CHAPTER 11

2093 Words

Nasa loob ng malawak na dining area ng mansyon sila Sandblast, Rohem at Tattered. Nakaupo sa upuan na nasa gitna si Sandblast habang sa kaliwa namang upuan si Tattered at sa kanan kaharap niya si Rohem. Nakahain sa mahabang mesa ang samu’t-saring pagkain. Iba’t-ibang putahe ng ulam at panghimagas ang siyang inihain sa mesa. May kanin rin na dalawang klase, isang puti at isang brown. Mistulang buffet dahil sa dami ng nakahandang pagkain. “Kumain ka pa at magpakabusog,” wika ni Sandblast kay Tattered. Tiningnan ni Tattered si Sandblast. Ngumiti siya. “Sige. Mukha ngang mapapadami ang pagkain ko nito dahil ang dami kasing pagkain at mukhang ang sasarap,” aniya pa. Napangiti naman si Sandblast sa sinabi ng binata. “Talagang masasarap ang mga ‘yan dahil ipinaluto ko ang lahat ng ‘yan sa chef

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD