CHAPTER 18

986 Words

“Kuya, gusto ko ng magtrabaho,” ani Rohem na ikinagulat ni Sandblast. Nanlalaki ang mga mata na napatingin ito sa nakababatang kapatid. “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Sandblast na titig na titig kay Rohem na nakaupo sa single sofa. Tumango-tango naman si Rohem saka tipid na napangiti. “Teka… nilalagnat ka ba?” tanong pa ni Sandblast sabay lapit sa kapatid at sinalat-salat ang noo nito. Pilit namang umiiwas si Rohem saka inaalis ang kamay ng kuya niya na nakasalat sa noo niya. “Wala akong lagnat. Sinabi ko lang na gusto ko ng magtrabaho, nilalagnat na?” sabi at tanong ni Rohem saka umismid pa. Binitawan ni Sandblast ang noo ni Rohem. “Eh sa nakakabigla naman kasi ‘yang sinabi mo,” aniya. Bahagyang lumayo na ito sa kapatid at bumalik sa pagkakaupo sa mahabang sofa at hinawak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD