bc

EVEN THE NIGHTS ARE BETTER [COMPLETED]

book_age16+
1.3K
FOLLOW
4.2K
READ
forced
arranged marriage
drama
comedy
sweet
humorous
enimies to lovers
mxm
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

SYNOPSIS: In just one night and a contract, their nights will change... forever.

EVEN THE NIGHTS ARE BETTER

by FRANCIS ALFARO

ALL RIGHTS RESERVE, 2023

COPYRIGHT (C) 2023

GENRE: ROMANCE, COMEDY, DRAMA, MARRIAGE

DISCLAIMER: This story is purely fictional. Any resemblance to living or dead person, places, events, and others are only coincidental.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
EVEN THE NIGHTS ARE BETTER (BL, DRAMA, ROMANCE, COMEDY) Disclaimer No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without asking the writer's permission. All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Copyright (c) 2023 All Rights Reserve 2023 PAALALA: Sa kwentong ito, LEGAL ang SAME-s*x MARRIAGE SA PILIPINAS. Lahat ng BATAS na may KAUGNAYAN sa KASAL ng BABAE AT LALAKI ay KATULAD din sa parehas ang kasarian. Ang kabuuan ng kwentong ito ay isang KATHANG-ISIP LAMANG na bunga ng malikhaing imahinasyon ng manunulat at hindi sumasalamin sa kahit na sinong tao, lugar o pangyayari. Ang anumang pagkakahalintulad sa totoong tao, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. --- Nakahiga nang patagilid sa kanyang kama si Tattered at katabi niya ang apat at magli-limang taong gulang na anak na kasalukuyan niyang tinititigan habang natutulog. Napapangiti ang labi niya. Hindi maikakailang anak niya ang batang ito dahil sa malaking pagkakahawig nila. Katulad niya, gwapo ang anak niya bukod pa roon ay matalino at bibo rin itong bata. Lumipas ang sandali ay tumingin si Tattred sa bintana na nasa kwarto niya. Bukas pa rin iyon at mula sa labas ay nakita niyang madilim na ang kalangitan at may nagkalat na mga bituin. Huminga siya ng malalim. “Sumapit na naman ang gabi,” malungkot na wika ni Tattered. Sa totoo lang ay ayaw ni Tattered ng gabi. Sa tuwing sasapit ito, nakakaramdam siya ng sobrang lungkot. Isang pangyayari kasi ang kanyang naaalala sa tuwing sasapit ang gabi. Isang mapait na alaala na hanggang ngayon ay nagbibigay sa kanya ng sobrang kalungkutan at sakit. Alaalang gusto na niya sanang kalimutan ngunit hindi niya magawa dahil tila isa itong tattoo na nakatatak sa kanyang puso’t-isipan na hindi basta-basta mabubura. Muli na lamang napahinga nang malalim si Tattered. Magkasabay na naglalakad nang mabagal sila Tattered at Yen. Nasa loob sila ng malawak na park. Madilim na ang langit kaya hindi na masyadong matao. Ipinagdiriwang nila ngayon ang ikalima nilang anibersaryo bilang magkasintahan. Napapatingin si Tattered kay Yen. Nagtataka siya kung bakit ito tahimik dahil sa totoo lang, may kadaldalan ang kasintahan niya na kanyang gusto sa ugali nito dahil lahat ng kwento nito, kundi nakakatawa ay nakakamangha. Isa pa, medyo tahimik din siyang tao at nagiging madaldal siya kapag kausap ang nobya. Hindi lang naman ito ang unang beses na napansin ni Tattered ito. Noong mga nakaraang araw din ay tahimik rin ito kapag magkasama sila. Kung tatanungin niya ay one liner lang ang nagiging sagot at tila wala itong kagana-gana na kausapin siya na labis niyang ikinatataka ngunit hindi na lang niya masyadong binibigyan ng pansin. Bukod pa roon, ramdam niya ang panlalamig nito na hindi na lamang din niya binibigyang pansin. Ngunit ngayon ay hindi na makakatiis pa si Tattered sa kakaibang ikinikilos ng kasintahan. Hindi kasi siya sanay na ganito ito. “Love,” pagtawag ni Tattered kay Yen. Sandali namang napatingin si Yen sa kanya ngunit bumalik din ang tingin nito sa nilalakaran. “May problema ka ba? Ilang araw ko na rin kasing napapansin ang pag-iiba mo,” lakas-loob nang pagtatanong ni Tattered sa nobya. “Nakakapagtaka lang sa parte ko kasi hindi ka naman dating ganyan kaya naisip ko na baka may dinadala kang problema.” Ngumiti pa siya ng tipid. “Pwede ko bang malaman kung ano?” dugtong pa sa sinasabi ni Tattered. “Kasintahan mo ako kaya pwede mo akong sabihan ng mga problema mo,” aniya pa. Napahinto na lamang si Tattered sa pagsasalita nang bigla ring huminto sa paglalakad si Yen. Humarap at tumingin ito sa kanya ng diretso na medyo ikinagulat niya kaya napahinto din siya at hinarap ang nobya. Napansin niya ang kalungkutan sa mga mata nito na labis niyang ikinataka. “Bakit?” nagtatakang tanong ni Tattered. “May problema ka ba talaga?” tanong niya pa. Huminga nang malalim si Yen. Tinitigan nito ang chinitong mga mata ni Tattered. “Tattered… T-Tapusin na natin ito,” malumanay na wika ni Yen. Magandang babae si Yen kaya naman hindi malayong magustuhan siya ni Tattered. Pero higit roon, mabait at talaga namang maalaga siya kaya naman mas lalong napamahal sa kanya si Tattered. Bumakas ang pagkalito sa gwapong mukha ni Tattered. “Tapusin? Tapusin ang alin?” nalilitong tanong niya. “Ito bang date natin? Bakit? Pagod ka na ba?” pagtatanong niya pa. “Sige kung gusto mo ay umuwi na tayo,” aniya pa. Nagbaba nang tingin si Yen. Huminga siya ng malalim. Maya-maya ay tiningnan niya ulit ang nobyo ng diretso sa mga mata nito. Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha. “Tapusin na natin ang relasyon nating dalawa. Maghiwalay na tayo,” malamig na sabi ni Yen na parang bombang sumabog sa harapan ni Tattered. Nanlaki ang mga chinitong mata niya sa gulat sa kanyang narinig mula sa labi ni Yen. Hindi niya inaasahang maririnig iyon sa mismong mahal niya at sa mismong araw pa ng kanilang anibersaryo. “A-Ano? Nagbibiro ka ba? Bakit mo ba sinasabi sa akin ‘yan-” “Hindi ako nagbibiro.” Pinutol ni Yen ang sinasabi ni Tattered. “Gusto kong maghiwalay na tayo,” aniya pa. “P-Pero bakit? B-Bakit gusto mong maghiwalay na tayo?” tanong kaagad ni Tattered sa garalgal na tono. Naguguluhan siya dahil biglaan ang lahat sa kanya. Nangingilid ang mga luha niya sa kanyang mga mata at gumuhit din doon ang kirot na nararamdaman niya. Nagbaba nang tingin si Yen. Nangingilid din sa luha ang mga mata niya. Hindi siya sumagot. Aminado siyang nasasaktan sa ginagawang ito pero kailangan niyang gawin. “Please! Bigyan mo naman ako ng sagot kung bakit gusto mong maghiwalay tayo,” mariing pakiusap ni Tattered. “Bigyan mo ako ng magandang rason kasi kung wala lang kung bakit gusto mong maghiwalay tayo… hindi ako papayag sa kagustuhan mong hiwalayan ako. Hindi talaga ako papayag,” madiin na sabi pa ni Tattered. Nanginginig ng boses at katawan niya. Hindi pa rin sumagot si Yen. Tuluyang tumulo ang luha nito. “Love naman! Bakit mo ba gustong maghiwalay na tayo? May nagawa ba akong hindi mo gusto? May iba ka na ba? May iba na bang tinitibok ang puso mo ngayon?” mga tanong ni Tattered. Naluluha ang mga mata niya. Wala pa ring sagot si Yen. Tuloy lamang ito sa pagluha. “Love naman! Five years na tayo… five years ang naging pagsasama nating dalawa. Marami na tayong pagsubok at kalungkutan na nalagpasan at masasayang alaala na binuo natin sa loob ng limang taon tapos sa isang iglap ay itatapon mo na lang ng napakadali?” nasasaktang sabi pa ni Tattered. Lumuluha na ito dahil sa totoo lang, sobra itong nasasaktan, si Yen ang kauna-unahang babaeng minahal niya. Ito ang lahat ng first sa buhay pag-ibig niya. “Si Ripped? Iiwan mo na rin ba siya? Iiwan mo na rin ba ang anak natin? Paano na siya? Siguradong hahanapin ka niya,” ani Tattered sa gitna ng pagluha. Si Ripped, ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Isang taon pa lang ang relasyon nila noon ng biyayaan sila ng anak. Hindi man sila kasal pero hindi naging hadlang iyon para bumuo sila ng sariling pamilya. May mga tutol man dahil mga bata pa sila noon ngunit hindi sila nagpapigil kaya natanggap rin ng lahat ang meron sa kanila. Wala pa ring naging imik si Yen. Patuloy ang paghikbi nito. “Please naman… sumagot ka naman sa’kin kasi hindi ako matatahimik nito hangga’t hindi ko alam ang mga dahilan mo kung bakit gusto mong maghiwalay na tayo,” desperadong pakiusap pa ni Tattered kay Yen. Napapakagat-labi na ito para mapigilan ang lalong pagluha ng kanyang mga mata. Napapatingin na sa kanila ang ibang tao na nadadaanan sila dahil nasa gitna pa sila ng daan pero balewala lamang sa dalawa iyon. “O baka naman ng tunay na sekswalidad ko ang dahilan kaya gusto mong maghiwalay na tayo,” ani pa ni Tattered. “Bakit? Nagsawa ka na ba sa half-half? Gusto mo na ng straight na lalaki, ganun ba?” pagtatanong pa niya sa mapait na tono. Muling tiningnan ni Yen si Tattered. “Kailanman ay hindi naging isyu sa akin ang tunay na pagkatao mo. Tinanggap at minahal kita kung sino ka man,” pagtatanggol niya sa kanyang sarili. “Kung ganun ay bakit ka nakikipaghiwalay sa akin? Anong dahilan mo?!” Hindi na napigilan ni Tattered na pagtaasan ng boses si Yen. Bisexual si Tattered pero sa panahong ito, mas nangibabaw ang pag-ibig niya sa babae kaysa sa lalaki. Malaki ang pasasalamat niya na natanggap iyon ni Yen kasi sa totoo lang, mahirap makuha ang pagtanggap lalo na sa lipunang hindi pa lubos ang pagtanggap sa ganito. Kahit ang mga taong nasa paligid nila ay tanggap ang pagkatao ni Tattered at hindi naman ikinahiya iyon ni Tattered sa lahat. Hindi na naman sumagot si Yen. Nakatingin lang siya kay Tattered. “Love, sabihin mo sa akin kung may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan. Sabihin mo sa akin at babaguhin ko. Kung may mali akong nasabi sayo ay sabihin mo sa akin at babawiin ko at papalitan ko ng magaganda at tamang salita,” pakiusap pa ni Tattered. “Love, ano bang mali? May mali ba sa akin? May mali ba sa pagsasama nating dalawa kaya ayaw mo na?” mga tanong pa ni Tattered. In his twenty-six years of existence here on earth, ngayon lamang siya nasaktan ng ganito katindi. Nananatiling walang imik si Yen. “Love please naman!” Naiinis na si Tattered dahil sa pagiging tahimik na naman ni Yen. “Huwag mo namang gawin sa akin ito! Huwag tayong maghiwalay! Huwag mo naman kaming iwan ng anak mo,” sunod-sunod na pakiusap ni Tattered. “Mahal na mahal kita… namin ng anak mo. Huwag mo naman kaming basta-basta na lamang iwanan at ipagsawalang-bahala,” umiiyak na sabi ni Tattered. Nagmamakaawa na siya. Hinawakan niya ang kanang kamay ni Yen na patuloy lamang sa pagluha. Mahigpit niya iyong hinawakan. “Kapit lang tayo please. Kung may problema ay solusyunan natin ng magkasama. Kung may mali man ay itama natin ng sabay. Love… Hindi ko kayang mawala ka… alam mo naman na mahal na mahal kita, Yen Delos Santos,” ani pa nito habang titig na titig sa nobya. Tumitig kay Tattered ang luhaang mga mata ni Yen. Kita ang sakit sa mga mata nito. Pero buo na ang desisyon niya. Ngumiti siya ng mapait. Dahan-dahang tinanggal ni Yen ang nakahawak na kamay ni Tattered sa kanya na ikinatingin nito doon. Mas lalong nasaktan ang huli sa ginawa nito. “I-I’m sorry,” garalgal ang boses na paghingi ng sorry ni Yen saka niya dahan-dahan siyang naglakad. Tila bumagal ang takbo ng kilos sa paligid nang lagpasan ni Yen si Tattered. Natulala naman si Tattered na mas lalong bumuhos ang luha mula sa kanyang mga mata. “Love!!!” malakas na hiyaw ni Tattered. Nilingon niya si Yen. Nakikita niya ang likod nito habang naglalakad nang mabagal palayo sa kanya “Hu-huwag mong gawin ito! H-Huwag mong gawin… pakiusap!” humahagulgol na sambit niya pa. Nanghina ang mga tuhod ni Tattered kaya naman napaluhod siya sa lupa habang nakasunod pa rin ang tingin kay Yen. Patuloy na lumuluha ang kanyang mga mata. Mas lalong bumuhos ang luha ng sakit at pagdurusa ni Tattered. Sobrang sakit na ‘yung taong labis niyang minahal ang siya pa lang mananakit din sa kanya ng lubusan. Nagsimulang pumutok ang makulay na firework display na nagbigay ng liwanag sa madilim na langit. Ito ang main event ngayon sa park at papanuorin sana nina Tattered at Yen habang nakaupo sa patag na bermuda grass at sa tabi ng lawa ngunit hindi na nila ito na-enjoy pang panuorin dahil sa biglaang break-up nilang dalawa. “Masaya naman kami. Wala kaming problema at smooth lang ang meron sa aming relasyon pero bakit humantong sa ganito ang lahat? Ano bang nangyari? Bakit… bakit… bakit nagwakas sa ganito ang lahat?” Mapait na ngumiti si Tattered. Nakatayo na siya ngayon sa harapan ng bintana. Tapos na naman niya maalala ang mapait na pangyayaring iyon sa buhay niya. Simula noon ay hindi na nagpakita pa si Yen. Hinanap niya pa rin ito sa kung saan-saan. Pinuntahan pa niya sa bahay nito ngunit kahit na ang mismong malalapit na tao sa buhay nito ay hindi alam kung nasaan siya. “Hindi nga ba nila alam o baka naman tinatago lang siya mula sa’kin?” ‘Yun ang hindi niya alam at matagal na rin niya iyong tanong sa sarili niya. Kung saan-saan hinanap ni Tattered si Yen. Lahat ay ginawa niya para lang muling makita ito ngunit nabigo lamang siya. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang mga nangyari dahil biglaan sa kanya ang lahat. Walang narinig ni isa na dahilan si Tattered mula kay Yen kung bakit siya nito iniwan kaya naman hanggang ngayon ay clueless pa rin siya. Iniisip na lamang niya iyong mga sariling dahilan na pwedeng maging isa sa mga dahilan nito para kahit papaano’y maka-move on na siya dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka mabaliw lang siya at maapektuhan pa si Ripped na ayaw din naman niyang mangyari. Hindi na rin alam ni Tattered kung babalik pa ba ito sa buhay niya. Hinihiling nga niya na sana, bumalik ito kahit man lang para sa anak nilang naghahanap at nangungulila sa kanya. Ang hirap rin kasing i-comfort ng kanyang anak sa tuwing nalulungkot ito dahil wala ang mama niya. Unti-unti na rin naman natatanggap ni Tattered ang lahat. Kailangan tanggapin para hindi na siya malungkot at masaktan pa. Kinakalimutan na rin niya ito kahit paunti-unti. Ibinubuhos niya ang kanyang atensyon sa trabaho at sa pag-aalaga sa nag-iisang anak na si Ripped. Kahit papaano, epektib iyon sa kanya dahil unti-unti na rin naman siyang nagiging masaya kahit na may pait pa rin siyang nararamdaman. “Mamahalin ko si Ripped at ang aking sarili ng higit pa sa binigay kong pagmamahal para sa kanya. Iyon na ang mahalaga sa akin ngayon.” Tipid na lamang napangiti si Tattered. Tumingin ulit siya sa kanyang anak na mag-isang nakahiga sa kama nila. Mahirap maging isang single parent pero nakayanan ni Tattered at alam niyang makakayanan pa niya sa mga susunod na panahon. Maya-maya ay napatingin si Tattered sa kanyang smartphone na nakapatong sa may mesa na nasa tabi ng kama dahil nakita niyang umiilaw iyon. Umalis siya sa harapan ng bintana at kinuha niya iyon mula sa bedside table saka sinagot ang tawag. “Good evening, Sir. Bakit kayo napatawag?” pagbati at tanong ni Tattered sa boss niya na siyang tumawag sa kanya. “Mr. Dela Cruz, ipapaalala ko lang sayo ‘yung pinagawa ko. Tapos mo na ba?” tanong nito mula sa kabilang linya. Ngumiti naman si Tattered. “Kanina pa, Sir. Huwag kayong mag-alala. Ibibigay ko sa inyo first thing in the morning,” paniniguro niya. Isa siyang VM o visual manager sa isang malaking kumpanya. Clothing company ang pinapasukan niya. May kalakihan ang kanyang sweldo ngunit kailangan pa rin niyang kumayod ng todo para kay Ripped na mag-aaral na next year. “Good! Sige magkita na lang tayo dito sa office bukas. Bye,” bilin at pagpapaalam na ng boss ni Tattered si Mr. Raymond Hernandez. “Sige, Sir. Bye,” pagpapaalam na din ni Tattered. Ibinaba na ng boss ni Tattered ang tawag. Huminga nang malalim si Tattered. “Makatulog na nga,” ani Tattered. Hinubad nito ang suot na sando dahil sanay itong matulog ng nakahubad at tanging boxer short lang ang suot. Lumitaw tuloy ang malaki at magandang hubog ng katawan niya na bunga ng paminsan-minsang pagbubuhat niya sa gym. Pantay at maganda ang porma ng malapad niyang balikat. Malaki ang kanyang mga braso. Maumbok ang kanyang dibdib na may pares ng brownish na mga u***g. Mayroon siyang matitigas na six pack abs. Wala siyang suot na brief kaya naman bumubukol sa boxer niya ang kanyang junior na kahit malambot ay malaki na. Maganda rin at malaki ang hubog ng mga hita at binti nito. Matambok ang likuran niya na bumagay sa kanyang magandang hubog. Hindi siya mabalbon kaya naman tama lang ang kapal ng kanyang mga kilay na maitim at tama lang ang haba ng kanyang mga pilik-mata. Manipis lang din ang kanyang bigote at balbas saka manipis lang din ang buhok niya sa kili-kili at binti. Bumagay ang magandang anyo ng kanyang katawan sa gwapo niyang mukha na ang ganda ng jawline. Chinito ang kanyang mga mata, matangos ang ilong niya at may kanipisan ang medyo maputla niyang labi. Makinis rin ang moreno niyang balat mula ulo hanggang paa at sa taas niyang five-eleven, aakalaing star player rin siya ng basketball kahit na sa totoo lang, hindi siya nahilig sa larong iyon pero medyo marunong naman siyang maglaro. Sinuklay ng mga daliri sa kamay ni Tattered ang medyo mahaba niyang buhok. Huminga din siya ng malalim. Aminado siyang nagwagwapuhan sa sarili pero minsan napapaisip siya dahil sa ginawa ni Yen. ‘Kaiwan-iwan ba ako? Hindi ba ako kamahal-mahal?’ Mga minsang naging tanong ni Tattered nung mga panahong nagluluksa ang puso niya ng dahil kay Yen. Napakibit-balikat na lamang si Tattered. Lumapit na lamang siya sa kama at humiga na para matulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
630.7K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
20.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
60.6K
bc

NINONG III

read
384.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
279.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
46.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook