RACHEL “What the fvck?! Anong ginagawa natin dito?” tanong ko kay ninong. Nasa labas na kami ngayon ng hotel. “Dinner,” sagot niya sa akin. “No, ayaw ko. Hindi ako papasok diyan. Alam ko na may binabalak ka sa akin. Please lang ‘wag ako, ninong. At huwag mong idahilan ang dinner dahil marami namang restaurant.” naiinis na sabi ko sa kanya. “What are you talking about? Anong binabalak ang mga pinagsasabi mo? Kakain lang tayo,” sabi niya sa akin. “Are you sure?” tanong ko sa kanya dahil wala akong tiwala sa kanya. “Yeah.” “Wala kang balak sa akin?” tanong ko pa sa kanya. “Wala,” mabilis na sagot niya sa akin. “Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin sa akin. Dahil gugulpihin kita.” Narinig ko naman siyang tumawa. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Umikot kami papunta sa parking