Nakatayo sa harapan ng malaking salaming bintana si Rohem. Nakatingin siya sa labas kung saan nakikita niya ang malawak na bakuran. Kasing lalim ng gabi ang kanyang iniisip. Napapaisip si Rohem sa mga nangyayaring kakaiba sa kanya sa tuwing kasama si Tattered. Hindi na niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit nangyayari ang mga kakaibang iyon na sinamahan pa ng mga kakaiba niyang nararamdaman. Aminado si Rohem na ngayon lamang nangyari ang mga kakaibang iyon sa kanya, pati ang kanyang mga kakaibang nararamdaman na sa totoo lang ay hindi niya maipaliwanag kung bakit. Sa tuwing kasama niya si Tattered ay aminadong sumasaya si Rohem. Kapag may ginagawa ito, kahit simpleng pagtitig lang ay nagdudulot sa kanya iyon ng hindi maipaliwanag na pagkabog ng dibdib na nagiging sanhi ng kanya