RACHEL Nagising ako na mag-isa na lang sa kama ko. Kaagad akong bumangon para hanapin si ninong pero wala siya. Wala na rin ang mga maleta nila. Umalis sila na hindi man lang nagpaalam sa akin? Kaagad kong kinuha ang phone ko pero wala man lang siyang message sa akin. Nagbabakasakali pa ako na baka may iniwan siyang note pero wala rin. Bigla akong nalungkot sa ginawa niya/nila. Hindi man lang niya naisip na magpaalam sa akin. Pero sino nga ba ako? Para gawin nila ‘yon. Nakakatampo silang dalawa ni Reighn. Humanda ka talaga kapag ako hindi umuwi agad. Sisiguraduhin ko na maiinis ka sa akin at sasakit ang puson mo kapag nagkita tayong dalawa. Oo, naiinis ako. Sobrang naiinis ako sa pag-alis nila. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi naman ako ganun ka importante para magpaalam pa sila