Seryoso ang mukha at hindi man lamang namamansin. Iyon ang kanina pa napapansin ni Rohem kay Tattered habang pinagmamasdan niya ito mula sa malayo. Ewan ba ni Rohem pero kanina pa mistulang aburido si Tattered lalo na kapag nagagawi ang tingin sa kanya na mabilis ring iiwas nang tingin. Lahat naman ng tao sa office ay pinapansin at kinakausap nito pero siya, hindi at sa totoo lang, nakakaramdam siya nang inis dahil doon. “Ano bang problema niya? Nakakainis siya, ah.” Nagbuga na lamang ng hininga si Rohem. Iniwas niya ang tingin kay Tattered. “Wala naman akong magagawa kung hindi niya ako pansinin at kausapin. Baka magalit pa siya kung magpapapansin ako sa kanya. May sarili siyang buhay at hindi ko naman iyon kontrolado kaya hindi ko rin siya mapapasunod na pansinin at kausapin ako,” pat