Chapter 1
AUTHOR FRIENDLY REMINDER:
THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. AND THIS IS FORBIDDEN LOVE STORY... PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK! KWENTO LANG PO ITO AT HUWAG PO MASYADONG SERYOSOHIN DAHIL LIKHA LANG PO ITO NG MALIKOT NA IMAHENASYON NI AUTHOR... THANK YOU AND LET'S BE KIND!
RACHEL POV
After 15 years ay nakabalik na rin ako sa lupang sinilangan ko. Parang kailan lang noong ipinadala ako ni daddy sa Amerika. Sa loob ng sampung taon ay kasama ko si Yaya Rosely. Pero maaga niya akong iniwan dahil namatay siya dahil may sakit na pala siyang iniinda bago kami pumunta sa US. Kaya naman sa loob ng limang taon ay nabuhay akong mag-isa dito sa US. In total fifteen years na akong hindi nakaka-uwi sa Pilipinas.
At ngayon ay nasa punto ako ng buhay ko na uuwi ako dahil may sakit ang daddy ko. Si daddy na lang ang mayroon ako. Kaya naman nang malaman ko na may sakit siya ay kaagad akong nagbooked ng ticket pauwi dito sa Pilipinas.
Hindi ko sinabi na ngayon ang uwi ko kaya naman nagtaxi na lang ako pauwi sa bahay. I want to surprise my dad. At alam ko na matutuwa siya kapag nakita niya ako. Habang nasa daan ako ay marami rin ang mga nagbago dito. At halos wala naman akong maalala dahil five years old lang ako noong lumipat ako sa Amerika.
Pagdating ko sa tapat ng bahay namin ay nagtataka ako dahil maraming tao sa bakuran namin. At nang pumasok ako ay natatanaw ko na ang isang puting kabaong. Nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad ako papasok sa loob ng bahay namin. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko.
“D–Daddy,” nanginginig ang boses na tawag ko sa kanya.
Hindi ko binigyang pansin ang mga tao na nasa paligid ko. Pakiramdam ko ay sobrang bigat talaga ng mga paa ko. Na halos hindi ko ito kayang ihakbang. Nag-uunahan na pumatak ang mga luha ko. Na para bang hindi pa nagsi-sink in sa akin na nasa harapan ko na ang daddy ko. Nakahiga siya sa kabaong at wala ng buhay.
Masaya pa kaming nag-uusap noong isang araw. Kaya ako hindi tumawag dahil gusto ko siyang sorpresahin pero ako pala ang masosorpresa sa pagdating ko. Pinilit kong mas lumapit pa sa kanya.
“D–Daddy, wake up. I’m here, umuwi na ako. Daddy! Please, wake up. Tumayo ka diyan, please daddy.” umiiyak na sabi ko sa kanya.
“Ang daya mo, ang daya mo.. Ang sabi ko sa ‘yo pauwi na ako e. Pero bakit? Bakit hindi mo man lang ako hinintay? Bakit, dad? Bakit iniwan mo ako? Paano na ako? Paano na ako?” humahagulgol ako habang nakayakap sa kabaong niya.
Ang sakit makita na wala ng buhay ang ama ko. Ang ama na walang ibang iniisip kundi ang kabutihan ko. Sa loob ng maraming taon ay tumayo siyang mommy at daddy ko. Pabalik-balik siya sa US para lang masigurado na okay lang ako. Na maayos ang kalagayan ko. Pero ngayon mag-isa na lang ako. Kaya paano? Paano ako mabubuhay ng wala siya?
Nasa plano ko na dito na for good dahil naka-graduate na ako. Pero paano ako magsisimula? Paano? Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako. Nagising ako sa isang silid. Pero ganun pa rin wala pa ring tigil sa pagpatak ang mga luha ko.
Dahil wala naman akong hinihintay na kamag-anak ay mas mina-buti ko na ipalibing kaagad si daddy. Dahil habang tumatagal na nakikita ko siya ay mas lalo kong hindi natatanggap na wala na siya sa buhay ko. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Na hindi ko na siya makakasama pa. At nandito ako ngayon nakatayo sa harap ng puntod niya.
“Daddy, lagi mo akong gagabayan. Mahal na mahal kita, hiling ko na magkita kayo ni mommy. At maging masaya kayo. Ipagpapatuloy ko ang buhay ko, dahil alam ko na ‘yon ang nais mo. Bye dad, always remember that I love you so much and I’m gonna miss you kayo mommy.” umiiyak na kausap ko sa puntod niya.
Bago pa man bumuhos ang ulan ay nagpasya na akong umuwi sa bahay namin. Pagdating ko ay nakatanggap ako ng tawag na pupunta dito sa bahay si attorney. Umakyat muna ako sa silid ko para magpahinga. Sinabi ko na lang sa kasambahay namin na tawagin ako kapag dumating na si attorney.
Hindi pa man pumipikit ang mga mata ko ay may kumakatok na sa pintuan ko at tinatawag na ako para bumaba. Inayos ko naman ang sarili ko bago ako bumaba. At habang pababa ako sa hagdanan namin ay natanaw ko na si attorney na nakaupo sa may sofa namin.
“Good afternoon, Miss Rachel.” bati niya sa akin.
“Good afternoon, attorney.” pormal na bati ko rin sa kanya.
“I here dahil sa last will and testament ng daddy mo. Nakasaad rito na mapupunta sa charity ang fifty percent ng kayamanan niya. Mayroon siyang sampung charity at paghahati-hatian nila ang fifty percent. At ang kalahati ay mapupunta sa ‘yo. Pero sa ngayon ay ang ninong mo ang may hawak sa company niyo–”
“Ninong?” naguguluhan na tanong ko sa kanya.
“Oo ang ninong Adam mo. Ang matalik na kaibigan ng daddy mo. Nakasaad rin dito na sa bahay ka na ng ninong mo titira.” sagot niya sa akin.
“Wait lang attorney. Bakit naman ako doon papa-tirahin ni daddy? At isa pa, hindi ko kilala ang Ninong Adam na sinasabi mo,” naguguluhan talaga ako sa mga nais ni daddy.
“Makikilala mo siya. Wala kang magagawa dahil ‘yon ang kagustuhan ng daddy mo. Don’t worry dahil hindi ka ipagkaka-tiwala ng daddy mo sa masamang tao. Katunayan ay Gobernador siya sa lugar natin.” sabi pa sa akin ni attorney.
“Governor?”
“Oo, iha.” nakangiti na sagot sa akin ni attorney.
Siguro ay matanda na ito. Kaya iisipin ko na lang na magkakaroon na ako ng bagong daddy. Hindi naman siguro ako ipapahamak ng ninong ko. At alam ko na may dahilan ang daddy ko kung bakit niya ako ipagkaka-tiwala sa kaibigan niya.
“Bukas ay ihahatid kana sa bahay nila Gov.” sabi sa akin ni attorney.
“Bukas na po kaagad?” tanong ko sa kanya.
“Oo, dahil may mahalaga akong gagawin at mawawala ako dito sa Pilipinas ng ilang buwan. Nangako ako sa daddy mo na ako na mismo ang maghahatid sa ‘yo sa ninong mo. At hindi ako aalis na hindi ko nasisiguro na nasa maayos kang kalagayan.” sagot niya sa akin.
“Okay po, attorney.”
Hindi na ako komontra pa. Para saan at gagawin ko ‘yun? Ang magagawa ko na lang sa ngayon ay sumabay sa agos ng buhay. Sa ayaw o gusto ko ay kailangan ko ng makakasama. Lalo na sariwa pa ang sakit na nararamdaman ko.
Kinabukasan ay bumiyahe kami papunta sa bahay ng ninong ko. Ang sabi sa akin ay governor ito. Kaya ang nasa isipan ko ay matanda at mukhang strict pero halos natulala na lang sa kinatatayuan ko ngayon dahil ang layo ng itsura niya sa naimagine ko kagabi.
“Rachel, is that you?” nakangiti na tanong niya sa akin.
“N–Ninong Adam,” mahina na sambit ko sa pangalan niya. Biglang uminit ang buo kong mukha dahil sa taglay niyang kakaisigan.
“Sh*t! Ang gwapo niya at sobrang hot niya. Para lang siyang nasa 20’s na lalaki. Matangkad siya at tingin ko ay may abs rin siya. My God, sa dami ng mga lalaki na nakita ko ay ngayon lang ako lubos na humanga at sa ninong ko pa. Tumigil ka Rachel, ninong mo siya.” saway ko sa sarili ko dahil may kung ano na mga pumapasok sa isipan ko.
“Ang laki mo na at dalaga kana talaga.” nakangiti pa rin na sabi niya sa akin.
“Opo, sorry po kung hindi ko kayo matandaan.” nahihiya na sabi ko sa kanya.
“It’s okay, from now on ay palagi mo na akong makikita kaya matatandaan mo na ako. Tara na sa loob, ihahatid na kita sa silid mo. Welcome to my house, Rachel. This is your new home now. Kaya ‘wag kang mahihiya, call me or tell me if you need anything.” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Thank you, ninong.” nakangiti rin na sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at pumasok na sa loob ng bahay niya. Napabuga na lang ako ng hangin para mag-alis ng kaba sa dibdib ko. Pagpasok ko ay namangha ako sa ganda ng design ng bahay niya. Pero mas nakakamangha ang lalaking ito dahil kanina pa siya nakangiti sa akin na para bang hindi siya napapagod o nangangalay sa kakangiti niya.
“Good luck, Rachel. Dahil magiging exciting ang bagong buhay mo dito sa bahay ng ninong mo.” kausap ko sa sarili ko.