“Good Morning, guys!” masayang pagbati ni Gino sa mga staff niya na nasa loob rin ngayon ng office ng visual department. Siya ang pinaka-head ng department na ito ng kumpanya. Lumingon at napatingin naman kay Gino ang lahat kabilang na doon sila Tattered at Harold na napatigil sa kanya-kanyang ginagawa sa kanilang office desk. “Pwede ko bang makuha sandali ang mga atensyon ninyo at lumapit muna kayo sa akin. May mahalaga akong sasabihin,” pakiusap niya pa sa lahat. Isa-isa namang tumayo at nagsilapitan ang lahat kay Gino. Isa-isang tinapunan nang tingin ni Gino ang mga kasama niya sa trabaho. “Simula sa araw na ito ay may bago tayong makakasama dito sa department,” aniya na pinagsimulan ng bulong-bulungan. Pinag-uusapan nila kung sino ang bago nilang makakasama. “May bago,” bulong ni