Agad akong lumabas sa aking opisina para kunin ang susi ng aking kotse. Sobra yung saya at kabog sa dibdib ko. Noon, alam ko. Si Donna lang ang babaeng minahal ko ng ganoon katindi. Si Donna lang ang tanging babaeng gusto ko sanang makasama habangbuhay.
Pagpasok ko sa kuwarto namin ng bago kong kinakasama na si Helen ay naulinigan kong nag-uusap sila ni Mael.
“Ayaw ko na ng ganito Helen. Itigil na natin ito. Nakakahalata na siya,” rinig kong sinabi ni Mael.
“Nakakahalata siya kasi nagpapahalata ka. Nandito na tayo oh. Malapit na. Saka ka panghihinaan ng loob ngayon? Hindi pwedeng ganyan, magpakalalaki ka nga.”
Iyon lang ang narinig ko pero hindi ako tanga. Hindi ako bobo. Kung wala lang akong mas mahalagang lakad na muna paniguradong right there and then, tinapos ko ang problema. Ang hawak lang nilang pera ang kanilang mapakinabangan at hindi ang perang naka-lock. Ako lang ang may alam ng password kaya kung pinagnanakawan nila ako at inuutakan, barya-barya lang ang makukuha nila sa akin. Hindi ang kabuuan kong yaman na nasa bangko at lahat ng aking mga negosyo at ari-arian. Pag-uwi ko mamaya, magtutuos kaming tatlo. Wala silang ibang mapupuntahan.
Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko pero dahil sa kamamadali, natabig ko ang baso na nasa gilid ng drawer. Naglikha ng ingay ang pagkabasag no’n pero hindi ko na pinansin. Alam kong sila ang mas higit na nakapansin. Mabilis akong lumabas ng kuwarto dahil ang tanging nasa isip ko noon ay ang makita si Donna at sa unang pagkakataon ay makausap ko ang aking anak.
Dumiretso muna ako sa labi ng biyenan ko bilang pagbibigay respeto sa kanyang mga labi. Paglingon ko ay siya sanang paglapit ni Donna sa kabaong ng ama niya ngunit nagtama na ang aming paningin. Huminto siya. Tumalikod para umiwas ngunit hinabol ko siya hanggang sa pool ng kanilang bahay. Doon ay hinawakan ko ang braso niya at pinigilan ko siyang tuluyang makalayo sa akin.
“Anong nangyari?” simpleng tanong ko ngunit liglig ng sakit at matinding emosyon. May luha sa aking mga mata ngunit pinigilan kong huwag bumagsak. Hindi ako iiyak. Hindi niya dapat makita at maramdaman ang aking kahinaan. Ramdam ko yung sakit na aking pinagdaanan. Yung labindalawang-taon kong pangungulila. Labindalawang taong paghahanap. Labindalawang taong tiniis ako at walang kahit anong balita sa kanya at sa aking anak.
Huminga siya nang malalim.
“Please, nakikiusap ako. Tama na ang pagtatago. Bumalik ka nasa akin. Labindalawang taon na oh! Labindalawang-taon na ang nasira sa ating buhay. Ano bang mali? Anong gusto mo? Anong kulang? Anong dahilan ng lahat ng ito?”
“Sinabi ko na noon sa’yo ang dahilan. Pinanindigan ko kahit mahirap mag-isa at tama ka, labindalawang taon na ang nakakaraan. Marami nang nabago. Marami nang nangyari, Frank.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“May sarili na akong buhay sa ibang bansa, Frank. Alam kong ikaw rin. Naka-move on na tayong dalawa.”
“Ikaw siguro, oo. Pero hindi ako Donna.”
“Talaga? Hindi pa ba sa dami ng babaeng ibinahay mo?”
“Ibinahay pero hindi pinakasalan. Kinasama pero hindi minahal. Ikaw pa rin ang nandito, Donna.” Itinuro ko ang aking puso.
“Kalokohan.”
“Maniwala ka man o hinid, mahal pa rin kita pero hindi ko ipipilit ang sarili ko sa’yo. Ang akin lang ay makuha ang karapatan ko sa anak kong makita at makausap siya. Hindi kita pipiliting bumalik pa sa akin kung ayaw mo na. Hindi ako manggugulo sa buhay mo pero ipakiusap mo sa akin ang aking anak. Gusto kong makilala niya ako bilang ama niya.”
“Iyon lang ba ang kailangan mo? At pagkatapos mong makusap at makilala, gagawin mo ba siya bilang tagapagmana sa iiwan mong pwesto? Gagawin mo rin ba siyang criminal kagaya mo?”
Bigla kong naisip ang kanang kamay kong si Mael. Si Mael ang underboss ko. Sa kanya ko dapat ipagkakatiwala ang lahat pagtanda ko pero mukhang sinira na niya ang aking tiwala. Ngunit hindi dapat iyon malaman ni Donna. Hindi niya dapat iisipin na kaya ko pinahanap muli ang anak ko dahil nitong mga nakaraang araw, nakakaramdam na ako ng mali sa pinagkakatiwalaan ko. Tanging ang anak ko na lamang ang alam kong siyang magpapatuloy sa aming grupo o kung hindi man, kaya kong iwan na ang grupo kapalit ng pamilya ko.
“Tama ako hindi ba, Frank? Gusto mong itulad sa’yo ang anak ko?”
“Anak natin, Donna. Hindi mo lang anak ang pinag-uusapan natin dito. Kung anong iniisip mong nakabubuti sa kanya, iyon din ang gusto ko. Ang sagot sa tanong mo ay hindi. Gusto ko siyang makilala bilang anak at karapatan niyang makilala ako bilang ama niya. Kahit iyon lang. Kahit ngayon lang,” garalgal ang boses kong sinabi iyon sa kanya.
“Sige. Mag-uusap kayo ng anak natin pero hindi ako aalis sa tabi niya. Ipakikilala kita pero hanggang do’n na lang sana muna.”
“Salamat. Maghihintay ako rito.”
Ilang sandali pa ay akay na niya ang anak ko. Kamukhang-kamukha ko siya. Yung tangkad, yung matapang na at lalaking-lalaki na panga, nangungusap at malalim na mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong at magandang hulma ng labi. Sa edad niyang dose, may manipis na siyang balbas. Ibig sabihin, anak ko nga siya.
Hindi pa man sa akin naipakikilala ni Donna sa akin ang anak ko ay niyakap ko na siya agad. Mahigpit. Punung-puno ng hindi ko maipaliwanag na pagkasabik.
“Franco, siya ang Daddy mo.” Maikling pakilala ni Donna. Franco. Natuwa akong isinunod pa pala niya ang pangalan ng anak namin sa pangalan kong Frank.
“Son,” hinawakan ko ang kanyang mukha. “My son!” Tinitigan ko siyang muli. Nakita kong walang emosyon sa mga mata ng anak ko ngunit hindi ako. Naluluha ako. “Kumusta ka?”
Tinanggal niya ang mga kamay kong nakahawak sa kanya.
“I’m good. I have been doing good. Do you care?”
“Yes naman anak. I do care. I care for you. I care for your Mom. Hindi ba niya sinabi sa’yo?”
“Since when? I am twelve, Dad. Kung hindi pa kami umuwi, magpapakita ka kaya?”
“Anak hindi ko kayo iniwan. Donna, ano ‘to?” Humihingi ako ng paliwanag kay Donna. Gusto kong linawin niya ang anak ko na hindi ko sila pinalayas. Hindi ako ang lumayo. Ako ang iniwan ng Mommy niya.
“Anak, we talk about this.”
“Okey, Mom. ‘Yon lang ba? Okey na? Naglalaro ako eh.” Malamig niyang pakikitungo sa akin.
“Gusto mo bang mamasyal?”
“Now?”
“Yes.”
“I’m tired. No.”
“Kumain? Baka nagugutom ka. Kain tayo sa labas?”
“I’m full. Katatapos ko lang kumain.”
Walang po at opo. Inintindi ko. Laking ibang bansa pero good thing nagsasalita ng Tagalog.
“Pwede bang daanan kita bukas?”
“Why?”
“Mall. Bilhin mo lahat ng gusto mo? Bigyan mo ako anak ng panahon na bumawi. Kilalanin natin ang isa’t isa. Please?”
Tumingin siya sa Mommy niya. Dalawa kaming nakatingin sa Mommy niya. Naghihintay kami ng desisyon.
Tumango ang Mommy niya.
Natuwa ako.
“Okey, daanan kita ng ala una ng hapon dito ha?”
“Okey. Can I leave now?”
“Sure anak, sure,” sagot ko.
Tumalikod siya nang balak ko pa sanang yakapin siya. Hindi na siya nagpayakap pa. Hindi na niya ako nilingon at hindi ko alam kung bakit ang hirap sa loob kong hindi ko nagawang kausapin siya ng mas matagal pa. Nagsisisi ako na hindi ko naiparamdam yung matagal ko nang gustong iparamdam sa kanyang pagmamahal ko sa kanya right at that moment na may pagkakataon pa sana.
“So what? Are we done here?” tanong ni Donna sa akin.
“Yes and thank you for the chance.”
“It’s okey. Salamat din sa pagdalaw mo sa labi ni Daddy.” Akmang tatalikod na siya pero mabilis kong hinawakan ang palad niya. Mabilis niyang iniiwas.
“Donna?” nanginginig ako. Para akong nagbibinata. Parang bumalik lahat nong panahong nanliligaw pa lang ako sa kanya.
“Yes, Frank.”
“Can I hug you?”
Parang nagulat siya. Hindi niya yata napaghandaan.
“Why I have to let you do that?”
“Kasi asawa kita? Kasi nasabik ako sa’yo? Please Donna. Kahit isang huling yakap. Yakap na sana ginawa ko noong panahong iiwan mo n asana ako. Yakap na sana ginawa ko kahit nag-aaway tayo. Yakap na sana nagawa ko bago man lang tayo naghiwalay at nagkalayo.”
“I don’t think it is a good idea.”
“Why not? May iba ka na ba?”
“Wala.”
“Wala na o wala pa.”
Huminga siya nang malalim. “Just leave, please? Daanan mo na lang ang anak mo bukas.” Tumalikod na siya at akmang iiwan na niya ako ngunit mabilis ko siyang hinila. Niyakap mula sa kanyang likod. Wala akong naramdamang pagtanggi mula sa kanya. Hindi niya ako itinulak ngunit hindi rin naman niya ako niyakap. Doon na tuluyang dumaloy ang aking mga luha. Na-miss ko ang asawa ko. Hindi ko man maibuhos sa yakap na iyon ang pagkasabik ko sa kanya ngunit sapat na para magsimula. Sapat na para mabigyan ako ng pag-asa na baka pwede pa.
“Baka naman pwede pa nating ayusin ito,” bulong ko sa kanyang tainga. “Hindi ako nakiusap ni minsan sa buhay ko. Hindi ako nagpakumbaba. Ngayon lang.”
Tinanggal niya ang kamay kong nakapulot sa kanyang katawan. Humarap siya sa akin.
“Tahimik na tayo ngayon, Frank. Hayaan mo na kami ng anak mo sa pinili naming buhay malayo sa buhay na pinili mo.”
“Pwede namang piliin ko kayo? Bigyan mo naman ako ng chance na gawin iyon.”
“How? To risk your life? Sa tingin mo hindi ko alam na kamatayan ang katapat ng pang-iiwan mo sa grupo ninyo? May consigliere kayong sinasabi na siyang maaring tatapos ng lahat.”
“Paano mo alam ang lahat ng ‘yan?” nagtataka kong tanong.
“Nalaman ko mismo sa Daddy mo.”
“Kay Daddy? Anong kinalaman ni Daddy dito?”
“Okey. Sige. Maging honest na ako sa’yo. Hindi kita basta-basta iniwan, Frank. Ipinaglaban din naman kita. Ipinakiusap kita sa Daddy mo nab aka pwedeng hayaan ka na lang mamuhay ng tahimik kasama kami ng anak mo. Pero sinabi niya sa akin ang totoo. Kaya alam kong habangbuhay ka nang nakatali diyan. Nakatali ka na rin sa tungkulin mong ‘yan. Hindi iyan parang trabaho lang na pwede kang mag-resign o mag-retire. That is a life-long commitment. Huwag mo nang ipahamak ang buhay mo sa amin ng anak mo. Mas nanaisin kong malaman na buhay ka kaysa sa pinili mo kami at tuluyang mawala ka sa amin ng anak mo. Look, nagsakripisyo ako for you. Sinabi ng Daddy mo sa akin na oras na kumalas ka, buhay mo ang katapat. Iyan ang regulasyon ng inyong Mafia group kaya pinili kong lumayo kahit masakit, kahit sobrang hirap kasi mahal na mahal kita, ginawa ko para sa aking anak.”
“Ibig sabihin alam ni Daddy ang tungkol dito? Alam niya kung saan kayo nagtatago?”
“Hindi mo alam?”
“Hindi. Namatay siya na hindi nagsabi sa akin tungkol dito.”
“Pinili ng Daddy mo na tulungan kaming magtago dahil ayaw niyang mawalan ng anak at ayaw ko ring mawalan ng ama ang aking anak. Ngayon na kilala ka ni Franco, pwede mo sa aking mahiram. Ngunit huwag mong kunin sa akin, Frank. Huwag mo sanang ilayo sa akin ang anak ko.”
“Pangako. Hindi ko gagawin iyon pero sana, kung mahal mo ako. Bumalik ka sa akin. Tanggapin mo ako. Tanggapin mong bahagi na ng Mafia na grupo ko ang aking pagkatao. Hindi mo na kailangan pang lumayo. Hindi mo kailangang matakot.”
“Pag-iispan ko.”
Nagulat ako sa sagot niyang iyon.
“Pag-iisipan mo? Ibig sabihin, may chance na?”
“Nalaman kong binago mo raw ang patakaran ng Mafia na hawak mo? Nalaman ko rin na may mga members kang hindi na umaayon sa pakataran mo dahil lumiit ang kita bukod pa sa hindi na kagaya nang Daddy mo pa ang namumuno ang laki ng inyong hatian.”
“Paano mo alam yung mga sensitibong impormasyo na ito? May kakilala ka ba sa grupo ko feeding you all these?”
“Kailangan kong magpa-imbestiga tungkol sa’yo dahil gusto ng anak mong makita ka at makilala. Masama ang loob niya sa’yo dahil hindi ka raw gumagawa ng paraan para kayo ay magkita at magkakilala. Habang tumatagal lalo siyang nangungulit.”
“Alam mong hindi totoo ‘yon. Hindi mo ba ipinaliwanag sa kanya ang lahat?”
“Paano ko ipaliliwanag? Ayaw kong magkaroon siya ng kahit anong idea tungkol sa Mafia. Ayaw kong maging kagaya mo siya. Hindi ako papayag na magkaroon siya ng palaisipan tungkol sa kinaaniban mong grupo at nang Daddy ko. Kaya sana, kung lalabas kayo, kung mag-uusap kayo, don’t ever ever mention about your gang.”
“Paano ba ako maging mabuting ama sa anak natin?”
“Alam kong kahit criminal ka, mabuti kang tao. Gamitin mo ang pagiging mabuting tao mo para makuha mo siya.”
“Sana hindi pa huli ang lahat. Sana mabigyan pa kami ng anak ko ng sapat na oras at maayos din natin ito bilang mag-asawa.”
Tumango lang siya. “We’ll hope for that.”
“Paano, aalis na ako. Dadaanan ko na lang si Franco bukas?”
“Sige. Mag-ingat ka. Mag-ingat ka sa sa mga kasama mo at mga nakakasamuha, Frank.”
“I will.”
Bago ako lumabas sa gate nila ay lumingon ako. Nakatingin sa akin si Donna. Nakita kong lumuluha siya at mabilis siyang nagpunas ng luha at tumalikod. Tumingin ako sa taas, sa mismong bintana. Nakita ko ang aking anak na nakasilip sa akin. Kumaway ako. Kumaway din siya. Nakangiti sa akin.
Habang nagmamaneho ako pauwi ay ramdam kong kagaanan ng aking kalooban. Sa wakas, nakausap ko na si Donna at kahit sandali lang kaming nag-usap ni Franco ay nagbigay iyon ng hindi ko maipaliwanag na saya.
Maaring ang tingin sa akin ng iba ay masamang tao dahil ako ang pinuno ng isang Mafia. Mafia na noon ay gumagawa ng mga karumaldumal na krimen at siyang nanumuno sa ilang mga sindikato sa Pilipinas ngunit binago ko ang mukha ng Mafia ngayon at alam kong iyon ang hindi nagugustuhan ng aking mga kapamilya. Gusto nila yung dating naghahasik ng kasamaan at milyong-milyon ang papasok na pera. Mas madali kasi ang pera na galing sa masama kaysa sa mabuti. Ngunit habang ako ang pinuno, hindi ko papayagang bumalik pa sa ganoong Sistema. Para akong si Lupin, i am a force for good, while operating on the wrong side of the law.
Nang nakapasok na ako sa aking bakuran ay ramdam ko na naman ang kalungkutan. Oo, marami akong pera, lahat kaya kong bilhin, nakatira sa malaki at magarang bahay ngunit iba yung lungkot na wala akong alam kung may nagmamahal talaga sa akin ng totoo o dahil lang sa pera ko kaya nila ako pinakikitunguhan ng maayos.
Ngayong nandito na si Donna, kakausapin ko na rin si Helen. Tatapusin ko na yung sa amin. Pagod na akong makipaglaro sa iba’t ibang babae para lang makaramdam ng kasiyahan. Bahala na pero gusto ko nang mabuo ang aking pamilya kahit pa kapalit nito ng pang-iiwan ko sa lahat ng meron akong kapangyarihan. Hindi lang pera ang nakapagpapasaya sa tao.
Pumasok ako sa kuwarto. Naabutan ko na roon si Helen. Hubo’t hubad. Hinahaplos niya ang kanyang katawan at dibdib. Pinapatakam ako. Naalala ko yung usapan nila kanina ni Mael.
“Magdamit ka at kung magkano ang gusto mo, ibibigay ko basta huwag ka nang magpakita pa sa akin.”
“Ano? Hihiwalayan mo ako?”
“Iyon ang sinabi ko hindi ba?”
“Bakit?”
“Bakit hindi? Narinig ko kayo ni Mael kanina, nag-uusap. Alam kong tinatraydor ninyo akong dalawa.”
“Anong pinagsasabi mo?”
“Huwag ka nang tumanggi o magpaliwanag, Helen. Pinulot lang kita sa bar, ibabalik kita sa bar kung saan ka nararapat. You can have your own bar or any business you want sa ibibigay ko sa’yong pera.”
Matalim ang mga mata niyang tumingin sa akin.
“Sige. Papayag ako basta pagbigyan mo ako ng isang round.”
“Isang round ng ano?”
“s*x. Gusto ko nang mainit at huling sex.”
“Wala ako sa mood, Helen.” Huminga ako nang malalim.
“Bakit? Dahil nagkita kayo ng asawa mo? Dahil hindi mo na ako kailangan pa sa buhay mo?”
“Dahil siya ang mahal ko at hindi ikaw!”
“Talaga! Hayop ka! Akala mo, mauutakan mo ako!” singhal niya.
May kinuha siyang baril sa ilalim ng unan at mabilis niyang itinutok sa akin.
Agad kong binunot din ang baril sa aking tagiliran. Akala niya siguro hindi ko siya napaghandaan.
“Tuso ka talagang babae ka pero hindi mo ‘yan magagamit sa akin. Huwag ako, Helen. Ibaba mo ang baril mo, ibaba ko ang baril ko at pauuwiin kitang may pera. Hindi mo ako madadaan sa ganito. Hindi moa ko kaya!”
“Talaga? Ganoon kataas ang tingin mo sa sarili mo? But sorry Frank, noon lang ‘yon. Hindi na ngayon!” Tumawa siya.
Ramdam kong may mali.
Hanggang sa naramdaman ko na lamang na bukod sa baril ni Helen na nakatutok sa akin, may isa pang taong nasa likod ko. Nakita ko sa salamin, si Mael.
Mukhang mapapalaban ako.
Mukhang katapusan na yata ng buhay ko.