Abala si Tattered na binibihisan ang mga mannequin na nasa harapan ng isang boutique store. Nasa isang branch sila ngayon ng isa sa mga clothing shop na pinagtatrabahuhan niya at bilang visual manager, trabaho niya ang magbihis ng mga mannequin na naaayon sa latest trend ngayon sa fashion at collection ng kanilang kumpanya. Hindi lang naman siya ang nandito ngayon, kasama pa niya ang iba pa niyang co-VM. “Yo, Tattered!” Si Harold na hindi namalayan ni Tattered na nakalapit sa kanya. Kasama rin niya ito ngayon at ito naman ang bahala sa visual display ng store. Nilingon ni Tattered si Harold. Ningitian niya lang ito saka ibinalik ang tingin sa binibihisang mannequin. “Kumusta ka naman? Kayo ni Rohem?” pagtatanong pa ni Harold saka siya humalukipkip. “Tuloy pa rin ba ang pagpapawalang-bis