Chapter 8

1347 Words
RACHEL Napahawak ako sa ulo ko. Nahihilo ako at sobrang sakit. Humiga ulit ako dahil hindi ko kayang umupo. Ni hindi ko rin kayang idilat. Habang nakapikit ako ay may biglang lumitaw sa alaala ko. “Sh*t!” napabangon ulit ako ng wala sa oras. “Anong ginawa ko?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa sarili ko. I checked myself. Pero wala namang kakaiba? Posible kayang malii-no erase erase.. Iba na rin ang suot ko na damit. At tanging maluwag na damit ang suot ko. Pero ang ipinagtataka ko ay nasa hindi ako pamilyar na silid. Ngayon ko lang napansin. Gusto kong maalala ang nangyari kagabi pero hindi ko talaga maalala. May naalala ako pero putol “May nangyari ba? Nasaan kaya siya? Nasaan si ninong?” tanong ko sa sarili ko. “Gising kana pala.” napatingin ako sa pinagmulan ng boses. “Nasaan ako? Anong ginawa mo sa akin?” kunot noo na tanong ko sa kanya. Ewan ko ba bigla na lang akong nainis sa kanya. “Ganyan ka ba talaga ka bastos? Ni hindi mo na ako ginalang bilang ninong mo. Ang tigas ng ulo mo at sinusuway mo ako.” seryoso na sabi niya sa akin. “I’m sorry, ninong.” para akong natauhan sa sinabi niya. “Huwag mong isipin na papatulan kita. Hindi ko ‘yun gagawin. I don't like you. Ninong mo ako ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang ninong mo. Kaya sana maliwanag na sa ‘yo ang lahat. Huwag mo na akong aakitin ulit. Bigyan mo naman ng respeto ang sarili mo. Fix yourself dahil iuuwi na kita sa bahay.” sabi niya sa akin at mabilis siyang lumabas. May kung anong k*rot sa puso ko ang sinabi niya. Hindi ko alam pero may tumulo na luha sa mga mata ko na mabilis ko namang pinunasan. “Akala mo naman, hindi rin kita type. Ang tanda-tanda mo na mahina na ang tuhod mo at hindi kana masarap!” sigaw ko sa sobrang inis ko. Wala akong pakialam kung marinig man niya ako o hindi. Akala niya siguro ay talagang papatulan ko siya. Pero puwede rin naman. May nakita akong paper bag na nakapatong sa side table kaya naman kinuha ko ito at binuksan ko. Isang damit na halos hindi ko ma-imagine na isusuot ko. Napahinga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Mabilis akong lumabas sa silid niya at hawak ko ang damit. “Ninong,” tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin kahit na may kausap siya sa phone niya. Nakalagay sa bulsa niya ang isa niyang kamay. At seryoso ang mukha niya habang nakikipag-usap sa phone niya. Hinintay ko na matapos siya sa kausap niya. “May kailangan ka?” tanong niya sa akin. “About po dito sa damit. May iba pa po ba?” tanong ko sa kanya. “Wala na, wear that.” sabi niya sa akin. “I can’t wear this. What type of clothes is this? Damit na ‘to?” tanong ko sa kanya. “That’s better kaysa sa suot mo kagabi.” tiim bagang na sabi niya sa akin. “Ito? Better? Oh my god! Anong fashion style ba ang mayroon ka, ninong? Look at this parang panahon pa ni Rizal.” parang uusok na ang ilong ko sa inis ko sa kanya. “Mas maigi na balot na balot ka kaysa naman lumabas na ang kaluluwa mo. Stop complaining at isuot mo na ‘yan.” sabi niya sa akin. “Ayaw ko nga, ayaw ko.” parang bata na sabi ko sa kanya. “Huwag mong hintayin na ako pa ang magpalit sa damit mo.” sabi niya sa akin. “Okay, ikaw na ang magpalit sa akin. Ginawa mo na kagabi kaya lubos-lubusin mo na ngayon.” sabi ko sa kanya at hin*bad ko ang suot kong malaking shirt. “What the fvck, Rache?!” malutong na mura niya. “What’s the problem, ninong? You already saw it last night. Now, tell me may nangyari ba sa atin kagabi?” tanong ko sa kanya. “I need to go, fix yourself dahil ihahatid ka pauwi ni Vin.” sabi niya sa akin. Lumabas na siya sa pinto at iniwan akong nakatayo dito na nakah*bad pa rin. “Hard to get ka. Kapag ako naging hard to get sa ‘yo sisiguraduhin ko na sasakit ang puson mong tanders ka.” sabi ko at sinuot ko na ang damit na hindi ko alam kung bakit ko ba ito isusuot. Mabuti na lang creative ako kaya naman sinuot ko ulit ang shirt niya kanina. Inamoy ko pa ito dahil ang bango ng damit niya. Sa bahay na lang niya ako kakain. Wala siyang puso dahil hindi man lang ako ipinaghanda ng pagkain. Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako. Ang buong akala ko ay nagmamadali siya kanina pero isinabay naman niya ako. Magkatabi kaming dalawa dito sa backseat. Tahimik lang akong nakatanaw sa bintana ng kotse niya. Habang siya ay may kausap na naman sa phone niya. Pagdating namin sa bahay niya ay mabilis akong lumabas sa kotse niya. Patakbo akong pumasok sa bahay at diretso akyat sa silid ko. Ni hindi na ako lumingon sa kanya. Pagpasok ko sa room ko ay kaagad akong pumasok sa banyo para maligo. Habang naliligo ako ay para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. “May nangyari ba talaga? Bakit hindi ko man lang maalala? Huling inom ko na ‘yun para sa taon na ito. Sh*t! Ang tanging naaalala ko lang ay hinalikan ko siya at pumulupot sa baywang ko ang mga braso niya. “Bakit ang kasunod na nangyari ay hindi ko na maalala? Gusto kong maalala, nakakainis!” sigaw ko bigla. Kaysa mainis sa sarili ko ay pinili ko na lang na tapusin na ang paliligo ko. Paglabas ko sa banyo ay hindi ko inaasahan na narito sa room ko si Reighn. Nakaupo siya sa kama ko at nakangiti siya sa akin. “Good morning po, Ate Rachel.” nakangiti na bati niya sa akin. “Good morning, Pretty baby.” malambing na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. “Ate, where have you been? Alam mo ba na nag-aalala sa ‘yo si daddy.” sabi niya sa akin. “Sorry, baby. Nakipaghang-out lang ako sa friends ko. Kasi naman ayaw akong payagan ni ninong kahit na nagpaalam na ako sa kanya.” sagot ko sa kanya. “Hahaha,” narinig ko siyang tumawa. “What’s funny, baby?” tanong ko sa kanya. “Because daddy is treating you like a kid. My dad is a very strict man kaya sigurado ako na hindi ka niya hahayaan na gumala.” sagot niya sa akin. “Yeah, you’re right. Mas strict pa siya sa daddy ko.” “Masasanay ka rin sa daddy ko, Ate. Malay mo soon maging magkasundo rin kayo.” sabi niya sa akin. “I hope so, para naman payagan niya akong gumala at magka-boyfriend.” natatawa na sabi ko. Nagtatawanan kaming dalawa dahil alam na alam rin niya ang ugali ng daddy niya. Nagbihis muna ako at sabay kaming bumaba dahil nagugutom na ako. Sumabay na rin siya sa aking kumain. “Ate, can you teach me how to paint?” Nakangiti na tanong niya sa akin. “Of course, kukunin ko lang muna ang mga gamit ko.” “Samahan na po kita,” nakangiti na sabi niya sa akin. Habang naglalakad kami ay hawak niya ang kamay ko. Napangiti ako dahil mabait siyang bata. Sana magkaroon siya ng kapatid para naman hindi siya malungkot. At para naman may karamay siya. Ang lungkot kasing mag-isa. “Baby, may kapatid ka ba?” Tanong ko sa kanya. “Wala po, ate. Gusto ko na nga po magkaroon ng little sister or brother. Kaya lang hindi pa rin nagkakabalikan ang parents ko. Pero malay po natin, baka po soon ay bati na sila.” Nakangiti na sagot niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Pero bakit ba ako nasasaktan? Bakit ko ba ito nararamdaman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD