Kumuha lang ako ng karagdagang bala at isang granada. Tinungo ko ang ang bahaging iyong na bagong semento. Sinalat ko. Parang may kung anong enerhiya na humihigop sa aking kamalayan. Isang kakaibang pakiramdam na siyang tuluyang nagpahina sa akin. Dilat na dilat ako. Hindi ako tulog ngunit malinaw sa isip ko ang lahat ng mga nangyari ng gabing iyon dito sa bahaging ito ng bahay. Hinayaan kong gawin ng kakatwang enerhiya na pakilusin ang katawan ko habang ipinakikita at ipinapama niya sa aking lahat. Hindi ko alam kung pinakita lang muli sa akin ang nangyari na dilat ako o sadyang bumalik lang ang lahat sa aking alaala ang lahat lahat nang nangyari nang paslangin ako. basta natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa upuang iyon. Hindi ako nakatali, hindi ako nakapiring, walang nakabu