Matuling lumipas ang oras. Hindi namalayan ng karamihan na tapos na ang oras ng trabaho at oras na para umuwi. “Oh, Paano? Mauna na ako at may pupuntahan pa ako,” pagpapaalam ni Harold kay Tattered at Rohem. Sabay-sabay silang lumabas mula sa building at magkakaharap na nakatayo sa harapan nito. “Bata ka pa para mauna,” pabirong sabi ni Tattered kay Harold. “F*ck you!” natatawang sighal ni Harold kay Tattered. “Sige na! Ba-bye na sa inyo,” pagpapaalam niya ulit sa dalawa. Tumango-tango na lamang sila Tattered at Rohem pagkatapos ay sumibat na si Harold palayo sa kanilang dalawa. Tiningnan ni Tattered si Rohem. “Ikaw? Uuwi ka na ba? O baka may pupuntahan ka pa?” magkasunod na tanong ng una sa pangalawa. Tumingin din si Rohem kay Tattered. Iniling niya ang kanyang ulo. “Wala na akong