CHAPTER 15

1444 Words

“Ikaw ba, Kuya? Nagmahal at nasaktan ka na ba ng sobra?” tanong ni Rohem. “Naramdaman mo na ba ‘yun, ha, Kuya?” pagtatanong niya pa ulit. Natahimik si Sandblast at hindi kaagad nakapagsalita. Napatitig lang siya sa bunsong kapatid na sinasalubong naman ang pagtitig niya. “Kuya, tinatanong kita-” “Ikaw ang pinag-uusapan natin dito kaya huwag mo akong tanungin at ibaling sa akin ang usapan,” mabilis na wika ni Sandblast. Tumingin siya sa ibang direksyon. “Nagtatanong lang naman ako,” wika naman ni Rohem. ‘Talagang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa buhay pag-ibig niya. Ang daya niya, ah! Open naman siya sa ibang bagay, halos lahat nga ng nangyayari sa buhay niya ay alam ko kasi nagkwekwento siya maliban lang talaga sa buhay pag-ibig niya. Hay! Kapag usaping puso, mailap ka, Kuya. Hala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD