong..." pagsisigaw nito.
Nagtakbuhan naman ang mga empleyado palabas ng gusali upang sakluluhan ang kanilang boss. Agad naisugod si Ling sa hospital subalit nag-aagaw-buhay ito. Ngunit pilit pa rin siyang lumaban dahil sa kaniyang mag-ina.
At maya-maya pa ay dumating si Mr. Huang Limlengco, at agad sinabihan niya ang mga kapulisan sa labas na walang sinumang puwedeng makapasok maliban lamang sa doktor at nars.
"Ling, my son..." he said and cried. "Ling," muli niyang sambit at niyakap ang nag-iisang anak.
"D— Dad, manganganak ang aking asawa ngayon, please... protect them. Please— Promise me, Dad..." putol-putol niyang pagkabigkas ngunit malinaw ito sa pandinig ng kaniyang ama. Sinabi niya kung nasaan sila at sino ang puwedeng tawagan.
"Yes, my son. I will promise you," luhaan niyang tugon.
"T-thank you... Dad," unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata.
"Ling— Don't close your eyes! Please, talk to me son! Sino ang may gawa nito sa'yo?!" he asked and cried.
"Si— D-darwin—"
Huling salita ni Ling at tuluyang pumikit ang kaniyang mga mata na may luhang pumatak.
"Ling — Linggg!" he mourned
Halos madurog ang puso ni Mr. Huang, dahil sa sinapit ng kaniyang anak. Hindi rin katanggap-tanggap na mismo ang itinuturing niyang pangalawang anak ang kumitil sa buhay ni Ling. Nang maalala niya ang huling bilin nito ay agad niyang tinawagan ang asawa ni Rihana. At pinapapuntahan ang mag-ina sa naturang lugar.
Ang bilin niya ay walang sinuman ang makakaalam tungkol sa mag-ina ni Ling at kailangang umalis siya na walang malakita rito.
Unti-unting napagtagpi-tagpi ni Mr. Huang ang pagkamatay ng kaniyang asawa at sinasadiya rin ito. Galit agad ang sumibol sa kaniyang puso para kay Darwin.
"Isinusumpa ko Darwin— Wala kang makukuha galing sa aking! Wala kang utang na loob!" he whispered.
SAMANTALA nahihirapan si Kyla sa kaniyang panganganak at halos naliligo na ito sa kaniyang pawis.
"AAAH!" Nahihirapang sigaw ni Kyla.
"Sige pa! Malapit na!" utos ng kumadrona.
"M-manang Rihana, si Ling wala pa ba?" she asked.
Halos hindi ito makasagot ang katulong, dahil natatakot siya na baka hindi nito matanggap ang katutuhanan.
"Manang ... si Ling?"
"Ma'am, patay na si, sir Ling. May bumaril sa kaniya," biglang huminto ang mundo ni Kyla at nakalimutan ang kaniyang kalagayan.
"Yla, nandito na ako..." boses ni Ling at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Ling, buhay ka?" she asked and smiled.
Ramdam ni Kayla na kaluluwa ni Ling ang kaniyang nakikita, dahil sa maaliwalas nitong mukha. Sinikap niya na makalabas ang kaniyang anak kahit hirap na hirap na siya sa paghinga.
At maya-maya pa ay narinig na nila ang iyak ng sanggol.
"Babae ang kaniyang anak." turan ng kumadrona
"Manang — 'HALLIE' ang pangalan ng anak namin." aniya sa mahinang boses.
"Opo, ma'am!" At tumango-tango naman ang katiwala.
Kahit hinang-hina na si Kyla ay pilit pa rin niyang hinawakan ang mukha nito. Sumabay rin ang pag-agos ng kaniyang mga luha.
"Ling, sasama ako sa 'yo," nakangiti siya at dahan-dahang pumikit ang kaniyang mga mata.
Nag-panic naman ang kumadrona dahil biglang namutla at nanlambot ang babae. Nang hawakan niya ang pulso ay wala na itong pintig.
"Patay na siya," aniya at tulala ito.
Napaiyak si Rihana at niyakap ng mahigpit ang sanggol. Tinawagan ng kaniyang asawa si Mr. Huang at ibinalita niyang patay na rin ang asawa ni Ling.
Nalungkot naman ang matanda sapagkat nabigo siyang protektahan ang mag-ina.
"I'm sorry, son. Hindi ko naprotektahan ang iyong asawa. Pero ipinapangako ko Ling, protektahan ko ang aking nag-iisang apo. At ibibigay ko sa kaniya ang lahat-lahat na dapat sana ay sa'yo," bulong niya sa harapan ng larawan ni Ling.
Alam ni Mr. Huang na lihim na nagpakasal ang kaniyang anak ngunit hinayaan niya ito, sapagkat ayaw niyang hadlangan kung saan magiging masaya si Ling. Hinihintay lamang niya na ito mismo ang magtapat sa kaniya. Subalit hindi na nangyari ang araw na 'yun.
HINDI na nagtiwala si Mr. Huang sa kaniyang ampon at kumuha na rin siya ng mga bodyguards. Twenty-four hours na may nagbabantay sa kaniya at kailangan niya 'yon para sa kaniyang proteksyon. Kahit patay na ang kaniyang mag-ina ay hindi pa rin nagtagumpay si Darwin sa kaniyang mga plano.
Muling umupo si Mr. Huang bilang presidente ng kanilang kompanya at nagiging bakante ang puwesto ng vice president. Upang hindi makahalata si Darwin ay iniloklok niya ito sa pagiging CEO. Subalit hindi pa rin ito nagiging sapat para kay Darwin.
"Dad, kailan mo ba ibibigay sa akin ang pagiging vice president?" tanong niya nang minsan itong bumisita sa opisina ng kaniyang ama.
"Kapag nakita kong karapat-dapat ka na sa posisyong iyan."
"But I'm ready now, Dad."
"Yes! You are ready, but I did not see it!" he shouted.
NINE YEARS LATER
"Kumusta siya?" tanong ni Mr. Huang, kay Grego.
"Maayos naman siya Mr.Huang, lumaking independent, matatag at matapang na bata."
"Good! Gusto kong bumalik na kayo dito, pero kailangang mananatili pa ring sekreto ang lahat."
"Masusunod, Mr. Huang."
"Ito, ibigay mo sa kaniya at sabihin mong iingatan niya at walang ibang makakaalam sa laman nito. Hayaan natin na siya mismo ang makatuklas sa buong katutuhanan. Ito ang magpapatunay kung sino talaga siya," pahayag niya rito.
"Okay po, Mr. Huang. Kailan po kami babalik dito?"
"Sa susunod na araw at ipinahanda ko na ang iyong matutuluyan."