Chapter 9

1460 Words
RACHEL “Ate, look tama po ba ang ginagawa ko?” tanong sa akin ni Reighn habang pinapakita ang ang ginawa niya. “Yes po, wala naman mali sa ginagawa mo. Just do whatever you want.” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Parang ang pangit po ng gawa ko.” malungkot na sabi niya. “Are you sad kasi tingin mo pangit ang drawing mo? Alam mo ba mas pangit pa ang gawa ko dati. Pero hindi ako naggive-up. Nagdrawing lang ako nang nagdrawing. Hanggang—” “Hanggang sa gumaling po kayong magpaint?” tanong niya sa akin. “Yeah, hanggang sa gumaling na ako. I mean, not totally super galing but may improvement na ako. You know what, you need more practice. And if you love what you’re doing magiging maganda ang result kapag nagpatuloy ka lang.” sabi ko sa kanya. “Thank you so much, Ate Rachel. Dati pangarap ko lang na magkaroon ng big sister at ngayon po natupad na. I like you so much po,” sabi niya sa akin. “Me too, gusto ko rin magkaroon ng kapatid and I like you..” nakangiti na sabi ko at hinahaplos ko ang buhok niya. Napalingon ako dahil may narinig akong tumikhim. Si ninong pala ang dumating. Umiwas ako agad ng tingin sa kanya. Tumayo naman si Reighn para lumapit sa daddy niya. Mabilis na kinarga ni ninong ang anak niya. “Daddy, why are you here?” tanong nito sa daddy niya. “Dito ako maglunch, sweetie and I miss you.” “Daddy, look nagpaint po kami ni ate.” “Wow, that’s great!” sabi niya sa anak niya. “Hindi pa po maganda sa ngayon. Pero soon po ay magiging maganda na po ito.” masaya na sabi ni Reighn sa daddy niya. “Of course, sweetie. You need more practice.” “Pareho po kayo nang sinabi ni Ate.” sabi niya sa daddy niya. “Ahmm, daddy. Babalik ka pa ba sa work mo?” “Yeah, maraming work si daddy.” sagot niya. “Kapag wala ka pong work ay samahan niyo kaming dalawa ni Ate Rachel na magpaint.” “Okay, sweetie. nakangiti na sabi niya at umupo siya sa tabi ko. Naamoy ko kaagad ang panlalaki niyang pabango. Hindi masakit sa ilong at para bang ang sarap amuyin. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Wala akong balak na kausapin siya. Nagkadikit ang balat namin kaya naman mabilis akong lumayo sa kanya. “Baby, akyat muna ako sa room ko. Inaantok kasi ako, later na lang natin ito ituloy.” paalam ko kay Reighn. “Okay po, ate.” nakangiti na sagot niya sa akin. “Maglunch ka muna bago ka matulog.” biglang sabi niya sa akin. “Later na lang po ako kakain, ninong.” sagot ko sa kanya at tuluyan na akong tumayo. “Rachel, ‘wag matigas ang ulo.” sabi niya sa akin. “Hindi po ako nagugutom, ninong. Gusto kong matulog kaya please, just let me sleep.” sabi ko sa kanya at tuluyan akong lumabas sa room ni Reighn. Dumiretso ako sa room ko at padapang humiga sa kama ko. Ewan ko ba naiinis na ako sa kanya. “Pero bakit ba ako naiinis? Dahil ba tinanggihan niya ako? O dahil sa sinabi niya na hindi niya ako magugustuhan? Ano ba ang tipo niya? Mahal pa ba niya ang ex-wife niya? Ano ba ang mukha ng ex-wife niya?” ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko. “Argghhhh…” sigaw ko sabay takip ng unan sa mukha ko. Kumalma ka. Hindi puwede na dito ka na lang sa bahay niya. Anong gagawin mo dito? Tatambay? Ngayon pa lang ay naiinip na ako. “Mag-aral kaya ako? Mas okay yata kung mag-aral na ulit ako. Para naman magkaroon ako ng mga friends. At hindi ganito ka-boring ang buhay ko.” saad ko sa sarili. I closed my eyes dahil gusto ko munang matulog. Hindi pa kasi nawawala ang sakit ng ulo ko. May hang-over pa rin ako ngayon. Bumigat na ang talukap ng mga mata ko kaya naman hinayaan ko na ang sarili ko na matulog. Nagising ako dahil may naramdaman akong nakayakap sa akin. Nang idilat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin si Reighn at nakayakap siya sa akin. Napangiti ako dahil tumabi pala siya sa akin para matulog rin. Niyakap ko siya at hinayaan ko ang sarili ko na matulog ulit. Nagising ako na may mabigat na nakapatong sa tiyan ko kaya bigla kong idinilat ang mga mata ko. “What the fvck?!” nabigla ako kaya naman tinulak ko si ninong na nakayakap sa akin. “Ouch!” daing niya habang nakahawak sa balakang niya. “Why are you here?” tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa tabi ko at mahimbing pa rin ang tulog ni Reighn. “Sorry, hindi ko namalayan na nakatulog rin pala ako.” sagot niya sa akin. Hindi ko na siya pinansin. Tumayo na ako at dumiretso ako sa banyo para maligo. Hindi naman ako nagtagal sa paliligo. Paglabas ko ay nakaupo siya sa kama ko. Kumuha ako ng damit ko at nagbihis ako mismo sa harapan niya. Ayaw ko sana pero tinatamad na akong pumasok ulit sa banyo para doon pa magbihis. At isa pa wala naman siyang pakialam sa akin. “Thank you, dahil magkasundo kayong dalawa ni Reighn.” biglang sabi niya sa akin. “Walang dahilan para hindi kami magkasundo.” sagot ko sa kanya. “Galit ka ba sa akin?” “Ano sa tingin mo?” mataray na tanong ko sa kanya. “Ganyan ka ba talaga? Ikaw pa ang may ganang magalit? I’m just protecting you,” sabi niya sa akin. “Protecting me? Eh mas mahigpit ka pa sa daddy ko. Let me remind you, ninong. Lumaki ako sa states at kaya ko ang sarili ko. Kung palagi kang ganyan mas mabuti pa na hayaan niyo na lang akong umuwi sa bahay namin. I can live alone, sanay na sanay akong mag-isa.” sabi ko sa kanya bago ako lumabas sa room ko. Pumunta ako sa kusina para tumulong na lang kay manang. “Iha, hindi ka pa ba nagugutom? Hindi ka kumain kanina?” tanong niya sa akin. “Hindi po, manang.” sagot ko sa kanya at uminom ako ng ice coffee na ginawa ko. “Nagtatampo ka pa rin ba sa ninong mo?” tanong niya bigla sa akin. “Sobrang strict niya. Gusto ko lang naman ng freedom, manang. Hindi naman siya ang daddy ko. Mas mahigpit pa siya sa daddy ko. Wala kasi siyang tiwala sa akin. Alam ko naman ang dahilan niya. Dahil lumaki ako sa liberated na bansa.” saad ko kay manang. “Strict siya pero alam ko na hindi dahil sa wala siyang tiwala sa ‘yo. Kundi siguro wala siyang tiwala sa mga tao sa paligid mo. Maniwala ka sa akin, nag-aalala siya sa ‘yo.” sabi sa akin ni manang. “Sorry po, manang.” “Ang ganda mong bata kaya siguro pinoprotektahan ka lang ng ninong mo. Kaya sana ‘wag ka ng magalit sa kanya. Mabait na bata iyan si Adam. Kaya hiling ko lagi na makahanap na siya ng babae na magmamahal sa kanya.” “Bakit hindi na lang sila magbalikan ng mommy ni Reighn?” “Kasi ano—” “Manang, sa labas kami kakain ni Reighn.” bigla na lang siyang nagsalita. “Sige, Gov.” “Magbihis ka na dahil sasama ka sa amin.” “What are you waiting for?” parang naiinis na sabi niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni manang. Sino ba kasi ang kinakausap niya? “Rachel, are you deaf?” “Ako po ba ang isasama mo?” tanong ko sa kanya. “May iba pa ba?” masungit na tanong niya sa akin. “Malay ko ba kung si manang pala ang kinakausap mo.” mataray rin na sabi ko at mabilis akong lumabas sa kusina. “Kailan mo ba aayusin ang ugali mo?” galit na tanong niya sa akin. “Hindi ako sasama.” sabi ko sa kanya. “Rachel, hindi na ako natutuwa sa ‘yo. Hindi na nakakatuwa ang pagiging matigas ng ulo mo.” “Sa tingin mo natutuwa rin ako sa ‘yo?” mataray na sabi ko sa kanya. Alam ko na bastos na ako pero hindi na rin ako natutuwa sa kanya. “Inuubos mo talaga ang pasensya ko.” Nagulat na lang ako dahil hinila niya ako. Kaya naman nawalan ako ng balanse habang umaakyat ako sa hagdanan. Napapikit ako dahil hinihintay ko na bumagsak ako sa sahig pero hindi mangyari dahil naka…..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD