“So, sinasabi mo ba sa akin ngayon na trip lang ang pagpapakasal ninyo? Dahil sa kalasingan ay ginawa niyong trip ang isa sa mga sagradong seremonyas na ginagawa para sa mga taong nagmamahalan, ganun ba?” magkasunod na tanong ni Sandblast kay Rohem sa seryosong tono. Nasa sala pa rin sila ng mansyon at kanina pa masinsinang nag-uusap. Nakaupo sa single sofa si Sandblast habang sa mahabang sofa naman si Rohem. Tumango naman ng mabagal si Rohem bilang sagot sa mga tanong ni Sandblast. “Eh bakit naging legal ang kasal?” tanong pa ni Sandblast. “Trip lang pala ‘yun tapos bigla-biglang manggugulat ang taga- city hall at magpapadala ng marriage certificate mo,” aniya pa. “Hindi ko pa alam Kuya. Kakausapin ko pa si Uno tungkol dito dahil siya ang nagkasal sa’min,” ani Rohem. ‘Kailangan ko tala