RACHEL
“Daddy?” kunot noo na bulalas ko. Nagulat kasi ako at hindi man lang ako prepared sa malalaman ko.
“Ate pretty, meet my dad.” sabi sa akin ni Reighn. Ngumiti ako sa kanya pero hindi sa ninong ko. Inis pa rin ako sa kanya.
“I miss you sweetie.” malambing na sabi ni ninong sa bata.
“ i miss you too, Daddy. Alam mo si ate pretty po ay magaling sa arts.” masaya na sabi niya sa ninong ko.
“Baby, she is your Ate Rachel. Anak siya ni Tito Raul mo,” pakilala niya sa akin sa anak niya.
“Really, daddy?” nakangiti na tanong nito sa kanya.
“Yes, baby. Inaanak ko siya at sa bahay na natin siya nakatira.” nakangiti na sabi ng ninong ko.
“Daddy, doon na lang po ako sa house natin titira please.”
Dahil sa narinig ko ay napaisip ako. So, hindi sila nagsasama ng mommy ng anak niya. Ano sila co-parenting? Pero mas okay na rin ‘yun para naman hindi maramdaman ng anak nila na wala itong parents.
“Alam mo naman na hindi puwede, diba. Pero susubukan ko na kausapin ang mommy mo.” sabi niya sa anak niya.
“Yehey! Thank you, daddy. I love you po,” malambing na sabi ni Reighn kaya napangiti ako.
“I love you too, baby.” sabi nito.
Karga niya ito ay naglakad na siya na para bang wala ako sa paligid. Nainis ako sa kanya kaya naman mauna pa akong naglakad at pumara ako ng taxi papunta sa pinakamalapit na mall. Saka na lang kami mag-uusap ni Reighn kapag nawala na ang inis ko sa daddy niya.
Habang nasa biyahe ako ay nakatanggap ako ng text message mula sa ninong.
NINONG GOV: Diretso uwi sa bahay.
NINONG GOV: I’m serious, Rachel.
NINONG GOV: Ayaw mo bang magreply?
Binasa ko lang pero hindi ako nagreply sa kanya. Kaysa umuwi sa bahay niya ay bahay namin ako umuwi. Kahit na malungkot ang buong paligid ay okay lang. Mas okay na kaysa sa bahay ng ninong ko. Mag-isa ako rito pero ramdam ko na may kalayaan ako.
Nagtago ako dahil balak kong pumunta sa kaibigan ko mamayang gabi. Napaaga ang uwi niya kanina kaya naman mamaya na raw ang pagkikita naming dalawa.
Alam ko na magagalit sa akin ang ninong ko pero bahala na siya sulitin ko na lang para isang sermon na lang ang matanggap ko mula sa kanya. Mabuti na lang at wala dito ang caretaker namin. Natutuwa lang ako dahil sa kakahanap ko sa susi ay nakita ko ito kaya naman nakapasok ako dito sa bahay namin.
Panay rin ang silip ko sa labas ng bintana ko dahil baka mamaya nahanap na pala ako ng ninong ko. Pasalamat talaga ang ninong ko dahil gwapo siya. Pero nagulat lang ako dahil single dad pala siya. Ang buong akala ko talaga ay single pa rin siya ngayon. Pero separated na pala siya at may maganda siyang anak.
For me hindi naman siya nakaka-turn off. Nakakagulat lang siya dahil hindi ko inaasahan na nagiging broken rin pala ang mga ganoon ka-gwapo. Iniisip ko tuloy kung ano ang kulay ng flag ni ninong. Pero mabait naman daw siya ayon sa mga nasasakupan niya.
Maganda si Reighn kaya hindi malabo na maganda rin ang mommy niya. Iniisip ko talaga ang dahilan kung bakit sila naghiwalay? Baka naman hindi magaling ang asawa niya? May nagcheat kaya sa kanila? Sino naman kaya? O baka si ninong ang hindi magaling? Pero sa laki at haba ng kargada niya imposible na hindi siya magaling. Ano kayang pakiramdam kapag si ninong ang? Sh*t! Nababaliw na talaga ako dahil nagiging mahalay na ako lalo na sa ninong ko.
“Trip mo lang ito, Rachel. Hindi maganda kapag ito sineryoso mo.” kausap ko sa sarili ko.
Kaysa mag-isip ako ng kung anu-ano ay mas pinili ko na lang na humiga sa kama ko. Balak ko na lang matulog para naman may lakas ako mamayang gabi. Hindi ako nagbukas ng phone ko dahil baka bigla pa akong mahanap ng ninong ko.
Basta nag-iwan na ako ng message sa kaibigan ko. Ang bilis kong nakatulog kaya namang sakto lang ang gising ko. Alas singko ng hapon ay gising na ako. Naligo na ako at naghanap ng isusuot ko. Napangiti ako dahil nandito pa ang red backless dress ko. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa sarili ko sa salamin.
Litaw na litaw kasi ang kurba ng katawan ko. Twenty pa lang ako pero masasabi ko na sexy ako. Marami akong manliligaw at iba’t-ibang nationality pa. Gwapo sila pero ayaw ko naman pumasok sa serious relationship lalo na gusto ko pang tapusin ang pag-aaral ko. Nagstop ako dahil nakaramdam ako ng pagod. At hinayaan naman ako ni daddy dahil medyo mahirap rin kasing makipagsabayan sa ibang bansa. Hindi ko nga alam kung magtransfer na lang ba ako dito o babalik na lang ako sa US. Depende pa rin sa desisyon ng ninong ko.
Naglagay ako ng make-up at ginawa ko lang messy bun ang buhok ko. Kaya naman litaw na litaw ang makinis kong leeg.
And for the finale ay isang pangmalakasang red lipstick ang nilagay ko sa labi ko.
“Mwahh…” nakangiti na bulalas ko habang nakatingin sa salamin.
Lumabas na ako sa bahay at nag-abang ako ng taxi. Pagdating ko sa bar ay kaagad akong pumasok dahil nagsisimula na pala sila. At narito na ang kaibigan ko kasama ng mga kaibigan rin niya.
“Rachel!” tawag sa akin ng kaibigan ko at hinalikan niya ako sa noo.
“Hi Aiden, I miss you.” nakangiti na bati ko sa kaibigan ko.
“I miss you too,” nakangiti na sabi niya at niyakap niya ako.
“Let’s go,” sabi niya sa akin at hinila na niya ako papunta sa mga kaibigan niya.
Oo, lalaki ang kaibigan ko. Pero hindi pa ako sure kung lalaki ba talaga siya dahil minsan attracted rin siya sa mga guys. Pero babaero rin siya kaya hindi ko rin talaga malaman kung ano ba ang flag na mayroon siya.
“Woah!” sigaw namin habang nagkakasiyahan na.
Hindi naman ako mabilis malasing. At malaki rin ang tiwala ko sa kaibigan ko. Alagang-alaga niya ako noong nasa US pa ako lalo na kapag nalalasing ako. Kaya alam ko na nasa mabuting kamay ako. Lumalim na ang gabi at nakakarami na kami.
May mga nakikita na akong nagmamake-out sa mga gilid-gilid. Niyaya ako ni Aiden na sumayaw kaya naman sumama ako sa kanya sa gitna. Nagsimula na akong sumabay sa tugtugin. Nakapikit ako at patuloy na sumasayaw. Hinayaan ko na ang kaibigan ko na lumandi dahil hindi siya mabubuhay kapag hindi siya humarot.
Hanggang sa may naramdaman akong humawak sa baywang ko mula sa likuran ko.
“Ang tigas talaga ng ulo mo.” bulong niya sa akin kaya naman kilala ko na siya kaagad.
Lumingon ako sa kanya at nakatingin lang siya ng seryoso sa akin. Kahit na hindi gaanong maliwanag ay kitang-kita ko ang gwapo niyang mukha. Alam ko rin na galit siya dahil nakakunot ang noo niya.
“Ninong, you’re here.” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Uuwi na tayo.” sabi niya sa akin.
Mas lumapit ako sa kanya at tumingkayad ako para bumulong sa kanya.
“Ayaw ko, gusto ko pang magsaya. Kung gusto mo ay sabayan mo na lang ako. Promise, secret lang natin ito.” bulong ko sa kanya at hinalikan ko ang leeg niya.
“Fvck!” narinig ko siyang nagmura.
“Fvck me if you want ninong.” natatawa na sabi ko sa kanya.
“Uuwi na tayo sa ayaw at gusto mo.” sabi niya sa akin at hinila na ako.
“Ayaw ko nga! Bitiwan mo nga ako!” sigaw ko sa kanya pero alam ko na hindi niya ako naririnig.
Hanggang sa nakalabas na kaming dalawa sa may bar. At ngayon any narito na kami sa parking lot. At sa tapat ng kotse niya.
“Bakit mo ako sinuway? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! At talagang hindi mo sinabi na lalaki ang kaibigan mo.” sigaw niya sa akin.
“Ikaw rin naman matigas rin naman ang ulo mo. Matigas na nga ngayon.” natatawa na sabi ko sa kanya.
Lasing na nga ako dahil mas lumalala ang pagiging green minded ko. Lalo na kapag naalala ko ang malaki at mahaba niyang pagk*lalaki ay napapangiti ako na parang baliw. Mabuti talaga at hindi ko naisip na pumalit kanina sa babae niya. Eww, ayaw ko rin na makihalo sa laway niya. Sapat na ang tamang himas kung sakali.
“Rachel, I’m serious.” he said using his baritone voice at napakaseryoso niya.
“Hindi tayo aabot sa ganitong sitwasyon kung pinayagan mo lang ako. Why are you here? Isturbo ka sa gabi ko. Siguro kung hindi ka dumating ay nasa cloud nine na ako ngayon.” natatawa na sabi ko sa kanya.
“Cloud nine huh?” tiim bagang na tanong niya.
“Oo, cloud nine. How about you, ninong saan mo ba ako kayang dalhin?” kagat labi na tanong ko sa kanya.
“Gusto mo malaman?” tanong niya sa akin.
“Yes, ninong.” sabi ko sa kanya at ako na mismo ang humalik sa labi niya na kanina pa ako inaakit.
Fvck! Ang sarap ng labi niya. Kahit na hindi siya gumagalaw ay ang lambot ng labi niya. Sin*psip ko ito at para akong mababaliw sa sarap. Bibitiw na sana ako pero nagulat ako dahil bigla na lang pumulupot sa baywang ko ang mga braso niya at…..