“Pasensya ka na kay kuya. Minsan talaga ay maloko ‘yun at matanong,” paghingi ng sorry ni Rohem kay Tattered na nakaupo sa may passenger seat. Panaka-naka niya itong tinitingnan habang nagmamaneho siya. Nakasakay sila sa kotse at binabagtas ang daan pabalik sa apartment ni Tattered. Hindi sana magpapahatid si Tattered pero pinilit siya ni Rohem kaya siya napapayag na lang. Naalis ang tingin ni Tattered sa labas ng bintana saka tiningnan si Rohem. Umangat ng kaunti ang sulok ng kanyang labi. “Okay lang. Ganun naman ang mga kuya,” wika ni Tattered. Tipid na ngumiti si Rohem. “Masarap rin siguro magkaroon ng kuya. Ako kasi ay nag-iisang anak lang kaya wala akong kapatid. Hindi ko rin naman naranasan magkaroon ng kuya kahit man lang sa hindi ko kadugo,” ani pa Tattered. Sandaling napatin