CHAPTER 6

2724 Words
Nakatulala si Rohem. Nakatitig ang mga mata niya sa kisame habang nakatihaya sa paghiga sa ibabaw ng kama. Hubad pa rin ang kanyang katawan at natatakpan lamang ang ibabang bahagi ng puting kumot. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa nangyari. Sa totoo lang, nawala ang kalasingan niya dahil doon. Maya-maya ay nilingon niya si Tattered na katabi niya sa kama. Mahimbing na ang tulog nito. Kagaya niya, hubad pa rin ang katawan nito at natatakpan ng kumot ang ibabang bahagi. Napatitig si Rohem sa mukha ni Tattered. Hindi talaga niya maikakaila ang kagwapuhang taglay nito na kanina ay nakitaan niya ng sobrang pagnanasa at kalib*gan ng dahil sa kanya. Ang mukha nitong sobrang sarap na sarap habang pinapaligaya niya ito. Napakagat-labi tuloy siya. Hindi rin naiwasan ni Rohem na mapatitig sa labi ni Tattered. Sa totoo lang ay sarap na sarap siya sa labi nitong kay lambot. Parang gusto niyang maulit ang pakikipaghalikan sa binata na alam niyang hindi pagsasawaan. Napakagaling humalik ni Tattered na gustong-gusto ni Rohem. Bumaba pa ang tingin ni Rohem sa katawan ni Tattered. Nakita na naman niya ang maumbok nitong dibdib na kanina ay pinagsawaan niyang hawakan at himasin. Ang magkabila nitong u***g na salitan niyang hinigop at sinipsip-sipsip at pinaglaruan ng kanyang pinatigas na dila. Ang abs nito na walang sawang dinila-dilaan niya ang bawat hulma na para lang siyang dumidila ng palaman sa tinapay. Hanggang dumako ang tingin ni Rohem sa ibabang bahagi ng katawan ni Tattered kung saan sa loob ng kumot ay nagtatago ang ipinagmamalaki nito na kanina lang ay walang humpay niyang sinubo at dinilaan nang paulit-ulit ang katawan. Ang dalawang bola nito na hindi niya tinigilang paglaruan sa bibig sa kanyang bibig na parang candy. Humugot nang malalim si Rohem. “Aminado ako na ang aming pag-iisa ang pinaka-hindi ko makakalimutan sa lahat ng aking naranasan,” bulong niya sa gitna ng nakakabinging katahimikan ng kwarto. “Ewan ko ba pero may iba sa ginawa namin. Hindi ko lang ma-identify kung ano ang kaibahang sinasabi ko pero ang sigurado ako... na-satisfy ako sa kanya… sobra akong na-satisfy sa kanya,” aniya pa. Dahan-dahang iniwas ni Rohem ang tingin kay Tattered saka tumitig siya sa kisame ng kwarto. Napabuntong-hininga ulit siya ng malalim. May bahagi sa kanya na gusto niyang maulit ang nangyari ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. Tama na ang isang beses dahil ang nangyari sa kanila ay bunga lamang ng init ng katawan dagdagan pa na lasing lamang sila parehas kaya tila nawala din sila sa kanilang sarili. “Kung bakit kasi naging marupok ako,” bulong pa ni Rohem. “Kung bakit kasi ako nagpadala kaya ito ako ngayon… nahihiya at nag-aalala,” bulalas pa niya sa mahinang boses. Muling tiningnan ni Rohem si Tattered. Napakagat-labi ulit siya. “Kunsabagay… sino ba naman kasi ang hindi rurupok sa kanya?” aniya pa saka tiningnan ulit si Tattered mula ulo hanggang paa. Dumiin ang pagkagat niya sa kanyang ibabang labi dahil aminado siyang tingnan pa lang ang binata ay nasasarapan na ang mga mata niya. Maya-maya ay nagbuga na lang siya ng hininga. “Sh*t, Rohem! Tigilan mo na nga ang kalandian mo!” panenermon niya sa kanyang sarili. Nagbuga ulit siya ng hininga at kinalma ang sarili. --- Dahan-dahang idinilat ni Tattered ang kanyang mga mata. Gising na ang diwa niya. In-adjust muna niya ang kanyang paningin sa liwanag saka tumingin sa malaking bintanang gawa sa salamin. Nakita niyang maliwanag na sa labas. Maya-maya ay nilingon ni Tattered ang kabilang side ng kama. Kumunot ang kanyang noo. Nakita niyang bakante na ‘yon at wala na siyang katabi at nag-iisa na lamang siyang nakahiga sa kama. Nagtagpo ang dalawang dulo ng kilay niya. “Nasaan na ‘yon? Iniwan niya ba akong mag-isa?” nagtatakang tanong ni Tattered sa hangin. Nilibot niya nang tingin ang paligid. Malinis na ang buong kwarto pwera lang sa kama. Naaalala ni Tattered ang mga nangyari kagabi. Ang masarap na pangyayaring alam niyang hindi niya makakalimutan ng ilang araw. Hindi niya tuloy maiwasang hindi pang-initan. Bumangon si Tattered sa kama at naupo. Napansin niyang hubad pa pala siya at kumot lang ang tumatakip sa katawan niya. Sa sobrang pagod kagabi ay hindi na niya nagawang maglinis at magbihis at nakatulog kaagad kaya naman medyo nanlalagkit rin siya dahil sa mga natuyong katas sa katawan niya. Mahina pang natawa si Tattered nang makitang tigas na tigas ang alaga niya. Bahagya niya iyong pinalo kaya para itong spring na nagpagewang-gewang. Lumipas pa ang sandali ay umalis na si Tattered sa ibabaw ng kama dala ang kumot para ipangtakip sa katawan niya. Pinulot niya isa-isa ang mga nagkalat niya pang damit sa sahig saka nagtungo siya sa banyo. Kahit papaano’y umasa siyang nasa loob lamang ng banyo si Rohem at naliligo lang. Ngunit pagkabukas niya ng pintuan ng banyo ay walang tao roon. Malinis ang banyo at wala si Rohem. Malalim na lang siyang huminga. “Wala na nga talaga siya. Iniwan niya akong nag-iisa rito,” bulong ni Tattered. Hindi niya mapigilan na madismaya at mag-isip ng kung ano-ano. “Bakit kaya siya umalis bigla? Hindi ba siya nagalingan sa’kin? Ah, baka naman may pupuntahan lang siya. Pero dapat nagpaalam man lang siya sa’kin, ‘di ba? Pero baka ayaw lang niya akong istorbohin sa pagtulog ko kaya hindi na lang niya ako ginising. Pero dapat hinintay niya akong magising saka siya magpaalam sa akin,” sunod-sunod pa na pagkausap ni Tattered sa sarili niya habang tinatango-tango ang ulo. “Tsk! Kinakausap ko na naman ang sarili ko,” palatak ni Tattered. Napailing-iling na lang siya saka tuluyang pumasok sa banyo. Naligo na lang si Tattered sa loob ng banyo. Pagkatapos niyang maglinis sa banyo ay sinuot na muli niya ang mga damit na dala niya saka siya lumabas doon. Naupo si Tattered sa gilid ng kama. Nagmuni-muni muna siya. Sa totoo lang, hindi siya makapaniwala kagabi na may mangyayari. Alam niyang bunga lamang iyon ng init ng katawan at kalasingan pero sa totoo lang, ang nangyari kagabi ang pinaka-kakaiba sa lahat para sa kanya at hindi niya alam kung bakit naging kakaiba iyon. Marami na rin naman siyang naging karanasan, sa babae man o sa lalaki pero para sa kanya, may kakaiba sa nangyari kagabi. “Bakit nga kaya kakaiba? Kasi magaling siya? Pero magaling din naman ‘yung iba. Bakit nga kaya?” Isang malaking palaisipan tuloy kay Tattered ang pagiging kakaiba nang nangyari sa kanila ni Rohem. Maya-maya ay huminga na lamang ng malalim si Tattered. Hindi na dapat niyang isipin ang nangyari. “Una at huli na ‘yun kaya hindi ko na dapat isipin pa,” bulong niya. Pero aminado siya na ang gabing may nangyari sa kanila ang isa sa magandang gabi para sa kanya. Tumayo na si Tattered mula sa pagkakaupo at tinungo ang pintuan ng kwarto para lumabas. Pagkasarado na pagkasarado pa lamang niya ng pintuan ng kwarto ay siya namang paglabas rin mula sa kwarto ng magkakaibigang sila Theo, Harold at Uno. “Oh, Tattered!” pagtawag ni Harold kay Tattered. “Kumusta ang gabi? Nakatulog ba ng mahimbing?” nangingiting tanong pa niya. Halata sa tono niya na may ibig sabihin ang tanong nito. Napangiti lamang ng maliit si Tattered. Ayaw niyang magkwento sa mga ito. “Nasaan si Rohem?” nagtatakang tanong naman ni Theo. Napansin niya kasing si Tattered lang ang lumabas mula sa kwarto. Nagkibit-balikat si Tattered. “Umuwi na yata. Wala na siya paggising ko,” sagot niya. “Iniwan ka?” tanong naman ni Uno sa tonong hindi makapaniwala. Tumango-tango si Tattered. “Parang ganun na nga ang ginawa niya. Tama… iniwan nga niya ako,” aniya pa. Wala lang naman sa kanya na iniwan siya ni Rohem pero may bahagi sa kanya na nainis din siya ng kaunti sa ginawa nito. Napapalatak si Harold saka iniling-iling ang kanyang ulo. “Siguro hindi nagalingan kaya umuwi at iniwan ka,” nakakalokong sabi pa niya. Ramdam niyang may nangyari sa dalawa. Hindi naman pwedeng wala. ‘Nasa twenty-first century na kami at kapag nagsama ang isang babae at lalaki o pareho ang kasarian sa isang kwarto ay tiyak na merong mangyayari lalo na kung gusto nila ang isa’t-isa, ‘di ba-di ba?’ sa isip-isip pa ni Harold saka ngumisi. Nagkibit-balikat na lamang muli si Tattered. Tumingin siya sa ibang direksyon. Sa loob-loob niya ay naapakan ang pride niya dahil sa sinabi ni Harold. ‘Paano kung ‘yun nga ang dahilan? Iniwan niya ako kasi hindi ako magaling at ayaw na niya akong makita pang gising,’ iniisip ni Tattered. Nagbuga na lang siya ng hininga. “Sige mauna na ako-” “Huwag!” sabi kaagad ni Harold na ikinaputol nang sasabihin pa sana ni Tattered. Kumunot ang noo at nagsalubong ang mga kilay ni Tattered. Bumakas ang pagtataka sa gwapo niyang mukha. “Bakit?” nagtatakang tanong ni Tattered. Napangiti si Harold. “Marami pang nagmamahal at magmamahal sayo… joke!” biro niya saka tumawa. Natawa rin sa kanya sila Theo at Uno. Napangiti na lang rin si Tattered. “Anyway, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin sa almusal,” aya ni Harold kay Tattered. “Hindi na. May pupuntahan pa kasi ako,” pagtanggi ni Tattered. “Sino? Syota mo?” nakakalokong tanong ni Harold. Iniling ni Tattered ang ulo niya. “Sige at aalis na ako,” pagpapaalam niya. Hindi niya sinagot ang tanong ni Harold. “Kung makausap niyo si Rohem, pakisabi na lang na salamat,” aniya pa saka ito ngumiti bago dahan-dahang tumalikod na sa magkakaibigan saka naglakad na palayo sa kanila. Napapangiti naman sila Harold, Theo at Uno habang nakasunod ang tingin sa papalayong si Tattered. “Sabi ko naman sa inyo, tagumpay ang plano ko,” natutuwang sabi ni Harold. “Puro ka kasi kagaguhan,” napapailing na bulalas ni Uno. “Oo nga. Isa ka talagang malaking g*g*,” pagsang-ayon naman ni Theo sa sinabi ni Uno. “Sus! Pare-parehas lang tayong g*g*! Nagmamalinis pa kayo,” natatawang wika ni Harold na ikinatawa na lang din nila Theo at Uno. --- “Bakit hindi ka nakauwi kagabi? Saan ka natulog? Sinong kasama mo?” sunod-sunod na tanong ni Sandblast sa nakababatang kapatid na si Rohem. Nasa sala sila ngayon ng mansyon at nag-uusap. Akala nga ni Rohem ay hindi na niya maabutan pa ang kuya niya rito dahil nakapasok na ito sa opisina pero nagkamali siya dahil papaalis pa lamang ito nang dumating siya. Tiningnan ni Rohem ang Kuya Sandblast niya na gwapong-gwapo sa suot na black suit. Tipid niyang ningitian ang seryoso niyang kuya. “Sobrang nalasing ako kaya hindi ko na nakayang mag-drive at umuwi mag-isa,” pagdadahilan ni Rohem. “Pwede ka namang mag-taxi o ‘di kaya ay tumawag ka ng on-call driver,” wika ni Sandblast. “Hindi ko na kayang tumawag o mag-text pa dahil sa kalasingan,” dahilan pa ulit ni Rohem. Umismid si Sandblast habang tinitingnan niya ng diretso si Rohem. “At saan ka naman natulog?” pagtatanong niya pa. Muli na namang sumagi sa isipan ni Rohem ang nangyari. Ngumiti siya ng maliit. “Sa hotel na malapit sa bar. Kasama ko sila Uno, Theo at Harold,” sagot niya. Nananatiling nakaismid at nakatingin ng diretso si Sandblast kay Rohem. Kilala niya ang mga kaibigan ni Rohem at panatag naman siya sa mga ito. “Kung tinawagan mo na lang sana ako eh ‘di sana nasundo ko kayo at dito ka natulog sa bahay,” ani Sandblast. “Nag-alala pa naman ako sayo,” bulong niya pa. Ngumiti naman si Rohem na narinig ang huling sinabi ni Sandblast. “Pasensya ka na, Kuya. Lasing na kasi talaga ako kaya hindi ko na rin kayang mag-text o tumawag pa sayo,” sincere na paghingi niya ng sorry. “Ano pa nga ba ang magagawa ko?” tanong ni Sandblast saka iniling ang ulo. “Sige na at magpahinga ka na. Aalis na din ako,” pagpapaalam na niya sa bunsong kapatid. Ningitian ni Rohem si Sandblast. “Ingat ka, Kuya.” Kinawayan niya pa ito habang nakaupo sa mahabang sofa. “Ikaw ang mag-ingat dahil kung saan-saan ka pumupunta,” ani Sandblast saka pinaningkitan pa ng mga mata si Rohem na nangiti na lang ulit. --- “Sorry at hindi ako nakauwi kagabi,” paghingi ng paumanhin ni Tattered kay Jenny. “Ikaw tuloy ang magdamag na nag-alaga kay Ripped,” aniya pa. Nasa kusina sila ng bahay ng una. Napangiti naman si Jenny. “Wala iyon. Masarap kayang alagaan ang anak mo kasi mabait saka isa pa, gusto ko ang ginagawa ko. Kung pwede nga lang, sa akin na lang siya eh,” pabirong wika pa niya. Mahilig kasi talaga siya sa bata kaya naman gusto din niyang magkaroon ng anak pagdating ng araw. Napangiti naman si Tattered. “Salamat talaga,” pasasalamat niya ulit. “Oo nga pala, Nag-almusal ka na ba? Kayo ni Ripped?” pagtatanong pa nito. Umiling si Jenny. “Hindi pa nga eh,” sagot niya. “Tamang-tama at nakabili ako sa karinderya malapit dito. May pansit, spaghetti saka pandesal akong binili. Sabay-sabay na tayong kumain,” ani Tattered. “Sige at ihanda mo na lang ‘yan at tatawagin ko naman si Ripped,” wika ni Jenny saka ngumiti. Tumango-tango naman si Tattered. Umalis si Jenny para puntahan si Ripped na nasa kwarto. Nakasunod naman ang tingin ni Tattered kay Jenny. Tipid siyang ngumiti. Sa totoo lang, wife material si Jenny, siya ‘yong tipo ng babae na kamahal-mahal habambuhay. Nakikita niya kasi ang mabuting pag-aalaga nito kay Ripped. Kung titingnan sila, para silang isang pamilya. Pero kaibigan lang ang tingin ni Tattered kay Jenny. “Kung ano-anong iniisip ko,” wika ni Tattered nang pabulong. Napangiti na lang siya ng tipid. --- Ilang linggo na ang nakalipas… “Anong ibig sabihin nito?” walang ekspresyon ang mukha ni Sandblast habang nakatitig siya sa kanyang kapatid na si Rohem. Nasa sala sila ngayon ng mansyon at masinsinang nag-uusap. Napatingin si Rohem sa hawak na papel ni Sandblast. Hindi nito maintindihan pero sa totoo lang ay may kaba siyang nararamdaman sa kung ano ang nilalaman ng papel na iyon. “Nagpakasal ka ng hindi ko alam at ang matindi pa… hindi ka sa babae nagpakasal kundi sa isang lalaki!” hindi makapaniwalang bulalas ni Sandblast na ikinalaki ng mga mata ni Rohem sa gulat. Dumagundong sa kaba ang dibdib niya. Hindi makapagsalita si Rohem. Lumapit sa kanya si Sandblast at inabot sa kanya ang papel na mahigpit na hawak nito. “Isa ‘yang marriage certificate at malinaw na malinaw na nakasulat diyan ang pangalan mo at pangalan ng taong pinakasalan mo. May pirma niyo pang dalawa,” madiin na sabi ni Sandblast habang hindi inaalis ang mariing pagtitig sa kapatid. Tiningnan ulit ni Rohem ang inaabot na papel sa kanya. Napakagat-labi siya. Maya-maya ay kinuha nang nanginginig niyang kanang kamay ang papel saka iyon tiningnan at binasa ang nakasulat. Mariing napapikit siya ng mga mata. ‘Nalintikan na! Ibig sabihin ay na-register ni Uno ang trip na kasal-kasalan namin ni Tattered,’ hindi makapaniwalang sabi ni Rohem sa utak niya. “Mismong opisyal na galing sa city hall ang naghatid niyan dito sa bahay,” ani Sandblast. “Ano bang nangyari? Care to explain?” magkasunod na tanong niya pa. Tumingala nang tingin si Rohem sa Kuya Sandblast niya. Bakas ang gulat sa mukha nito pero mas nangingibabaw ang hindi pagkapaniwala. “Magpapaliwanag ako,” mahinang wika ni Rohem. “Dapat ka lang talagang magpaliwanag sa akin,” madiin na litanya ni Sandblast. “Marami na akong pinalagpas na kagaguhan mo sa buhay pero ito… ito ang hindi ko mapapalagpas,” aniya pa saka mariing sinuklay pataas ang kanyang buhok. Bakas na ang sobrang inis na nararamdaman sa boses nito. “Isa ka talagang malaking pasaway na bata ka,” may halong gigil na sabi pa niya. Nagtagis pa ang panga nga niya. “Kung hindi lang talaga kita kapatid… pinutulan na kita,” nanggigigil na bulalas niya pa. Muling napakagat-labi si Rohem. Napayuko din siya pagkatapos. ‘Bwisit ka, Uno! Ayaw mo pa kasi sa akin ibigay ‘yung papel, eh! Bwisit ka! Bwisit! Bwisit! Bwisit!’ naghuhurumentadong singhal ni Rohem sa utak niya. Inis na inis siya kay Uno dahil sa ginawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD