“Sige na. Oo na! Huwag mo nang ulit-ulitin pang murahin ako! Gagawin ko na, okey?” matapang kong sagot.
Dahan-dahan kong nilapitan ang babaeng mukhang bata pa. mas matanda lang siguro sa akin ng ilang taon. Maaring pinalayas o naglayas dahil sa pagbubuntis niya o nilayasan niya ang asawa dahil sa pananakit sa kanya. Hindi ko alam kung kaya kong gawin ang inuutos sa akin. Alam ko yung pakiramdam na natutulog sa gilid ng simbahan o kaya sa lansangan. Alam ko yung sobrang hirap ng isang mahirap. May lata pa sa tabi niya. Umaasa siguro na may mag-aabot ng pera sa kanila. Kahit yung diaper ng bata ay halatang parang nilabhan lang o matagal nang hindi napapalitan. Payat na payat na silang mag-ina lalo na yung bata. Kahit yung hitsura pa lang nila, awang-awa na ako. Yung patayin pa kaya?
Tumayo ang babae nang maramdaman niyang may tao. Kitang-kitang ko sa mga mata niya na parang natutuwa na sa wakas ay may lumapit sa kanya. Inaakala siguro ng babae na aabutan siya ng limos.
“Baka pwedeng makahingi ng kahit magkano para sa anak kong maysakit,” bulong ng matanda sa akin. “Kanina pa mataas ang lagnat. Wala akong maipakain. Wala akong maibili ng gamot. Parang aw awa mo na. Kahit panggamot na lang ng anak ko ang ibigay mo.”
Huminga ako nang malalim. Pinagmasdan ko ang bata sa siguro wala pang isang taong gulang. Nakahiga lang sa karton. Payat na payat at hindi na gumagalaw. Hindi na yata humihinga pa. Lalo na ako nakaramdam ng awa. Hindi ko na yata kaya. Diyos ko! Paano ko ngayon gagawin ito?
Nilingon ko sina Kokoy at Boss Ismael. Ngayon lang ako naluha uli. Pinagpawisan na ako ng husto. Tang-ina! Paano ko kakayaning patayin ang mag-inang walang kalaban-laban at inosenteng katulad ng namamalimos na ito? Katulad nilang magkakapatid noon na kahit anong hirap ng buhay ay pilit lumalaban ng patas. Isang inosenteng ina na nabubuhay sa awa ng iba ngunit patas ang pakikipagbuno sa buhay. Hindi lang ang ina ang inuutos na patayin ko pati ang anak. Ngunit paano naman ako at mga kapatid ko kung hindi ko gagawin ito? Buhay din naming mga magkakapatid ang nanganganib.
Kahit mahirap. Kahit walang kasingsakit, inilabas ko ang hawak kong kutsilyo.
“Huwag po… huwag po… maawa ka sa akin at sa anak ko,” pakiusap ng babaeng umaatras. Nagmamakawa para sa kanyang buhay at pumikit na lang ako. Hindi ko kinakayang tignan siya. Hindi ko magagawa ang iniuutos sa aking kung makikinig ako at pagmamasdan siya. Mabilis kong inundayan ng saksak sa dibdib ang babae. Kasabay ng ginawa kong iyon ang tuluyang paglakbay ng masaganang luha sa aking pisngi. Kailangan talagang may maisakripisyo. Kailangan ko talagang gawin ito para makapaghiganti pa ako at makasama ko pa ang aking mga kapatid. Nanginginig ang duguan kong mga kamay. Nang sumigaw ang babae para humingi ng tulong ay mabilis kong muling itinarak nang itinarak ang kutsilyo sa puso ng babae at sa huli natagpuan ko na lang ang sarili kong sumisigaw! Ako na ang humahagulgol at hindi na ang babae.
Humahagulgol ako habang sunud-sunod kong inundayan pa rin ng saksak ang babae kahit alam kong wala nang buhay. Gusto kong mamatay na ito agad nang di na niya maramdaman pa ang sakit. Tumitig sa aking mga mata ang babae. Waring nagtatanong kung anong kasalanan niya sa akin. May mga luhang mabilis na bumagtas sa pisngi ng aking unang biktima. Niyakap kop ang babae habang humahagulgol pa rin ako dahil sa nararamdaman kong awa. Akala ko hindi na ako iiyak kasi matatag na ako. Akala ko hindi na ako apektado.
“Yung bata. Isunod mo na ang bata! Dali!” utos ni Kokoy.
Muli akong pumikit. Nanginginig ako. Hinawakan ko ang bata. Malamig. Sumasama ang katawan. Hindi umiiyak. Mukhang parang kanina pa patay ang bata. Dapat mainit ito kung talagang may lagnat. Ngunit bakit parang napakalamig na at hindi na humihinga.
Muli kong itinaas ang aking kutsilyo ngunit hindi ko na isinaksak pa sa bata. Paulit-ulit. Kailangang kong palabasin na sinaksak ko iyon. Umaagos na rin naman ang dugo ng Mama niya kaya mukhang pati ang anak ay nasaksak ko na rin.
“Magaling Drake,” tinapik ako sa aking balikat. “Dapat iyan ang unang matutunan mo. Ang mawalan ng puso at konsensiya. Handa ka dapat na pumatay sa kahit sino pang iutos sa’yong paslangin.” Inakbayan ako ni Boss Ismael. Natutuwa pa yata siyang may pinatay akong mag-ina na wala naman direktang kasalanan sa aming grupo. Isang maling kalakaran. Isang maling kaisipan na tinanggal ko na noon pa bilang isang initiation. Sandali, tinanggal ko? Ako? Huminga ako ng malim. Nangangarap na naman ako nang gising.
“Koy, ikaw na ang bahala rito ha? Good job Drake. Pagpatuloy mo ang pagiging masunurin. Akong bahala sa’yo. Bigyan mo ‘yan ng bonus, Koy.”
Sumakay na ito sa motor niya at pinaharurot.
Tinungo namin ni Kokoy ang nakaparadang itim na sasakyan.
Sumakay ako sa kotse na wala pa rin sa aking sarili. Pumatay ako ng inosente. Pinatay ko ang inang namatan na pala ng anak. Sa edad kong dose nakapatay na ako at ngayong katorse, nakapatay uli ako at isang inosente. Ano pang pinagkaiba ko sa mga kasamahan ko? Hindi ako makapaniwalang nagawa ko iyon. Napakasama kong nilalang. Hanggang sa umiyak na ako. Hindi ako masamang tao ngunit ano itong napasok ko? Nang dahil sa pera at kagustuhan kong makaganti, isa na ako ngayong kriminal.
“Nakawalang puso ninyo!” humahagulgol ako. “Pinagsisihan kong pumayag ako sa ganito.”
“Hetong 50 thousand galing kay Boss Ismael kasama na diyan yung bonus mo. Para kang babae! Itigil mo nga pag-iyak mog ago! Hindi bagay sa’yo. Oo naintindihan kong katorse ka lang, bata pa pero tang-ina, nakakabakla yang pag-iyak iyak mo nang ganyan. Heto na ang pera mo.”
Hindi ako tumitinag.
“Ano, kukunin mo ba ang bayad mo o mag-iinarte ka?”
“Paano ninyo kinakaya yung ganito?” humihikbing tanong ko.
“Aba putang ina! Ngayon ka pa mag-iinarte e nakapatay ka na? Ang dapat ilagay mo diyan sa kukute mo, kikita ka ng malaki dito. Sino bang unang tinarantado ang pamilya? Sino ba ang unang pinahirapan at iniwang hindi na halos humihinga! Hindi ba mga inosente naman kayo pero ginawa pa rin sa’yo at sa pamilya mo ‘yon? Tang-ina Drake! Sumabay ka para manalo sa buhay. Hindi yung da-drama-drama ka ng ganyan. Huwag kang mag-iiyak. Lalaki ka gago at hindi babae na gumaganyan. Yayaman ka ng husto kung gagawin mo ng mahusay ang trabaho mo.” Itinapon ni Kokoy ang tig-iisang libo sa akin.
Pinulot ko ang nagkalat na pera. Pilit ko na lang nilalakasan ang loob ko. Kailangan naming ang mga perang ito kapag mabawi ko na ang mga kapatid ko.
“Alam mo ba kung bakit ikaw ang gusto ni Boss Ismael na i-recruit?”
Hindi ako interesado sa sinasabi niya. “Eto ba ang mga ipapatrabaho ninyo sa akin? Pumatay ng mga namamalimos?”
Humalakhal si Kokoy. “Aba, napatawa mo ako do’n ah. Kung magiging mahusay kang bahagi ng pamilya, milyon ang papasok sa’yong pera. Magiging boss ka ng Mafia kagaya ni Boss Ismael na nagsimula ring walang-wala. Maswerte ka nga at natipuhan ka niya.”
“Maswerte?” umiling-iling ako, “Akala ko mga masasamang loob lang ang mga papatayin ko. Akala ko mabuti kayong tao kaya niya ako binuhay at tinulungan. Akala ko ibang trabaho ang kanyang ipagagawa.”
“Bata ka pa nga.” Napangiti si Kokoy “Inosente at medyo pabago-bago pa pasya pero nakita ni Boss na matibay ang loob mo. Kaya mong magtiis at lumaban kahit sa kamatayan. Siguro may nakita pa siyang kalidad mo na hindi namin alam. Medyo batang-isip nga lang minsan at minsan naman palaban na parang matanda na kunng magsalita at kumilos. Kapag nagkaedad ka pa, paniguradong lalo kang magiging asset ng grupo. Iyon ang tutukan natin, kailangan mong maging mahusay at mapagkakatiwalan. Saka yung kaguwapuhan mo, magagamit natin ‘yan panigurado.”
“Anong kinalaman ng pagiging gwapo ko sa trabahong iniaalok ninyo sa akin? Hindi ba hindi naman kailangan pa ang hitsura sa trabaho ko. Kita mo nga sa’yo oh? Pangit. Mukhang kriminal. Mukhang patapon ang buhay.”
Natawa si Kokoy imbes na magalit sa tinuran ko. “Gago kang bata ka ah! Pwede naman yung ganitong mukha kagaya ko kung kung small time ka lang. Pang-kalye lang. Pero sa iniisip ni Boss na maging ikaw, hindi pang-street hired killer lang ang balak niya sa’yo. Gusto niya high-class ka. International assassin ang datingan. Kapag gwapo ka at malakas ang appeal, hindi ka pag-iisipang hired killer o assassin. Gwapo ka e, mukhang kagalang-galang, mukhang lover boy kaya hindi nila iisiping isa kang mamamatay-tao.”
Hindi ako kumibo.
“Wala ng atrasan ‘to Drake.”
“Paano kung darating ang araw na aayaw na ako?”
“Kung aayaw ka sa kalagitnaan ng misyon, hindi ka na sisikatan ng araw. Isama na rin natin ang lahat ng nakapaligid sa’yo. Alam na namin ang buong buhay mo, Drake. Marami kami. Kaya huwag kang magkakamaling hudasin kami dahil nakasanla na ang buhay mo sa amin.”
“Huwag mo na akong sermonan o takutin, payag na ako sa buhay na gusto ninyo. Payag na ako sa binabalak ninyong maging ako!” palabang sagot ko.
“Good! Binabago lang namin ang kuwento ng buhay mo! Pinayayaman ka namin! Kaya huwag sanang darating ang panahong tuklawin mo kami.”
“Huwag na tayong maglokohan. Ginagawa ninyo akong bayarang mamatay tao. Inihahanda ninyo ako para maging masamang tao.”
“Wala ka nang magagawa. Nandito ka na. Gamitin mo yang poot sa dibdib mo para magtagumpay.”
Huminga ako nang malalim. Wala na talaga akong iba pang pamimilian kundi ang panindigan ang pinasok ko.
“Anong susunod kong gagawin,” pinilit kong patatagin ang aking kalooban.
“Yown! Dapat ganyan,” tinapik ako sa likod. “Kailangan mong maranasan at gawin ang mga krimen sa lansangan, magnakaw, mang-snatch, mag-ambush ng mga sasakyan may dalang malaking pera, mang-holp up at habang ginagawa mo ang mga ito, patuturuan ka na ni Boss na magtraining para maging mahusay sa physical combat at pagbaril. Lahat ng training na pagdadaanan mo ay para magiging mahusay ka na assassin. Iyan yata ang gusto ni Boss na iptrabaho sa’yo kasi kailangan niya ng mahusay na hitman. Yang ilang libo lang na natanggap mo ngayon, maniwala kang magiging barya na lang ‘yan pagdating ng araw. Yung trabahong ito ang talagang easy money…”
“Basta uunahin kong singilin muna ang mga tumarantado sa akin at sa aming pamilya.”
“Noted na ‘yan. Napag-usapan na naman ninyo ni Boss yan eh.”
“Sino ba ang mga papatayin ko kapag nakapaghiganti na ako? Mga inosenteng mamalimos sa mga lansangan?
“Tang inang bata ‘to oh!” natawa si Kokoy. “Parang initiation mo lang ‘yon, tanga.”
“Initiation? Ang pumatay sa inosente.”
“Initiation na masanay na ang iyong konsensiya. Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo? Talasan mo ang isip mo. Kailangan dito matalino at hindi lang gwapo at magaling makipaglaban. Higit na kailangan ang utak at diskarte. Yung takot at konsensiya? Dapat ‘yan ang mga unang mawala sa’yo kung gusto mong maging mahusay na mafia.”
“Tingin mo, kaya ko ‘to?”
“Drake, kahit pa hindi mo kaya nang pumayag ka, wala nang atrasan kung hindi, ako na mismo o si Boss na ang papatay sa’yo. Kayanin mo. Magsanay ka.”
“Naranasan ko na ang buhay ng walang-wala. Buhay ng isang mahina ngayon ko pa bai to isusuko.”
Habang patagal ng patagal, pagaling ako nang pagaling, natutuklasan ko na ang lihim ng aking dating ako. Mukhang ang aking nasapiang grupo ay hindi kakampi, mukhang mga kalaban na kailangan ko ring isama sa listahan ng aking mga babalikan.