THIRD PERSON POV “Daddy, uuwi kana po ba?” tanong ni Reighn sa daddy niya. May sakit ito at ang daddy niya ang nag-aalaga sa kanya. “Yes, sweetie. I’ll be back tomorrow. Is that okay with you?” malambing na tanong ni Gov Adam sa anak niya. “Okay, daddy.” “Uhmm, sweetie your Ate Rachel.. Nakauwi na siya,” saad ni Gov sa kanyang anak. “Really, daddy? I miss Ate Rachel na po, kapag magaling na po ako ay magkikita po kami at gagala po kami.” sabi niya. “Okay, sweetie. Maybe tonight baka makapunta ako at hindi na bukas.” saad niya sa anak niya. Bigla kasing nagbago ang isip niya. Kapag anak niya ang usapan at kapag may sakit ito ay hindi siya mapakali. Mahal na mahal niya ang anak niya. “I love you, daddy.” “I love you too, sweetie.” malambing na sabi niya at hinalikan niya ito sa noo.