Nasa loob ng cafeteria dito sa office si Rohem. Mag-isa lang siyang nakaupo sa isang pandalawahang mesa. Wala siyang kasama dahil si Tattered ay kinakausap ng head nila at si Harold naman ay may tinatapos pang report na kailangang ipasa. ‘Yung sa kanya kasi ay mabilis niyang natapos kaya nakapag-break na rin siya. Huminga nang malalim si Rohem habang pinaglalaruan niya gamit nang hawak niyang tinidor ang spaghetti na inorder niya kanina. Kaunti pa lang ang nakakain niya dahil sa totoo lang, wala siyang gana dahil sa mag-isa lang siya. ‘Yung iba naman niyang kasamahang narito rin sa cafeteria ay hindi naman niya ganoon pa ka-close kaya naman nahihiya siya kung bigla na lamang siyang makikisabay sa mga ito. Ewan ba niya kung kailan pa siya tinubuan ng hiya gayong ang pagkakaalam niya sa kan