Paalis na si Rohem ng mansyon nang makasalubong niya ang kanyang kuya na si Sandblast na papunta naman sa sala at seryoso ang mukha. Napansin niya ang hawak nitong folder na hindi niya alam kung ano ang nilalaman. Huminto sa paglalakad si Rohem. “Kuya, aalis na muna ako,” pagpapaalam niya kay Sandblast. Huminto din sa paglalakad si Sandblast at tumayo sa harapan ng bunsong kapatid. “Saan ka naman pupunta?” pagtatanong niya habang salubong ang kilay. Napangiti si Rohem. “Kay Tattered,” diretsahang sagot niya. “Day off kasi niya ngayon kaya sure ako na nasa bahay niya ‘yun,” nangingiting sabi pa nito. “Paano mo naman nalaman na day off niya at kung saan ang bahay niya?” tanong ni Sandblast sa nagtatakang tono. “Don’t tell me… pinapasundan mo siya?” tanong niya pa. Mas lalong napangiti s