RACHEL Pagkatapos nang program ay sinamahan ako nina Analyn at Mary Ann sa magiging room ko. Nalaman ko na kaklase ko rin pala sila. May mga lumapit sa akin na mga boys. At isa na doon ang varsity player nila. Wala naman akong interest pero dahil maayos naman niya akong kina-usap ay ganun rin ang ginawa ko sa kanya. “I need to go may practice pa ako.” paalam niya sa akin. “Okay,” nakangiti na sabi ko kay Lance. “Pero you can come with me if you want.” sabi niya sa akin. “Next time na lang. May jet lag pa ako,” pagdadahilan ko sa kanya. Pero ang totoong rason ay hindi naman kami close o magkaibigan para sumama ako sa kanya. “Okay, see you tomorrow.” nakangiti na sabi niya sa akin. Ngumiti na lang ako. Feeling close rin pala ito. Pero gwapo naman siya at mabango kaya siguro ganito ka