CHAPTER 7
MURDERED MAFIA BOSS REVENGE
By: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA)
“Magpalakas ka muna. Hahanapin natin sila, Frank.”
“Frank? Tinawag mo akong Frank?”
“Kung okey lang sa’yong tawaging kang Frank.”
“Bakit? Drake ho ang pangalan ko.”
“Wala. Naalala ko lang ang dati kong boss na kamukhang-kamukha mo. Si Boss Frank. Hindi mo naman siguro Tatay si Boss Frank hindi ba?”
“Hindi ho,” pailing-iling na sagot ko
Frank? Pamilyar ang pangalan na iyon. Parang narinig ko na pero sino si Frank? Pati itong si Boss Mael, pamilyar din ang mukha sa akin pero kailan ko ito nakita?
“Ilang taon ka nga uli?”
“Fourteen ho.”
“May mga magulang ka ba?”
“Wala na pero may dalawa akong nawawalang kapatid. Sina Denzel at Diane. Nasaan ako?”
“Nasa bahay kita kumuha lang ako ng doktor na siyang titingin sa’yo. Hindi kita dinala sa hospital dahil ayaw ko ng imbestigasyon diyan sa mga tama mo. Ayaw ko ng hassle pa kung kaya naman nating ayusin sa sarili nating kaparaanan.”
Dumating ang doctor ngunit hindi na kasama ang asawa ni Boss Ismael na si Helen daw. Tinignan lahat ng doctor ang aking vital signs. Tumango-tango siya.
“Okey na. Ligtas na ang pasyente. Konting pahinga lang at inom ng mga gamot. Gumagaling na rin naman ang mga sugat niya,”saad ng doctor.
“Narinig mo iyon ha? Magpahinga ka muna.”
Lumabas ang doctor nang masigurado niyang may laban pa naman ang aking suwero. Pinatay na rin muna ni Boss Ismael ang kuwarto ko. Dahil ramdam ko ang hina ng aking katawan at hilo. Muli akong natulog. Kailangan ko muna ng mahaba-habang pahinga.
Hanggang sa dumating ang araw na umayos na ang aking pakiramdam.
“Paano ninyo ako nakita? Paano ninyo ako iniligtas?” tanong ko kay Boss Ismael.
“Ano bang huli mong naalala, Drake?”
“Nagnakaw ako para sa mga kapatid kong gutom at maysakit. May nakakita sa akin. Hinabol ako. Binugbog, pinagpapalo at saka binaril. Huling matandaan ko, nawalan ako ng malay. Paano ho ninyo ako natunton?”
“Galing ako ng party ng asawa kong si Helen nang makita ka naming nakahandusay sa gilid ng daan. Ayaw sana ng asawa kong hintuan ka namin pero nakaramdam ako ng awa. Alam kong buhay ka pa dahil sa may pulso ka pa noon. Akala ko nga, hindi ka na mabubuhay o magkakamalay kasi isang buwan ka na halos dito nakaratay. Sa tindi ng sinapit mo at mabubuhay ka, ibig sabihin espesyal ka. Iyon ang naging sign ko. Kapag humihinga ka pa sa kabila ng dami ng sugat mo sa katawan, mukha at parang lantang gulay ka na, ibig sabihin nasa sa’yo yung gusto kong magta-trabaho sa akin. Nakaka-impress ang lahat sa’yo pati ang paninindigan mong mabuhay. Kung iba siguro ang dumanas sa dinanas mo, paniguradong patay na ngayon. Nang makarating ka nga sa bahay, halos hindi na noon humihinga. Kahit ang personal kong doktor, ang alam niya hindi ka na makaliligtas pa.Ang sabi nga ng mga kapamilya ko, hindi ka na tatagal. Hindi ka na mabubuhay. Pero ang sagot ko, kung malusutan mo ng isang linggo at humihinga ka pa at lumalaban, ibig sabihin palaban ka. Kung higit isang buwang wala kang malay, pasensiyahan na lang pero wala akong sapat na panahong maghintay na magkamalay ang pinulot ko lang sa lansangan. Bukas dapat, itatapon ka na sana naming pero hayan at nabuhay ka nga. Pero iba ka talaga bata, lumaban ka, araw-araw lumalakas ka na parang isang himala na nabuhay kang muli. Sinong mag-aakala na kayanin mo iyon? Napakaraming dugo na ang nawala sa’yo, puno ng sugat ang katawan, at walang malay ng ilang Linggo na.”
“Nasaan ang mga kapatid ko? Kailangan kong makita ang mga kapatid ko!.”
“Ibang klase kang bata ka. Kagigising mo lang, mga kapatid mo agad ang hinahanap mo. Pagaling ka muna.”
“Ako lang ang inaasahan nila mula nang pinatay ni Tiyo Oscar at ang mga tauhan niya sina Mama at Papa. Sinunog nila ang bahay namin dahil sa ginawa ni Papa na pag-aresto sa kanila sa pagtitinda nila ng droga. Pinag-initan nila si Papa at nadamay kaming lahat. Walang ibang aasahan ang mga kapatid ko kundi ako lang. Wala ba kayong nakita malapit kung saan ako nawalan ng malay na isang batang babae na pitong taong gulang at yung kapatid ko na si Dernzel na siyam na taong gulang?”
“Kaya pala punum-puno ng galit ang puso mo bata. Sa daming batang palaboy na natutulog sa kalye, sa tingin mop ag-iinteresan ko pa silang tanungin isa-isa kung sino ang mga kapatid mo ng mga oras na iyon?”
Huminga ako nang malali. Gusto konng tumayo at umalis na pero nanghihina pa ako. nahihilo.
“Diyan ka muna, ano ba!” singhal ni Boss Ismael. “Humiga ka nga! Magpalakas ka. Mga tao ko na lang ang pababalikin ko roon para hanapin ang mga kapatid mo.
“Bakit mo ako tinulungan? Anong balak mo sa akin?” diretsahang tanong ko. Matagal-tagal na rin kaming magkakapatid na palaboy sa lansangan. Marami na akong alam sa ugali ng mga kagaya nio Boss mael. Hindi niya ako tutulungan ng walang kapalit.
“Ayaw mo bang magpalakas muna bago natin pag-usapan ‘yan?”
“Mahina pa marahil ang katawan ko pero hindi ang isip at kalooban ko. Bakit mo ako tinulungan? Anong kapalit nito?”
“Gusto kita bata. Diretsahan kung magtanong. Katorse ka lang niyan ah pero para kang matanda kung magsalita.”
“Huwag na tayong paligoy-ligoy. Tinulungan mo ako at binuhay. Sabihin mo kung anong kapalit, gagawin ko saka ko hahanapin ang mga kapatid ko at balikan yung mga tanong na gumawa sa akin nito at si Tiyo Oscar na pumatay kina Papa at Mama total naman wala naman ginagawa ang batas para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking mga magulang.”
“Matapang na bata. Kung mahusay ka, bakit ka kinaya-kaya ng mga pulis na iyon? Bakit wala kang nagawa?”
“Iyon nan ga eh. Kailangan ko nang training. Kailangan kong magpalakas pa. Pero babalikan ko silang lahat. Binuhay mo na rin lang ako. Binigyan ng panibagong pag-asa. Sagad-sagarin mo na ang pagtulong mo sa akin. Bigyan mo akong armas kung meron ka, kahit hindi ako mag-training.”
Tumawa si Boss Ismael. “Abusado ka ring bata ano? Alam mo, hindi ka bata mag-isip at magsalita eh. Nakakapanibago pati ang kaastigan mo.”
“Magagamit mo rin muna ako eh. Kahit anong trabahong bahay, gagawin ko. Kahit utusan pwede ako.”
Tumawa pa siyang lalo. “Sa tingin mga ganoong tipo ang mga ipagagawa ko sa’yo?”
“Eh ano? Huwag mong sabihing bakla ka at gusto mo ako?”
Lalo siyang natawa sa sinabi ko.
“Hindi ko alam kung nagpapatawa ka o sadyang tanga ka lang. Anong klase tulong ang kailangan mo?”
“Paulit-ulit tayo eh. Kasasabi ko lang di ba? Gusto kong makuha ang mga kapatid ko at balikan ang mga gagong nagpahirap sa buhay namin. Iyon lang pero syempre para mabalikan ko sila. Kailangan ko ng baril, ng armas.”
“Katorse ka pa lang utak criminal ka na? Ano ba kasi nangyari sa pamilya mo at ganyan ka kagalit sa mundo?”
Napalunok ako. “Wala.”
“Wala? Paano kita matutulungan kung ayaw mong magkuwento. Tutal naman ayaw mong magpahinga. Kuwentuhan mo na lang ako. Saka ayos ka naman magkuwento eh. Utak matanda ka na eh. Hindi na na isang binatilyo.”
Pati rin pala siya napansin ang pagiging ganoon ko. Hindi ko alam kung bakit kahit noong sampung gulang pa lang ako, iba ang pakiramdam ko. Para akong matured na taong na-trap sa katawan ng isang bata. Kahit yung mga panaginip ko, iba. Hindi ako bilang batang si Drake. Kung hindi lang ako na-control ni Papa at hindi ako pinagsasabihan ni Mama ng bata ako, paniguradong nagtuluy-tuloy ang katigasan ng ulo ko.
“Kuwento nan ang makilala kita ng husto.”
Tumingin ako kay Boss Ismael. Tumingin ako sa kisame at huminga nang malalim. “Gusto kong patayin ang pumaslang kay Papa. Dose lang ako noon.” Bumalik sa isip ko ang gabing pinatay ang pulis kong Papa. “Dahil may nahuli si Papa na tauhan ni Tiyo Oscar na nagbebenta ng droga sa looban sa amin, ay binalikan nila si Papa ng gabing patulog na kami. Kumakatok ang mayamang kapitbahay naming si Mang Oscar noon. Dahil magkaibigan naman si Papa at si Tiyo Oscar. Tiwala si Papa na pagbuksan siya. Wala siyang armas kasi may itatanong lanng daw naman si Tiyo Oscar. Pagkabukas pa lang ni Papa ng pintuan. Agad na tinutukan siya ni Tiyo Oscar. Pinalabas kaming lahat noon sa kuwarto at tinipon sa sala. Hanggang hindi lang si Tiyo Oscar ang pumasok. Pati yung mga tambay sa lugar namin na alam kong mga mandurukot at pusher.” Napaluha ako habang binabalikan ko ang masakit na bahaging iyon ng buhay ko.
“Anong nangyari? Anong ginawa nila sa mga magulang mo?”
“Binugbog si Papa nang gustong lumaban. Itinali nila sa upuan habang halinhinang pinagsamantalahan nina Tiyo Oscar si Mama kasunod ng mga tambay sa aming lugar. Tumatawa sila noon. Parang mga naka-droga ang lahat. Walang magawa si Papa. Nakita ko siyang umiiyak noon. Sumisigaw. Gusto kong tumulong pero pinagbawalan ako ni Papa. Gumawa na lang ako ng paraan para maitakas si Diane at ang kapatid kong si Denzel.”
“Naitakas mo ang mga kapatid mo?”
“Oo. Nagawa kong sipain at suntukin ang isang kasamahan ni Tiyo na may baril.”
“Ilang taon ka noon?”
“Dose.”
“Ilang taon yung naagawa mo ng baril na nasuntok mo at nasipa?”
“May asawa na eh. Nasa bente mahigit.”
“Kinaya mo?”
“Bakit naman hindi?”
“Pero nabugbog ka ng mga pulis?”
“Oo, natakot na akong lumaban eh kasi nang lumaban ako, buhay nina Papa at Mama ang naging kapalit. Pinatay nila sina Papa at Mama kasi pinatakas ko ang dalawa kong kapatid at nabaril ko rin at napatay yung inagawan ko ng baril. Iyon ang naging kapalit. Buhay nina Mama at Papa. Sinabi sa akin na ibaba ko raw ang baril na hawak ko, pakakawalan nila sina Papa at Mama. Akala ko matino silang kausap. Sumunod ako. Pagkaagaw sa akin ng baril, nakita ko na lang na na binarily ni Tiyo Oscar sa ulo si Papa at sinunod niya si Mama. Nang barilin dapat nila ako. Sumirko ako at mabilis na dumaan sa likod bahay saka tumakas habang karga ko si Diane na noon ay limang taong gulang lang at kasunod naman si Denzel na walo. Sinunog nila ang bahay namin pagkatapos at mula no’n. Natakot na ako. Ayaw ko nang lumaban pa kasi baka buhay na nina Denzel naman at Diane ang mawala kung lalaban ako.”
“Oh, kung ayaw mo naman na pala, bakit kailangan mo ng armas para gumanti?”
“Wala eh. Naisip ko, lalaban ka o hindi, ganoon pa rin naman. Papatayin ka pa rin o kaya kakawawain.”
“Kaya gusto mong gumanti? Agad?”
“Oo. Baril lang ang kailangan ko.”
“Hindi ganoon kadali iyon. Hindi ka dapat nagpapadalos-dalos. Okey naman akong tulungan kita pero anong naman ang mapapala ko? Anong maging kapalit?”
“Hindi ba? Sinabi ko naman sa’yo kanina. Anong kapalit kasi hindi naman ako hihingi sa’yo ng wala akong ipapalit kaya bahala ka kunng anong gusto mong kapalit. Kahit anong gusto mong ipagawa, kahit anong hilingin mo. Gagawin ko basta makapaghiganti lang ako sa mga gumawa sa akin nito at sa pamilya ko.”
“Kahit ano?”
“Hindi na tayo nakakaalis sa usapan eh. Ang linaw naman ng sinabi ko. Kahit ano.”
“Nililinaw ko lang. Hanggang kailan?”
“Ikaw? Kung hanggang kailan moa ko kailangan.”
“Paano kung habangbuhay? Hanggang nabubuhay ka?”
“Okey lang, anong mapapala ko? Hindi naman pwedeng ito lang yung naitulong mo ta’s habang buhay akong magta-trabaho sa’yo. Kailangan ko rin at ng mga kapatid ko ang suporta para mabuhay kami.”
“Pera, pagkain, bahay, pag-aaral. Kahit anong suporta na kailangan ninyo basta sa akin ka magta-trabaho.”
“Okey ako diyan.”
“Sige. Deal na natin ‘yan. Pero huwag muna ngayon.”
“Bakit hindi pa ngayon?”
“Dahil hindi mo pa kaya.”
“Alam ko pero kapag gumaling na ako, kailangan ko ng baril.”
“Marunong ka bang humawak ng baril?”
“Oo naman. Nakapatay na nga ako hindi ba? Itutok lang sa kanila at kalabitin ang gatilyo, ganoon lang naman kasimple iyon.”
Tumawa si Boss Ismael.
“Magsanay ka muna sa mga mahuhusay na tao ko. Pababantayan kita. Patuturuan kung paano lumaban, paano ang buhay sa kalye. Mula sa paghahablot ng bag, pagnanakaw, riding in tandem, pagpatay, pagpasok sa mga bangko, pag-ambush sa mga may dalang malaking pera o kahit pag-ambush ng mga gusto kong ipapatay sa’yo.”
“Ano? Tuturuan mo akong maging masama?”
“Tuturuan kita kung paanong maging mayaman. Kung paano maging kagaya ko ngayon. Los Canto Group ang pangalan ng grupo kong gusto kong pasukan mo Drake. Hindi ito basta-basta grupo. Anim na deakada na itong nag-ooperate at kung mahusay ka, maaring ikaw ang papalit sa trono ko. Kung mahusay ka.”
“Los Canto?” pang-uulit ko sa sinabi niyang pangalan ng grupo. Parang pamilyar uli sa akin. Bakit parang lahat ng ito, hindi na bago sa akin? Anong sikretong nakatago sa aking pagkatao?