RACHEL “Ewww…! Kadiri ka!” tili ko sabay alis sa ibabaw niya dahil naglapat ang mga labi naming dalawa. Alam ko na nagulat siya sa tinuran ko. Dahil naka-kunot ang noo niya ngayon habang nakatingin sa akin. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang palad ko. Oo gusto kong mag-inarte kahit na ang totoo ay nagustuhan ko. Gusto ko kasing ipakita sa kanya na wala na siyang epekto sa akin. Para naman hindi siya maging feeling. “Sh*t!” tanging salita na lumabas sa bibig niya. Mabilis akong tumakbo paakyat sa silid ko. Pagpasok ko ay kaagad akong napahawak sa dibdib ko. Sobrang bilis kasi ng t*bok ng puso ko. Kaya naman padapa akong humiga sa kama ko. Kakaiba na talaga ito. Hindi na ito normal. “Hoy, tumigil kana! Aksidenteng halik lang ‘yun. Saka tama lang na hindi kana dumikit sa ninong mo. Wala