CHAPTER 4 (THE PAST)

3219 Words
“Boss, ito na yung mga nakuhang pera sa mga transactions natin,” bungad ni Mael, ang aking kanang kamay.” Dala niya ang mga bag na liglig ng pera. “Ito naman yung galing sa mga kabo natin na nasamsam nila sa illegal na droga. Inibukod ko dito sa bag na ito yung pera galing sa mga nasakoteng mga illegal na transaction at mga kinuha natin sa mga kurakot at magnanakaw.” Pagkalapag niya sa mesa ay inilabas ko ang laman niyon. Tinignan ko kung sapat kagaya ng mga nakaraang araw. Huminga ako ng malalim. “Kulang ‘to,” sa buo at mababa kong boses. “Ho?” tanong ni Mael. Halatang nagulat. “Ang sabi ko, kulang ‘to.” Ikinalat ko ang pera sa mesa. “Pero boss…” “Thirty years, Mael. Thirty years na ako sa larangang ito. Hindi ako magiging ulo ng pamilyang ito kung hindi ko alam yung sobra, kulang at sapat at sinasabi ko ngayon sa’yo, kulang na kulang ito kasi alam ko lahat ang kilos ninyo nitong mga nagdaang araw. Alam ko kung magkano ang i-expect ko ngayon na kikitain natin dapat.” “Pero di ho ba, nagbawas na tayo ng mga kinukunan ng pera at porsyento sir? Gusto kasi ninyo ang dapat lang nating tutukan ay yung maduming transaksiyon at huwag nang pakialaman yung mga legit at tuluyan na nating itinigil yung mga transaction natin dati na galing sa mga mandurukot at namamalimos sa lansangan?” “Kahit na, maliit lang na bagay iyon na kakulangan. Basta may mali. Hindi ninyo ako mauutakan. Ilang intriga mo na sa akin ang kulang. Hindi ako nagsasalita sa mga nakaraan. Hindi ako nagsasabi dahil alam ko, bilang kanang kamay ko ay alam mo na agad dapat kulang ‘yan. Sa’yo pa lang dapat alam mo na na may mali. Ngayon, sabihin mo sa akin, nasaan ang kulang sa mga nagdaang mga buwan na?” “Boss, iyan na po talaga lahat.” “Huwag mong sirain ang tiwala ko, Mael. Ako ang nagluklok sa’yo sa posisyon mong ‘yan ngayon. Bakit ikaw ang underboss kahit bagong salta ka lang kung tutuusin? Kasi nakita ko sa’yo yung tiwala. Nakit ko sa’yo yung eagerness for power, the fire to become rich na hindi ka dapat nanggugulang sa pamilya. Alam mo na kung anong mangyayari sa’yo kapag niloko ako at kapag ginago ako! Huwag mong sirain ang tiwalang ipinagkaloob ko sa’yo.” Yumuko siya. Hindi siya sa akin makatingin. Kinuha ko ang sigarilyo ko sa ashtray. Humithit ako ng sigarilyo saka ko ibinuga ang usok nito. Pinulot ko ang aking telepono at tumawag ako ng tatlong tao kong magbibilang sa perang nasa gitna ng pahabang mesa. Sila ang mag-ma-marka at magbabalik sa bag. Si Mael ang nagpapasok sa safety deposit kasama sa lahat ng per ana naiipon naming. Tuwing katapusan, ipapabahagi ko sa lahat ng miyembro ng pamilya ang bahagi ng perang iyon. Nang matapos nilang bilangin ang kabuuan ng pera ay hinarap ko siya. “See? Tama ako hindi ba?” Hindi siya sumagot. Pinatay ko ang apoy ng aking sigarilyo sa ash tray. Binuksan ko ang drawer ko. Inilabas ko ang listahan ko sa araw-araw niyang intriga kumpara sa mga nakaraang buwan na maayos pa siyang nag-iintriga. “Tignan mo ang listahan, Mael. See the big difference ng nawawalang pera. Look, hindi ikaw ang alam kong may mali o hindi ikaw agad ang itinuturo kong gumagawa ng anomalya pero hindi ba bilang underboss, dumadaan na sa’yo ‘yan? Alam mo na dapat na may kulang bago pa makarating sa akin ang pera. Yung mga sahod na lang natin mula sa mga assassins natin na binabayaran ng ating mga contacts, kulang na na kulang na ‘yan. Ikaw ang may direktang koneksiyon sa lahat. Ikaw ang mga nakakausap ng mga kabo natin. Ikaw ang tumatanggap sa kanilang intriga. Pagdating ng bahagian ng pera, paunti nang paunti ang maipapamahagi natin dahil sa laki ng araw-araw na nababawas sa kita. Ano ba kasing problema?” Huminga nang malalim si Mael. Tumingin siya sa akin na parang natatakot at nahihiya. “Ano?” singhal ko. “Sige Boss.” “Ayusin mo ‘yan Mael. Kung may mga hindi nag-iintriga na mga tao natin tapusin mo. Kung may mga hawak tayong mga establisimento na nakakatanggap sa proteksiyon natin ngunit hindi na nag-aabot, gawan mo ng problema at kung may mga hawak tayong mga grupo na wala nang silbi, pakilusin mo.” “Sige boss. Pasensiya na po. Aayusin ko.” “Aba dapat lang. ngayon lang ako nagsalita at ngayon lang ako magsasalita. Kung hindi mo magawan ng paraan ‘yan. Ako ang kikilos at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Binabalaan kita!” Bumukas ang pintuan ng aking opisina. Tumambad ang pinakaseksi, pinakamaganda, pinakabata at kaedad lang halos ni Mael na babae kong si Helen. Nakita kong nagkatinginan ang dalawa. May mabilis na landi sa mata ni Helen. Mabilis na binawi ni Mael ang kanyang tingin sa aking kinakasama at napapalunok na tumingin sa akin. Ilang araw ko na ring napapansin iyon ngunit tiwala ako. Gusto kong buo ang tiwala ko sa kanilang dalawa. “Mukhang mainit ang ulo ng aking mahal ah,” may kalandian ang boses na sinabi sa akin ni Helen. Kumandong pa siya sa akin at dinilaan niya ang puno ng aking tainga saka niya ako hinalikan sa aking labi. Hinawakan ko ang kanyang hita at dahan-dahan kong ipinasok ang kamay ko sa kanyang maikling palda papasok sa gitna ng kanyang mga hita. “You are naughty! Ano ba? Nakikita ni Mael oh?” iniatras niya ang kanyang perlas ngunit ibinunggo naman niya sa mukha ko ang malulusog niyang dibdib. Napansin kong pinagpapawisan si Mael. Huminga nang malalim ay yumuko. “Boss, pwede na ba akong umalis?” “Pinaalis na ba kita?” tanong ko kay Mael. “Sige Boss. Dito na muna ako.” “Sige na, samahan mo na si Helen.” Hinalikan ko ang labi ni Helen saka ko sinabing, “Dalhin muna ninyo ang mga perang ‘yan sa safety deposit sa loob ng kuwarto natin honey. Susunod ako. Tatapusin kita do’n mamaya. May hinihintay lang akong tawag.” “Sige, honey. Sumunod ka agad ha?” “Oo, susunod ako.” Huminga ako nang malalim habang tinititigan ko si Mael. Siya ang isa sa nakita kong pinakaguwapo sa buong Pilipinas. Pwede siyang ihilera sa mga nagsisikatang artista. Nakita ko lang siya sa kalsadang namamalimos noong walong taon pa lang siya at ako naman ay underboss pa lang ni Daddy. Wala akong kapatid kaya siya yung tingin kong pwede kong makuha para ma-train. Dahil kinagisnan ko na ang maging Mafia at nasa dugo ko na, wala na talagang atrasan pa. Namulat ako sa kalakarang ganoon. Nasa lahi na namin kaya kahit aayaw ako, ako na talaga ang next in line. Sa murang edad, nag-training na ako ng martial arts. Nang pitong taong gulang ako, isa na ako sa pinakamagaling sa Taekwondo. Nang sampung taong gilang ako, lahat inaral ko, mixed martial arts, Jujutso, Muay Thai, Aikido at Boxing. I was the best in all those combats. Dose ako nang bihasa na ako sa paggamit ng baril at pati ang pagpapasabog. Asintado ako. Kinilalang pinakabatang hitman. Isinabak na agad ako ni Daddy sa mga street crimes mula sa paghablot ng mga bag, pag-hold up hanggang sa pagnanakaw sa bangko. Nakitaan ng pamilya ang husay ko at liksi. Ang galing sa pagpaplano at pagsasakturan nito. Ibigay lang sa akin ang taong ipapatumba, consider it done at walang sabit. Walang maiiwang ebidensiya. Hindi porke pamilya ang tawag namin sa aming mga kasamahan ay magkakamag-anak kaming lahat. Maaring hindi kami magkakadugo ngunit higit pa doon ang samahan. Kayang isakripisyo ng lahat ang buhay nila para sa samahan. Walang atrasan sa laban. Kasiraan ng isa, kasiraan ng lahat. Wala dapat malalamangan. Ganoon naman dapat ang pamilya. Lahat ng kita, dapat mahusay na nailalatag sa buong miyembro at bilang nang ako na ang boss, ako ang mamamahagi sa kita ng lahat in a just and fair manner. Nang lumaki ako, hindi lang ako isang Mafia kundi isang pulis na may mataas na posisyong hinahawakan. Napag-aral ako ni Daddy sa sikat na university at kinalala bilang pinakamatalino sa aming batch. Kailangan iyon para sa proteksiyon nang ilang henerasyon na rin naming tagong organisasyon. Kailangan pangalaan ang pasok ng pera para sa lahat ng pamilya. Kaya nabuo ang samahang ito dahil sa pera. Kaya dapat laging matatag ito dahil sa pera. Ibig sabihin, nabuo ang Mafia at kailangang manatili dahil sa malaking pasok ng pera. Kapangyarihan at kabuhayan ito na kailangang mapanatili para sa susunod pang mga miyembro. Dahil wala akong kapatid, wala rin naman kapatid si Daddy at si Mommy kaya wala rin akong pinsan na makatutunggali sa posisyon. Napag-uusapan namin ni Daddy na lahat ng mga malalapit kong kamag-anak pati na rin ang mga ilang miyembro ng pamilya ay may kaswapangan sa pera. Doon pumasok si Mael. Nakitaan ko siya ng katangian. Una, ang kanyang kaguwapuhan. May stigma kasi sa mga Pinoy na kapag gwapo ang isang tao, hindi makagagawa ng masama. Kapag gwapo, mukhang inosente at madaling pagkatiwalaan. Kaya nga madali sa akin ang pagkamit ng lahat ng gusto ko dahil sa kakaiba kong karisma na nakita ko sa namamalimos na si Mael noon iyon. Dumaan din naman siya sa lahat ng pagsubok. He needs to commit small-time crimes like pickpocketing and shoplifting sa edad niya noong walo. Kailangan mabuo yung kanyang pagka-street smart sa paggawa ng mga ganoong bagay para lalo siyang magustuhan ng lahat. Nang nag-16 na siya, he starts committing crimes like grand theft auto and he keeps committing in conjunction with the others major crimes like bank break-ins and murder. Lagi kong sinasabi noon sa kanya na he needs to commit these crimes successfully and without getting caught and he just did. Napahanga niya ako, napahanga niya si Daddy. Wala siyang ibinubulsa ni singko. Wala siyang ninanakaw kahit painan mo. Nabuo ang tiwala ng pamilya sa kanya. Naging kagaya ko siyang maliksi at mahusay din sa lahat ng trainings na pinagdaanan niya. Kapag may gustong ipapatay, sa kanya na ipinapagawa. Lahat ng dumi ng gang, siya ang laging naroon. Nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya kaya nga pinatira ko na rin siya sa aming bahay. Halos ampunin na naming siya. Nagpatayo kami ng magandang bahay para sa pamilya niya, pinaaral naming ang mga kapatid niya at naging underboss ko siya nang mamatay si Daddy. Ako na ang sumunod sa yapak ni Daddy at si Mael yung iniwan kong pwesto. Marami ang kumokontra kasi he’s from nobody to somebody pero ako ang boss, ako pa rin ang masusunod lalo pa’t nasa akin ang tiwala ng buong miyembro ng aming pamilya. Tinanong ko ang buong miyembro noon nang magkaroon kami ng General Meeting kung hindi si Mael ang gawin kong underboss, sino? Sino ang pwedeng papalit sa akin? May mga binanggit silang mga pangalan ngunit hinahanapan ko ng butas at hindi lang basta may maibutas ako, iyon ay mga katotohanang kakulangan na kanilang mga nominado na alam kong alam din ng lahat. Nang matapos ang general meeting na ‘yon, yung dating ako na naniniwala lang sa kakayahan ni Mael ay naging tiwala na rin ng lahat. At age 19, bukod sa akin dahil age 14 lang ako noong underboss ako ay si Mael ang pinakabatang naging underboss sa history ng aming Mafia group. Mulan ang ako ang namumuno sa aming grupo, mas tinutukan ko ang paggawa ng mabuti at iniwasang gumawa ng hindi maganda. Tinanggal ko sa pagkakakitaan ang paggamit ng mga namamalimos at mandurukot. Ang pagbebenta ng droga. Ang pagtanggap ng bayad para pumatay ng mga inosente. Doon lang kami sa bigtime na pagkakitaan na walang gaanong involve na mga inosente. Pipilitin naming nakawin o kunin ang mga kita ng mga drug lords, kami ang papatay sa mga alam naming mga corrupt na pulitiko at gagatasan namin nang gagatasan ang mga kumpanyang may mga maruming negosyo. Hindi na kagaya noon na lahat ng maruming pagkakitaan, okey lang kahit gagamit kami ng mga inosenteng mamamayan. Maraming ayaw sa pagpapatakbo ko ngunit ako ang boss. Ako ang masusunod. Hindi man ganoon kalaki ang pasok ng pera ngunit alam kong hindi kami ganoon kasama kagaya ng ibang Mafia sa bansa. Ang malaking bahagi ng aking pera ay binibigay ko sa mga sinusuportahan kong mga charitable institutions. Oo, maaring masama ako sa iba. Maaring criminal ako sa sa karamihan ngunit ibinabalik ko ang perang iyon sa mga nangangailangan. Mula walong taong gulang si Mael at ako naman noon ay 18 hanggang ngayon na 25 na siya at ako naman ay 35 na, masasabi kong buo pa rin ang tiwala ko kay Mael. Pamilya ang turing ko sa kanya. Walang hindi sa akin. Walang kahit anong mali siyang ginagawa sa aking mga mata. Siya na lang ang pamilya ko dahil patay na rin naman si Mommy nang ipinanganak niya ako. Patay na rin si Daddy. Hindi sila nailigtas ng pera. Hindi nadugtungan ng pera ang buhay nila kaya gusto kong ibalik sa tao ang nakukulimbat kong pera sa mga masasama dahil alam kong pagdating ng araw, hindi rin naman pera ang maalala sa akin ng mga tao kundi ang mabuti kong nagawa sa buhay nila. Huminga ako nang malalim. Tatayo na sana ako para sundan si Helen nang makita ko ang isang litrato ng kasal namin ng unang babae sa buhay ko sa nakabukas na drawer ko. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong makaradam ng lungkot. College classmate ko si Donna. Nasa kanya yung hinahanap kong babae. Maganda, soft spoken, matalino at may paninindigan. Naging magkasintahan kami ng ilang taon bago kami nagdesisyong magpakasal. Twenty-three ako noong nagdesisyon kaming lumagay na sa tahimik. Masyadong maaga para kay Daddy noon pero mahal ko si Donna. Ipinaglaban ko ang pagmamahal ko sa kanya kahit pa alam ni Daddy na pamilya ng mga sundalo si Donna. Nasa patakaran namin na hindi dapat magkaroon ng koneksiyon ang lahat sa mga ibang pamilya na alagad at tagapagtaguyod ng batas. Ako naman ay naging pulis dahil inilatag ko nang mahusay kay Daddy at buong myembro ng pamilya kung bakit kailangan kong maging alagad ng batas. Connection at protection ang habol ang tanging habol ko lang. Ngunit iba sa part ni Donna na may ama siyang General ng Philippine Army at iyon ang ayaw ni Daddy. Pero mahal ko si Donna. Kaya kong bitiwan ang lahat na meron ako para sa kanya. Kaya naman kami ikinasal dahil sa wala namang magagawa ang lahat eh. Hindi ako kayang tiisin ni Daddy. Hindi ako makikinig sa kahit sinno lalo na kung ang kalaban nila ay ang itinitibok na ng aking puso. Walang ni isa ang makasasaway sa gusto kong mangyari. Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan ko ang litratong nang kasal namin ni Donna. Nagsama naman kami ng anim na buwan sa bahay. Ngunit sabi nga nila, walang lihim ang hinid nabubunyag. Natuklasan niya ang iba ko pang trabaho bukod sa pagiging pulis. Alam niyang ginagamit ko ang pagpupulis ko para maitago ang tunay na aktibidades ng aking pamilya. Nagkaroon siya ng sariling imbestigasyon at hindi ko na kayang pagsinungalingan pa. “Ganito na kami binuhay ni Daddy. Sa ganitong karuming buhay na kami pinalaki, tapos ang magiging asawa ko rin pala at ama ng aking magiging anak ay kagaya rin niya?” “Anong ibig mong sabihin? May Gang din ang Daddy mo?” “Ayaw ko na na nang ganito, Frank.” Umiiyak siyang tumayo noon. Tinungo ang kanyang damitan. Hindi niya kinumpirma ang tungkol sa Daddy niya. “Hindi ko na hahayaan pa ang magiging anak ko ay kagaya mo rin. Kagaya ninyo ng Daddy ko. Ayaw ko na ang anak ko ay magiging criminal. Hindi ito mangyayari sa anak ko.” “Anong gusto mong gawin ko? Hindi ko naman kayo isasali ng anak ko rito. Ako lang. magkamatayan man, Donna, haggang sa huli hindi kayo ma-involve dito. Pwede naman iyon hindi ba?” “Hindi ako papayag na Mafia ang ama ng anak ko. Paanong hindi kami involve? Nakatira kami sa bahay mo, gagastusin namin ang pera mo na galing sa masama. Ipakakain mo iyon sa amin, ipang-aaral ng anak mo. Kaya my decision is final. Ayaw ko na.” “Ganoon lang ‘yon? Huwag ka naman padalos-dalos magdesisyon please!” Kahit anong pigil ko noon, kahit anong pakiusap ko. Hindi siya pumayag. Aalis man ako o manatili sa grupo ko, hindi na raw siya babalik sa akin. Wala akong choice. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong piliin siya dahil kung ginawa niya iyon, malamang sa malamang, sasama ako sa kanya. Nang sundan ko siya kanila para sana i-give-up na lang lahat ng posisyon ko sa samahan ay sinabi ng Daddy niya na hindi na rin doon umuwi pa ang anak niya at alam ko naman na hindi siya babalik sa pamilya niya dahil sa ayaw din niya sa kung anong grupo meron ang Daddy niya. Ang rule lang naman sa Mafia para hindi papasok sa gulo at p*****n ng magkabilang grupo ay ang pinaiiral naming mind your own business. Huwag pakialaman ang source of income ng kabilang grupo para hindi ka rin pakialaman sa gatasan mo ng pera. Ang importante ay kumikita at tuloy ang pasok ng pera kaya hindi ko pinakialam kung anong gang meron ang Daddy ni Donna hangga’t hindi niya pinanghihimasukan ang amin. Kung nagsimula na kasia ng labanan ng dalawang grupo, malamang sa malamang na hindi na ito matatapos pa. Masakit man pero hindi ko na siya natagpuan pa kasama ng aking anak na noon ay ipinagbubuntis pa lang niya nang iwan niya ako. Ama ako at asawa ngunit walang masabing pamilya. Lahat ng koneksiyon ko pinakilos ko mahanap lang si Donna ngunit sadyang ang taong ayaw magpakita, kahit pa anong gawin, hindi talaga mahahanap pa. Hanggang ngayon, kahit ilang babae na ang dumaan sa buhay ko, mahal ko pa rin si Donna. Siya pa rin ang laman ng aking puso. Siya pa rin ang natatanging babae para sa akin. Ibinalik ko ang litraro namin sa aming drawer. Tumunog ang aking cellphone. “Kumusta ang pinahahanap ko sa’yo, may development na ba?” tanong ko sa isa sa mga tao kong hindi sumusuko sa paghahanap kay Donna at sa aking anak. “Oo, boss. Affirmative.” “Affirmative? Talaga? Nasaan sila ngayon? Anong hitsura ng anak ko?” “Galing pala silang Italy. Doon pala sila nagtago at nanirahan ng matagal na panahon at kahapon lang sila umuwi rito sa Pilipinas dahil patay na ang Daddy ni Ma’am Donna.” “Good. Sige. Pupunta ako ngayon din para makausap si Donna at makilala ko ang aking anak,” nagagalak kong sinabi. “Sige Boss.” Agad akong lumabas sa aking opisina para kunin ang susi ng aking kotse. Sobra yung saya at kabog sa dibdib ko. Noon, alam ko. Si Donna lang ang babaeng minahal ko ng ganoon katindi. Si Donna lang ang tanging babaeng gusto ko sanang makasama habangbuhay. Pagpasok ko sa kuwarto namin ng bago kong kinakasama na si Helen ay naulinigan kong nag-uusap sila ni Mael. Isang pag-uusap na sana noon pa lang ay tinapos ko na nang hindi na sana nangyari pa ang lahat. Isa iyong pagkakamali na hindi ko agad tinuldukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD