CHAPTER 6 (MURDERED BOSS)

2980 Words
“Tuso ka talagang babae ka pero hindi mo ‘yan magagamit sa akin. Hindi sa akin, Helen. Ibaba mo ang baril mo, ibaba ko ang baril ko at pauuwiin kitang may pera. Hindi mo ako madadaan sa ganito. Hindi mo ako kaya!” “Talaga? Ganoon kataas ang tingin mo sa sarili mo? But sorry Frank, noon lang ‘yon. Hindi na ngayon!” Tumawa siya. Malaman ang kanyang sinabing iyon sa akin. Ramdam kong may mali. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na bukod sa baril ni Helen na nakatutok sa akin, may isa pang taong nasa likod ko. Nakita ko sa salamin, si Mael. Bago ko pa man siya harapin ay isang malakas na palo sa aking batok ang naramdaman ko. Nang iputok ko ang aking baril para barilin sana siya ay nagawa niyang sipain ang kamay ko. Sa pader tumama ang bala. Hindi ako makalaban kahit gusto ko. Umiikot at unti-unti na kasing dumidilim ang aking paningin sa lakas ng una niyang panghahambalos sa akin at muli, isang malakas na palo sa aking ulo dahilan para tuluyan na akong bumagsak sa sahig nang walang malay. Hanggang sa sisinghap-singhap ako dahil sa pagbuhos sa akin ng tubig. Bumalik ang aking malay. Pero madilim. Wala akong makitang liwanag. Iginalaw ko ang paa at kamay ko pero nakatali ang mga iyon. Hindi ko maigalaw. Hindi ako makatayo. Pati ang bibig ko may busal at may nakapiring din sa akin kaya wala akong makita. Umungol ako. Gumalaw-galaw. May mga naulinigan akong nag-uusap at nagtatawanan. Mukhang napagplanuhan nila ang lahat. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. “Hayan, Mael. Bumalik na ang ulirat niya. Tanggalin mo na ang piring niya nang matapos na ‘to.” Kilala ko ang boses na iyon. Iyon ang boses ni Tito Ramon, aming adviser na kaibigan ni Daddy. Mukhang alam ko na ang mangyayari. Tatakutin lang ako. pagsasabihan na hindi porke Boss ako, ako lang ang dapat masunod. Ako lang ang dapat nagdedesisyon. Tinanggal ang piring ko. Si Mael na isang mamalimos lang na tinulungan ko, nagbinata sa piling ko at yumaman dahil sa akin ang una kong nakita sa kanilang lahat. Nakita ko lahat ang mga miyembro ng Los Canto Group na tinuturing kong kapamilya. Nakangisi silang lahat sa akin. Katabi nila ang babaeng maaring ipinain lang sa akin na si Helen. Naroon lahat sila sa harap ko. “Anong ibig sabihin nito!!!” sigaw ko. Hindi iyon tanong. Kataga mula sa nagpupuyos na boss na hinudas ng pinagkakatiwalaan niyang pamilya. “Ano sa tingin mo ang gagawin namin? Tatahimik sa kapalkapakan ng pamumuno mo?” “Bakit ninyo ako kakausapin sa ganitong paraan? Bakit hindi tayo mag-set ng meeting. Uupuan natin at aayusin ang gusto ninyo. Hindi yung ganito!” “Aayusin? Pag-uusapan? Tang-ina! Ikaw ang nagdedesisyon na walang pagkokonsultang nagaganap. Frank, hindi tayo isang charitable institution. Mafia group tayo. We are known to be a criminal organization. Mali ang pamumuno mo! Mali ang patakaran na isinusulong mo sa kabila ng lagi kong pakiusap sa’yo na we should go back to basic. Kumita at magparami ng pera. Pasukin ang lahat ng pwedeng pasukin kahit illegal o kriminalidad man iyan. Iyan ang dahilan kung bakit tayo nabuo at hindi lang pili kung saan tayo pwedeng kumita ng malaki.” Mataas ang boses na sinabi ni Tito Ramon na mukha namang sinasang-ayunan ng mga naroon na mga may mataas ding katungkulan sa organisasyon. “Those were the day Tito na dapat ganoon ang tingin sa atin ng tao. Paulit-ulit kong sinasabi na marami-rami na rin naman tayong pera. Kailangan pa ba ninyo? Gusto kong when most people think of mobsters, they think of us as kind criminals. Surprisingly, there are many mafia good deeds around the world that have helped to enrich communities, protect people after natural disasters, and end restrictive laws. Don’t you want a change? Hindi na uso yung dating patakaran. Hindi tayo kagaya ng mga small time mafia group ng bansa kagaya ng Aludig Boys, Akyat Bahay Gang, Budol-budol Gang, Kuratong Baleleng. We are far better from them. We are Loz Canto Group and not just a gang. Ayaw ba ninyo na ginagawa natin ito kasabay ng pagdaloy pa rin naman ng pera sa atin. Hindi ba kayo masaya na bukod sa kumikita tayo, bukod sa pinapatay natin ang mga drug lords ay napupunta din sa atin ang kita nila? Lahat ng mga masasama ay inaagaw din natin ang pera nila mula sa pasugalan hanggang sa bayad natin sa mga kabo nating hitman na pumapatay naman sa mga tiwali sa gobyerno? Lahat ng per ana pumapasok sa atin ay galing sa masama at ibinibigay ko naman sa inyo ang nararapat na share. Yung malaking porsyento ng share ko lang ang itinutulong ko sa mga charitable institution na tinutulungan ko at hindi iyon bawas sa pera ninyo. Hindi ko ginagalaw ang share ninyo? Mahirap bang intindihin iyon.” “Hindi nga iyon ang nature ng grupo. Bakit ba hindi ka nakakaintindi? Pero kahit anong sabihin mo. Nagdesiyon na ang grupo. Tatapusin ka na naming ng matapos na rin ang walang kuwentang pamumuno mo!” singhal na sagot ni Tito Victor na pinsan naman ni Daddy. “Ano? Papatayin ninyo ako dahil hindi ninyo gusto ang mabuting grupo? We are hitting two birds in a single stone. Money and goodness. Sabihin ninyo sa akin anong mali sa pagbabago lalo na kung ito ay para sa tama, dapat at kailangan, Tito Victor?” “Ano ba?” sigaw niya na mukhang galit na galit at may hawak pang baseball bat na hindi ko alam kung para saan. Lumapit siya. “Gusto naming yung dati. Yung dating pamumuno, dating kinikita naming bilang miyembro, kailangang maibalik yung dati nating transactions kahit yung mga street crime na tayo mismo ang namumuno. Nawala lang mga sindikatong hawak natin na namamalimos at snatcher. Nawala pati yung bentahan ng droga at iba pa! Huwag kang umasta na dahil ikaw ang boss, ikaw lang lagi ang nasusunod hayop ka!” isang malakas na palo ang pinakawalan niya sa katawan ko. Ramdam kong parang nabali ang aking buto ko sa aking balikat. “Tito! Ano ba? Hindi ninyo na dapat gawin ito! Mag-usap na lang tayo! Pag-usapan natin!” “Huwag na tapusin na natin ito!” singhal niya at pinalo niya uli ang kabila kong balikat at napasigaw ako sa sakit. “Mga duwag! Bakit hindi ninyo ako kalagan. Bakit hindi kayo lalaban ng patas. Bigyan ninyo ako ng karapatang ipagtanggol ang sarili ko at hindi yung nakatali ninyo akong unti-unting patayin! Kung matapang kayo, tanggalin ninyo ang tali ko. Lakas sa lakas! Tapang sa tapang kung tunay kayong mga criminal hindi yung ganito na matapang lang kayong saktan ako dahil alam ninyong hindi ko kayo magantian!” panghahalmon ko sa kanila ngunit tumawa lang silang lahat. Gusto kong sa patas na paraan sana nila tapusin ang buhay ko at hind isa paraang ganito na nakagapos lang ako at hindi ko maipagtanggol ang aking sarili. Hanggang sa lumapit sa akin, si Samson na kadikit ko mula pagkabata. “Ano pare? Alam mo na kung bakit kita binalaan noon?” “Pare, hindi ba naiintindihan mo naman ako? Lumaki tayong sabay. Magkatropa. Sabay na lumago sa grupo. Hindi ka na iba sa akin pare. Kaibigan kita. Ikaw nga ang bestman ko nang kasal naming ni Donna eh kasi bestfriend kita! Pare, ano? Kalagan mo ako. Tulungan mo akong ipaliwanag sa kanila ang lahat!” “Iba ka na pare eh! Hindi ako sumasang-ayon sa gusto mo!” bigla siyang naglabas ng blade. “Pare ano ‘to? Huwag kang ganyan. Kaibigan mo ako! Magkaibigan tayo ano ba! “Alam mo kung anong kinaiinggitan ko dati pa mula bata tayo ay yang gwapong mukhang ‘yan na sana meron ako. Tang-ina, ang yaman mo na, naging boss ka pa ng grupo natin at ito, itong kagandahan mong lalaki, ito yung gusto kong mawala muna bago ka mamatay.” “Pare! Huwag! Pare!” sigaw ko ngunit hindi na siya nakinig. Pinuno niya ng sugat ang aking mukha gamit ang blade. Dumudugo na ang aking buong mukha. Pinilas pa niya ang matangos kong ilong at napasigaw ako sa sakit! “Hayop ka Samson! Hudas ka! Babalikan kita! Babalikan ko kayo!” sigaw ko nang matapos siya at nakangisi pa siya. Hanggang sa sumunod si Isko na hindi man kami ganoon ka-close pero walang hindi sa akin kapag may favor siyang hinihiling. “Isko, maawa ka. Tulungan mo ako!” maikling pakiusap ko kahit alam kong hindi niya iyon gagawin. Desperado na ako ng kahit anong tulong. Kahit kalagan lang sana ako para naman makalaban ako. Hindi ako natatakot mamatay. Natatakot lang akong mamatay na walang ginawa para lumaban. Ayaw kong mamatay na hindi ko inilalaban ang sarili ko. “Ano ako tanga? Hindi ka marunong makinig eh! Ikaw lang ang laging tama! Kaya eto ang bagay sa’yo!” singhal niya sabay tanggal sa isa kong tainga at ginawa pa sa kabila. Nagsisigaw ako sa sakit. Naliligo na ako sa sarili kong dugo. Hanggang si Rod na anak ng kumpare ni Daddy ang sumunod. Gusto kong magsalita ngunit alam kong wala nang silbi pa. Hindi siya makikinig. Hindi siya kokontra sa napagdesisyunan na nang lahat. Matiyaga niyang tinuklap ang mga sa mg kuko ko sa kamay. Nagsisigaw ako sa sakit. Ngunit hindi na ako nagmakaawa. Hindi na ako humingi pa ng tulong. Wala na akong pag-asa pang mabuhay pa ngunit lahat, lahat ng kanilang ginagawa sa akin ay tinatandaan ko pati ang kanilang mga pagmumukha. Sumunod si Alfred na mabilis na lang humampas ng baseball bat sa aking dibdib na alam kong bumali sa ilang buto sa aking mga tadyang. Halos malagutan ako ng hininga sa ginawa niyang iyon. “Kung papatayin lang naman ninyo ako! Patayin na lang ninyo ako ngayon. Tapusin na ninyo ito!” sigaw ko. “Huwag na ninyong patagalin. Huwag na ninyong ipamukha sa akin ang inyong kaduwagan. Mga duwagggg! Mga wala kayong mga bayag!!!!” sigaw ko. “Huwag kang atat! Gusto lang naming unti-unti kang mamatay Hanggang sa lumapit si Helen. “Gago ka! Minahal kita. Akala ko ganoon ka rin sa akin. Oo, malayo ang agwat ng edad natin at malayong mas bata ako sa’yo pero minahal kita. Kaya lang, palaging si Donna na lang ang bukambibig mo. Palagi na lang si Donna ang bida sa’yo. Ang asawa mo lang ang tanging magandang babae sa paningin mo at dahil hindi naman pala ako papasa sa’yo hindi lang din naman kita maging akin kaya tama lang na umanib ako sa kanilang lahat. At ito gago! Ito na ang katapusan mo!” nakita kong itinaas niya ang baseball bat na puno na nang dugo. Buong lakas niyang hinataw ito sa ulo ko. Sa lakas no’n ay sumirit ang dugo at umikot ang paningin ko. Hindi ko alam kung basag na ang bungo ko ngunit gusto ko sanang lumaban para sa aking pamilya. Magkikita kami ng anak ko. Babawi pa sana ako sa kanya. Mag-aayos pa sana kami ng aking asawa ngunit paano pa mangyayari iyon ngayon. Ngayon na mukhang katapusan ko nan ga. Paano yung pangako ko kay Franco? Paano yung chance na ibinibigay sa akin ni Donna? Nang nilapitan ako ng adviser naming si Tito Ramon na siyang utak nang lahat ng ito ay alam kong wala nang kuwenta pang makiusap pa. “Hindi ka marunong makinig hindi ba? Ikaw lang dapat lagi ang tama! Ikaw lang ang dapat masunod, ngayon tang ina mo! Susunod ka sa Daddy mo. Wala kang kwentang boss! Mamatay kang mag-isa! Mamatay kang hindi mo makukuha ang hustisya dahil walang magsasalita tungkol sa katapusan mo! Wala ring makakaalam kung saan isisilid ang bangkay mo. Hindi ka makararanas ng proper burial. Walang libingan na bibisitahin. Mabubura ka sa mundo na parang wala lang!” sigaw niya at isang malakas na hampas sa ulo ko ang pinakawalan niya. Ramdam ko ang pagkabunot ng aking mga ngiping nagkalat sa duguang sahig. Na-dislocate ang lahat ng bahagi ng aking ulo. Alam kong hindi na nga nila ako bubuhayin. Hindi na rin naman siguro ako mabubuhay kahit dalhin pa ako sa hospital. Nakikita ko ang hitsura ko sa salamin. Hindi na ako makikilala pa. Wala na ang kaguwapuhan kong sinamba ng kababaihan at kinaggitan ng mga kalalakihan. Hindi na ako natulungan ng aking pera. Hindi ko nailigtas ang sarili ko kahit pa ako ang pinakamahusay sa kanila sa martial arts. Sinira lang ako ng aking labis na kabutihan at pagtitiwala. Pinatay nila ako dahil sa aking ipinamalas na kabutihan. Lumapit si Mael sa akin. May luha ang kanyang mga mata. Alam kong sa lahat ng naroon siya lang ang tanging napipilitan at nakokonsensiya. Kung mawawala ako, nasa rule book namin na siya ang masusunod at nasa rule book din na may karapatan ang lahat na patayin ang boss kung hindi na talaga tama ang ginagawa. Ngunit dapat 95% sa lahat ng miyembro ang pumapayag ngunit dapat bibigyan muna ng warning. Bibigyan muna ng pagkakataong mapakinggan ang hinaing ng lahat. Hindi yung biglang ganito na walang due process. Basta na lang sila nagdesisyon na patayin ako. “Pati rin ba ikaw?” pabulong kong sinabi kahit hirap na akong magsalita. Naluha ako sa huling pagkakataon kasi alam niya at alam ng Diyos na sa lahat sa kanila, kay Mael ako pinakamabuti. Ako ang nagbago sa buhay niya. Itinuring kong hindi iba. “Sorry,” humikbi siya… “Sorry Boss Frank. Ako lang ang tumanggi dito pero wala akong magagawa. Kailangan manaig ang kagustuhan ng nakararami,” pabulong lang iyon pero malinaw kong narinig. Inbilabas niya ang kanyang matalim na knife. Bago niya ako sasaksakin, gusto kong magmakaawa sa kanya. Gusto kong pakiusapan na kalagan lang ako, buhayin, bigyan ng isa pang pagkakataon at sila ang masusunod. Lahat ng gusto nilang mangyari at gagawin ng aming grupo ay gagawin na nila. Palalayain ako. Sasama ako sa pamilya ko. Tatalikuran ko ang lahat ng ito makasama ko lang si Donna at ang anak naming si Franco ngunit hindi! Hindi sila makikinig. Hindi rin naman ako pagbibigyan. Kung bubuhayin naman ako para gawin muli ang dating naming kasamaang ginagawa, hindi na. Tama na ang maraming kasamaang nagawa ko noon. Hindi ko na kaya pang mabuhay para lang maghasik ng kriminalidad dahil sa pera. Kung kamatayan ang kapalit ng lahat ng ginawa ko noon, tinatanggap ko na pero babalikan ko sila! Maghihiganti ako! iyon ang nasa isip at puso ko! Habang humihikbi si Mael. Niyakap niya ako. Naramdaman kong isinaksak niya ang kanyang kutsilyo sa mismo kong puso. Isang mabilisang pag-unday. Nagkatitigan kami habang ramdam ko ang pagsaksak ng kutsilyo niya sa tumitibok kong puso. Gusto kong ihabilin si Franco at Donna sa kanya ngunit paano ko ipagkakatiwala ang iiwan kong pamilya sa taong huli kong nakitang pumatay sa akin. Ang taong tumapos ng lahat. Bago ako pumikit ay sumigaw ako sa lahat. Ginamit ko ang aking huling lakas. “BABALIK AKO! BABALIKAN KO KAYONG LAHAT!!!!!” sigaw ko hanggang sa alam ko, ramdam kong pagkabunot ni Mael sa kutsilyo niya ay tuluyan nang tumigil ako sa paghinga. Wala na! Tapos na! Pinatay na nila ako! Kadiliman! Mahabang-mahabang kadiliman. Nakabibinging katahimikan. Payapa ang paligid. Hindi na ako humihinga. Blangko na ang isip. Basta bigla na lang wala ang lahat. Hanggang sa nahalinhinan ng nakakasilaw ang paligid. Humihinga ako. Dumilat ang aking mga mata. Isang lalaki ang nakita kong nakatingin sa akin. Wala na akong maalala pa sa aking panaginip kanina. May ilang bahagi na parang bahagi lang ngunit hindi malinaw. Magulo. Hindi ko kayang ayusin ang daloy. Tanging ang alam ko lang ay nasa trenta mahigit ang edad ko ngunit ang ilang detalye ng panaginip na iyon ay hindi ko na tanda pa masyado. Blurred. Unorganized. Biglang parang nabura. “Oh gising na pala eh! Tawagin mo ang tumitinging Doctor, Helen.” bilin ng lalaking nasa kwarentahin na siguro na pamilyar ang mukha at boses sa akin. “Ismael naman! Nag-uwi ka pa na naman ng napulot mo lang sa kalye tapos pati ako, nadadamay.” “Ano ba? Mate-train ko ito. Malalaki ang maitutulong nito sa grupo. Sige na at kakausapin ko muna.” Lumabas ang tinawag niyang Helen na mukhang pamilyar din ngunit hindi ko matandan kung saan at kailan ko nakita. Hanggang sa naalala ko na ang lahat. Tama. Ginulpi ako ng mga nag-iinuman habang nagnanakaw ako ng pamatid gutom naming magkakapatid at gamot ni Diane. Si Denzel! Ang kap[atid kong si Denzel! Nasaan ang mga kapatid ko?” Gusto kong gumalaw ngunit hindi ko magawa. Malakas ang isip ko ngunit hindi ang aking katawan. “Huwag ka munang gumalaw. Ilang araw ka ring walang malay. Akala ko nga mamamatay ka na eh! Grabe ang ginawa sa’yo.” “Sino ka? Nasaan ang mga kapatid ko?” “Ako si Ismael. Boss Mael ang tawag nila sa akin. Ikaw? Anong pangalan mo?” “Ako si Drake. Boss Mael? Tama ho?” pabulong dahil hinang-hina ang pakiramdam ko. “Ano ‘yon?” “Kailangan ako ng mga kapatid ko. Gusto kong hanapin ang mga kapatid ko.” Sinubukan ko muling bumangon. “Magpalakas ka muna. Hahanapin natin sila, Frank.” “Frank? Tinawag mo akong Frank?” “Kung okey lang sa’yong tawaging kang Frank.” “Bakit? Drake ho ang pangalan ko.” “Wala. Naalala ko lang ang dati kong boss na kamukhang-kamukha mo. Si Boss Frank. Hindi mo naman siguro Tatay si Boss Frank hindi ba?” “Hindi ho,” pailing-iling na sagot ko Frank? Pamilyar ang pangalan na iyon. Parang narinig ko na pero sino si Frank? Pati itong si Boss Mael, pamilyar din ang mukha sa akin pero kailan ko ito nakita? Ano bang nangyayari? Ako si Drake ngayon, labing-apat na taong gulang pero sino si Frank? Iyon ang kailangan kong tuklasin. Alam kong may kakaibang lihim ang aking pagkatao na kailangan kong pagkonektahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD